Celeste's Point of view “Ayaw mo ba ng ganito?” duro ni Caiden sa isang damit na kaunti na lang mata na lang ang makikita sa akin pati na ang kuko ko sa kamay. Hindi magandang ideya na isama siya sa pamimili ng damit dahil ang mga binibili niya ay iyong mga damit na tagong-tago. Inirapan ko siya dahil wala siyang taste pagdating sa damit. Ako ang kusang kumuha ng mga gusto kong damit na kumportable at hindi sobrang mamahalin. Mala-ginto kasi ang tinda ng mall na ito. Dumaklot ako ng limang pares ng short shorts pero pinigilan niya ako. “Ano?” may iritasyon sa boses ko. “Not that. Ayoko ng nagsusuot ka ng ganiyan how about ito? Panjama is more comfortable than this short.” aniya at pinakita pa sa akin ang mga panjama. Lumingon ako sa likuran ko kung nasaan si Dexel at pasipol-sipol

