Chapter 18

1307 Words

MAS inagahan ni Yanah ang gising kaysa sa nakagawian niyang oras at agad na sinimulan ang trabaho. Inuna niya ang pagdidilig ng halaman at pagwawalis sa labas ng bahay. Pagkuwa'y sunod niyang v-in-acuum ang sala. Habang gumagawa ng mga gawain ay nasa isip niya ang mga nangyari kahapon. Hanggang ngayon parang nararamdaman niya pa rin ang malakas na sampal ni Ma'am Lalaine sa kaniyang pisngi. At dahil sa pag-iisip ng maaaring mangyari sa kaniya hangga't naroon ito sa bahay ay hindi siya masyadong nakatulog. Pero mahal na mahal nga ni Sir ang babaeng 'yon. Kagabi, nakita niya kung paano nito ito pagsilbihan at sambahin. Napakasuwerte talaga ng babaeng 'yon; bukod sa may pinagpalang mukha ay mayroon ding kasing bait at guwapong mapapangasawang tulad ni Sir Li. Na hanggang pangarap na lamang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD