MAAGANG gumising si Mayumi para sa first photoshoot niya ngayon. Hindi siya excited para sa shoot pero excited siyang mang-inis.
Talagang inaasahan na niya na nandodoon si Kalel sa shoot. Kung asaran ang hanap ng lalaki ay papatulan niya ito. Gusto talaga niyang maghigante ng paunti-unti. Ang paghihigante na hindi mahahalata ng kalaban.
Nauna na si sa venue si Bunny. Doon na lang sila magkikita. Mabuti nga at makakapag-drive siya ng kotse. Ito na naman ulit ang pagkakataon na makakasakay sa sariling kotse.
Medyo mabilis lang siyang naligo. Naglagay siya ng kaunting make-up at nagsuot ng kulay peach na dress, nagdulot ito ng kinang sa maputi niyang balat. She really looks gorgeous. Maraming mga binata ang mapapa-ibig sa kagandahan niya. Pero asa pa silang papansinin sila ni Mayumi. Wala sa bukabularyo niya ang maghanap ng boyfriend ngayon. Nasa career ang tuon niya at mas nadagdagan ng paghihigante.
Lumabas na siya at in-i-lock ang pinto ng condo unit niya. Nagtungo sunod sa may garage.
Agad siyang nagmaneho at nagtungo sa venue ng shoot. Nagtext si Bunny na nandodoon na siya. Hinihintay na daw siya nito. Hindi pa naman nagsisismula ang photo shoot. Nauna lang doon si Bunny para e- check kung wala o nandodoon din sina Briana. Gusto nitong makasiguro na wala ang dalawang bruha para maiwasan ang gulo.
Pagkarating ni Mayumi sa building na venue ng shoot ay ipinarada na niya ang kanyang kotse pagkatapos ay pumasok na.
Dali-dali na siyang pumasok sa elevator. Tamang-tama, siya lang ang tao. Nasa 10th floor kasi ang studio. Medyo matagal pa naman siya makakarating sa 10th floor. Pumikit siya, nakahinga siya ng maluwag pero nang maramdamang may pumasok pa sa loob ng elevator ay bigla siyang kinabahan.
Bigla siyang dumilat. Laking gulat niyang makita kung sino ang makakasabay niya sa elevator. Si Kalel lang naman. Nakatingin ito sa kanya. Nakakunot ang noo nito nang makita siya.
Nagtama ang mga mata nila. Pakiramdam niya ay tumigil bigla ang paggalaw ng elevator. Halos mawala ang hininga niya dahil nakalimutan niyang huminga. Siya na ang baliw. Nang mag-sink in sa utak niya na kaaway niya ang lalaki ay tinampal niya ang noo niya.
Nakatingin pa rin sa kanya si Kalel. Blanko ang mukha nito at di kakitaan ng kahit anong emosyon. Parang walang pakiramdam at hindi siya nakita.
Dahil sa pagkahiya sa ginawa niya ay tumagilid na lang siya at nagsawalang-kibo sa nangyari. Natawa siya ng maalala ang katangahan niya kanina. Bakit ba kasi siya naging ganun kanina? Hindi pa niya iyon naranasang maramdaman kahit na kanino kahit sa mga co-actors niya.
" Kaaway mo ang laking iyan kaya huwag kang tanga. Kalaban, kaaway, enemy mo siya " usal at paalala niya sa kanyang sarili na hindi naman narinig ng lalaki.
Sa loob-loob ni Mayumi ay hinihiling niyang huwag siya muling malasin pa. Na huwag na muli silang magkalapit. Business is business at wala siyang paki-alam sa lalaki. Bakit ba kasi sa tuwing magkasama sila o magkikita ay may kakambal talaga na kamalasan? Sino ba sa kanila ang malas. O baka pareho. Naku, huwag naman.
Nakakailang ang kanilang sitwasyon sa loob ng elevator. Buti na lang at malapit na sila sa 10th floor. Parang paki-ramdam niya ay masusunog siya sa init ng pakiramdam niya. Awkward sa pakiramdam ang lahat.
Pagbukas ng elevator ay nauna nang lumabas si Kalel at sumunod na lang siya. Hindi siya nito nilingon. At bakit naman siya nito lilingunin? Walang rason.
Napabuga pa siya ng hangin bago pumasok sa venue. Nandoon na si Bunny. Agad siya nitong inalalayan para malagyan na ng make-up na ayon sa mga susuotin niya at maayusan ng mga damit na susuotin para sa photoshoot. Hindi naman siya mahirap bihisan. Kahit anong damit bagay sa kanya. Maganda siya in and out.
