AWTOMATIKONG napabalikwas ng bangon si Yanah nang marinig ang pag-click ng pinto ng kuwarto niya. Bumukas iyon at dere-deretsong pumasok si Sir Li na ngumiti nang makita na siyang gising. May dala itong puting paper bag. Nakabihis na ito ng pang-alis. Saka niya lang naalalang i-check ang oras. Alas-otso na pala ng umaga. "Good mo--" "N-Naku, Sir Li. Pasensya na kayo tinanghali pala ko ng gising," aniya saka tarantang bumaba ng kama. Agad siyang nagderetso sa banyo para ayusin ang sarili. Sinasabi na nga ba. Pinilit dapat niyang matulog kagabi. Pero paano nga ba niya mapipilit ang sarili kung kusang naglalaro sa isip niya nang paulit-ulit ang nangyari kagabi? Panay din ang pangangarap niya na sana'y maulit iyon, na katabi niya sa pagtulog si Sir Li. Kahit sa panaginip nya ay parang sumagi

