Kabanata 18

2830 Words
KABANATA 18 "...Ryu Sana—" "Bullshit!" Biglang asik ng isang pamilyar na boses mula sa direksyon ng mga panauhin. Parang alon na nagsilingunan ang lahat para hanapin ang nangahas. "Who said that?" Tanong ni Master Daiki. Pawang nagbulungan at nagtinginan lamang ang mga tao, hindi matukoy kung saan nanggaling iyon. Unti-unting namuo ang kaba sa dibdib ko habang mabilis na kinalap mula sa dagat ng mga mukha ng mga panauhin ang mga natatanging pares ng matang kilang-kilala ko. Sinisigurong hindi ang taong iyon ang nakita kanina. Sinisigurong hindi nga siya iyong sumigaw. Hindi ba't kasama nga niya iyong girlfriend niya kanina? Nagmamadali pa nga sila sa kanilang pupuntahan, hindi ba? Kaya imposibleng— Tahimik akong napasinghap nang mahagip ng aking paningin ang berdeng pares ng mga matang bahagyang nakatago sa may bandang likuran ng gym, kasalukuyang nakatitig sa harapan at nagliliyab sa inis. Sa tabi niya ay ang parehong babaeng kasama kanina na pilit siyang inaalis doon pero hindi magawa. "Whoever among you here said that, please step on the side so we can talk about what happened and why you reacted the way you did," tugon ni Shishou nang wala pa ring sumagot at kinakabahang sinisilip si Daiki sa gilid ng kanyang mata. Trumiple ang kaba sa dibdib ko nang magtama ang paningin namin ng taong iyon. Kahit sa aking kinatatayuan, ramdam ko ang matinding inis nito sa pangyayari at sa akin. Bahagyang nalaglag ang aking panga nang makita itong marahas na hinila pabalik ang braso para makagalaw, binabalak na makalapit. Kikilos na sana ako para pagtakpan ang kanyang pagsulong nang may bigla na lang nagtaas ng kamay mula sa kabilang direksyon ng totoong salarin. Nakuha noon ang atensiyon ng mga tao, pati na rin ng aming Shishou. Naningkit ang mga mata ko nang makilala ang taong iyon. "Yazaki-san?" Sandaling nagtama ang paningin namin ni Kai. Sa titig nito, alam ko na agad ang gusto nitong ipahiwatig. Mabilis kong nilingon ang kabilang direksyon at agad na nanlaki ang aking mga mata nang makitang puwersahang hinihila palabas ni Kou ang haring gustong kumawala. Nang makalabas na sila, tsaka ko ibinalik sa naiwang kambal, nangangamba para sa kapakanan nito. I could only imagine what the Masters would do to him for his rude intrusion. Ilang sandali pa itong nakipagtitigan sa akin. Bahagya akong umiling para pigilan ito sa binabalak na gawin. Lumala ang takot ko nang makitang nagbuntong ito ng hininga bago padalang na tumayo. Mabilis namang nagsi-usog ang mga tao para bigyan siya ng espasyo. "I'm sorry, Sensei," he said before I could stop him. He, then, turned towards the Grand Beta and slightly bowed his head, "Master Daiki," he raised his eyes again and continued, "I was playing a game on my phone when the character I was using got beaten by an opponent and died. I was frustrated about it that I forgot where I was and just blurted out a bad expression. Please forgive my rudeness," he said as he bowed his head again, a little deeper this time. "G-ganoon ba, Yazaki-san?" Isang beses na tumikhim si Shishou habang manaka-nakang sinisilip ang Grand Beta na tila prinoproseso pa ang ibig sabihin ng mga sinabi ni Kai, "Still, you have to watch for your words, especially if you're out in the public where people can hear you." "Wakarimashita," Kai politely answered as he gave another bow. "Well then, let's—" "Yazaki Kai-san," boomed the Grand Beta's voice, cutting off Shishou's statement, and Kai's posture straightened a bit more. "Hai, Master Daiki," he answered. "How are your parents doing? I've heard they're currently in London for the International TelCo Conference?" Anito habang matamis na ngumingiti. "Y-yes, they are. They said they'll be going back to the main office right after," sagot nito, kapansin-pansin ang kaba habang kaharap ang pangalawang pinakamakapangyarihang tao sa buong imperyo. "I see. They're working very hard to secure the future of the Yazaki clan and the empire as a whole. They're both very admirable in terms of talent and virtues. I hope you and your brother would follow their example, especially since you two are the heirs of your family businesses." I