Walang nagawang trabaho ang dalaga kundi puro buntong-hininga at matulala. Talagang nakokonsensiya siya at nababahala siya sa ekspresiyong ipinapakita ni Xander kanina. Mabilis na napatayo siya. Siguro naman ay nakabalik na ang binata mula sa meeting nito. Naglakad siya papunta sa opisina ng binata. Kinakabahan tuloy siya. Buo na ang loob niya na mag explain at humingi ng sorry sa binata. Nakita niya si Rakhim sa labas ng opisina nito. "Nandiyan ba si Xander?" She composed herself. Lumalakas na ang kabog ng dibdib niya. "Good afternoon maam. He's inside you may come in." Seryosong ani ni Rakhim at binuksan ang pinto para sa kaniya. Agad naman siyang pumasok only to get hurt again. Nakita niyang may babaeng kamukha ni Solenn Heussaf napakaganda at napaka sexy nito. Nagtatawanan si

