Blennise POV
"Hello Secretary Lee, cancel all my appointments today. Me and my babe will go to his ob-gyne for an ultrasound schedule today" saad niya habang nandito kami sa sala nakapagbihis na rin kami.
Napag usapan na talaga namin ito kahapon pa at tsaka daw gusto niyang magdate kaming dalawa oh diba ang sweet ng boyfriend ko.
Nakasuot lamang ako ngayon ng medyo loose shirt na kulay light yellow na may pink cupcakes designs. Loose ang sinuot ko para hindi maipit c baby at nakapantalon lang ako pero yung strechable at rubber shoes very casual lang ang suot ko at ganon rin naman siya.
Syempre gwapong gwapo ito sa plain V neck na light yellow nya ring T-shirt at namaong pants lamang ito at naka White Vans na shoes gwapong gwapo ito kahit simple lamang ang suot.
"Okay thank you secretary Lee" saad niya sa kausap saka ibinaba ang tawag tiningnan ako nito at nginitian "Tara na babe" aya niya saakin kaya gumayak na kami papuntang kotse niya.
Actually magpipicnic kami doon sa park na may lake ang ganda daw kasi ng view doon at iyon na rin ang sinasabi niyang date namin kay excited na ako. Inuna na niyang hinakot ang gagamitin at pagkain namin mamaya sa picnic na nilagay niya sa backseat ng kotse.
"Oh dahan dahan lang babe" saad niya at alalay na alalay ito sa pagsakay ko sa loob ng kotse niya kaya napapangiti na lamang ako sa kasweetan niya. He's so damn sweet.
Nang makapasok na ito sa driver's seat ay ito na rin ang naglock ng seatbelt ko at syempre hindi na naman nito napigilang magnakaw ng halik saakin at tatawa tawa lamang itong nagstart magdrive.
Papunta kami ngayon sa personal Ob-gyne ko na empleyado niya sa Hospital niya "Are you excited too na malaman ang gender ng baby natin babe?" tanong niya at bumaling saakin ang tingin ng ilang segundo saka tumingin ulit sa kalsada.
"Yes babe para makabili na rin tayo ng mga gamit niya kasi excited na akong mamili ng gamit ng baby natin" nakangiting saad ko sa kanya na mas ikinangiti rin niya.
Ilang minuto lamang ay nakarating na kami sa hospital at dumiretso na kami sa office ni Doctor Lopez.
Nang makapasok na kami sa loob ng office niya ay kaagad kami nitong binati "Oh good morning Mr. Venoché and Mr. Roda" bati niya saamin ng nakangiti. Well babae siya kaya mas komportable akong magpaultrasound sa kanya.
"Good morning din Doc" saad ko naman at sinuklian ang ngiti niya.
"So Mr. Roda tara na doon sa hospital bed" saad niya at pumunta kami sa hospital bed na nasa dulo lamang ng opisina niya at si Knight ay nakasunod lamang saamin.
Nakita ko rin ang machine na ginagamit sa pag-uultrasound.
Pinahiga na niya ako at ipinataas ang shirt ko na agad ko namang ginawa "Medyo maumbok na ang belly mo Mr. Roda at iniinom mo ba ang inireseta kong vitamins sayo?" tanong niya saakin pero si Knight ang sumagot sa tanong niya.
"Syempre naman doc kapag ayaw nya ngang uminom ng vitamins ay pinipilit ko siya eh" nakangiting saad ni Knight na kinatawa naman ni Doc.
Maya maya pa ay may kinuha si Doc na parang gel at ipinahid sa tiyan ko saka niya pinadaanan ang tiyan ko ng parang stethoscope habang nakatingin siya sa monitor ng machine. Kitang kita ko ang nadadaanang parte ng tiyan ko habang nakatingin rin sa monitor nakahawak sa kamay ko si Knight at kita kong tutok na tutok rin ito sa monitor.
Ilang hanap pa ay nakita ko na ang fetus na nasa loob ko "Oh there is your baby. Did you see him in the monitor?" nakangiting saad ni doc habang itinuturo saamin ang fetus na pormang tao na.
Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakatingin sa monitor kong saan nakikita ko ang baby namin ni Knight.
Hinagod pa ni Doc ang parang stethoscope na iyon "Oh there is the reproductive part of your baby and kahit medyo hindi pa develop masyado ang organ niya ay nakikita kong babae ang anak nyo so Congratulations again Mr. Venoché and Mr. Roda you have a baby girl" saad ni doc at nagkatinginan kami ni Knight sa isat isa at kapwa kami nakangiti ng parang wala nang bukas. Kahit hindi kami naguusap ng ginagamit ang bibig ay kapwa naman nangungusap ang mga mata namin dahil sa labis na kaligayahan.
Nagpaalam na kami kay Doc dahil may lakad pa kami. Mas domoble ang pag iingat ni Knight saakin na ultimong paglalakad ko na lamang ay sobrang alalay niya saakin.
Bago kami pumunta doon sa park ay dumaan muna kami sa Jollibe kasi binilhan niya ako ng paborito kong chicken joy.
Nang makarating kami sa park sa tabi ng lake ay literal na napanganga ako dahil ang aliwalas ng lugar at napakapresko ng hangin itinabi niya ang sasakyan sa parking area at kaagad akong bumaba dahil sa excitement na nararamdaman ko pagkakita ko pa lamang ng lugar. Napagsabihan niya pa nga ako na maghinay hinay ng galaw dahil nga bumaba ako ng dirediretso sa kotse niya.
Binitbit na niya ang basket na dala namin kanina medyo malaki ang basket at ako na ang nagpresintang magdala noong chicken joy na nasa bucket pa.
Humanap kami ng magandang pwesto masyadong marami ang nagpipicnic at nagdedate dito sa park. Nandyan ang nagfafamily bonding, nagdedate at nagpipicnic buhay na buhay ang lugar na ito dahil sa dami ng taong namamasyal dito.
Pumwesto kami sa ilalim ng puno inilatag na niya ang blanket na nasa loob ng basket at isa isa na niyang inilabas ang mga pagkain na pinaluto namin kay manang kanina.
Excited naman akong umupo sa blanket at pinicturan ang buong lugar pinicturan ko ang lake, mga puno at syempre nagselfie rin ako.
Alam ko namang hindi mahilig sa selfie si Knight kaya hindi ko na lamang siya inabala kasi busy ito sa pag aayos ng mga pagkain namin. Pero habang nagseselfie ako ay hindi ko inaasahan ang pagyakap ni Knight mula sa likuran ko at ngumiti sa camera. Nabigla ako pero nakabawe rin ako agad at nagselfie kaming dalawa ni Knight.
Pagkatapos naming magselfie ay pinakin na niya ako ng dala naming pagkain kasi baka daw nagugutom na kami ni baby at don ko lamang naramdaman ang gutom kaya kumain na kami.
Nang matapos kumain ay nagkwentuhan kami ni Knight tungkol sa magiging pangalan ng baby namin. Nag isip kami ng pwedeng ipangalan sa kanya at gusto ko ay yung kakaiba na maipagmamalaki niya.
"Salamat babe dahil dumating ka sa buhay ko. Thank you dahil sainyo ni baby feeling ko kompleto na ako feeling ko kompleto na ang buhay ko. Mahal na mahal kita Blennise, mahal ko kayo ng baby natin" saad niya habang nakaunan ang ulo niya sa hita ko habang ako naman ay hinahaplos haplos ang buhok niya.
Nginitian ko lamang siya "Ako rin nagpapasalamat kasi dumating ka at si baby sa buhay ko. Kahit hindi nakaplano ang lahat ay talagang nakatadhanang magtagpo ang mundo natin at dahil doon ay nagpapasalamat ako kahit noong una ay ang sungit sungit mo" saad ko sa kanya at pinisil ang ilong niya na ikinatawa lamang niya.
"Oo nga no babe kasi nong mga time na iyon ay pilit kong itinatago ang nararamdaman ko sa iyo kaya idinadaan ko na lamang sa pagsusungit" saad naman niya na tinawanan na lamang namin.
Maya maya ay nagpaalam ito na magc-cr lang muna may nakita kasi kaninang comfort room malapit lamang sa kinapwepwestuhan namin.
Knight POV
Nagpaalam muna ako kay Blennise na magc-cr lang ako at dumiretso na ako dito sa comfort room ay nakita kong may dalawang lalaking umiihi rin umihi na rin ako sa available na urinal.
Nang matapos na akong umihi ay naghugas ako ng kamay sa sink at kasabay ko ang isa sa mga lalaki kanina. Nakaitim ito ng jacket at may face mask na suot pero nang matingnan ko siya ng malapitan ay parang naging pamilyar siya saakin kaya pinasadahan ko siya ng tingin.
Habang nakatitig ako sa kanya ay napatingin ito saakin pero mabilis lamang iyon hanggang sa makaalis na ito. Nang makaalis na ito ay saka ko lamang natandaan ang lalaking kasabayan ko lamang kanina dahil talagang pamilyar ito saakin dahil siya rin ang lalaking nakita kong parang nagmamatyag sa labas ng gate ng bahay namin ng umuwi ako noon. Kaagad naman akong nakaramdam ng takot at pangamba dahil hindi maganda ang kutob ko sa lalaking iyon.