Blennise POV
"Babe!" pasigaw kong tawag sa kanya habang nakaupo ako dito sa sofa sa may sala.
Kaagad naman siyang tumalima papunta saakin "Bakit babe may masakit ba sayo? saan ha? saan?" Oa na tanong habang hinahaplos haplos pa ang tiyan ko at balikat ko.
Pinitik ko naman ng marahan ang noo niya para mahimasmasan siya ng kaoahan niya "Babe wag kang Oa gusto lang namin makita ni baby ang gwapong mukha ni daddy niya" saad ko sa kanya habang nagpapacute sabay pisil sa pisngi niya. Hindi ko alam pero this past few months habang nagbubuntis ako ay maraming weird things ang nafefeel ko. Andyan na yung hahanap hanapin ko in no time ang mukha niya para pisilin, maselan na rin ang pang amoy ko kahit nga yung favorite perfume ko ay nababahuan na rin ako and more worst ay parang nangkicrave ako sa mga pagkaing hindi ko naman dati kinakain.
"Oouchh awray bhabe" saad niya habang pisil ko ang pisngi niya lagi ko itong ginagawa sa kanya dahil nacucutan ako sa kanya.
Nang nakita kong nasasaktan na talaga siya dahil sa pagpisil ko ay binitawan ko na ang pisngi niya nakita kong namumula na ito at panay ang haplos niya.
Hindi ko alam kong bakit pero nang makita kong namumula ang pisngi niya dahil sa pagpisil ko ay napaiyak ako. Isa pa ito sa mga weird na nangyayare saakin dahil parang ang babaw ng emotions ko madalas akong napapaiyak dahil sa mabababaw na dahilan.
"Uuuuwwwwaaaahhhhh sorry *huk* babe *huk* di ko sinasadyang *huk* pisilin pisngi mo huhuhuhu namumula na tuloy *huk* " humihikbing saad ko habang siya naman ay todo hagod ng likod ko.
"Shhhhh its okay babe kahit mamula pa ng mamula iyan ay papakurot at papakurot ko parin yan sayo dahil ayaw kong magtampo ka babe. I love you babe" saad niya habang hinahalik halikan ako sa tuktok ng ulo ko.
Napatigil naman ako sa pag iyak saka inosenteng tiningnan siya na parang maamong bata "Talaga babe? di ka galit? Dahil pinisil ko ang mukha mo hanggang mamula?" tanong ko sa kanya at siya naman ay ngumiti ng matamis saakin at hinawakan ng marahan ang pisngi ko at itinapat ang mukha sa tapat ko.
"I will never ever be angry at you babe dahil lang dun I like it pa nga dahil ako lang ang gwapo at cute sa paningin mo kaya don't do that with other boys ha" saad niya na agad ko namang tinanguan.
Yinakap niya ako habang ako naman ay nakakandong sa kanya. Andito na pala ako ngayon sa malaking bahay niya dahil hindi ito pumayag na manatili ako sa apartment ko ng ako lamang dahil na rin sa pagiging paranoid at overprotective nito saamin ni baby ay pinalipat niya ako agad dito sa bahay niya dahil magiging asawa nya rin lang daw ako balang araw. Kaya no choice na rin ako dahil nailipat na niya mga gamit ko sa bahay niya an take note nasa iisang room lamang kami.
Kasalukuyan kaming magkayakap ng tumunog ang tiyan ko.
*Kkkkkrrrrruuuuuuurrrrkkkkk* tunog ng tiyan ko kaya napatitig kami sa isat isa bahagya akong namula dahil sa hiya habang napasapo sa tiyan kong medyo maumbok na.
Baby naman eh kakahiya kay daddy mo saad ko sa isipan ko habang nakasapo parin sa tiyan ko.
"Looks like you and our baby is hungry na" tanong niya ng nakangiti.
Naramdaman ko na talaga ang gutom kaya hindi na ako nahiya na sabihin sa kanya ang gusto kong kainin "Oo nga babe ang sarap siguro ng strawberry na sinasawsaw sa ketchup" saad ko habang nakatingin pa sa taas na parang nag e-imagine.
"Ha? Strawberry na sinasawsaw sa ketchup?" tanong niya saakin ng may pagkabigla at pagtataka habang ako naman ay todo tango.
"Are you sure babe? Di ka kaya masiraan at sakitan ng tyan pagkumain ka ng ganon" inosente naman akong tumingin sa kanya dahil parang ayaw niya akong bigyan ng ganon.
Namumuo na naman ang mga luha ko kaya naalerto naman ito "Sshhhh wag ka namang iiyak okay. I will buy that strawberry for you and a ketchup" saad niya kaya di na natuloy ang pag iyak ko at dahil sa sobrang tuwa ko ay ikiniss ko siya ng smack sa lips.
"I love you babe sorry kong minsan moody ako siguro epekto na to ng pagbubuntis" saad ko dahil ngayon ko lamang narealize na baka nahihirapan na siyang pakisamahan ako.
"Ano ka ba babe wag ka ngang mag sorry di naman ako nag iisip ng ganyan eh. Mahal na mahal kita kaya I will do everything for you and also for our baby" buong pusong saad niya kaya napangiti naman ako dahil ang swerte ko sa lalaking ito.
Kaya naman lumabas muna siya para daw bumili ng strawberry sa mall hindi na niya rin inabala ang mga maid para sana bumili ng strawberry dahil gusto niya daw ay siya ang bibili mismo ng kakainin namin ni baby.
Pumunta muna ako sa kwarto para sana kunin ang cellphone ko dahil baka tumawag o nagtext doon sina Gela at Rina dahil itetext na lamang daw nila ako kong anong araw sila makakabisita saakin.
Nang makapasok na ako sa kwarto namin ay kaagad kong nakita ang cellphone ko sa table malapit sa kama kaya agad akong lumapit doon at kinuha ang cellphone ko. Binuksan ko ito at laking tuwa ko nang makitang may message ito kaya agad kong binuksan ang message pero laking gulat ko nang hindi galing kina Gela o Rina ang message na natanggap ko.
From: Unknown Number
Kamusta kana Blennise masaya ka ba ngayon sa piling ni Venoché? sulitin nyo na ang mga oras at panahong magkasama kayo dahil malapit na kitang kunin sa kanya at malapit na tayong magkasama wag kang mag alala tatanggapin ko ang anak mo bilang akin dahil ganon kita kamahal.
Hanggang sa muli malapit na tayong magsama.
Basa ko sa text niya nakaramdam ako ng kilabot at takot sa nabasa kong text. Pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na pinagtitripan lamang ako nang kong sino man marahil wala lamang magawa ang taong nagsend saakin ng text na iyon.
Pero kahit pinipilit ko ang sarili ko na trip lamang iyon ay di maalis sa isipan ko ang pangamba na baka totoo iyon at natatakot ako sa maaaring mangyare.
"Babe!" paimpit na sigaw ni babe mula sa likuran ko at nang makita ko siya ay kaagad akong napayakap sa kanya ng mahigpit at alam kong nabigla siya dahil sa inakto ko.