Kabanata 19

3006 Words
KABANATA 19 Ilang saglit akong hindi nakasagot, iniisip kung tama nga ang aking narinig. Ipinilig nito ang ulo sa kabilang banda nang may guhit ng tuwa sa kanyang mga mata, mahusay na itinatago ang tunay na layunin. "Ohisashiburi, Master Daiki," marahan kong tugon pagkalaunan at pagkatapos ay dahan-dahang yumuko para magbigay ng galang. "What's the formalities for? Am I not your grandpa?" Magiliw nitong tugon. Iniwasan kong mapasimangot sa huli nitong sinabi at sa halip ay marahang ngumiti. "Alam kong nakasaad sa kasunduan na bawal tayong mag-usap tulad nito pero..." He paused as he extended both of his arms to gesture the whole room, "Walang ibang tao rito kung hindi ikaw lang at ako. Rest assured, nobody else knew about this meeting, not even the Alpha." "Ano pong kailangan niyo sa akin?" Walang paliguy-ligoy kong tanong. "Oh, how I missed seeing those fiery blue orbs when you're mad! You are mad, aren't you? I've chosen Sanada-kun as my champion after all." I did my best to keep my expression as neutral as possible, and my feelings, at bay, as I stared at him squarely in the eyes. "Hindi po," sagot ko matapos lununin ang pait ng katotohanang hindi ko maamin at hinding-hindi ko aaminin lalong lalo na sa taong ito, "But as a kendouka, I adhere to the decisions of the leaders of this organization and humbly accept my defeat." Umani ng mas natutuwang reaksyon ang aking mga pahayag mula sa Grand Beta. "Yes, yes... you did," anito habang muling binubuksan ang kanyang pamaypay, "It was quite an outstanding match, wasn't it? I was a bit astonished myself, seeing you skillfully wield that sword after all the quick strikes Sanada-kun gave you. To be honest, I never really expected that you, of all people, will get picked to stand on that court and fight the deciding match. And a match well fought until the very end, if I may say!" Yet I wasn't your champion. Mapait kong tugon sa sarili. "But," he paused as he moved towards where I was standing. He closed his fan and idly pushed my chin up with it so he could directly look at my eyes, "You are still a girl, my Dear, and girls and swords don't go well together. You know how strongly I enforce that fact, don't you?" Hindi ko iyon sinagot. He looked at my eyes as if he was searching for something else other than the answer to his question. "Ano pong kailangan niyo sa akin, Master Daiki?" Pag-uulit ko, pilit na itinatago ang pait sa aking sarili. Bahagyang umangat ang isang gilid ng kanyang bibig. Ilang sandali niya pa akong tinitigan bago pinakawalan at saka mabagal na humakbang papunta sa mamahaling couch na nasa gitna ng silid. "Hindi ka ba natutuwang gumawa ng paraan ang lolo mo para makausap ka?" Anito matapos maupo sa nilapitang upuan. "I am honored to be graced by your presence, Grand Beta, but may I know? To what do I owe such honor?" Tanong ko sa pinakamarahang paraang kaya ko sa mga oras na iyon. Sandali niya pa akong tinitigan, tila hinihintay ang paglitaw ng inaasahang emosyon mula sa akin. I inwardly clenched my jaw as I did my best to conceal thosed emotions. He shook his head after a while as he stood up once again. "Wala naman," tugon nito, "I was only curious why the Sanada heir would want to have your attention. Why, of all people, of all the skilled men of kendou, would he choose a girl, an inferior gender, an insult to the art like... you?" Hindi ako kumibo. I kept on telling myself that his words meant nothing, that this was just his usual opinion of me. I convinced myself that I shouldn't let his words affect me. Or at least, not let my real thoughts on these be visible on my face. Sigurado akong iyon ang hinihintay niyang makita. Nagtaas siya ng kilay sa aking pananahimik. "Do you have any idea why is that, my Dear Ayana?" Dahan-dahan akong umiling, maingat sa pinapakitang ekspresyon. "Is that so? Hmm..." Nagpangalumbaba ito, nag-iisip, "Strange..." Bulong pa niya bago ibinalik ang mga sumususing mata sa akin. Muli kaming binalot ng katahimikan bago siya muling gumalaw, kinakalas ang pagkakahawak sa kanyang baba. "Well, in any case, him having interests in you is a good sign," anito habang muling binubuksan ang pamaypay at padalang na pinaypayan ang sarili. I was aching to raise an eyebrow at his statement, tempted to ask what he meant by it but decided against that idea in the end. Less talk, less mistakes, I kept on reminding myself. And the faster