"HUY!" Bigla na lang inubo dahil sa pagkasamid si Yanah nang sikuhin at agawin ni Melissa ang kaniyang atensyon. Agad niyang dinampot ang baso ng tubig at inubos ang laman niyon. "B-Bakit?" tila wala sa sariling maang niya. Gulat at walang ka-ide-ideya ang kaniyang mga mata nang tumingin dito. "Ano'ng bakit?" Hindi malaman ni Melissa kung matatawa o magtataka nang mga sandaling iyon. "Kanina pa kasi ako salita nang salita rito, pero parang ang layo ng takbo ng isip mo. Iniisip mo 'yong cute na bagong guard na 'manliligaw' mo, 'no?" Gusto niyang mapangiwi nang makita ang kilig sa mukha ni Melissa sa sinabi nitong iyon. "H-Hindi ah." Napailing-iling pa siya. "Sus! Tayo-tayo lang naman nina Sir Li ang nakakaalam. Itinatanggi mo pa." "E hindi naman kasi talaga, Melissa. S-Saka... Hindi

