KABANATA 50 I stared at my reflection in the life size mirror and sighed. Hindi ko inakalang makikita ko uli ang sariling nakasuot ng kimono. Marahan kong pinasadahan ng daliri ang intricate na desinyo nito— silver sakura petals against the midnight blue fabric. Mabilis akong nag-angat ng tingin nang maramdaman ang marahang pagbukas ng pinto. "Hi," bati ni Gene bago pumasok. He was wearing his formal kimono as well, with silver waves and a blue, wild ocean. Nginitian ko siya matapos niyang lumapit para patakan ng halik ang gilid ng aking ulo. Malungkot siyang ngumiti at may pag-aalala ang kanyang mga mata. "Are you sure about this, Aya? Kung ginagawa mo ito dahil pakiramdam mo may utang kang dapat bayaran sa amin, huwag. Sinasabi ko sa iyo, hindi ako papayag na ipagkasundo ka nila dah

