KABANATA 16
"Moritake, mali na naman ang posisyon ng paa mo!"
Isang hampas ng pamalo ang natanggap ng aking binti at kahit hindi naman siya ganoon kasakit, napapitlag pa rin ako sa pagkabigla. Muli kong inayos ang aking tindig at binalikan ang drills. Ilang ganoong palo ang natanggap ko sa hapon na iyon mula sa aming leader. Hindi nga siya nagbibiro nang sabihin niyang lulumpuhin ako kapag hindi akurado ang aking execution ng aming mga drills. It's been three weeks since the announcement and this person wouldn't let up with his strict discipline.
"We only have about a week before the sports festival and none of you are showing any progress! Ngayon pa lang sasabihin ko sa inyo, kakainin lang kayo ng puting kupunan."
Kaagad na nagbulungan ang ibang miyembro ng kani-kanilang mga hinaing. Pero agad din naman silang natahimik nang muling nagsalita ang pinuno ng aminh kupunan.
"If you don't want that to happen and if you so badly want that slot for the nationals, then put more efforts into it! Hindi iyong dadada kayo riyan pero simpleng posisyon lang ng paa'y hindi pa makuha!" He said putting emphasis to his last statement while sending daggers towards me.
I kept my expressions neutral even when I could hear my teammates whispering to one another and giving me side glances. Ilang sandali pa siyang nakipagtagisan ng titig sa akin bago niya ibinaling sa iba at nagpatuloy sa kanyang sermon.
"Moritake-san?"
Tumigil ako sa pagtulak ng hawak kong pamunas sa sahig para harapin ang aking partner.
"Hai?"
"I'm sorry if this seems like I'm prying but I just couldn't help noticing Kurozawa-senpai's subtle animosity towards you. I mean he's usually quiet and likes to keep to himself, but if you approach him to ask for some advice, he's very accommodating. So it's very odd to see senpai so impatient and short-tempered while coaching a kohai. May nagawa ka bang kasalanan sa kanya?"
Sandaling napaawang ang bibig ko sa mga narinig, tila hindi ko maikonekta ang mga pang-uring ginamit nito sa pagkatao ni Kyo. Siyempre, hindi ko kilala ang taong inilarawan niya dahil ni minsan hindi naging ganoon ang magkapatid sa akin.
A scene from two years ago made a quick flash in my head, the one where two straightened backs were standing in front of me, seemingly defending me from the danger ahead. I bit my lip as I tried to stow the memory away.
Hindi naman nila ginawa iyon para sa akin. It was so they could prevent Gene from going berserk and further ruin the family crest. I bit my lip as I felt that familiar pang of pain. Nang napuna ko ang nagtatakang anyo ng kaibigan, agad kong inayos ang sarili at marahang umiling.
"Siguro hindi niya nagustuhan ang paraan ng pagsali ko sa grupo. He's the type who doesn't tolerate bad behavior no matter the cause. And you knew how the Master learned about my kendou skills, right? Maybe he doesn't agree to it. Anyways, don't think too much about it. He could only do so much to break me and my love of kendou," nasabi ko na lang sa kanya.
There's nothing much to tell anyway. Kahit gustuhin ko mang ikuwento sa kanya ang totoong koneksyon ko sa magkapatid, hindi pwede. If I don't want the clan's wrath to go after Gene's family again, this time, I have to follow the rules. Or least the most important of them -- never tell a soul.
"Tapusin na natin ito para makauwi na tayo agad. Marami pa kasi akong sasaguting mga assignments," sabi ko pa bago bumalik sa pagtutulak ng basahan.
Minsan ko pang sinilip ang kinaroroonan ng aking kaibigan at kaagad na ginapangan ako ng konsensiya nang makita itong ilang sandali pang tumunganga roon at tila pinag-iisipan nang maigi ang aking mga sinabi.
Miyu-san, gomen, I thought as I looked away and continued my mopping.
"Tingin mo may tsansa pa rin tayo sa Nationals gayong hindi na makakasali si Kyoshiro-senpai?" Narinig kong bulungan ng iilang mga kasama namin.
"Kung sana ay hindi umalis si Ryu-senpai, hindi sana tayo mamomoblema."
Napatigil ako sa narinig at agad binalikan iyong mga nagbubulungan.
"Ryu-senpai?" Tanong ko sa mga itong napatingin sa akin.
Tumango ang isa sa kanila bago sumagot.
"Before Kyoshiro-senpai joined our club, Ryu-senpai was our champion. But two years ago, he submitted his resignation and that was the end of it."
"He hasn't visited us even once although his sister is still an active member here," sabi pa noong isa.
What she said caught my attention.
"Sister? Wait. I mean, we are talking about Ryu Sanada here, right? Drake Sanada?" I asked, making sure.
Sandaling nagtinginan ang mga ito bago ako muling binalingan.
"Yes, of course. Ryu Sanada, a third-year Management student, the ace of the Emperoars, the nine-time kendou champion, a consistent dean's topper and one of the sought after royalty of the empire!" Patiling sabi ng isa sa kanila habang nakatingin sa kawalan bago siya sinapak sa balikat ng isa pang kasama.
"Umayos ka nga at baka marinig ka ni Miyu," sabi nito.
"Teka lang, ano naman ang kinalaman ni Miyu rito?" Pagtataka ko at siya namang pagdaan ni Miyu sa aking likuran, "Miyu, chotto," tawag ko sa kanya.
Bahagyang napaatras iyong mga kausap ko kanina nang lumapit at tumabi sa akin ang aking kaibigan.
"What is it, Moritake-san?"
"Kilala mo rin ba si Ryu Sanada?"
Bahagya siyang nabigla sa aking katanungan.
"Senpai!" Napabaling ako sa nagsalita, "Call him senpai because he's our respected senior! And besides, how can you ask Miyu-san if she knows Ryu-senpai when he is in fact her older brother?"
Ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita sa narinig. Sandali akong sinilip ng aking partner na namumutla ang mukha bago ito nagmamadaling umalis. Mabilis ko siyang sinundan sa aming changing room matapos isauli sa lalagyan ang hawak kong basahan. Patapos na siya sa kanyang pagsusuot ng uniporme nang maabutan ko.
"Miyu-san, I'm sorry if I've offended you by asking about Ryu. I didn't know—"
"You did nothing wrong, Moritake-san. Hindi mo naman kasalanang wala kang makitang resemblance sa aming dalawa ni Ryu-niisan. He's very good in everything he does whereas I fail miserably in every one of them," she said as she slumped on a seat near her.
"No," agap ko at saka tinabihan ito, "Why would you think so low of yourself? Sure, there are things that Drake, I mean, your brother can do so well..."
"Very well. He graduated at the top of his class in all levels. He's the best in every sport he has ever joined. And he's very charming that everyone admires him--"
"Highly debatable," I couldn't help saying under my breath.
"What?"
Mabilis akong umiling at saka kinuha ang mga kamay nito at ikinulong sa aking mga palad.
"Naiiintindihan kong malaki ang paghanga mo sa iyong kapatid at dahil doon hindi mo maiwasang ikompara ang sarili mo sa kanya..."
Whatever you do, no matter how hard you try, as long as you are what you are, you'll never be enough! Get out of my sight! I bit my lip as I shook off the memory and tried to continue.
"B-but just because he excels in the things he does, doesn't mean that you are a failure. Maybe he excels in them because he simply loves doing them in the first place. And maybe you feel like you don't because they are not really what you wanted to do."
Napasinghap siya sa huli kong nasabi bago nag-iwas ng tingin. Her ears were red and she was looking so intently at the flower arrangement sitting at the center of the room. It was then I somewhat understood why she wasn't so good in handling the wooden sword even when she said that she started studying the arts since she was little.
I kneeled down infront of her so I could see her eyes. Bahagya naman itong napapitlag sa aking ginawa.
"Ikebana ga suki desu ka?"
Kaagad na namilog ang mga mata nito at pagkatapos ay bigla na lang tumayo.
"I... I'm sorry Moritake-san but I need to go home," aniya bago mabilis na isinara ang locker sabay kuha ng bag at pagkatapos ay patakbong umalis.
