"SIR, may naghahanap po sa inyo sa labas." Natigilan sa pag-aayosbng gamit si Stanli nang sabihan siya ng isa sa mga tauhan niya. Nasa construction site siya maghapon para i-monitor ang kilos ng mga tao niya. Bukod sa minamadali na ng kliyente ang project ay nagmamadali na rin siya. Iyon ang sinabi niya kay Rave nitong nakaraan. After he finished his latest project ay tuluyan na siyang aalis sa partnership nila. Napatingin si Stanli sa wristwatch. It was already 3 : 30 in the afternoon at balak na sana niyang umuwi dahil nakapangako na siya kay Yanah na uuwi ng alas-kuwatro. And he didn't want to break that promise. Pakiramdam niya, magkakasala siya nang malaki rito kapag hindi natupad ang pangako. Ayaw niya ring paasahin si Yanah. What the heck, man! Sigaw ng isang bahagi ng isip niya.

