WALANG nagawa si Yanah kung hindi ikuha ito ng plato at mga gagamitin nito sa pagkain. Muntik pang dumulas sa kamay niya ang plato nang akmang ilalapag na niya ito sa harap nito. Mabuti na lang at maagap na nahawakn ni Sir Li. Hindi siya umimik hanggang sa abutan niya ito ng kutsara at tinidor. Pinagsalin na rin niya ito ng malamig na tubig sa baso. "Thank you, Yanah." Ngumiti si Sir Li sa kaniya na inagot niya lang ng marahang tango saka nagbalik sa pagkain. Minadali na niya ang pagsubo at pagnguya. "Yanah..." muling tawag ni Sir Li sa pangalan niya. Itinakip niya ang isang kamay sa bibig dahil upang hindi nito makita ang pagnguya niya. "M-May ipag-uutos kayo, Sir?" May ilang sandali itong tumitig sa kaniya. Napalunok bago palihim na pinigil ang pagtahip ng kaba sa dibdib. Pero may