Nanatili ang paningin ko sa pinaglabasan nitong pinto bago bumuntong ng hininga.
Nagkamali na naman ako ng timing... Naisip ko nang biglang pumasok ang dating sinabi ng taong iyon.
"Huwag kang matakot na magalit o magtampo siya sa iyo. Normal lang iyon sa magkaibigan. Hayaan mo munang lumipas ang galit o tampo niya bago mo siya lapitan uli at kausapin. Ipaliwanag mo nang maayos kung bakit nasabi o nagawa mo ang mga bagay na ikinasama ng loob niya sa huli. Kung nagkamali ka, humingi ka ng tawad. Walang anumang away, o sama ng loob ang magtatagal sa isang tunay na pagkakaibigan."
Says the guy who has stopped being my friend. I sighed as I got up from the floor and patted my knees clean, ignoring my aching heart.
Dumating ang linggo ng aming Sports Festival at lahat ay abala sa kani-kanilang mga gagawin. Walang pasok pero hinikayat ng University ang mga mag-aaral na walang event na manuod ng mga laro at suportahan ang kanilang mga kaklase. Karamihan sa mga kaklase ko ay basketball ang pinanuod, hindi lang para suportahan ang magkambal na Yazaki, dahil na rin sa cheering competition kung saan kasali sina Desiree.
It was the third day when the twins finally got the chance to join me for lunch. I heard our team is currently leading the rankings for the Middle School Department.
"Sumali ka rin sana, Aya-chan! I'm sure the cute uniform would suit you-- Aray!" Impit na sigaw ni Kou nang biglang sapakin ng kanyang kapatid.
"Please excuse my twin brother, Aya-san. Minsan kasi nagkakapalit ng pwesto ang utak nito at palaupuan."
"Hidoi! Hindi kaya!" Sagot ng kanyang kapatid habang palitang kinakap ang ulo at likuran.
I smiled at their playfulness. Ilang buwan na rin kaming magkasama at naging malapit na sa akin ang dalawa.
"Hindi ba't may laro pa kayo mamaya?" Agap ko bago pa sila tuluyang magtalo.
Agad namang lumiwanag ang mukha ni Kou at saka inakbayan ang kapatid.
"Yes, we do. It'll be our last game for the inter-department level. Are you finally going to watch us play?"
"Hmm... Hindi ko pa alam. May laro rin kasi kami mamaya," sagot ko.
It's been the third day and so far our team's been on a winning streak. This was mostly because Kyo has been striking the most wins for us and because we haven't been matched with Kira's team yet. Mamaya pa lang.
"Moritake-san."
Magkasabay kaming tatlong lumingon sa pwesto ng tumawag.
"Yo, Miyu! Genki?" Nakataas ang isang kamay ni Kou habang binabati ito.
"Konnichiwa, Miyu-san," ani Kai at bahagyang yumuko bilang pagbati.
"Konnichiwa, Kou-kun, Kai-kun," bahagya ring yumuko si Miyu bago bumaling sa akin, "Shishou asked if we could take the extra pillows out from the stock room and bring them to our venue," she said as she curiously roamed her eyes between me and the twins.
"Of course!" Masigla kong tugon bago mabilis na nilamon iyong natitirang sausage at saka tumayo, "Tara!"
"Sandali lang Aya-chan. Paano iyong laro namin mamaya?" Sigaw ni Kou nang paalis na kami.
Nilingon ko siya at pilyang nginisihan.
"I'll watch your game if you can make it to the finals!" I said as I grabbed Miyu's hand and ran away. Lalo pa akong ngumisi nang marinig ang angal ng dalawang kambal.
Hindi pa rin mawala-wala ang ngisi ko habang pinapasan ang ilang unang pang-upo at tinutungo ang gym ng Senior High Department kung saan gaganapin ang panghuling laban namin para sa elimination.
"Moritake-san?"
"Hai?"
"Kailan mo pa naging kaibigan iyong magkapatid na Yazaki?"