Samantalang si Kalel ay nag-ayos na rin sa seperadong room. Mamaya pa naman sila magkikita kapag magsisimula na ang photoshoot.
" Perfect. Ang ganda mo Miss" puri ng make- up artist matapos siyang make-apan. Mas lumabas pa ang kakaiba niyang ganda. Gandang maka-Filipina talaga.
"Thanks." Nakangiting sagot niya sa make-up artist. Nagpa-picture pa ito sa kanya. Ipopost daw nito sa social media niya.
Sunod naman siyang binihisan. Gown ang una niyang isusuot para maunang makuhanan sila ni Kalel ng pictures. Magkasama sila sa mga ganuong larawan. Ilalagay ito bilang cover ng magazine. Ito lang naman ang mga larawan na kukuhanin na magkasama sila. Pinauna ito ni Kalel na makuhanan dahil hindi pa siya busy sa trabaho. Kapag busy na siya bilang CEO ay mahihirapan na siya. Matalino talaga ito.
Natapos na siyang bihisan. Ang ganda niyang tingnan sa suot nitong gown. Litaw na litaw ang alindog nito.
Nakatayo lang siya dahil nagpapa-picture ang mga kasamahan nila sa loob ng room. Mga taga-hanga niya rin ang mga ito. Tudo support ang mga ito sa kanya.
" Excuse me. Can we start the photoshoot?" Wika ni Kalel na nasa harapan nila. Nakakunot ang noo nitong tinitigan si Mayumi. Na-alarma naman sila kaya nagsi-alisan na ang mga kasamahan nito. Iniwan silang dalawa sa gitna.
Nagkatinginan lang sila ni Mayumi ng masama.
"Excuse me Mr. Monteverde, can we start the photoshoot?" pamaang na tanong ni Mayumi. Alam niyang maiinis ang lalaki dahil ito ang naunang magtanong ng mga salitang iyon.
Tumalim ang mga paningin nito sa kanya. Nahalata siguro nito na inulit niya lang ang tanong ng lalaki.
"Excuse me," anang photographer. "Pumwesto na po kayong dalawa para masimulan na ang pictorial."
"Ayusin mo ha. Ayoko ng another take." Bossy na sabi ni Kalel saka humarap sa photographer.
Ngumiti lang si Mayumi ng nang-aasar. Ang mga nakakakita sa kanilang dalawa ay nagtataka maliban kay Bunny. Alam na ni Bunny ang rason ng pagiging masungit niya sa lalaki.
"Shall we start?" tanong ulit ng photographer na nakahawak na ng camera.
Naghanda na silang dalawa.
"Ayaw mo pala ng another take ha? Pwes nagkakamali ka" usal ni Mayumi saka ngumiti ng nakakaloko.
Hinawakan siya ni Kalel sa baywang para magkalapit silang dalawa at iyan naman ang utos ng photographer. Ayaw niya sanang hawakan nito pero wala siyang magawa.
Nagsimula nang kumuha ng picture ang photographer. Nakangisi lang si Mayumi at hindi maayos ang mukha nito.
"Miss Mayumi, tama lang po ang ngiti. Dapat sexy lang. Napalakas yata ang ngiti ninyo. Hindi bagay" anang photographer.
"Sorry" paghingi niya ng paumanhin.
"Ayusin mo nga. Ayaw ko ng maraming take. Naabala ang oras ko" galit na wika ni Kalel saka inakbayan siya nito.
Nakiliti siya kaya tumawa siya.
"Ano ba? Sinasadya mo ba talaga ang maging katawa-tawa huh? I'm not here because of that trick. Kung ayaw mo na kasama ako sa shoot pwede ka nang umuwi." Galit na wika ni Kalel sa kanya.
Umismid siya saka saglit na natawa. "Hindi ah. Nakiliti lang ako kanina kaya ako natawa. Naiinis ka na ba sir? Pero sorry hindi ako uuwi. Bakit may ipapalit ka ba sa akin?" mataray niyang sagot. Napangiti siya ng lihim. Success ang pang-aasar niya. Nagalit na ang lalaki sa kanya.
Napangiwi ang lahat nang nakatingin sa kanila. Napakamot din ng ulo ang photographer. As usual kalma lang si Bunny saka nagsawalang-kibo, busy kunyari sa cellphone nito.
