bc

Monty's Gift

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
mystery
superpower
like
intro-logo
Blurb

A college student who appears to see the dead is being hunted by unseen forces. Until one day, he met some old man who seemingly gave him a token for being kind-hearted. This is the start where everything twitched in most unexpected ways became the most hunted being not only because of his powers, abilities but also because of his past.

chap-preview
Free preview
Monty's Gift
Salem, Philippines. 2001. "Mors, Monstro, Natura. Mors, Monstro, Natura. Mors, Monstro, Natura." Pag chant ng babae sa kaharap nitong lalake. "Inutil!! Kahit kaylan hindi ka na natuto!" Tugon nito habang nag hahantay sa nagbabadyang pag atake ng kaharap nyang babae. Binabalot ang madilim na bahagi ng kalsadang ito ng liwanag kasabay ng pagsambit ng babae. "Kaylangan kitang mapigilan. Kung ito lang ang paraan. Gagawin ko maligtas ko lang ang mga anak ko." "Isasama naman kita kung saan mo ako daalihin. Talunan ka pa rin!!!" Pagsambit ng lalaki habang aatake na sa babaeng nasa harap nya ngayon. Gumawa sya ng kanyang proteksyon gamit ang pagbuo ng mga hugis sa kanyang kamay. "Mors, Monstro, Natura. Mors, Monstro, Natura. Mors, Monstro, Natura." Nag karuon ng malakas na pag hangin, at maririnig mo ang iyakan ng dalawang bata sa may basket. Sila ay nababahala sa mga nangyayare. "Porele!!!" Sigaw ng lalaking naka itim sabay ng pag kawala ng ilaw sa kanyang kamay. Agad namang nasalag ito ng babaeng may dugo na sa labi. Nagtatama ang mga liwanag na nakawala sa kanilang kamay. Sa pagkahina ay hindi na kinaya ng babae at napatalsik ito sa malayo dahilan para mapalayo sya ng ilang metro sa mga anak nyang nasa basket. Napupuno ng katahimikan. Nanlulumo ang babae dahil palapit na ng palapit ang lalaking naka itim sa kanyang mga anak. "Hindi ka na talaga natuto. Ikaw nga ang pinag kaluoban ng nakapa lakas na kapangyarihan pero kahit kaylan hindi mo ito kayang gamitin" Sabi nya habang binuhat ang basket na nanlalaman ng dalawang sanggol. "Nawa'y mabatid mo na ang aking gagawin ay para sa nakararami. Kapalaran ng nawawalang piraso na wasakin ang buong mundo. Ako ay sanang maintindihan kapatid ko?" "Paano kung kaya pa rin natin baguhin ang nakatakda? Sa kapangyarihan ko at kaalaman mo, walang impossible kuya!" Daing ng babaeng nasa sahig. Makikita mo sa kanya na nanlulumo sya sa mga nangyayri. Alam nya ang propesiya, alam nya na hindi na ito mababago, ngunit hindi nya rin alam kung hanggang saan ang limit ng kanyang kapangarihan. Kung ang kapangyarihan nya ay sapat nga ba upang baguhin ang mga nakatakda, hindi nya alam: at yun ang kanyang kahinaan. "Kung ganun lamang kadali ang lahat, hindi tayo aabot sa ganito. Kung sana hindi ko na rin tinago sayo ang propesiya naprotektahan kita sa lahat; akala ko yun ang aking ginagawa sa paglilihim sayo." Tanging saad nito. Ayaw nyang tapusing ang buhay ng nag iisa nyang kapatid dahil sa pangako nya kanilang magulang, ngunit ito lang ang nakikita nyang paraan. "At para ano? Iligtas ang mga tao? Mga mortal? Mga taong tinuring tayong hayop? Mga taong tingin sa atin ay parang atraksyon lamang sa karnival?! Matapos nila tayong pandirihan, kasuklaman at isumpa pagkatapos ng lahat ng kabutihan ta pag tulong sa kanila?! Akong iyong kapamilya ay iyong papaslangin?!" Sumbat nito, "Kung ang paglitas sa bilyong bilyong buhay ang kapalit jitong aking gagawin, nawa'y sana mapatawad mo ako aking kapatid." Malungkot nitong saad. Papatayin na sana nito ang mga bata ngunit... *snap* Nagulat ang lalakeng naka itim dahil naglaho ang kanyang kalaban na nakahandusay sa harapan nya. Hinanap nya ang paligid, ngunit hindi nya sila mahanap. Isang ilusyon lamang ang lahat. Hangang sa lumitaw ang isang liwanag na nakalutong sa ere. "Maaring kulang ako sa kaalaman kung paano gamitin ang kapangyarihan ko, pero na sobra ka naman sa salita." Sabi ng babaeng may dugo sa labi. Gulat ang bumabalot sa mukha ng kanyang kalaban, naisahan sya ng inaakala nyang inutil. Bumuo ang babae ng bilog mula sa kanyang kamay at mula duon lumabas ang nakakabulag na liwanag na bumalot sa lalake. "Mors, Monstro, Natura. Mors, Monstro, Natura. Mors, Monstro, Natura!" Sumigaw naman ang lalaki sa loob ng bolang nagliliwanag habang nilalamon sya nito. "Hindi, hindi mo alam ang iyong ginagawa!!! Hindi!!!" Tanging sigaw nito sa babaeng nag kulong sa kanya sa nagliliwana ng bola. Alam ng babaeng kasabay ng pagsabog ng liwanag ay kasama syang maglalaho sa mundong ito. Ngunit para sa kanyang mga anak, haharapin nya ito. "Ibibigay ko sayo anak ko ang piraso ng akong kapangyarihan. Ito ang iyong regalo at sumpa. Naway gabayan ka at iligtas ka ng aking pamana." Matapos bangitin ang mga katagang iyo ay lumutang ang dalawa at tuluyan ng nilamon ng liwanag. Naiwan sa lupa ay ang dalawang sanggol sa basket. Umiiyak at nag iisa. Sa pangyayating ito, nabuhay ang nawawalang piraso. Ang propesiya ay nagsimula na. Nakataya ang kapalaran nga mundo sa nawawalang piraso. Kung ito ay guguho o hindi. Ang Propesiya Ang Nexus ay hindi sinilang bagkus sya ay pinanday. Hindi nya kinakailangan ng ibang katayuaan o kapangyarihan. Sya ang pinakamalakas na hiyas sa lahat ng hiyas. Huhubugin nya ang pinamalakas na kapangyarihan sa buong kalawakan. Sya ay maaring narito upang isalba ang sanlibutan ngunit, kapalaran nyang wasakin ang buong mundo. Monty's Gift by adaptedbymrMillagher Date Started: August 18, 2023 Publish Date: August 18, 2023 Date of Completion: TBA

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

NINONG III

read
354.1K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook