bc

One Night Stand (Wild Nights Series #3) FREE TO READ

book_age18+
311
FOLLOW
2.7K
READ
HE
opposites attract
dominant
drama
bxg
small town
assistant
seductive
like
intro-logo
Blurb

FREE TO READ!!

One Night Stand (Wild Nights Series #3)

As the inheritor of a bright future with high expectations, everything was not easy for Raquel Tan.

That is why she ran away from the man she was supposed to marry. She was too hurt and confused to think about where she was going until she met the man she spent one night with— the man who is the father of the child she carries in her womb.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
I never thought that I would reach this point, that I would have to hurt someone for my own interest. Sa ngayon ay wala akong pagpipilian. Masyado akong ginigipit ng panahon para gumawa ng tama. Kagaya nito— isang halik sa labi ko ay animo'y nawala ako sa katinuan. Hindi ko masabi kung lasing nga ba ako, o dala lang ito ng paninibugho ng damdamin ko. Madali kong ikinawit ang dalawang kamay sa leeg ng lalaking nasa harapan ko. Pareho kaming walang saplot at kung paano kami nakarating sa isang hotel ay hindi ko rin alam. Wala ako sa tamang pag-iisip para sundan pa ang mga nangyari kanina. Pikit-mata kong iginalaw ang labi upang halikan ang lalaki. Naging marahas na kaagad sa una, tila ba nagpapagalingan kami. Dama ko man din ang naghihikahos kong paghinga ay hindi ko na iyon pinansin pa. Bawat paghalik sa akin ng lalaki ay sadyang nakakadarang. Sobrang init na kahit nakahubad na ako ay ramdam ko ang lagkit at pawis sa katawan ko. Ramdam kong mas lalo pang nag-iinit, para kaming nagtatampisaw sa dagat ng apoy. "Mm..." halinghing ko nang kagatin nito ang pang-ibabang labi ko. Napasinghap ako. Dagli akong lumayo para sana dungawin siya ngunit nawalan na ako ng pagkakataon nang itulak niya ako pahiga sa malambot na kama. Sumabog ang mahaba kong buhok sa aking mukha. Madali naman niya iyong inayos. Damang-dama ko ang medyo magaspang niyang paghaplos sa mukha ko, maging ang masuyong paggalaw ng mga daliri niya upang damhin marahil ang pisngi ko. Sa dilim ng paligid sa kwartong ito na tanging lampshade lang ang naiwang ilaw ay hindi ko gaanong makita nang maayos ang lalaking nasa ibabaw ko. Nahihilo ako, literal na umiikot ang paningin ko. At oo, hindi ko nga kilala ang lalaking ito. Kung sino man siya ay bahala na. Wala na nga rin akong pakialam kahit pa patayin niya ako pagkatapos nito, kahit itapon nito ang katawan ko sa malayong lugar ay walang maghahanap sa akin. Walang may pakialam sa akin, ni tanggapin ang presensya ko sa bahay ay hindi nila magawa. May pamilya ako, mayroon akong naturingang magulang at dahil nag-iisang anak ako ay wala akong kasama sa bahay. Bukod lang kay Lolo na sa katandaan niya ay hindi ko na rin makausap nang maayos. Sina Mommy at Daddy ay kabilang sa top richest in the Philippines. Halos nasa kanila na lahat ng yaman, na wala na akong mahihiling dahil lahat ng luho ko ay kaya nilang ibigay. Ngunit iyong nag-iisang hiling kong pagmamahal galing sa kanila ay hindi nila kayang ibigay sa akin. Iyong tipong ang saya-saya na ng buhay ko, kung tutuusin ay kinaiinggitan ako sa yamang mayroon ako, pero hindi nila alam kung paano mangulila ang puso ko sa pagmamahal ng magulang. Wala silang alam sa pinagdadaanan ko sa pamilya ko. Kung sabagay, ang nakikita lang nila ay iyong gusto kong makita nila. I don't want them to see me weak. I don't want