NANG magising si Yanah ay pamilyar na paligid na nakagisnan niya. Pangatlong beses na siyang nagawi sa ganoong klase ng lugar kaya alam niya kung nasaan siya. Ang hindi niya lang maintindihan, ano'ng ginagawa niya roon? May panibago na naman ba siyang nararamdaman? Naalala niya ang nangyari kanina. Ang tanda niya lang ay bigla siyang natumba. Dahil nahilo siya at nandilim ang paningin niya. "You're awake!" Mula sa gilid niya ay narinig niya ang boses ni Stanli. Agad na umaliwalas ang mukha ni Yanah. "Stanli..." Masaya man siya na nakita ito, naalala niya pa rin ang pangamba. "A-ano'ng nangyari sa 'kin? Bakit nasa ospital ako?" Ngumiti ito saka masuyong hinaplos ang kaniyang buhok. "Wala kang dapat ipag-alala, Yanah. Normal lang ang nangyari sa 'yo. Huwag mong masyadong i-stress ang s

