Blennise POV
Pagkatapos naming umalis ng opisina ay dinala ako ni Knight sa isang mamahaling restaurant.
"Hmmmm masyado namang mahal dito pwede namang sa fast food chain nalang tayo kumain" saad ko pagkatapos niyang mag order.
Napalunok pa nga ako ng laway ng makita ko ang menu and ang mga prices ng pagkain nila para bang ginto ang pagkain nila dahil hindi na bababa sa 2000 pesos ang pinakamahal nilang pagkain diba grabehan lang kaya si Knight nalang ang pinag order ko.
Napachuckle naman siya habang titig na titig saakin "Dont worry babe hindi mo ata naaalala na isang CEO ng sikat na kompanya ang future boyfriend mo and I have a lot of money kaya its fine with me gusto ko maging maganda itong unang date natin" saad niya at kita ko ang pagningning ng mga mata niya.
Nagulat naman ako ng sabihin niyang date ito "D-Date?" takang tanong ko sa kanya.
Ngumiti na lamang siya saka pinisil ang ilong ko. I'll admit it mas lalong gumagwapo sa paningin ko si Knight lalo na pagngumingiti siya tsaka hindi na rin siya masyadong seryoso lagi at masungit at the same time.
Dumating na ang order namin kaya nagsimula nq kaming kumain pero nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ay may biglang lumapit na babae kay Knight and take note lumingkis agad ito kay knight.
Gulat naman na napatingin saakin si Knight "Hey babe alam mo ba kakarating ko pa lang sa bansa at ikaw agad ang hinanap ko luckily nakita kita dito. Balak pa naman sana kitang punatahan mamaya sa office mo" madaldal na saad nito.
Tiningnan kong mabuti ang babae yes maganda ito, sexy, maputi at malaki ang hinaharap. Ito yung tipong pasok sa standard ng isang lalaki kaya nahiya ako ng tingnan niya ako.
Yumuko na lamang ako dahil hindi ko kayang tingnan sila. Hindi ko alam na may girlfriend na pala siya grabe lang ang tanga tanga ko na maniwala sa kanya na mahal niya ako.
Siguro ito na ang kapalit ng pagiging assumera ko sa isang katulad niya.
"Hmm babe sino sya?" tanong ng babae kay Knight habang nakaturo saakin.
Alam kong hindi rin ito makapagsalita ng maayos dahil sa gulat kaya mas lalong sumikip ang dibdib ko.
"Ahhmm Sam he's my --" hindi ko na siya pinatapos dahil tumayo na ako at matapang silang tiningnan.
Ngumiti ako kahit nasasaktan ako para ipakita sa kanila na okay lang ako nakita ko naman ang gulat sa ekpsresyon ni Knight dahil nakangiti ako sa kanila.
"W-wait lang Sam let go of me. Why are you here didn't you see I have a date" saad niya na ikinatingin ko sa kanya at kitang kita ko ang paglaki ng mga mata ng Sam na tinutukoy niya.
"W-wait, what?!" tanong ni Sam kay knight habang gulat na gulat parin habang ako ay tila napako rin sa kinatatayuan ko dahil even me ay hindi inaasahan na sasabihin niya iyon marami rami na rin ang napapatitig sa gawi namin.
"Didn't you heard it" saad pa ni knight at lumakad papunta saakin at inilingkis ang braso niya sa bewang ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko that time kasi nabibigla ako sa mga pangyayare "I have a date with him" saad pa ni knight na mas lalong ikinagulat niya.
"What the !!! Are you effin serious Knight you're dating a 'him' are you a gay?" tanong naman sa kanya nong Sam ako naman ay napapayuko na lamang dahil hiyang hiya na ako dahil talagang pinagtitinginan na kami ng mga tao.
"Its none of your business Sam" simpleng saad na lamang ni Knight at hinila na niya ako paalis ng restaurant.
Nang nasa kotse na kami ay hindi ko siya kinibo dahil gulat padin ako.
"Hey babe talk to me please I'm sorry if that's happen. I didn't know she would come there" saad niya pero nanatili parin akong tahimik hindi ko parin madigest ang lahat ng nangyare.
Naramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko at iniharap ako sa kanya. Binigyan ko lamang siya ng blangkong ekspresyon dahil hindi parin mawala sa isipan ko na baka pinaglalaruan lamang niya ako knowing that girl kanina na parang girlfriend niya kong umasta o baka talaga girlfriend niya.
Isa lang ang pumasok sa isipan ko para mawala na ang sakit na nararamdaman ko. I don't want to get hurt again dahil feeling ko napaglaruan ang feelings ko.
"Lets stop this Knight itigil mo na ang panliligaw mo seems like you already have a girlfriend so It seems that you're just playing with me and I don't want to get involved so stop what you are doing" saad ko sa kanya na ikinagulat naman niya at sunod sunod na umiling.
"No please babe believe me walang namamagitan saamin ni Sam, she's not my girlfriend. Look she's a daughter of one of my investor and she's keep bugging me but I didn't entertain her at all. So please believe me totoo ang nararamdaman at sinabi ko sayo" he pleaded at kitang kita ko naman sa mga mata niya ang sincerity but hindi parin maayos ang pag iisip ko dahil in state of shock padin ako.
Kumawala ako sa pagkakahawak niya "Bukas na lamang tayo mag usap" saad ko at dali daling bumaba ng sasakyan niya.
"No Blennise we will talk about this please" sigaw niya habang sinusundan ako pero hindi ko na siya kinausap pa dahil sumasakit lamang ang ulo ko.
Tamang tama naman na may humintong taxi at kaagad akong sumakay dito kitang kita ko pa ang pagsigaw niya at paghabol sa taxi na sinasakyan ko.
Nang makarating ako sa bahay ay nabigla ako dahil andon na ito at nakaabang ang kotse sa tapat ng apartment ko.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kakulitan nito.
Nang makita niyang bumaba na ako sa taxi ay bumaba na rin siya sa sasakyan niya.
Lumapit ito saakin at kitang kita ko ang gusot gusot niyang long sleeves "Hey talk to me please let's fix this" saad niya habang sinusubukang hawakan ang kamay ko pero iniiwas ko naman ito.
Napahawak ako sa sentido ko kasi sumasakit na ito "Please lang Knight bukas na lamang tayo mag usap. Give me some space and time to think please" pagmamakaawa ko sa kanya dahil talagang sumasakit na ang ulo ko dahil sa pangungulit niya hindi ba niya maintindihan na bukas na lang haisssttt.
"No. No. No please we should fix this. I don't want you to misunderstood what happened earlier so please lets talk" pangungulit parin nito saakin kaya tumango na lamang ako dahil hindi ko na kaya ang sakit ng ulo ko. I think in a minute I'm gonna faint.
Nang tingnan ko siya ay tila umiikot siya sa paningin ko and the next thing I heard is he calling my name with worry on his voice and everything went dark.