them to use my weakness just to hurt me. Isang beses kong naramdaman ang pagmamahal kay Paul Shin, sa lalaking gustung-gusto ko, na akala ko ay totoong mahal ako ngunit nagkamali akong umasa pa ako. Minahal ko siya, bandang huli ay magsisisi akong nakilala ko pa siya. Akala ko ay posibleng mahalin niya rin ako, kahit alam ko na mayroon siyang minamahal na iba. Akala ko ay pwede na dalawa kami sa puso niya. Nabulag lang ako dahil sa ipinakita niyang kabaitan sa akin. Sa emosyong bumabagabag sa akin ay kusang tumulo ang luha sa pisngi ko. Naramdaman iyon ng lalaki na siyang nananatiling sapu-sapo ang aking pisngi. Narinig ko ang pagsinghap niya. Bahagya siyang umahon upang aninagin ako mula sa dilim. Nag-uunahan naman ang mga luha ko at hindi na rin napigilan ang sarili. Kumakawala ang mahinang paghikbi ko. Kaagad kong tinakpan ang mukha ko gamit ang mga palad ko. "Hey," aniya sa baritonong tono, saglit kong inalala ang boses niya dahil pamilyar iyon. "What did I do? Hindi ko pa nga naipapasok." Nagpantig ang dalawang tainga ko dahil sa narinig. Bulgar na nagsalubong ang mga kilay ko, dahan-dahan naman nang ibinaba ko ang kamay ko sa mukha ko. Kunot ang noo ko siyang tiningala. Ngayon ko lang din napagtanto ang pwesto namin. Ako na nakahiga, nakabuka ang dalawang hita ko habang nakapwesto siya sa ibabaw at gitna ko. Kung saan pa ay ramdam ko ang animo'y ahas na tumutuklaw sa pagkabàbae ko. Wala sa huwisyo nang mahigit ko ang hininga ko. Ngunit imbes na itulak siya palayo, imbes na sampalin siya at pagsalitaan ng masama ay ngumiti pa ako rito. "Ipasok mo na..." Napakurap-kurap ako sa sarili kong salita. Damang-dama ko pa ang dibdib kong nagtataas-baba. Malakas ang kabog ng puso ko, kulang na lang ay lumuwa iyon sa katawang lupa ko. "You sure?" Hindi ko rin mawari kung lasing din ba ang lalaking ito, pero naaamoy ko nga ang alak sa kaniyang hininga. Ganoon pa man ay nakakahibang pa rin na langhapin iyon dahil sa amoy ng mint. Marahan akong bumuntong hininga, kapagkuwan ay ipinulupot ang parehong binti sa baywang nito. Nagmamakaawa ang mga mata ko habang nakatitig sa mukha niya. Sunud-sunod din ang naging pagtango ko bilang pagsang-ayon sa sinabi niya— bahala na. Kung ano man ang mangyari bukas ay bahala na. Kung palayasin man ako ay mas maigi pa, mas gugustuhin ko pa iyon. Kahit mawalan na ako ng mana, o ipatapon sa abroad. Nang sa gayon din ay makaalis ako sa pressure na dala nina Lolo, Tita Carmina at Tito Paulo, lalong-lalo nina Mommy at Daddy. At the same time, maka-move on kay Paul Shin. Itong mangyayari ngayon ay bilang reward ko na lang sa sarili. Alam ko rin naman na hindi na kami magkikita ng lalaking ito at hindi na ulit magtatagpo ang landas naming dalawa. Hindi nagtagal nang umawang ang labi ko nang manuot ang hapdi at kirot sa pagkabàbae ko nang unti-unting pumasok doon ang alaga ng lalaki. Napanganga ako, kasabay nang pagkahulas ng emosyon ko. "Ahh!" daing ko, halos kumakalmot sa hubad na likod ng lalaki ang mga kuko ko. Ang mga daliri ko sa paa ay namimilipit. Mariin din ang pagkakapikit ko. Mayamaya lamang nang dumampi ang labi ng lalaki sa akin. Hinalikan niya ako upang doon ko ituon ang atensyon. Sa halu-halong nararamdaman ay mabilis ko siyang hinalikan pabalik. Marubrob at marahas, tila ba'y nagpaparusa. Kaagad niyang nasundan ang galaw ng labi ko, ngayon ay siya na ang gumigiya sa paraang paghalik na gusto niya. Sumasabay na rin ang paggalaw ng kaniyang