Nanlalaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan si Carlo. Bumibili ito sa isang umuusok na tindahan at nanatili naman ako sa loob ng sasakyan. “Is that what I think it is?” bulong ko sa sarili nang matanaw ang mga paninda. Isang hapon ay pumunta na naman ako sa apartment ni Carlo. I got bored in the house, so I played dress up. Sayang naman kung hindi ko ilalabas kaya lang ay na-guilty rin ako agad dahil alam kong ipaghahanda na naman ako ni Carlo ng meryenda. I actually had the courage to admit that, then to my surprise, he suggested a much cheaper place to eat. Pumayag ako para naman hindi kami laging nasa loob lang ng apartment niya. Nagulat lang ako nang dito pala niya ako dadalhin! Malaki pa rin ang mga mata ko habang tinatanaw si Carlo. Nakayuko ito dahil medyo mababa ang yero per