bit my lip as I took a peek of my friend who already had his eyes lowered at the Grand Beta's words. I'm sorry, Kai. Ilang saglit pang nabalot ng katahimikan ang buong gym bago muling nagsalita si Master Daiki. "Where were we?" Hindi nagtagal at natapos din ang aming programa. Sinamahan ni Watanabe-shishou ang papaalis na mga Masters matapos kausapin tungkol sa National tournament. Kasalukuyang nagkukumpulan ang mga naiwang miyembro ng club at kino-congratulate ang mga nanalo habang dinadampot ko ang aking mga kagamitan para agad na makaalis. Hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko sa tuwing maiisip ang posibleng mangyari kanina. "Otsukaresama deshita," mabilis kong paalam sa aking mga kasamahan. May sasabihin pa sana si Kyo pero hindi ko na iyon nahintay at walang imik na tinungo ang labasan. "Opps!" Napahinto ako dahil may biglang humarang sa aking daraanan. Napaangat ang kilay ko nang makilala ang nakangising demonyo. "Katatapos pa lang ng laro natin, aalis ka na agad? Wala man lang ba akong celebratory hug mula sa iyo?" He smirked as he extended both his arms to the sides as an invitation. "Pasensiya na kasi may pupuntahan pa ako," sabi ko, binalewala ang kanyang imbitasyon at sa halip ay sumuong sa ilalim ng nakadipa niyang braso para sana ay makalabas pero muli akong nabigo. "Why are you such in a hurry, kitten? Hindi ka naman siguro nadismaya sa naging desisyon ng ating laban, hindi ba? I didn't peg you as someone who can't accept defeat or... Was I mistaken?" Tanong nitong hindi mawala-wala ang ngisi sa mukha. Pinigilan ko ang mapasimangot at saglit na nilingon ang mga babaeng pinipigilan ang mga sariling lapitan ang idolo nilang hinaharangan ang aking pag-alis. "I'm sorry. I didn't think you would still need my congratulations when you have so many fans on the sidelines waiting for you to notice them," marahan kong tugon nang ibalik sa kanya ang aking atensiyon, "But hey, if you need one, then, congratulations on winning. I hope this is enough to convince you to come back to the club. You know Shishou's been anxious about next year's line up since Kyo will be graduating this year." Unti-unting nawala ang tuwa sa kanyang mukha nang marinig ang aking mga sinabi. "Wow. You really hate losing, don't you?" My eyebrow slightly twitched at his observation. Nang makita ang aking reaksyon, tsaka ito natawa muling natawa. "Excuse me?" Medyo iritable kong tugon. "Magkadugo nga kayo. Pare-pareho kayong hindi marunong tumanggap ng pagkatalo. Pareho ring tahimik na nagpoprotesta at sinasabi sa sariling mas karapatdapat kayong manalo. Hmm?" Saglit niyang nilingon ang nasa aking likuran. Sinundan ko iyon ng tingin at mas lalong napasimangot nang makitang sina Kira at Kyo ang pinapahiwatig nito. Something slightly snapped inside of me. Binalik ko sa kanya ang aking paningin at pinalitan ko ang aking ekspresyon ng isang matamis na ngiti. "Of course!" Magiliw kong panimula na nakapagpaangat sa kilay nito, "By blood, we really are far superior compared to you. Hindi mo na dapat tinatanong iyon dahil sigurado akong alam na alam mo na iyon. Kasi kung hindi at totoo ngang mas magaling ka kaysa sa amin, dapat tumayo ka na noong unang pagtawag pa lang ng representante ng kupunan niyo." Kumunot ang noo nito sa aking hinayag. "Pero hindi ka tumayo, hindi ba? Kasi alam mong mas magaling sa iyo si Kyo," matapang kong sabi. Tuluyan ng nawala ang tuwa sa kanyang mga mata at panandaliang napalitan ng inis bago ito ekspertong itinago sa likod ng isang ngisi. "You thought I was trying to avoid a match with Shiro?" Tanong nito bago bahagyang natawa, "Why would I want a match with that loser when my aim for coming here was..." He added as he leaned a little closer to where I was, that his chinky eyes would be on the same level as my blue ones, "...you?" Ilang sandali pa kaming nagtitigan nang may biglang nagsalita sa aming gilid. "Omedetou, Nii-sama, on winning the championship." Inayos ni Drake ang tindig bago hinarap ang nagsalita. "O, nandito ka pala Miyu. Have you met my kitten?" Kaswal nitong tugon sa kapatid na halos hindi makatingin sa kanya nang diretso. Bahagya niya