SUMILIP muna si Yanah sa kusina bago nagpatuloy sa paglalakad. Nang makitang walang tao roon ay mabibilis ang mga hakbang na tumuloy siya at idineretso ang tray sa may lababo. Uminom muna siyang muli ng tubig bago sinimulan ang paghuhugas ng mga pinagkainan niya. Marahan lang ang bawat kilos niya dahil ayaw niyang makatawag ng pansin. Patapos na siya nang maramdamang tila may tao sa kaniyang likuran. Dinahan-dahan niya ang paglingon sa kung sino mang iyon at biglang nahigit ang hininga nang makita si Ma'am Lalaine. Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig sa kinatatayuan. Hindi niya alam ang gagawin. Nabitin din sa lababo ang huling platong binabanlawan niya. "Hi, Yanah." Ngunit ang inaasahan niyang magulong tagpo ay mukhang hindi mangyayari. For the first time kasi mula nang dumatin

