KABANATA 42 "Sorry po," paulit-ulit kong usal sa mga taong nasasagi ko habang bulag na tumatakbo. I didn't care where I was heading as long as I got as far away as possible from that person. Hindi ko alam kung bakit siya narito o kung paano niya ako nahanap. Akala ko talaga kaya ko na. Matagal na rin kasi noong huli akong binangungot ng mga alaala ng nakaraan. I was even fine the last time Gene and I talked about him. I thought I was beginning to accept this part of my reality. But her sudden apprearance made me realize how very wrong I was. Hindi pa pala ako handang makaharap siya. 'Princess, meet my future Queen-- Ana.' Mariin kong ipinikit ang mga mata upang mawaksi ang naalala lalo pa't kasama noon ang masidhing pagkuyom ng aking dibdib. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo na parang s

