NAUNANG nagising si Mayumi. Hindi naman sa excited siya pero sanay din naman siyang gumising ng maaga. Mula alas-otso ng gabi hanggang alas-sinco ng umaga ay sapat na para makatulog ng higit sa walong oras. Sapat na iyon bilang pahinga. Mas gusto niya dito sa isla dahil marami ang tulog niya.
Lumabas siya ng kuwarto at nandodoon na pala sa kusina si Auntie Maya niya. Nagkakape na ito. Sumaglit muna siya sa banyo para maghilamos saka pumunta sa mesa para makipagdal-dalan kay Maya.
Pagkaupo niya sa silyang naroroon ay binigyan agad siya nito ng isang tasa ng kape. Native coffee na paborito naman niya.
Inamoy-amoy pa nga niya ang kape bago sinumulang inumin. " Masarap talaga Auntie ang native coffee. Iyong binigay niyo sakin ay matagal ko na kasing naubos", wika Niya saka lumagok ulit ng kape.
Ngumiti naman si Maya ng marinig ang sinabi niya. "Don't worry padadalhan kita ulit. Kung pwede nga lang sana na dito ka na lang araw-araw ay mas gugustuhin ko talaga", sagot nito. Nangingibabaw talaga ang pagka-miss ni Maya sa kanya. Parang anak na rin kasi ang turing nito sa kanya.
"Auntie, sa susunod siguro mas dadalasan ko na ang pagpunta dito. I think after 5 years of my contract titigil na ako sa pag-aartista. Mas piliin kung mamuhay dito. Mabuti dito walang problema, malaya ako rito"
"Talaga? Mabuti naman kung ganun. Pero after 5 years, dapat na mag-asawa ka na rin, este kayong dalawa ni Michelle"
Napangiti naman siya. " Auntie sana kayo din. Alam mo Auntie gwapo naman si Kuya Greg, kahit nasa kuwarenta na ay macho pa rin. Mas matutuwa kaming dalawa ni Michelle kapag mag-asawa ka", pagbibiro niya.
Pinamulahan naman ng mukha si Maya."Naku, ano ba ang pinagsasabi mo Mayumi? Ayaw ko ng mag-asawa. Kayong dalawa pa lang sa buhay ko ay sapat na", sagot nito. "Ay tika lang ang sinaing ko baka nasunog na", alibi pa nito. Kakasaing lang niya nito. Hindi naman siya inaasar pa ni Mayumi.
"Auntie sa may dalampasigan lang ako ha. Maglalakad-lakad lang ako papunta roon. Namiss ko na kasi itong gawin saka manununood ako ng sunrise", paalam niya.
"Sige. Sasabihin ko na lang kay Michelle na nandodoon ka. Di pa naman siya nagising eh. Masyado sigurong napagod kahapon"
Dumaan muna siya sa kuwarto niya saka kinuha ang kanyang cellphone. Gusto niyang kuhaan ng mga litrato ang paligid at lalong-lalo na ang sunrise. Sa Maynila di na niya naranasan ang makakita ng sunrise.
Nagsuot lang siya ng tsinelas na sapin sa paa. Nagsuot ng jacket dahil medyo maginaw pa sa labas. Malakas ang hangin.
Pumanaog na siya saka naglakad-lakad papuntang dalampasigan. Manaka-naka pa lang ang mga tao. Mga mangingisda pa lang ang nandodoon na pumapalaot para manghuli ng isda sa dagat.
Naglakad-lakad siya sa may buhanginan. How refreshing. She feels no worries. Nagtampisaw na rin siya sa hampas ng maliit na alon.
Sana ganito lang palagi ang buhay niya. Buhay na simple at walang problema. Mas maganda rin sana na buo pa ang pamilya niya. Para makakasama niya rin na pumarito kapag summer. Simula kasi ng mamatay ang mommy niya naging busy na lang sa business ang Daddy niya.
Kaya nga siya kumuha ng Condo Unit para magsimulang magsarili para hindi niya maabala pa ang Daddy niya. Every weekend na lang siyang umuwi sa bahay nila o kapag may emergency.
She used to be independent since she was fithteen. Minsan na-bored siya sa bahay nila kaya niya naisipang mag-adventure. Dahil sa pagka-adventurous niya ay napadpad siya dito sa isla.
May-ari din kasi ang Daddy niya ng isang shipping line kaya marunong siya magpatakbo ng yate o motorboat. Minsan niyang ginamit ang motorboat nila ng hindi nagpapa-alam sa Daddy niya at nakarating siya sa isla at nagkataong nasiraan siya. Kasalukuyang namamangka sina Michelle noon at nakita siya ng mga ito.
Tinulungan siya nina Michelle na mapaayos ang motorboat niya. Pansamantala siyang tumira kina Michelle habang hindi pa naaayos ang motorboat at iyon na ang dahilan na naging close sila hanggang ngayon.
Pabalik-balik na si Mayumi sa isla hanggang noong pumasok na siya sa pag-aartista noong seventeen years old pa lamang siya. May nakadiskubre sa galing niya at iyon ay si Sebastian Monteverde. Nang makita siya nito ay kinumbinsi siya nitong kuning talent dahil kinakitaan siya nito ng potential saka maganda siya. At sa mga panahong iyon ay nagpasya siyang mag-artista para magkapera ng sa sarili niyang pinaghirapan. Ayaw niyang mag-rely sa Daddy niya. Isang rason din nito ay nakita niya ang kahirapan na dinaranas ng mga tao sa isla.
Gusto lang niyang ibalik ang utang na loob sa mga taga-isla ng minsan siyang tinulungan. Nainspire din siya sa mga taong nakatira sa isla dahil kahit mahirap lang ang pamumuhay nila ay nagtugulungan at may pagkaka-isa ang mga tao.
Namana niya sa kanyang ina ang pagkamaawain at pagkamatulungin. Nang nabubuhay pa ito ay malaki din ang foundation na binabahagian nito ng tulong.
Papasikat na ang araw. Ang ganda pagmasdan ng kulay ng papasasikat na araw. It's color can heal a broken heart and a lonely soul. Pero para kay Mayumi ay isa lang ang naidudulot nito. Sinasariwa lang nito ang mga ala-ala na kasama ang ina habang naghihintay ng pagsikat at paglubog ng araw.
Dumako ang kanyang paningin sa walang hanggang karagatan. Nang maalala ang totoong sinapit ng ina, kung paano ito namatay ay biglang naging isang makipot na lawa ang karagatan ng unti-unting pumatak ang mga luha niya. Nakaramdam siya ng kaunting kirot at galit sa puso niya.
Labis niya itong namiss. Tanging munting ala-ala na lang ang naiwan nito sa kanya. Sa limang taon na nagkasama sila ay hindi sapat ang ala-ala ng kanyang ina na naiwan sa kanya. Mga simpleng ala-ala na tanging nakaukit sa puso niya.
Pinahid niya ang mga luha sa kanyang mata. "I'll give you justice Mom, I'll promise", saka nagsimulang naglakad-lakad ulit. Pumulot ng maliit na bato saka hinagis sa tubig. Madalas niya itong ginagawa. Pampawala stress at problema.
"Yumi, uwi na. Mag-aalmusal na tayo sabi ni Auntie Maya", tawag sa kanya ni Michelle na naglalakad papunta sa kinatatayuan niya.
Ngumiti siya saka sinalubong na si Michelle. Nakaramdam na rin siya ng gutom.
"Ayos ka lang ba? Umiyak ka no?", pansin nito sa namumula niyang mata.
"I'm fine. Tara na. Ginugutom na ako. Di ba pupunta tayo ngayon sa bayan para kumuha ng permit di ba?", pag-iiba niya ng usapan.
"Mamaya na. Pagkatapos nating kumain ipamigay muna natin ang mga pinamili mong prutas para sa mga bata"
"Oo nga pala. Sige na"
Pagkarating nila sa bahay ay nakahain na sa lapag ang umagahan. Mga paborito Niya lahat ang nakahain.
"Auntie, alam mo nakakalimutan ko talaga mag-diet kapag ikaw ang nagluto. Masarap talaga. Paano na ang photoshoot ko next week kapag tumaba ako?"
"Aba, hindi ka naman tumataba kahit anong kain mo. Sige, kain lang ng kain, Yumi. Next week magbabalik alindog ka na naman kaya itudo mo na ngayon", sagot ni Maya sa kanya.
"Oo nga. Buti ka pa nga Yumi. Eh, ako dapat na mag-diet talaga para kahit papaano ay maging sexy tingnan. Mabilis akong tumaba", pagsang-ayun ni Michelle.
MATAPOS nilang kumain ay ipinamigay na nila ang mga prutas sa mga kabataan.
Tuwang-tuwa naman ang mga ito. Nagsipasalamat naman ang mga bata sa kanya.
"Mga bata, sa susunod mas dadamihan ko pa ang mga regalo sa inyo basta maging mabait lang kayo palagi. Huwag pasaway sa mga magulang niyo ha", sabi niya sa mga bata. Nagsitangu-an naman ang mga ito.
"Sige na, Mauuna na kami ng ate Yumi niyo. Pupunta pa kami sa bayan. Sana mabigyan kami ng permit para makakapagpatayo na dito sa susunod na taon ng secondary school para hindi na mahirapan ang mga kabaatang taga-rito na lumuwas pa sa bayan para doon mag-aral. Dito na kayo mag-aaral, di ba masaya yun?"
"Yehey", sigawan ng mga bata. Tuwang-tuwa ang mga ito.
"Just pray for us", nakangiting wika ni Mayumi. Yumakap naman ang mga bata sa kanya. Thankful talaga ang mga ito sa kanya.
Nagpaalam na sila saka nagttungo sa kakilala nila na may-ari ng pampasaherong bangka para magpahatid sa bayan.
After 30 minutes, nakarating na sila sa bayan. Nagsuot na ng sumbrero at shades si Mayumi. Hindi na siya makikilala. Simple pang ang ayos niya. Naka-jeans at t-shirt lang. Walang makakahalata na artista siya.
Nagpahatid sila sa papuntang City Hall para makipagkita sa Mayor. Sana maging maganda ang kanilang pakikipag-usap at papayagan sila na bigyan ng permit to operate para masimulan na ang bagong project na pagpapatayo ng secondary school sa isla.
Pumasok na sila sa City Hall. Mabuti lang at nandoon ang Mayor. Nakaupo ito sa mesa nito. Nakuha agad ang atensyon nito ng makita silang pumasok sa sliding door.
Ngumiti silang dalawa ni Michelle saka sininyasan ng Mayor na maupo sa silyang nakalaan sa mga bisita.
"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo mga binibini?",anang Mayor sa kanila. Nasa 30's na ang edad nito pero guwapong-guwapo na mukhang bagets lang.
"Nandito po kami para kumuha ng permit para sa pagpapatayo ng highschool sa isla. Gusto kasi namin na huwag nang mahirapan ang mga estudyante na lumuwas pa ng bayan para makapag-aral ng highschool", agarang sagot ni Michelle. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa.
"Ganun ba? Hindi madali ang magbigay ng permit pero sige tutulungan ko kayo. Next week bumalik kayo para makuha ang permit. Ikokunsulta ko muna ito kay Kongressman.
"Salamat po Mayor."
Nagpa-alam na sila saka nagtungo sa palengke upang mamili Ng mga pagkain at groceries.
"Wow masarap Auntie Maya. Tiyak na magugustuhan ng mga bata," nakangiting wika ni Mayumi.Tinikman niya kasi ang mga luto ni Maya .
