Kabanata 1- Marriage Contract
Celeste's Point Of View
Naalimpungatan ako dahil sa malamig na bagay na dumapo sa mukha ko, hindi iyon simpleng dampi bagkus para iyong ibinato sa mukha ko. Walang pag-aalinlangan ko itong hinampas na naging dahilan ng pagkakagulat ko dahil isang malamig na tubig ang bigla na lamang dumapo sa mukha ko. Napatayo ako ng wala sa oras at napatingin sa mga boses na humahalakhak sa hindi kalayuan sa akin. Sumalubong sa akin ang tatlong babae na nakasuot ng unipormeng pangkatulong. May ngiti sila sa mga labi habang nakatingin sa akin na ngayon ay basang-basa na dahil sa pagkakatapon sa akin ng tubig.
"Bumangon ka na, anong akala mo prinsesa ka dito dahil dinala ka ni Señorito?" sambit ng isa sa tatlo na may maikling buhok at sa tantiya ko ay nasa 30s na ito.
Bukod sa babae na ito may isa pang dalaga na payat at may kulot na buhok at ang isa naman ay ang babaeng nakatayo sa hindi kalayuan sa akin at may bitbit na maliit na planggana, iyon siguro ang ginamit niyang pambuhos sa akin.
Blanko lamang ang mga tingin na ipinukol ko sa kanila, nakita ko ang unti-unti pag-aalangan ng dalawa ngunit hindi ang isa sa tatlo na may mahabang buhok, mapusyaw ang balat at mahahalata mong may kaya siya sa buhay dahil napansin ko ang mga kamay niya na walang bahid ng paghihirap sa mga gawaing bahay kumpara sa dalawa na may mga kalyo at palad na magaspang.
Linapitan ako ng babae na ito at umupo upang mapantayan ako, sinuri nito ang buong kabuoan ko. "Sa akin lang si Caiden, b***h. Kung ako sayo aalis na ako bago pa kita kaladkarin paalis ng mansyon na ito," may pananakot sa tinig niya ngunit hindi ako nagawang mapaatras ng salitang 'yon.
"Nasaan ba ako?" walang gana kong tanong at nagdesisyon na tumayo.
Hindi ko na inabalang ayusin pa ang magulong buhok ko dahil ang gusto ko lang sa mga oras na ito ay makaalis kung nasaan man ako.
"Huwag mo kaming lokohin, alam kong pera ang habol mo kaya ka narito hindi ba? Sabihin mo magkano ang kailangan mo at dodoblehin ko," ani ng babae na ito.
Nangunot ang mga kilay ko dahil sa sinabi ng babae na ito. Mas lalo pa akong nairita ng maglabas ito ng pitaka at inilabas ang lilibuhing pera niya.
"Ang landi talaga!" bulong ng isa sa kanila. "Akala mo sinong kagandahan e retoke lamang 'yan!" dagdag pa ng isa.
Hindi ko sila pinansin bagkus nagdire-diretso ako sa may pinto at walang pag-aalinlangan binuksan ito. Dito na sumalubong sa akin ang isang makisig at matangkad na lalake na may asul na mga mata. Mataman itong nakatitig sa akin na para bang inaasahan na niya akong makita.
"I-Ikaw?" bulong ko.
Ang lalaking nasa harapan ko ay isang lalakeng hindi ko gugustuhing makasalamuha. Kung ganito pala siya, siya pala ang pinagkaka-utangan ng ama ko. Naramdaman ko ang kalungkutan ng maalala ko ang nangyari kahapon, ang aking ama na nasugatan at nasa kritikal na kalagayan.
"Kayong tatlo," aniya at tinuro pa ang tatlong katulong na nasa likuran ko. "Get out." Mabilis ang kilos ng tatlo at agad na umalis sa silid, iniwan kaming dalawa.
Inihila niya ako papasok ng silid, nag-ingat siya na huwag lumapit sa kanya. Umupo siya sa isang sofa malapit sa akin habang ako ay itinulak sa kabilang sofa.
"Pirmahan mo 'to," sabay bato sa akin ng isang puting sobre.
Walang kaalam-alam, binuksan ko ito at nagulat sa laman nito.
"Marriage Contract?" bulong ko, nagulat na ang pangalan ko ang nakasulat dito.
Hindi ako makapaniwala habang tinitingnan siya, ipinakita ko sa kanya ang hawak ko. "Ano 'to?" tanong ko, itinaas ko pa ang papel na hawak ko.
"Pirmahan mo, sinabi ko na sa'yo 'di ba? Ikaw ang gusto kong pakasalan," sabi niya nang walang emosyon sa boses.
"Hindi ko pipirmahan 'to! Ayoko!" protesta ko.
"Sa akin ka na, Celeste. Gusto mo o hindi, pipirmahan mo 'yan," sabi niya ng malamig, ang mga mata niya ay sumasaksak sa kaloob-looban ng aking pagkatao.
Ang mga asul niyang mata ay walang kahit anong emosyon, tila patay ngunit buhay.
"Hindi," mariing sagot ko.
"Subukan mo. Hindi mo magugustuhan ang kaya kong gawin."
Paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Maayos naman ang buhay ko, wala akong ginawang masama, ngunit bakit ako ang nagdurusa ng ganito?
"Please... Pakawalan mo na ako. Wala akong kinalaman sa utang ng aking ama sa'yo," pakiusap ko sa kanya, ngunit walang anumang emosyon ang mababasa sa kanyang mukha.
Dinampot niya muli ang marriage certificate at hinila ang braso ko. Umupo siya sa malapit na sofa at walang pag-aalinlangan niyang itinulak ako sa kabilang sofa.
"Sign."
"Ayoko!" matigas kong sagot dahil hindi ko kayang pakasalan ang lalakeng hindi ko mahal.
"Okay."
Laking gulat ko nang kunin niya ang mamahaling cellphone niya mula sa kanyang saksak na itim at may kung anong ipinakita dito.
"Kill them," aniya at may malademonyong ngiti na sumama sa aking damdamin. Nang ma-realize kung sino ang tinutukoy niya, hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha ko.
Pinanood niya lamang ang aking reaksyon, huminga muna ako ng malalim bago sinalubong ang kanyang blangkong tingin.
"Pipirmahan na ako," sabi ko nang mapilitan. Pikit-mata kong pinirmahan ang marriage contract na iyon.
Pinanood niya ako hanggang matapos kong pirmahan ang mga dapat pirmahan.
"Maghanda ka mamaya. Hintayin mo ako. Sa ngayon, may mga dapat lang akong asikasuhin." Hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin, pero hindi ko na iyon pinansin.
Wala akong ginawa kundi umiyak dahil tapos na. Nakatali na ako sa lalakeng hindi ko lubusang kilala. Ang demonyong iyon ay si Caiden Elixir Montenegro, ang hayop sa larangan ng business world. Kilalang-kilala siya dahil isa siyang makapangyarihang tao sa buong mundo. Kilala ko lamang siya dahil madalas siyang pag-usapan ng mga tao sa shop ko at madalas siyang lumabas sa mga balita at nasa mga magazine rin siya. Hindi ko akalain na isa pala siyang Mafia King. Wala akong alam tungkol sa mga Mafia, pero sa pagkakaalam ko, sila ay mga masasamang tao na nagpapatay. At ngayon, ako ay naging pag-aari na niya. Alam ko na hindi madali ang makatakas sa isang tulad niya.