balakang. Urong-sulong, sumasagad at kumikiwal sa kaloob-looban ko. Madiin kong nakagat ang labi ng lalaki, saka pa umungol sa gitna ng paghahalikan naming dalawa. "Mmm, ahh!" kumawalang ungol sa labi ko, ilang sandali nang bumaba ang mga halik niya sa leeg ko dahilan para maging sunud-sunod ang pag-atake ng mga ungol ko. "Ahh! Ah— ohhh!" Mula sa leeg ko ay kinakagat naman niya ang balat ko roon, paminsan-minsang sumisipsip na parang bampira. Pababa pa ang labi niya sa dibdib ko hanggang sa matagpuan ng bibig niya ang isang korona ko. Madaling naglumikot ang dila niya roon. Habang ang isa naman ay nabibigyan ng kalinga ng isa niyang kamay. Senswal niyang minamasahe iyon, dinaig pa ang isang magaling na nagmamasa. "God..." Papaanong ang kaninang sakit ay napalitan ng sarap? Kailan ko pa ito naramdaman? Hindi ko na nga namalayan na ang mga ungol ko ay dahil na sa pinagsamang kiliti at sarap na dulot ng kaniyang pag-ulos. Sumasagad sa kaibuturan ko ang kahabaan niya, animo'y pinupuno nito ang kung ano mang kulang sa loob ko. Ramdam ko man din ang diin sa paghawak niya sa akin, saglit kong naramdaman na mahalaga ako. Nababaliw na nga siguro ako at kung bakit ganito ang epekto sa akin ng lalaki. Isang kagat sa korona ko ay malakas akong napaungol. Isang sagad ay tumirik ang mga mata ko. Umarko ang balakang ko nang abot hanggang langit ang naging kiliti ko. Bolta-boltahe naman ng kuryente ang dumaloy sa bawat ugat ko. "Oh, shít!" Para akong maiihi kung kaya ay pilit kong itinutulak ang lalaki sa kaniyang dibdib. "Stop! Oh, God! Please, stop!" "Do you really want me to stop?" Naramdaman ko ang pag-ahon niya. Hindi, pero nahihiya ako. "I think... something will come out of me," nalilito kong banggit, hindi sigurado kung naiihi nga ba ako o ano. Basta parang may paru-paro ngayon sa tiyan ko, apektado ang pagkabàbae ko at ramdam ko ang pagiging sensitibo nito. "Release it after me," utos ng lalaki. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya, pero ilang segundo lang nang may kung anong tumalsik sa kaloob-looban ko. Damang-dama ko ang mainit at tila malapot na katas na alam kong nanggaling sa pagkalàlaki niya. Naguguluhan man, pero sa sarap na naging dulot nito ay mabilis ko ring pinakawalan ang kanina pang gustong lumabas. Ilang ulit na tumirik ang mga mata ko, kasabay nang animo'y pagdedeliryo ng katawan ko. Nanghihina kong inilatag ang dalawang kamay sa gilid ko. Saglit akong dumilat para masilayan siya ngunit napatili na lang ako nang bigla niya akong baliktarin. Ngayon ay nakatuwad na ako. Ang lalaki ay nasa likod ko. Hinawakan niya ang magkabilaan kong balakang bago niya ipinasok muli ang naghuhumindik niyang sandata. Napaigtad ako, wala nang nagawa at malakas na napaungol. Sa gabing iyon ay halos hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong inangkin sa iba't-ibang paraan at posisyon sa kwartong iyon. Hindi ko na masundan dahil naliliyo na ako sa sobrang pagod at antok. Nakatulugan ko na nga lang yata siya. Nang maamlimpungatan sa umaga ay literal na binibiyak ang ulo ko, masakit din ang parteng pagkabàbae ko dahilan mapamulagat ako nang maalala ang nangyari kagabi. