Hinanda ko na ang mga gamit habang siya naman ay may kinukuha sa kusina. Napanguso ako. Kailan kaya niya malalaman na tapos ang interview namin? May isang buwan bang interview? “Snacks mo.” “Thanks…” I felt slightly guilty. Sa tuwing nagpupunta ako rito, laging may handang pagkain. Ngayon, pancakes na pinalamanan ng hazelnut spread. Hindi rin lasang puchu-puchu. Carlo obviously prepares well for my snacks kaya saan naman niya kinukuha ang budget niya? Should I stop going to his house now? But I was already so used to it… and maybe he was too? “Uhh, sa’n ka pala kumuha ng blender?” ang matagal ko nang gustong itanong. I sipped on my tall milkshake. It even has whipped cream and a strawberry slice on top because he knew I didn’t like cherry! “Arte. Isang buwan mo nang iniinom iyan,

