Hirap na hirap ako dahil sa tama ng baril sa tagiliran ko pinilit kong makalabas ng sasakyan. Naupo ako sa mismong daan habang hawak ang dumudugo kong tama. Mula sa kinaroroonan ko kita ko si boss paano niya kargahin ang asawa niya na wala ng malay ngayon. Hindi parin maalis sa isipan ko ang nangyari ngayong gabi, ang mga nasaksihan ko dahil ito ang unang beses na nakapanood ako ng babaeng ganito kagaling. Para bang hinasa siya upang maging ganito kagaling sa pakikipaglaban. Kung paano siya kumilos at mag-isip. Para siyang anak ng isang makapangyarihang tao. Ibang-iba siya sa Celeste na kilala namin bilang maingay at mahinang babae. Hindi na pumasok sa isip namin kung paano niya nilabanan si Susan dahil inisip namin dahil pareho silang babae. Ngunit ngayon ay sigurado na ako na hindi si