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako, na isa lamang iyon sa masamang panaginip ko ngunit nang makita ang isang lalaking nasa gilid ko ay natulala ako. Kaagad kong sinapo ang bibig nang maramdaman ang pagkakahulog ng panga ko. Tila ba ngayon lang ako nabalik sa reyalidad, nawala ang kalasingan ko. Nakatalikod ito sa akin at kitang-kita ko ang hubad niyang likod. Puno iyon ng kalmot. Mula pa sa balikat niya ay naroon ang bakas ng pagkakakagat. Napasinghap ako, lalo dahil tanaw ko ang matambok niyang pwét. Pati iyon ay may mga pula-pula na hindi ko malaman kung saan nanggaling, pero parang kiss mark. Halos malunod ako sa sobrang diin ng pagkakatakip ko sa aking bibig. Ayokong isipin na ako ang may gawa no'n ngunit paano iyon mangyayari? Nag-acrobat siya? Takot na takot na napalayo ako sa lalaki. Hindi na ako nagdalawang-isip. Dali-dali akong umahon mula sa pagkakahiga at madaling pinulot ang mga damit ko na siyang nagkalat sa sahig. Nanginginig ang mga kamay ko, kay aga-aga ngunit damang-dama ko ang pawisan kong noo at leeg. Makailang ulit pa akong nadapa, halos hindi ko magawang maiayos ang damit ko. Mula naman sa ilalim ng kama ay hinahanap ko iyong kapares ng sandals ko. Hawak ko na iyong isa, pero hindi ko mahagilap kung saan ko nahubad ang isa pa. Gumalaw iyong lalaki, rason para dagli ko itong malingunan. Sa takot na makita at maabutan niya ako rito ay patakbo na akong lumabas ng kwarto. Ilang sandali ay mabilis ding natigilan nang masilayan ang dalawang tao mula sa sala ng unit. Pareho pa kaming gulat na gulat. Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Ganoon din ang dalawa, na saglit natigil sa kanilang pag-uusap. Tiyak kong mag-asawa ang mga ito at may katandaan na. Nangatal ang labi ko. Hindi ko mawari kung paano ko babawiin ang kaluluwa kong lumipad na sa kabilang dimension. Kitang-kita ko pa kung paano nila pasadaan ng tingin ang kabuuan ko. Alam ko na wala sa ayos ang damit ko, bara-bara na kasi ang pagsuot ko nito. Hawak-hawak ko naman iyong isang sandals ko habang nananatiling nakayapak ako. Magulo ang buhok ko at maraming pasa. Sa itsura ko ay alam kong iisa lang ang nasa utak ng dalawa. Handa na rin sana akong magsalita nang bumukas ang pinto sa likuran ko. Naramdaman ko ang presensya ng lalaki nang lumihis ang tingin nila sa likod ko. "What is the meaning of this, Jake?" gulantang na tanong ng matandang babae. "Mom," panimula ng lalaki. Mom? Ibig sabihin ay magulang niya ang mga ito. Well, obvious naman. "Sino ang babaeng iyan, Jake Rivas?" segunda ng lalaking matanda at ibinalik muli ang atensyon sa akin, nangangaral na ang kaniyang mga mata. Nahihiya kong iniiwas ang tingin. Napayuko ako at hindi na nakagalaw sa pagkakatayo. Jake Rivas? Wait, I already heard that name. Holy shít! Naalala ko na! Siya iyong lalaking kasama kagabi ni Vanessa sa bahay ng Leo na 'yon at iyong nakaaway ni Paul Shin. "Nasaan na si Vanessa, Jake? Wala na ba kayo? Bakit iba itong babaeng dinala mo rito sa condo mo?" sunud-sunod na palatak ng ginang. "Sino siya?" Kilala niya si Vanessa? At naging sila? Goodness. Paano ko ba sasabihin na napadaan lang ako rito? "Mom, Dad... I'm sorry," anang Jake sa dismayadong boses, hindi na rin malaman kung paano dudugtungan ang sinabi niya. "May nangyari sa inyo?" dugtong ng lalaki, alam naman niya ang sagot ngunit bilang paninigurado ay nagtanong pa siya. Kasunod nito ay ang galit niyang pagtitig kay Jake, dismayado rin at nang-aakusa. "What do you think will happen, Jake Rivas? Alam mo na. Magpakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon." "Ano?!" pagsinghap ko, gusto kong umapila pero hinaklit ako ni Jake sa braso ko. "Don't worry, I'll take responsibility." "What??"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook