HINDI gaanong traffic nang araw na 'yon kaya mabilis na nakarating ang sinakyang jeep ni Yanah sa mall. Habang nasa biyahe kanina ay naiisip na niya ang kaniyang gustong gawin. Mamimili siya ng ilang personal na gamit niya tulad ng shampoo at sabon sa department store, pagkuwa'y tutungo siya sa bookstore. Gusto niyang bumili ng mga libro. Mula kasi nang mahuli siya ni Sir Li na natutulog sa may library ay hindi na siya muling nagtangkang pumasok ng library para makibasa ng libro. Nahihiya na siya. Pumupunta man siya roon, iyon ay para maglinis na lamang. Isa pa, ayaw na niya sa mga librong naroon. Puro English at wala siyang naiintindihan. Dahil sa sobrang excitement niya ay ipinagpaliban na muna niya ang kumain kahit pa nga medyo nagugutom na ulit siya. Tanda niya kung saang floor naki

