Alas diyes na ng gabi subalit nasa bar counter pa rin ang binata at patuloy na umiinom. Hindi niya alam kung bakit kahit limang oras na siya kakainom hindi siya nalalasing. Si Rakhim naman ay nasa gilid lang niya nakabantay kaya walang nakakalapit sa kaniya. Hanggang tingin na lamnag ang mga babaeng s*x lang ang habol sa kaniya. "You can leave me now Rakhim." Aniya sa secretary. Hindi ito nagsalita at nanatili lamang sa inu-upoan. Ramdam niya ang sakit at hapdi sa puso niya. Napahigpit ang hawak niya sa baso niya nang makitang umiiyak ang dalaga. Parang pinupunit ang dibdib niya sa sakit. Mabilis na tinungga niya ang laman ng baso niya at nagsalin ulit. "I can't leave the two of you here Sir. Baka anong mangyari sa inyo." Mahinang ani ni Rakhim sa medyo may pagka slung na tagalog

