“C-Celeste...” bulong ko sa pangalan niya. Walang buhay ang mga mata niya habang nakakatitig sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang kawalang pag-asa rito. Para bang buhay lang siya pero patay sa loob. Nagbaba siya ng tingin at tinignan ang hawak niyang ballpen. Nagtaka ako dahil hindi maganda ang kutob ko pero tulad ng inaasahan ko. Sinaksak niya ang sarili niyang braso. “F*ck! Stop it!” bulyaw ko sa kaniya at pinilit inagaw ang hawak niyang ballpen. Hindi ko pa ito tuluyan nahahawakan ng umatras siya at pinakawalan ang malakas na sipa. Tumama ito sa tyan ko at sa sobrang lakas niya napaluhod ako. Sh*t! Hindi ito magandang ideya. Tinitignan ko siya at hindi ko makita ang Celeste sa mga mata niya. Muli siyang aatake ng isang malakas na sipa ngunit inilagan ko ito. Tumama ang paa niya sa