Nagluluto na kase si Maya ng mga pagkain para sa mga bata. Palagi nila itong ginagawa para mapasaya ang mga kabataan.
"Aba, siyempre. Mayumi kailan ka pa ba uuwi? "
"Bukas na siguro Auntie Maya, gusto ko pang nandidito. Bakit ayaw niyo na ba along makita rito?"
" Aba siyempre gusto. Kung pwede lang sana dito ka na lang tumira ay nanaisin ko talaga"
"Asus, Auntie Maya naman. Sa susunod dito na ako palagi. Gusto ko na rin ng simpleng buhay, buhay na masaya kahit ganito lang. At isa pa marami namang nagmamahal sakin dito, di tulad sa Maynila. Mahal lang nila ako dahil sikat pa ako pero kapag hindi na basta-basta na lang nila akong kalimutan niyan"
"Tumigil ka na sa drama mo Mayumi. Ikaw na ang da best na artista na kilala ko. Tara na at baka gutom na ang mga bata na naghihintay sa labas."
Dinala na nila labas ang mga pagkain.
"Wow, masarap talaga ate Mayumi."
"Talaga? Sige pa, ubusin niyo lahat ng iyan ha. Pagkatapos ay tuturuan na naman kayo ni Ate Michelle niyo ng pagsusulat at pagbabasa, hindi ba?"
"Opo," sagot ng mga bata habang masayang kumakain. Masaya rin sina Mayumi, Michelle at Auntie Maya.
Tumunog ang cellphone ni Mayumi. Nagtext si Bunny sa kanya. Pinapauwi na siya nito dahil bukas na bukas ay sisimulan na ang first photo shoot para sa magazine.
Bigla siyang nalungkot. Kailangan na niya mamaya na umalis. Kahit na gagabihin siya ay kailangan niyang umuwi para bukas. Akala niya sa susunod pang araw. Napa-aga yata.
Napansin naman siya ni Michelle kanya nilapitan siya nito. "May problema ba Mayumi?"
Ngumiti siya. "Wala naman. Pinapauwi lang ako ni Bunny dahil bukas na ang first photo shoot namin para sa magazine na il-u-lunch ng company at the same time ng Entertainment. Nakakainis"
"Okay lang iyan. Ipapahatid kita mamaya. Kakabalik lang natin galing bayan tapos aalis ka na naman. Hindi ka pa ba napapagod?"
"Sanay na akong mapagod. Samahan mo na ako sa Maynila. Hahanapan kita doon ng bagong trabaho. Gusto lang kitang mapasama eh. Sige na"
"Mayumi, ganito kasi. Kailangan ako ng mga kabataan dito saka ako ang maghihintay doon sa permit na hinihingin natin sa Mayor. Mahalaga ka sakin at subrang na miss kita pero paano na sila dito, ang mga kabataan pag wala ako?"
"Okay. Sige. I understand. Sorry," medyo mangiyak-ngiyak na wika ni Mayumi. Pinahid Niya rin agad baka makita ng mga bata at ano pa ang isipin ng mga ito.
Niyakap na lang siya ni Michelle ng mahigpit.
Nag-ayos na siya ng kaunting gamit. Pinapauwi na kasi siya nina Michelle at Maya. Hindi sa tinataboy siya nito kundi para mapa-aga ang pag-alis niya at hindi madatnan ng gabi sa daan. Three hours ang biyahe niya pabalik ng Maynila kaya para safe siyang magbiyahe ay pinapauwi na siya ng maaga.
"Ba bye Mayumi. Kapag hindi ka na busy bumalik ka ulit ha", paalam nina Michelle.
Sumakay na siya sa bangka. Kumaway na lang siya. Pinaniod nag kabuuan ng isla hanggang sa mawala sa kanyang paningin.
Ayaw niya pa talagang umalis pero kailangan. Ayaw naman niyang mapahiya si Bunny kapag hindi siya sumipot sa unang photo shoot.