akong nilingon bago tumango bilang sagot sa kanyang Kuya. "You have? That's good then!" Magiliw nitong sabi, "You know you should be her friend and follow her example. She's the best kendouka among the girls here. You could learn a lot from her. You've been studying kendou since you were three but your form is still ugly and your movements, so uncoordinated. It's too shameful to even watch you do the basic drills." Mas lalong ibinaba ni Miyu ang kanyang ulo sa mga sinabi ng kapatid. "If you become kitten's friend, maybe then you'd be half a fraction as great as I am," dagdag pa nito bago natawa. Kumunot ang noo ko sa kanyang hinayag at hindi ko napigilang magsalita. "Miyu-san is fine just the way she is." Agad kong nakuha ang atensiyon ng dalawa. Humalukipkip ang mas nakakatanda habang nakataas ang isang sulok ng kanyang bibig. Matapang ko itong tinitigan sa mata bago muling nagpatuloy. "Miyu-san's gentle, kind and nice to everyone. She may be shy most of the time but that didn't keep her from doing her best in learning the ways of the sword. Nahihirapan man siya sa karamihan ng mga drills pero hindi siya sumusuko at nagsisikap pa ring mapagbuti ang mga ito. Araw-araw siyang pumupunta sa practice hall nang walang paltos. Araw-araw, maaga siyang pumapasok para lang masigurong malinis ang bawat sulok ng sahig ng aming pagpa-praktisan. Araw-araw, lagi siyang nagpapahuli para siguruhing maayos ang bawat uniform ng mga kendouka." I saw the sides of his mouth twitched at my words but I still went on. "Your skills may be top-notched but that doesn't give you any right to make fun of someone else's hardwork. While she's exerting all her efforts into learning this art, her brother, who is supposedly an unbeatable champion, just decided to quit and left the club without so much an explanation. For that, I'd say Miyu-san's far admirable than you will ever be." Kitang-kita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata nito nang marinig ang huli kong sinabi. "Moritake-san—" Naputol ang sasabihin ni Miyu nang tumawa nang napakalakas ang kanyang kapatid. Ramdam ko ang paglingon ng mga natirang tao sa gym sa aming gawi. "You really are a splendid person, kitten. Lalo mo lang akong nabibighani sa pagiging matigas mo sa akin. I can't wait until..." He stopped and playfully covered his mouth as if he was about to spill something I wasn't supposed to hear. Ilang sandali ay umayos din siya pero hindi nawala ang tuwa sa kanyang mukha. "Well, Miyu's lack of skills is not my fault. If she wants me to acknowledge her as one of my constituents, then she really has to work hard to prove her worth. Otherwise, it would be shameful for my reputation to be related to her." "That's—" I wanted to protest but he didn't give me a chance. "That's how things in the empire are, kitten. You may not agree to it but that's how it has always been. You need to be the best if you want to have a top position in its heirarchy of power. Or if not, at least know your place, wear your proper manners, keep your head down and mouth tightly shut..." Muli siyang lumapit sa akin. Ang mga mata'y magiliw na tinititigan ang aking mukha. Nakuha niya pang kunin ang ilang takas ng buhok ko at ilagay iyon sa likod ng aking tainga. "Katulad na lang ng ginawa kanina ng mahal mong kaibigan." Unti-unting nanlaki ang mga mata ko nang matantong kilala nito kung sino ang totoong nangahas kanina. "Do you really think the Yazaki brothers could actually delude the Masters?" Hindi ako nakapagsalita at naikuyom na lamang ang nanginginig kong mga kamay. Samu't saring mga maaaring mangyari sa taong iyon ang dumaan sa aking isipan sa oras na magsumite ng desisyon ang kahit isa sa dalawang lider ng imperyo laban sa kanya. He would lose his scholarship and that would be the end of all his dreams! Dahan-dahang umatras ang nagwaging demonyo nang may mas natutuwang ekspresyon sa mukha. Ilang sandali niya pa akong pinagmasdan, ninanamnam ang aking pagkatalo, bago siya nagsalitang muli. "Come, Miyu. We still need to properly greet the Masters," anito at agad namang lumapit ang kapatid sa kanyang tabi, manaka-nakang sumisilip sa aking gawi nang may