"Mommy..." nakangiting muling tawag ni Stanli sa ina na noo'y kaharap na nilang dalawa. Pigil ni Yanah ang paghinga habang hinihintay ang reaksyon nito. Nakapulupot sa beywang niya ang isang kamay ni Stanli ngunit pakiramdam niya ay nag-iisa siya nang mga sandaling 'yon. Nanlalambot ang mga tuhod niya sa sobrang kaba at nerbiyos. Ang sabi ni Stanli ay nasa 50s na raw ang mommy nito. But she looked ten years younger for her age. Napakasopistikada ng dating. Donyang-donya. At napakaganda nito: metiza, kahit mukhang mataray dahil sa mga nakaarkong kilay. No wonder kung bakit napakagandang lalaki rin ni Stanli. Kuhang-kuha ang features nito sa mommy nito. Bigla tuloy siyang napaisip kung ano ang hitsura ng daddy ni Stanli. Wala pang napapakitang litrato nito si Stanli sa kaniya pero alam ni

