Chapter 20 : Part 1

1352 Words

TAHIMIK habang nasa biyahe na sila pauwi. Kay Melissa bumuntot si Yanah lalo nang mapansin na tila natigilan si Sir Li nang makita ang damit na pinasuot nito sa kaniya. Mukhang pareho sila nito na hindi gusto ang kaniyang suot. Naiilang siya hindi lang dito kung hindi sa lahat ng taong nasalubong nila kanina. Kahit nakatungo siya habang nakasakay sa wheelchair na tulak-tulak ng isang nurse kanina, pakiramdam niya ay pinagtatawanan at kinukutya siya ng lahat. Sa may backseat sila naupo ni Melissa at magkadikit ang mga balikat nila. Ganoon daw para hindi masyado maalog ang ulo niya, alalay din siya nito na matumba, may pagkamahinahon ang takbo ng sasakyan. Kanina pa niya gustong kausapin si Sir Li upang magpasalamat. Pero hindi siya makabuwelo. Saka na lang siguro kapag nasa bahay na sila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD