Kabanata 15

3163 Words
KABANATA 15 Ilang beses akong sumilip at pagkatapos ay nagtago uli bago humugot nang hininga sa labas ng isang practice hall. Matapos ang insidente sa loob ng Dean's office, pinayuhan ako ni Dean Serenio na sumali sa isang club para raw hindi na ako ma-isolate uli at maiwasan ang ganoong pangyayari. "You can gain friends faster this way," I remembered him saying. Mula rin noon, hindi na ako hinahayaang mag-isa ng kambal. Lagi nila akong sinasamahan kahit saan at kahit anong oras. And everytime we're together, they'd always insist that I join their Basketball Club. Dumadalas naman ang pagsabay sa amin ni Himura. Sumasali siya sa aming lamesa tuwing lunch break at minsan nagdadala pa siya ng mga pagkaing hinanda ng kanyang ina. At katulad ng kambal na Yazaki, sinusubukan niya rin akong kumbensihing sumali sa kanilang House of Tea. "I'm pretty sure you'd find the ambience very relaxing," he said and the twins rebuffed about the great things I'd enjoy if I join their club instead. Ngayong palagi ko na silang kasama, hindi ko na masyadong nakikita iyong lalaking may berdeng mata. Mula na rin noong araw na kinausap siya ni Gene, kahit na nagkakasalubong kami sa daan, isang tango o hindi kaya ay mabilis na pagbati na lang ang natatanggap ko galing sa kanya. Tumigil na rin ang kanyang mga texts at tawag. Hindi na rin siya naghihintay sa may main entrance. My chest would constrict at the thought that he was finally tired of me but because of my new found company, the pain became bearable. It was during one of those lunches I shared with the trio when two students approached us. "Moritake-san?" Said the man with a long hair, carefully tied and collected on one side of his shoulders, "I'm David Futaba, the manager of the Kendou Club," he introduced himself before slightly bowing before us as did the person behind him. Tumayo ako at bahagya ring yumuko para batiin ito. "It has come to our Shishou's knowledge the excellent kendou skills you've showcased behind the gym in defeating those kyuudou senpai. And he wanted to express his deepest wish that you join our club," he said. It was very tempting to accept the invitation since I've been wanting to practice the arts with a Master and a sparring partner but, I was sure that those brothers were two of their valued members. This was the very reason why I haven't said yes to the twins' suggestion. If I could, I wouldn't cross paths with them until I was ready, until I knew that I was strong enough. Hihindian ko na sana iyong lalaki nang mapansin iyong kasama niya at nakilala bilang iyong nakasalaming babae sa CR na sinubukan akong ipagtanggol laban kina Desiree! "Ah, it's you!" Bigla kong sabi. Agad na nagtago iyong babae sa likod ng kanyang kasama. Ilang beses namang napakurap iyong lalaki at sinilip ang aking tinutukoy. "Oh, I forgot that you're with me, Miyu. I'm sorry," sabi ng lalaki, "This is Miyu. She's one of the girls in our club—" "Sasali ako!" Walang pagdadalawang-isip kong sabi nang nakataas ang kanan kong kamay. "Ha?!" Magkakasabay na bulalas ng tatlo kong kasama. Back then I wasn't really thinking things through. All I knew was that I've finally found that girl I wanted to befriend so much. And I just thought that this time, I wanted to do it right. But now, as I watched how the students do their drills with those particular two in front, I very much would like to take those words back. Pero kapag ginawa ko naman iyon, magiging isa akong taong hindi marunong panindigan ang kanyang salita. Bumuntong ako ng hininga at naisipang bumalik na lamang kapag tapos na sila sa kanilang practice. Tsaka ko lang lalapitan ang kanilang Manager. I was about to turn around when a loud voice boomed across the place. "Moritake-san, you're finally here!" Napatingin lahat ng mga estudyante sa aking gawi. Nakita ko pa kung papaano namilog ang mga mata noong dalawang magkapatid bago napalitan ng inis, puwera na lang doon sa isang suot na naman ang kanyang maskara. Isang beses akong humakbang paatras ng may biglang humawak sa aking kamay at hinila ako papasok. "Welcome, welcome! I've been expecting you ever since Manager Futaba said you've agreed to join!" Ilang beses akong kumurap bago ko napagtanto na ang taong humila sa akin papasok, isang taong bilugan ang mukha at pangangatawan, ay ang mismong Shishou o ang tinatawag nilang Master ng Kendou Club. "I'm Watanabe-sensei and I'm in-charge of this club. Welcome!" Sabi nito bago ako muling hinila at inilapit sa kanyang mga mag-aaral. Agad akong ginapangan ng lamig nang matagpuan ang sariling nasa gitna ng atensiyon ng lahat.  "Minna, this is Ayana Moritake, the one who single-handedly defeated the kyuudou students with a shinai." I could hear the loud palpitation of my heart as I watched the kendouka's reactions. They were whispering to the persons beside them and some even pointed their fingers at me. When I turned to those two, I thought I saw that particular one took his usual mask off that I did a double-take but saw him with his mask on. Nagtaas naman ng kilay iyong isa nang makita akong nakatingin sa kanila. Agad kong iniwas ang aking paningin at inilipat sa mga mag-aaral. Ganoon na lamang ang pagkapitlag ko nang bigla akong tinapik ng Master. "From today onwards, she'll be joining us. Help me give her a warm welcome to our family," anito, "Please say something to them," bulong pa nito sa akin sabay tulak sa akin nang marahan. Panic immediately rose to my system as I faced the expectant faces of my soon-to-be club-mates. Muli kong natagpuan ang nakasimangot na hitsura ng isa sa magkatapatid pero agad ko rin namang inalis roon ang aking paningin. Am I really doing this? I asked myself as I shifted my eyes around the kendouka. "Moritake-san?" I heard the Master call. "Ah, y-yoroshiku onegaishimasu," I yelled, a little too loud, as I bowed my head in front of them. Ilang sandali pa akong nakayuko habang nabalot ng katahimikan ang buong silid. Pagkatapos ay bigla itong binasag ng palakpakan mula sa mga mag-aaral. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang mga nakangiti nilang mukha habang pumapalakpak. Iyong iba ay nakuha pang sumigaw ng mga pagbati sa aking pagsali. Warmth spread all over me like wildfire and it flourished that tiny hope inside my heart. Nang kumalma na ang mga tao, saglit akong pinatawag ni Shishou. "Hai, Shishou." "Moritake-san, one of the things we implement in our club is the Buddy System, wherein you'll be assigned to a partner and he or she will be your buddy until the year ends. Each year we rotate the partners to promote stronger camaraderie among our kendouka," tugon nito bago suminyas sa kanyang likuran. Nang aking silipin, agad na namilog ang mga mata nang makita iyong babaeng nakasalamin. Ano nga ulit iyong pangalan niya? "This is Miyu Sanada. She's in Third Year, Middle School. Since your age isn't too far from one another, I think you'll find this pairing very favorable--" "Yoroshiku onegaishimasu!" I instantly said as I extended my hand to shake hers. Nakita ko siyang napapitlag sa aking ginawa at bahagyang napaatras habang may pag-aalalang nakatanaw sa nakaunat kong kamay. Sandali pa itong bumaling sa aming Shishou bago dahan-dahang inabot ang aking kamay.  "Y-yoroshiku..." Mahina nitong sambit pero sa tuwa ko, hindi ko na siya nahintay. Kusa ko nang inabot ang kamay nito at masayang nakipagkamay. Bahagya siyang napatili sa aking ginawa at agad na binawi at itinago ang kanyang kamay. Gumuhit ang lungkot sa aking dibdib nang makita ang takot sa mga mata nito. "Gomen..." I tried to say but she suddenly ran away and hid behind our male kendouka. I was feeling a bit down when I heard Shishou laughing all of a sudden. "Don't fret yourself, Moritake-san. Sanada-san is just a little too shy around girls. This is also partly the reason why I am pairing her up with you. Maybe with you as her partner, she may be able to overcome this ordeal and grow as an excellent kendouka and as a person," he said. I was reflecting on what the Master said while I was putting away my uniform when I noticed two pairs of feet blocking my way. "You really don't know how to follow the rules, do you?" The older of the brothers taunted, "Ilang beses ka ba naming sasabihan na umiwas ka sa aming dadaanan?! Ang tigas din ng ulo mo, ano?!" I bit the side of my cheek as I clenched my fist before answering him. "I do know how to follow rules. Hindi lang talaga maiiwasan na magbanggaan ang daan natin dahil nasa iisang paaralan lang tayo. And in case you weren't listening, it was Shishou who recruited me here." He scoffed at my reply. "Recruited for a lame reason," anito, "You could have declined his offer. Alam mong kasali kami sa club na ito dapat umiwas ka tulad ng nakasaad sa patakaran! Balak mo pa yatang hawaan ng sumpa mo ang grupo..." I gritted my teeth at what he said as memories at the orphanage made a quick flash in my head. "Hindi totoo iyan!" I yelled, again, a little too loud that some of the students turned their head towards us. Lalo lang gumuhit ang inis sa mukha noong nakakatanda sa magkapatid. "Alam nating totoo ang dala mong sumpa. Look at what you've done to our beta?" Hindi ako nakapagsalita sa kanyang sinabi. "You really caused the Kyuudou Club some big trouble, don't you know that?" Biglang sabi noon nakababata nitong kapatid. Kahit nakangiti, ramdam ko ang inis sa kanyang mga salita, "Because of you, most of our members are either suffering from swollen muscles or dislocated joints. And you really have to do that when the regional tournament is just around the corner. Not to mention, the school's annual sports festival." Nagbaba ako ng tingin sa kanyang hinayag. "You really do live up to your reputation, oh, cursed one? When will you stop spreading your disease?" Kumunot ang noo ko sa huli nitong sinabi at sinubukan siyang tingnan. Naroon pa rin ang maskara nitong ngiti. "Come, Akira, let's not waste more of our time with this witch," anas ng nakatatandang kapatid bago naunang umalis. "Sa susunod na makialam ka pa sa amin, sisiguraduhin kong hindi ka na makakahawak pa ng shinai," banta ng nakababata sa akin nang saglit na nakalapit bago sinundan ang kanyang kapatid. I unclenched my fists and blankly stared at my shaking hands. Am I still not strong enough? "M-moritake-s-san?" Napapitlag ako nang may tumawag sa aking pangalan at agad na itinuwid ang tayo. "H-hai!" Sabi ko sabay lingon at agad nanlaki ang aking mata nang makita ang nahihiyang bulto ni Miyu na nakatayo sa aking harapan. "A-ano... Can you help me clean the seniors' shinai?" Sandali akong natigilan at sinilip ang tinutukoy nitong mga espada na nakahilira sa isang dingding. Some of the jobs of a kohai is to stay behind to clean the dojo and the seniors' wooden swords. And as one of the kohai, I sat on the tatami mat and carefully wiped the wooden swords with a clean rug alongside with my new partner. Ilang oras na rin kaming naglilinis ng mga espada nang wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Umpisahan mo sa pakikipag-usap. The words of that person suddenly popped in my head. May pag-aalangan kong nilingon ang aking katabi. Tahimik itong nakatuon sa kanyang tuntunin. Kagat-labi akong nag-isip kung anong magandang pag-usapan. Magtanong ka kung kailangan pero huwag iyong masyadong personal na bagay para hindi mo siya matakot. Naalala kong sabi pa ng taong iyon.  "So, since when did you start learning kendou," tanong ko na gumulat sa aking kasama. Sandaling namilog ang mga mata nito bago iniwas at ibinalik sa kanyang hawak. I bit the inside of my lip at my failure as I returned to cleaning. "I've been learning the art since I was little." Mabilis akong nag-angat ng tingin nang marinig ang sagot ng aking katabi. Kasalukuyan pa rin itong nagpupunas ng shinai at hindi ako tinitingnan pero sigurado akong narinig ko siya kanina. "Ako rin! Maliit pa lang ako, hilig ko na ang kendou," masigla kong tugon, "I've been practicing with Miyazaki-shishou until the time I transferred here--" Bigla na lang itong nag-angat ng tingin at bilugan ang matang nakatitig sa akin. "Miyazaki-shishou? You mean THE Miyazaki-shishou?" Tila hindi makapaniwala nitong tanong. "My master is Shozo Miyazaki--" Napaatras ako nang bigla na lang siyang lumapit sa akin. "Seryoso ka? Si Master Shozo Miyazaki talaga ang nagturo sa iyo?!" "H-hai..." Nang mapuna nito ang kanyang nagawa, agad naman siyang umatras at bumalik sa kanyang dating pwesto. "I'm sorry," mahina nitong tugon, "Nagulat lang ako na isa sa mga pinakamahusay sa larangan ng kendou ang nagturo sa iyo. Kaya pala ganoon na lamang ang galing mo sa paghawak ng shinai." There was a certain sadness in her voice that I've noticed and was about to ask when I remembered that person's advice on not asking for personal questions if I didn't want to scare her off again.  "Un..." Nasabi ko na lang at saka nagbaba ng tingin para ipagpatuloy ang paglilinis. Dumaan ang maraming linggo at nagkaroon na rin ako ng routine sa paaralan. As early as seven in the morning, I was already at the dojo doing my drills and then cleaning its floor right after. From nine to three, I have my classes wherein the twins never left my side. Kasabay ko pa rin sila sa tanghalian kasama ni Himura. Pagdating ng alas tres y media, pupuntahan ko si Miyu sa classroom niya, na nalaman kong nasa ikatlong palapag lang pala ng aming gusali, at sabay kaming tutungo sa dojo. Marami ng nagbago matapos ang kaganapan sa likod ng gym. Hindi na ako ginugulo ng grupo nina Desiree subalit hindi nakakawala sa paningin ko ang mga pagsulyap ng lider nila, wala man ang dating talim pero napalitan ito ng kuryusidad. I dismissed the thought and just focused on things that I have for the moment. "Today, we will be selecting five groups who will be competing against one another during our University's Sports Festival," anunsiyo ni Shishou matapos ang aming practice sa araw na iyon. Napuno ng excitement ang hall at agad na nagbulungan ang mga tao. Isang palo lang ng master gamit ang kanyang pamaypay ay muling natahimik ang paligid. "Katulad ng mga nagdaang taon, ang magwawagi sa taong ito ay magkakaroon ng slot para sa bubuin nating team para sa tournament next year," anito, "But, there'll be a slight difference this year. Instead of one, we will be slotting two kendouka winners." Muling umalingawngaw ang bulungan ng mga mag-aaral sa huli nitong binanggit. "We've managed to take our champion status back last year, thanks to the excellent skills of our kendouka, Kyoshiro Kurozawa..." Agad na lumipad ang paningin sa pwesto ng dalawa. Kahit nasa kalagitnaan ng pagpalakpak, puna ko pa rin ang bahagyang pagbabago ng ngiti ng isa sa kanila. Habang iyong pinapalakpakan naman ay kitang-kita ang inis sa natatanggap na atensiyon. "And of course, Akira Kurozawa also did his share in winning the title back. Now that he's fully recovered, I am confident that this year, we will still be able to hold on to that Championship." Ilan pang palakpakan ang iginawad ng mga mag-aaral. "As we all know, Shiro-san won't be joining us later this year because then he must focus on finishing his requirements for graduation. And that this is also the last year that Aki-san will be able to join the tournaments..." Oo nga pala. Ngayong taon nga pala ga-graduate si Kyo at sa susunod na taon naman si Kira. Pagkatapos noon, babalik na sila sa Main House at hindi ko na sila makikita pa. Despite their obvious hatred towards, somewhere inside my heart was saddened at this realization. Kahit ganoon na lamang ang kagustuhan nilang itakwil ako, may parte pa rin sa akin na ayaw sumuko at subukan pa rin iyong dalawa. "Ryu Sanada-san has already put his foot down about never returning to our team. And although, just like our Aki-san, this should have also been his last year, he was very decisive not to join anymore..." Muli kong binalik ang paningin sa aming Shishou nang sabihin niya iyon. Ilang bulungan ang kumalat sa paligid pero isa lang ang nahagip ng aking pandinig. "Can't you convince him, Miyu?" Nilingon ko iyon at nakitang nakadungo ang ulo ni Miyu at tila hindi sinasagot ang mga nagtatanong sa kanya.  May mga sinabi pa si Shishou tungkol sa schedules ng tournament bago niya sinimulan ang pag-anunsiyo ng mga pangalan ng kendouka na maglalaban-laban sa nalalapit naming sports festival. Pero hindi na ako masyadong nakinig, siguradong hindi matatawag ang pangalan dahil sa bago pa lamang ako, at inisip na lang kung anong posibleng koneksiyon ni Miyu sa demonyong Drake na iyon.  "M-moritake-san..." "Imposible namang boyfriend niya ang hayop na iyon. Talagang kakatayin ko siya ng bu--" Natigil ako nang mapansin ang mga naghihintay na hitsura ng aking mga katabi. "Sinong binabalak mong katayin, Moritake-san, at hindi mo yata narinig ang pagtawag ni Shishou sa pangalan mo?" I almost gagged at the realization that I said that one out loud. At ilang sandali pa bago ko natanto ang pangalawa nitong nabanggit. "Please step forward, Moritaka-san," tugon ng Master namin. Minsan ko pang tiningnan ang mga mukha ng aking katabi. Somehow, their faces weren't as disappointed and as surprised as I thought they would be. Dahan-dahan akong lumapit sa pwesto ng aming Shishou na may nilalahad na pulang tela. Tinanggap ko iyon at saka bahagyang yumuko. "Your name will complete the list of our kendouka who will participate this festival's Kendou Tournament," anito habang nakangiti, "Ganbatte kudasai ne?" Ramdam ko ang pag-init ng aking mga pisngi sa natanggap na karangalan bago tumayo sa kanyang tabi. "Oh, aren't you glad you were selected?" Agad na nawala ang aking ngiti nang makilala ang boses ng aking katabi. Nilingon ko iyon at ang matamis na ngiti nito ang bumungad sa akin. "Masaya rin ako," anito, "Because now, I'd be able to strike you to my heart's content." He then showed me the white cloth he was holding in his hand. Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa pagbabanta nito pero hindi takot kundi pagkasabik ang namuong emosyon sa buo kong sistema. This is his final year with his shinai. Then it will also be my last chance to spar with him with all I have and without inhibitions. Our final face-off... His smile slowly faded when I reached out and held his piece of cloth with a brimming confident look on my face. "Ja, yoroshiku ne?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD