Chapter 18

1600 Words
Knight POV "Babe papasok na ako sa office" saad ko pero pinigilan niya ako kaya napakunot ang noo ko. Pero napangiti ako ng matamis ng pumunta siya sa harapan ko at nakangiting inayos ang necktie ko. "Pupunta ka sa office ng buhol buhol ang tie mo babe. Oh ayan ayos na" saad niya pagkatapos ayusin ang tie ko. Ramdam na ramdam ko na masayang masaya ang puso ko kahit sa mumunting paraan niya ng pagpapakita ng care saakin. Ang sarap sa pakiramdam na may nag aasikaso saiyo at yun ang nangyayare saakin ngayon. Hindi ko na maiimagine ang buhay ko kong mawawala saakin itong taong ito at ang magiging anak namin. Kaya pinagpaplanuhan ko na ang pagpopropose sa kanya at pakasalan siya pagkatapos niyang maipanganak ang baby namin. "Salamat babe" saad ko sa kanya sabay kiss ng smack sa lips niya ngumiti lamang ito saakin. "sige na baka marami kapang gagawin sa office mo" saad nito kaya kinuha ko na ulit ang suitcase ko sa sofa. "Okay babe. Kong may kailangan ka just call me okay o kaya naman ay magsabi ka kay manang Lena" paalala ko sa kanya at yumukod para makapantay ko ang medyo maumbok na niyang tiyan "Baby aalis na muna si daddy para makapagwork ha wag papahirapan si papa sa maghapon" saad ko habang hinahaplos ko ang tiyan niya. Always ko itong ginagawa bago ako pumasok sa office at tuwang tuwa ako kapag nagrerespond si baby sa loob ng sinapupunan ni babe dahil sa pagsipa nito sa loob na para bang naiintindihan niya ang mga sinasabi ko. Pagkatapos non ay umalis na nga ako ng may malapad at matamis na ngiti sa labi dahil dala dala kong lunch box na niluto ng babe ko. Mag asawang mag asawa na talaga kami saad ko sa isipan ko Nang makarating ako sa office ko ay nabigla ako ng makita ko sa loob si Matt. Ngayon ko lang ulit kasi siya nakita pagkatapos ng pagpunta nito sa states dahil sa family conflicts niya doon kaya matagal rin siyang nawala tumuloy na ako sa loob saka ko siya binati. "Oh Matt how are you bro?" tanong ko sa kanya habang papaupo ako sa swivel chair ko habang siya ay seryoso lamang na nakatingin saakin. "Alam ko lahat ng nangyayare dito Knight especially when it comes to Blennise" diretsang saad niya ni hindi man lang pinansin ang tanong ko sa kanya. Ako naman ay nakaramdam ng kaba sa sinasabi niya dahil unang una palang ay alam kong may gusto siya sa babe ko pero anong magagawa ko kong mahal ko si Blennise and I will fight for him. "Look Matt I'm sorry kong hindi ko agad sayo nasabi ang lahat but me and Blennise will having a child at kami nang dalawa so please ipaubaya mo na siya saakin alang alang sa anak namin" I pleaded to him kasi hindi ko kayang mawala saakin si Blennise at ganon ko siya kamahal. This is my first time to plead to a person. Nakita kong natahimik siya pero nandoon parin ang seryosong mukha niya narinig ko na lamang itong nagbuntong hininga saka nagsalita ulit "Ang daya mo naman kasi pare nawala lang ako ng ilang months ay binuntis mo na agad si Blennise ni hindi pa nga ako nakakapagtapat at nakakaporma sa kanya eh. Diba nga noon ay sabi mo wala ka namang gusto sa kanya?" saad niya at tanong kaya nginitian ko naman siya. "Well pare sorry kong nagdeny ako sayo noon the truth is noon pa lang na una kong nakita si Blennise dito sa kompanya ko ay naging interesado na ako sa kanya hindi ko lamang pinapahalata kasi that time ay confused pa ako sa nararamdaman ko sa kanya at dahil bago saakin ang ganito" saad ko sa kanya habang nakangiti at nakita ko naman itong napangiti na rin. "Okay bro I can see naman na sincere ka sa kanya at dahil na rin sa kaibigan kita ay hindi ko na itutuloy ang pagtingin kong ito kay Blennise even though gustong gusto ko talaga siya pero wala na eh. Alam ko namang mahal nyo talaga ang isat isa kaya sayong sayo na siya pasalamat ka at hindi pa ganon kalalim ang pagtingin ko sa kanya. Tsaka Im proud of you also bro kasi finally may lovelife kana hahahaha" natatawang pahayag nito "Atsaka magiging ama kana rin. You're such a lucky guy for having a wonderful person like Blennise sana alagaan mo siya at syempre ang magiging anak nyo. Dati natatandaan ko pa noon nang college tayo. Wala ka man lang pinapansin at ineentertain noon sa mga chicks na nagpapapansin sayo akala ko nga tatanda kang binata eh pero ngayon tingnan mo youre a grown up man" saad niya at ngayon ko lang napagtanto na Matt is a good friend of mine eversince we were college and Im lucky also to have a good friend like him. "Thanks man" saad ko sa kanya habang nakikipagbro fist. "By the way pala I went there para magpaalam na rin kasi mom said that itatalaga na ako ni papa bilang CEO ng company namin there at US. Siguro magiging madalang na lamang ang pagbisita ko dito sa Pilipinas because of lot of work that is waiting for me when I become the CEO of the company" nakabusangot niyang saad saakin kaya natawa ako sa ekspresyon ng mukha niya. "Well goodluck to you man. I'm always here for you as your friend so don't hesitate to ask me anything you want" saad ko at awtomatikong napangisi ito na ikinataka ko. "So pwede ko palang hilingin na ipaubaya mo na saakin si Blennise" nakangising saad niya saakin. "Except for that man. He's already mine and mine alone kaya off limits na siya" saad ko sa kanya kaya natawa na lamang ito. Nakipagkwentuhan pa saakin si Matt ng ilang oras at nagpaalam na rin para daw makapag impake na daw siya dahil tomorrow morning ang flight niya papuntang US pinapasabi rin niya kay Blennise ang pag alis niya. Ginugol ko ang maghapon ko sa office ko sa pagbasa ng mga reports at pahpirma ng mga documents at nang lunch ay tinawagan ko si Babe ko para marinig ang boses niya at masigiro kong maayos lamang ang lagay niya. Nang mag alas sais na nang gabi ay lumabas na ako ng opisina at nakita kong may mangilan ngilan pang empleyado ng company ang pauwi palang at naggoodbye sila saakin. Bago pala ako umuwi ay nagpadeliver ako kanina ng isang bucket ng chicken joy mula sa jollibe para sa amin ni babe dahil alam kong paborito niya ito. Nang makapasok ako sa loob ng kotse ay pinaharurot ko na ang sasakyan ko pauwi kasi excited na akong makita ang babe ko. Nang makapasok na ako sa Village namin at malapit na ako sa gate ng bahay namin ay may nakita akong lalaking nakahood at pinilit kong inaninag ito dahil nasa tapat ito ng gate namin na tila nagmamatyag at nang mapadako ang tingin nito sa paparating kong kotse ay bigla na lamang itong kumaripas ng takbo. Ni hindi ko man lamang nabanaagan ang mukha nito dahil malayo ito saakin although may ilaw sa tapat ng gate ng bahay namin ay hindi sapat iyon para makita ko ang mukha nito. Linukuban ako ng kaba ng marealize ko ang pangyayare dahilan para magmadali akong pumasok sa loob at pinindot ko ang remote na makapagbubukas sa gate dahil awtomatic ang gate namin basta nasaiyo ang remote na may control nito. Nang makapagpark na ako ng kotse ay kaagad akong tumakbo papasok dahil sa kabang nararamdaman ko. Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay kaagad kong hinanap si Babe at laking pasasalamat ko nang makita ko itong nakaupo sa sofa at nanonood ng palabas sa TV habang nakatali ang buhok niya pataas na lalomg ikinacute niya. Nang makita ako nito ay kaagad itong tumayo at sinalubong ako ng yakap. "Bat ngayon ka lang babe gutom na kami ni baby eh" nakangusong saad nito kaya hindi ko napigilan ang sarili kong kinatalan ito ng halik na mas lalong ikinanguso niya. "Sorry po babe. Hinintay ko pa kasi ang inorder kong paborito mong chicken joy heto oh" saad ko at ipiakita ko sa kanya ang bitbit kong bucket ng chicken joy. Kaagad namang nagningning ang mga mata niya at akmang aabutin na sana ang hawak ko pero inilayo ko agad ang bucket na ikinanguso niya. "Opppsss kiss ko muna babe" saad ko sa kanya. "Diba nagkiss kana kanina ang daya mo naman eh" nagmamaktol na saad nito kaya napacuckle na lamang ako. "Iba naman yung kanina sige na isa lang para mawala na lahat ng pagod ko ngayong araw" saad ko sa kanya na kaagad namang ikinaalala niya. Hinalikan naman niya ako and it lasts for a minute "Wag kang magpapapagod masyado sa work babe ha health first" saad niya kaya yinakap ko siya and parang nawala lahat ng pagod at stress ko at ang inaalala ko kanina dahil sa pagyakap ko sa kanya. Ang sarap pala talagang mainlove kong itong taong ito ang mamahalin ko. I'm such a corny person right this moment but I don't care. I'm inlove with this person beside me kasi. "Tara na kain na tayo baka masyado nang gutom si baby natin" saad ko sa kanya st hinaplos ang tiyan niya at ikiniss na ikinangiti naman niya at gumayak na kami papuntang dining room para kumain. Pero hindi parin nawawala ang pangamba ko dahil sa nakita ko kanina. I should be always alert. I shouldn't regard my babe ang our child's safety at hindi ko hahayaang mapahamak sila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD