Sa isang tipikal na lunchtime namin sa cafeteria, magkadikit ang mga ulo namin ni Bee dahil may ipinakikita itong larawan sa cellphone. He said he went out with Ilay and Conan last night mainly because I wasn’t available. Nasa coastal road sila sa picture, gabi na at tanging streetlights na lang ang bukas. A few cars were also parked in the background. Sa isang picture ay nakangiti pa sina Ilay at Beatus, parehong mapungay ang mga mata at magkatabi sa likod ng isang pick-up. I swiped right to see more pictures, smirking right then and there when I saw the girls they’re hanging out with. Isa lang yata ang schoolmate namin at galing na ang karamihan sa eskuwelahan ni Paolo Cruzat. If I got his name right dahil hindi naman na ito nagpaparamdam. “A-Akin na ‘yan!” bawi kaagad ni Bee sa cellp