"Guys, listen. Shall we continue this f*cking shoot or not? I think Miss Mayumi has not in her mood." Tanong ni Kalel sa mga kasamahan habang nagpipigil ng galit. Kunti na lang ang pasensya nito sa babae dahil sa pagkainis.
Nagsitangu-an naman ang lahat. Ayaw naman nilang e-reschedule ulit ang photoshoot sa ibang araw. Pareho na silang lahat na busy sa tranaho.
"Okay. Continue. But all of you guys please, get out first. Baka nahihiya lang si Mayumi sa inyo" sarkastikong sabi ni Kalel. Natawa naman si Mayumi sa narinig. Siya ay nahihiya? Kailan pa ba siya nakaramdam ng hiya sa harap ng camera?
Agad namang nagsilabasan ang mga ito. Pati si Bunny ay lumabas na rin. Tanging silang tatlo na lang ang naiwan sa loob.
"Umayos ka nga. You know what? May trabaho pa ako later. Kaya huwag ka nang mag-inarte." Bossy na sabi ni Kalel saka umayos na.
"Okay. Ano ba ang gusto mong gawin ko? Matakot sayo dahil ikaw ang boss namin?" mataray na sagot ni Mayumi. Gusto pa rin niyang asarin ang lalaki.
"Shall we start now?" anang photographer
"Yes" sabay pa nilang sagot.
Hinawakan siya ni Kalel ng mahigpit sa baywang dahilan para masaktan siya.
"Ano ba? Masakit ha" usal niya.
"I don't care. Please act natural," saway ni Kalel. Kahit nagkasakitan na silang dalawa ay hindi sila nagpahalata. Sa bawat higpit ng kamay ni Kalel sa baywang niya ay siya namang diin niya ng sandal sa paa ng lalaki. Hindi iyon nahalata ng photographer. Pero parang magkapatayan na silang dalawa.
"Okay, maganda na ang mga kuha. Last pose. Magharap kayong dalawa saka titigan niyo ang isa'-isa. Iyong pareho kayong masaya habang magkahawak kamay" suhestiyon ng photographer. Kanina pang walang tigil ang photographer sa pagkuha ng litrato pero ang dami nitong nakukuhanan. Siguro nagagandahan ito sa pagkuha ng litrato dahil bagay ang dalawa. Parehong maganda at guwapo.
"What? Why do we need to this? For what?" protesta ni Kalel. Ayaw niyang makaharap ang babae.
"This would be the final cover sir. I think this would help to catch people's eyes. Maganda iyon sir, trust me" paliwanang ng photographer.
"Yeah, that would be better. Let's start" sang-ayon ni Mayumi ng makita sa glass window na paparating si Briana. Siya na mismo ang humawak sa kamay ni Kalel.
"Why are you holding my hands?"
"Bakit? Para ito sa picture. May masama ba? Sige na. Pagod na ako" mataray na sagot ni Mayumi. Napangiti ito dahil nagulat ang lalaki sa ginawa niya.
"Okay fine. Basta one take lang to ha" naiinip nitong sagot. Nawalan na ito ng gana.
Hinawakan ni Mayumi si Kalel sa kanang kamay saka bahagyang hinawakan ito sa mukha ng kabilang kamay. Nagulat si Kalel sa ginawa ni Mayumi. Nagtama ang mga mata nila. Maganda pareho ang mga mata nilang dalawa. Nakaramdam ng pagka-ilang si Kalel ng makitang napakaganda ng ngiti ni Mayumi habang si Mayumi ay gingawa ang best niya. Hindi naman sa gusto niyang e seduce ang lalaki kundi magselos si Briana kapag makita silang dalawa sa ganuong posisyon.
Sa labas nag-iiskandalo na si Briana dahil hindi siya pinayagang makapasok sa loob. Hinarang sila ni Bunny. Si Bunny ang nakikipagtalo sa dalawa. Ang mga kasamahan niya ang nakaharang sa pintuan.
"Final one. Miss Mayumi lumiyad kayo ng bahagya. Sir, alalayan niyo siya. Parang daw sa fairy tale. Hawakan mo sir si Mayumi sa baywang saka ikaw Miss ang isang kamay sa pisngi niya at ang isa sa balikat ni sir. Sir, ilapit mo ng kaunti ang mukha mo kay Miss, saka pareho kayong ngumiti sa isa't-isa. Alam niyo na iyon"
"Sige na. Last na siguro ito." Bossy na wika ni Mayumi.