I could get out of this place. "Did he come to you after we left?" Naalala ko na naman ang huli naming pag-uusap at napaisip kung totoo kayang may alam na sila tungkol sa totoong nangahas na magmura sa gitna ng kaniyang pag-aanunsiyo kanina. I courtly nodded and wondered what the sudden glint reflected in his eyes was for. "Good, good..." He remarked as he trotted across the marbled floor. He mumbled something to himself before stopping midway and turning to me, "Oh, my Dear Ayana, I am extremely delighted..." He sweetly said, too genuinely sweet, which was very odd. He's never been pleased with me even while he tried so hard to conceal his displeasure with a trained smile. The truth somehow would leak from the tiny cracks in his sharp gazes for me. But that smile he was currently wearing had none of the usual pretense. He told me a couple of things about the current status of the Sanada's businesses and their plans to expand to aircraft industry. He also told me that the clan's been preparing Drake to take over once he graduated from the University. There were a lot that he's told me and I listened to all the information he shared as I, discreetly, wondered about the reasons behind his overly eagerness. "Goodness, look at the time!" He exclaimed after seeing a glimpse of the sun from an open window, "Talaga ngang mabilis tumakbo ng oras kapag nakakatuwa ang pinag-uusapan. Gusto ko pa sanang makausap ka nang mas matagal kaya lang kailangan ko pang bisitahin ang bagong planta ni Hans." His new information piqued my interest. Hans expanded his business? I thought just as the Grand Beta passed in front of me and I slightly bowed my head. Papalabas na sana ito nang biglang huminto. "Ah, I suddenly remembered something," he said as he returned his gaze to my direction, "Something that's been bothering me since we left the event." Bumundol ang kaba sa dibdib ko sa paraan ng pagkakatitig niya sa akin, tahimik na nagdasal na sana hindi iyon ang nasa isip. "Iyong nagmura kanina... Iyong gumambala sa aking pagsasalita..." Saglit itong tumigil at naningkit ang mga mata, "Perhaps..." Bahagyang napatigil ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Nanlalamig at namamawis ang aking mga palad. Oh, no! Alam niya na ba talaga kung sino ang totoong sumigaw tulad ng sabi ng demonyong iyon? Kabado kong naisip habang pinagsisikapang hindi nito mahalata sa mukha ko ang kasalukuyang nararamdaman kahit na ramdam ko ang pamumuo ng malamig na pawis sa aking noo. "Did you make acquaintance with the Yazaki heirs already?" Hindi ako agad nakasagot. I was too stunned and relieved at the same time of his question. "Ayana, Dear?" "A, um, opo. Magkaklase po kaming tatlo," mabilis kong sagot nang hindi man lang pinag-isipang mabuti. "Hmm... Right..." Pabulong na tugon nito, tila nag-iisip. Shit! I shouldn't have said that! Mapapahamak ko pang lalo iyong magkapatid! Agad kong pagsisisi. "Um... Grand Beta—" Itatama ko sana iyong naunang pagkakamali nang muli itong magsalita. "Well, then, I won't hold you for long. Ayoko ring paghintayin si Hans," anito bago muling tinungo ang pintuan. Immediately, I bowed my head for his departure. "I hope you continue that good rapport with the Sanada young master." Nag-angat ako ng tingin sa sinabi nito at agad na sinalubong ng dalawang matang seryosong nakatanaw sa akin. "Master Daiki, ano pong—" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin, bumukas na ang dalawang malaking pinto para sa pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa imperyo. With that trained smile on his face, he finally said to me, "Until next time, my dear Ayana..." Nasa labas na ako ng gusali at naglalakad patungong labasan, palaisipan pa rin sa akin ang tunay na dahilan ng pakikipag-usap ng Grand Beta sa akin. He wouldn't just talk to me just because he was curious about my relations with that monster. That's way out of his character. And if it really was the case, what's in it for him? I am literally his least favorite relative, someone who, he thought, was better off dead. Why— Natigil ang aking pagmumuni nang may napansing tatlong taong palihim na nag-uusap sa likod ng gusali ng library. "Umalis kayo riyan kung ayaw niyong masaktan! Kanina niyo pa ako pinipigilan! Kailangan kong makausap iyong dalawang matandang iyon! Kitang-kita na ngang tinalo ni Aya iyong demonyong iyon pero hindi siya iyong nanalo?! Ang daya nila!" Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang boses ng nagsalita. Tumingin-tingin muna ako sa paligid, sinisigurong wala nakasunod na mga tauhan ng mga Masters, bago ko sila mabilis na nilapitan. "The decision of the Masters is final. Kahit maglumpasay ka pa sa inis diyan, wala ka pa ring magagawa," narinig kong sabi ni Kai. "Pero hindi naman makatarungan iyon—" Agad siyang natigilan matapos niya akong matagpuan at nagtama ang aming paningin. Napalingon naman iyong dalawa dahil doon. "Aya-chan!" "Aya-san!" Halos magkasabay nilang tawag. "What were you thinking?!" Bulalas ko na kahit hindi pa tuluyang nakakalapit. Mariin ko munang pinasadahan ng tingin ang tunay na nangahas, pinaparating ang inis ko sa kanyang ginawa, bago ko binalingan iyong kambal, "You didn't have to do what you did, Kai-san, Kou-san. I'm really sorry for the trouble." "That was nothing, Aya-chan. Ayaw ka lang namin mapahamak pang lalo. Ito kasing ex mo, masyadong pabida. Hindi man lang naisip na mapapahamak ka kapag nagkalat siya sa harap ng mga Masters." Kumunot ang noo ko sa nabanggit nito. "Anong ex?" "Ex?" Sabay naming sabi. Nagkatinginan kaming dalawa. Pinagtaasan ko pa siya ng kilay bago binalik kay Kou ang aking atensiyon na nahuli kong binatukan ng kanyang kapatid. "I'm sorry, Aya-san, for my brother's uncouthed mouth. Tinutulugan kasi nito iyong teacher namin sa Social Ethics and Etiquettes." "Huh? Hindi ba't boyfriend niya naman talaga iyan dati? Lagi nga silang magkasama— Oww!" Hiyaw nito nang muling batukan ni Kai. Bumulusok naman ang init na naramdaman ko at tila pumirmi ito sa aking mukha nang marinig ang mga inakala ng aking kaibigan. "H-he's not my boyfriend," sabi ko sa maliit na boses, pinagsisikapang huwag silipin kung anong pinapakita nitong ekspresyon ngayon. "What? I was wrong?!" "Kou..." Pagbabanta ng kapatid nito. Mabilis naman akong umiling at saka bahagyang yumuko, pilit tinatago ang sigurado kong namumula ngayong mukha. "I am truly grateful for what you've done. Also, for coming out of your way just to be there to witness the competition." "Aya-san..." Nag-angat ako ng tingin at buong puso silang nginitian. "But please don't trouble yourselves over someone like me in the future," gusto kong manginig sa takot sa tuwing naiisip ang mga posibleng gawin ng Master para parusahan ang magkapatid dahil lang sa pakikipagkaibigan nila sa akin, "I am not worth receiving your concerns." Nagkatinginan ang magkapatid nang may pag-aalala sa kanilang mga mukha habang sinisikap kong itago sa likod ng ngiti ang nararamdamang lungkot at pangamba. "But Aya-chan—" "Um, can you leave us for a moment? Gusto ko siyang kausaping mag-isa," sabi ko matapos iwasan ang kanilang malungkot na titig at binalingan ang nakasimangot na hari, matalim ang tingin sa lupa bago nag-angat nang marinig ang aking sinabi. "Are you going to be alright with him? Sasamahan ka na lang namin para kung kailangan mo ng—" "Bakit hindi? Kilala niya na ako bago niyo pa siya nakilala!" Asik ng haring hindi na nakatiis. "Stop it!" Agap ko habang masama itong tinitigan, "Sige na, Kai, Kou. Ako na ang bahala rito," sabi ko pa nang hindi inaalis ang tingin sa lalaking sinasalamin ng berde nitong mata ang kaparehong inis. "Pero—" Nilingon ko ang magkapatid. "I'll be fine. I promise. Nakayanan ko ngang harapin ang halimaw na Drake na iyon, ito pa kaya?" I assured them. I thought I heard a groan behind me when I said the last line but I dismissed it. "Sigurado ka?" Tanong ni Kai. Tumango ako. "Kita na lang tayo bukas," sabi ko pa at saka kumaway sa kanila. Sandali pa silang nagtinginan bago bigong tumango. Ilang saglit lang at kahit na may pag-aalinlangan, umalis na rin ang magkapatid. Kumaway pa ako nang ilang beses at saka ngumiti nang minsan pa kaming nilingon noong dalawa. Tumigil lang ako nang tuluyan na silang naglaho sa linya ng aking paningin. Isang tikhim mula sa likuran ang aking narinig. Humugot muna ako nang isang malalim na hininga bago ito hinarap. Nakapamaywang na ito ngayon habang matalim pa rin akong tinitigan. Hindi naman ako umatras at sa halip ay pinagtaasan siya ng kilay. "Anong pumasok sa kokote mo't sumigaw ka ng ganoon doon? Hindi mo ba kilala iyong nagsalita kanina? That person is one of the reasons why you're able to attend here! And if it wasn't for Kai and Kou's diversion, you would have been kissing your scholarship goodbye right at this very moment!" Walang preno kong asik sa kanya. Lalo namang lumalim ang kudlit sa noo nito dahil sa aking mga sinabi. "At ikaw? Kailan ka pa naging duwag? Kailan mo pa hinayaang nakawin ng ibang tao ang iyong dignidad? Sa tingin ko masisikmura kong panuorin na lamang na hinahayaan mong mangyari ang lahat ng iyon sa iyo?!" Bahagya akong napaatras nang isang beses lang siyang humakbang ay nasa harapan ko na siya agad, nanggigilaiti at hindi papatalo. "Sino ang taong iyon sa iyo? Bakit ka natatakot sa kanya? Hindi naman siya ang nagpapaaral sa iyo, hindi ba? Hindi rin siya ang nagpapakain sa iyo? Bakit para kang maamong pusa sa harap niya na handang ialay ang kahit na anong kaya mong ibigay?" Kumuyom ang dibdib ko sa mga tanong nito. I hissed at him before pushing him away from me. "At ano naman ang pakialam mo kung ganoon nga? Ha? Hindi ka naman kasali roon kaya hindi mo maiintindihan ang patakaran ng laro. At saka, ano ba kasing ginagawa mo roon? You weren't even supposed to be there! Ano iyon? Pagkalipas ng ilang buwan mong paglayo at pananahimik, susulpot ka na lang bigla roon at basta na lang makikialam dahil kunwari concern ka sa akin? Sinong niloko mo?" Singhal ko, hindi mapigilan ang pait sa aking mga salita. Ilang sandali pa siyang nakipagtagisan ng tingin sa akin. Hindi ko naman siya inatrasan. I squared my shoulders and fearlessly looked at him in the eyes. His emeralds were burning and so were my blue ones. After a while, he closed them as he drew a breath. When he returned them to me, they were calmer now, softer even. Bigla na lang nangatog ang mga tuhod ko sa pinapakita nitong lambing. "Na-miss kita." Bumundol sa dibdib ko ang damdaming akala ko ay tuluyan ng nakalimutan ng bata kong puso. Pero agad din itong nanlumo nang maalala iyong eksena nila noong babae kanina. "Sinungaling," mapait kong tugon, "At saka, huwag mo ngang ibahin iyong usapan. We were discussing about your rude behavior in front of the Grand Beta. You should have kept quiet. Even if you didn't agree with the decision, still, you shouldn't have yelled like that! You should have—" Napasinghap ako nang bigla na lang niya akong hinatak at ikinulong sa isang mainit na yakap. Dumungo ito at saka isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg. "I missed you so much." Tila may nagkakarerahang mga kabayo sa loob ko sa bilis ng takbo ng aking puso. Hindi ko alam kung alin ang uunahing bigyan ng pansin, ang kanya bang matatamis na salita, ang mahigpit niyang yakap sa akin o ang kanyang mainit na hininga na banayad na humahaplos sa aking balat. "Sorry dahil naduwag akong lapitan ka." Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "Ha? Bakit mo naman nasabi—" Muli akong natameme nang mas hinigpitan nito ang pagkakayakap sa akin nang sinubukan kong makawala. "Alam kong tama ang lahat ng mga sinabi ng Papa mo. Alam ko iyon simula pa noong umpisa. Ako iyong may problema rito, e. Ang hina-hina ko kasi pagdating sa iyo," anito. Nanlaki ang mga mata ko nang matantong may kinalaman nga si Gene sa pag-iwas nito sa akin. Pero ano naman kaya ang pinag-usapan nila na kanyang sinang-ayunan? Unti-unti nitong kinalas ang pagkakayakap sa akin at bahagyang inilayo ang sarili, tama lang para magtama ang aming paningin. Pinigilan kong mapasinghap nang makita ang pagsusumamo sa mga berde nito. "Kahit anong pagsisikap ko, hindi pa rin kita matiis." Inangat nito ang isang kamay at marahang hinaplos ang gilid ng aking mukha, nakakaliyo at tila pinupukaw ang milyun-milyong kulisap na ilang buwan ring nagluksa at nakatulog sa loob ko. I bit my lip to stop myself from gasping. "Have I lost you already?" Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan ang malulungkot nitong mga mata, nagsusumamo at tila nakikiusap na hindi magkatotoo ang kanyang kinakatakutan. "M-magkaibigan pa rin tayo, hindi ba?" Kumuyom uli ang dibdib ko pero sa ibang kadahilanan naman ngayon. Damn it. Anong klaseng tanong iyan? "Hindi ba ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan?" Malamig kong usal, "Ikaw ang unang bumitaw, hindi ako," dagdag ko pa, ramdam ang hapdi ng huli kong pangungusap. Muling nagbaga ang mga titig nito bago nito hinagilap ang aking palapulsuhan at mariing hinawakan. "Hindi ako bumitaw! Lumayo lang ako sandali para bigyan ka ng espasyo, pero hindi ako bumitaw! Hindi ako bibitaw, Ayana, kaya hindi ka rin bibitaw! Narinig mo ako? Walang bibitaw."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD