It was always like that in my visits. Magtatanong ako sa buhay niya, susubukan niyang magtanong sa akin. Kakain kami sa apartment niya pero lalabas din paminsan-minsan. Then maybe take a picture or two. Hindi ako nagsawa, kahit isang beses, sa aming mga pagkikita. “Cala? Saan ka pupunta?" Isang hapong saktong paalis na naman ako ay naabutan ni Daddy sa bakuran. He saw me ready-ing my vintage-style bicycle. "Carlo's apartment. Why?" Sabay bagsak ko ng tingin sa hawak nitong briefcase. "You're leaving, Dad?" Nabalewala ang tanong ko nang ipinakita niya sa akin ang isang sulat galing sa isa na namang university na pinag-apply-an ko. Again, my college application was rejected. Awtomatikong tumigas ang mukha ko at hinanda ang sarili sa pagpapagalit na darating. But a miracle happened that