"Okay" naiinip na sumunod si Kalel. Kanina pa kasi nagsasabi ng last picture na pero di pa rin tumitigil sa pagkuha ng picture. Pumwesto na silang dalawa kahit kapwa napipilitan.
Nagkakagulo pa rin sa labas. Sinugod ni Pushy si Bunny kaya nakahanap ng paraan si Briana na makapasok sa loob ng room. Nadatnan nito ang ganuong scenario. Galit na sinugod ni Briana si Mayumi para sampalin at sabunutan.
"Okay done" anang photographer. Eksakto na natapos na ang photoshoot ng nakapasok si Briana.
Nagulat na lang sila bigla ng sabunutan ni Briana si Mayumi. "How dare you Mayumi. At talagang nilalandi mo si Kalel huh?" sigaw nito habang sinasabunutan si Mayumi. Nakipagsabunutan na rin si Mayumi. Hindi siya umuurong kapag inunahan siya.
Lumapit si Mayumi sa kanya saka inayos ng kaunti ang buhok nitong nasira ang hairdo. "As far as I know wala akong alam sa sinasabi mo?" mataray na sagot ni Mayumi.
"Mang-aagaw, mang-gagamit. Iyan ba ang ginagawa mo Mayumi para maging sikat? Siguro sinulot mo ang contract ko kay Sir Sebastian ano?" wika nito sabay sampal kay Mayumi. Nasalo iyon ni Mayumi.
"Wala akong panahon na makipag-away sayo. I work with a clean intention. Huwag mong ibintang sa'kin ang mga gawain mo" sagot ni Mayumi saka tumalikod. Hinablot ni Briana ang buhok niya. Masakit iyon kaya gumanti na rin si Mayumi.
Sumali na rin sa pakikipag-awat si Kalel na kanina nakikinig at nakangisi lang dahil sa giri-an ng dalawa.
Si Bunny ay pinipigilan din si Pushy na makalapit sa dalawa. Na-awat na rin sa wakas ang dalawa.
Nayakap ni Kalel si Mayumi ng hindi nito napapansin. Nang makita ang kanilang sitwasyon ay naitulak niya ng bahagya si Mayumi.
"May araw ka rin Mayumi, tandaan mo yan" pagbabanta ni Briana. Inirapan lang siya ni Mayumi.
"Briana please stop. Wala namang ginagawang masama si Mayumi ah. We're having our photoshoot. At saka si Dad ang nag-recommend na siya ang kukuning model. Don't accuse her with that stupid things, okay?" Agad na tumalikod si Kalel pagkasabi niyon.
"Kalel" sigaw ni Briana para pigilan ang lalaki.Hindi na ito lumingon pa. Naiwang galit na galit si Briana. Hindi siya kinampihan ng lalaki sa halip ay pinagalitan pa.
Kailan pa siya naging concern kay Mayumi? Bakit niya ito ipinagtanggol? He hated Mayumi the most but why he used to help her? Nagsulat pa nga si Mayumi kung bakit siya nito tinulungan.
Tumawa si Mayumi ng nang-aasar. Hinila na rin siya ni Bunny palabas dahil kung hindi, may World War III na magaganap.Naiwang galit na galit si Briana habang inaalalayan ni Pushy. Nagsilabasan na rin ang mga staffs na nandodoon.
Nakakahiya ang ginawa ni Briana.
Mabilis na lumabas ng building sina Mayumi.
"Sana ka pupunta? Uuwi ka na ba ng Condo mo?" concern na tanong ni Bunny.
"Hindi. Magpapalamig muna ako Bunny. I have my car so I can drive myself home. Bye. I'm sorry kung napa-away ako this day"
"Ako ang may kasalanan eh, hindi ko napigilan si Briana kanina, kasi naman epal din iyang si Pushy" galit na saad ni Bunny habang tumata-as-baba naman ang balikat nito.
"It's okay. Sige na. Magkita na lang tayo bukas. Sige bye." Pinaandar na nito ang kotse saka umalis na.
Sumakay na rin si Bunny sa kotse nito saka umuwi na. Na-stress na naman itong baklita.
Nagtungo si Mayumi sa bar na lagi niyang tambayan. Hindi naman siya lasinggera pero dito siya pumupunta para magpalamig sa tuwing galit o nalulungkot siya.