pag-aalala sa mga mata, "Well then, kitten, we'll be spending time together more often now that I'm back in the club. Yoroshiku ne?" He asked in a playful manner. Sasagot na sana ako nang may biglang tumabi sa akin at inunahan ako sa pagsalita. "It's unfortunate Master Ryu but Moritake-san is quitting the Kendou Club starting today." Kumuyom ang dibdib ko sa narinig at agad na nilingon ang nagsalita. Isang nakangiting Kira ang sumalubong sa aking paningin. "Hindi ba, Moritake-san?" Pagkokompirma nito sa akin, "You may be a witch but you do have a word of honor, don't you?" Bulong pa nito sa akin. Bahagyang namilog ang mga mata nang maalala ang binitawang pangako. Nag-iwas ako ng tingin. I bit the inside of my lower lip as I slowly nodded my head. "You can't be serious?" Narinig kong bulalas ni Drake habang dismayadong napatingin sa aming dalawa ng aking katabi, "Kitten?" Inihulog ko ang aking paningin sa suot na kendou uniform. Matagal din bago ako muling nakasuot nito. Naalala ko iyong ilang taong tahimik kong hiniling na makasali ako sa isang katulad ng club na ito at makapag-ensayo ng kendou kasama ang ibang mga kendouka. "Pero kababalik ko lang—" "I'm sorry but I need to go," mabilis kong tugon at saka walang pasabing tinakbo ang labasan. Narinig ko pa ang pagtawag ni Miyu sa aking pangalan pero hindi ko na sila nilingon. My eyes were beginning to blur with unshed tears. I may have lost the battle but I won't let them see me hurting because of it. Kumikirot ang dibdib ko sa tuwing naalala ko kung papaano ako tingnan ni Master Daiki. It hurt so bad that I lost the match I thought, for a moment, I've won. But it hurt more to know that however hard I fought to win, still they wouldn't choose me in the end. Ngayon, kailangan ko namang tuparin ang usapan namin ni Kira. Kailangan ko ng tigilan ang pagpa-practice ng kendou. Muling kumuyom ang dibdib ko sa natanto. Wala akong ibang masisi kung hindi ang sarili ko dahil ako ang naghamon sa kanya. Akala ko malakas na ako, na kaya kong talunin ang kahit na sino. Nakalimutan kong ayaw nga pala sa akin ng tadhana. Sa mga nangyari, pakiramdam ko ngayon, para akong pinagkaisahan ng lahat upang mabigo at pagkatapos ay lalo pang iminumudmud sa putikan. I snapped out my trance when a fellow kendouka stopped in front of me. She slightly bowed her head, and I did the same, before speaking up. "Moritake-san, the Master wants to speak with you." Panibagong pag-aalala ang aking naramdaman nang isiping alam na rin ng aming Shishou kung sino ang tunay na pagkakalilanlan ng sumigaw at nambastos kanina. Tumango ako sa aking kasamahan at pagkatapos ay sumunod sa kanya. I was thinking for some excuses I could use to cover up for that fool's mess when I noticed that we have already missed the Kendou Club's practice hall. Inisip ko na lang na baka nasa ibang opisina si Shishou galing sa pakikipag-usap sa dalawang Masters. When we finally stopped in front of a double-door made in real hard wood with sophisticated carvings, my companion gestured me to proceed inside before she slightly bowed her head, then went away. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago marahang pinihit ang hawakan ng isang panig ng mga pinto. "Shitsureishimasu..." I said as I, as quietly as possible, entered the grand room and closed the door behind. "Ayana... Moritake, isn't it?" Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang taong kaharap. "Hmm... Yuujin's wife's mother's family name. That's a good blanket to hide the bad apple; however... Ah... what a waste of talent... a waste of good blood, Yuujin and his little dragons... But, nobody's surprised anymore where you are involved. Maybe they're a little relieved that nobody has died... yet. But, who knows?" My chest constricted at the Master's words as I fisted my already shaking hands. He gently closed his favorite fan as he trotted the wooden floor in his blue and silver kimono. "Ohisashiburi, my dear Ayana, our little, fiery female samurai. It's so nice to see your beautiful face again. Won't you come nearer and give your grandfather a warm embrace?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD