KABANATA 49 "Daiki-sama..." Halos pabulong kong tugon at agad yumuko para magbigay ng galang. Tama ba ang narinig ko kanina? Tinawag niya akong Kurozawa Ayana... Ginagap ko sina Gene at ilang beses pang napakurap nang mapansin ang iilan pang mga panauhing hindi ko inasahang paparito. Nahanap ko ang aking mga magulang at natagpuan silang may pag-aalalang nakatanaw sa akin. "Ohisashiburi desu ne?" Muli akong napabaling sa aking harapan nang magsalita uli ang Supreme Master Beta. "A, hai. Ohisashiburi desu," magalang kong sagot habang manaka-nakang tinitingnan ang puwesto nina Gene. "My, you grow more and more beautiful each time I see you," puna niya matapos padarang na binuksan ang kanyang asul na pamaypay at marahang pinaypayan ang sarili. "Arigatou..." "And you're turning fifteen