"Hmm... ngayong pasukan lang. Nilapitan nila ako at inayang maglaro ng RPG sa bahay nila. Tapos doon na nagsimula iyong pagiging magkaibigan namin," kwento ko.
"Hmm..."
"Bakit mo pala natanong?"
"It's nothing. It's just that those two seldom befriend anyone outside the empire. Kaya medyo nagtataka ako kung bakit ganoon na lamang sila kakomportableng kasama ka."
Saglit akong natahimik at pinag-isipan ang kanyang mga sinabi.
"Hindi ko alam kung anong dahilan nila. Pero kung gusto nila akong maging kaibigan, hindi ko iyon ipagdadamot," sagot ko nang may isa pang naisip, "Ikaw? Hindi ba't anak ka rin ng imperyo? Taga-imperyo rin lang ba ang gusto mong kaibiganin? Ayaw mo ba akong kaibigan?"
I waited for her answer but nothing came.
"Um, I'll go ahead, Moritake-san. B-baka kasi hinahanap na ni Shishou ang mga ito. Sasabihin ko na lang sa kanyang parating ka na."
"Ah..." Bago ko pa man siya mapigilan ay nakatakbo na ito palayo.
Tila may ilang toneladang bakal ang dumagan sa puso ko habang pinagmamasdan ko ang tumatakbo nitong anyo.
What do you expect, stupid? Dahil madali mong naging kaibigan iyong ibang mga anak ng imperyo, ganoon na rin sa iba? Isip-bata ka talaga! Kaya nga ayaw na sa iyo ng taong iyon, di ba? I was castigating myself when I suddenly bumped on someone. Nahulog ang iilan sa mga dala ko at agad ko silang pinulot.
"Sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko masyadong nakikita ang daan—" Paliwanag ko pagkatapos kong pulutin ang mga ito nang makilala ang nakabangga.
Parehong namilog ang aming mga mata nang makita ang isa't isa. Hindi ko maiwasang punahin ang kasalukuyang ayos nito. Ang una kong napansin ay ang naka-gel nitong kulay tsokolateng buhok pero magulo pa rin. Nakasuot siya ng leather jacket sa ibabaw ng kanyang puting t-shirt at pinaresan niya ito ng tattered pants at leather boots. Lalo siyang gumuwapo sa anyo niya.
"Ah, mabigat ba? Tulungan na kita—"
"Ren, magsisimula na raw— Anong nangyari rito?" Biglang sabi ng babaeng kapareho nito ng ayos at agad na inangkla ang kamay sa braso ng dati kong kaibigan.
Dati. Even that word stings my already wounding heart.
Mabilis akong umiling.
"Hindi ko kasi siya nakita. Sorry again," sabi ko at saka muling inayos ang mga dala sa paraan na natatabunan nito ang kanilang mga mukha, "Excuse me," sabi ko bago nagmamadaling umalis, maingat na hindi sila mabangga at hindi rin masilip.
"Aya, sandali—" I heard him call but I didn't stop.
Pagkatapos ng ilang buwan niyang pananahimik at pagiging malamig sa akin, tatawagin niya ako ngayon? Para saan pa? May girlfriend na siya, hindi ba? Kaya hindi na niya ako kailangan. May ibang mga kaibigan na rin ako ngayon kaya hindi na namin kailangang mag-usap. I bit my lip at the bitterness of my thoughts as I stopped just outside the gym.
Mas mabuti na ring ganito. Madali ko siyang makakalimutan. Madali na rin sigurong burahin itong nararamdaman ko para sa kanya. Tutal, crush lang naman ito, hindi ba? Simpleng paghanga. Infatuation lang. Mawawala rin ito sa pagdaan ng panahon. My heart revolted inside its cage as I tried to convince myself.
Ilang beses pa akong humugot ng hininga para pakalmahin ang sarili.
I'll be alright. I'm stronger now. That's right. Everything's going to be fine, I pepped-talk myself. Pagkatapos noon, bahagya akong humilig para maabot iyong door handle.
"There you are, Moritake-san! We've been waiting!"
Lumapit iyong ilang mga kendouka at biglang kinuha ang mga dala ko.
"Puntahan mo na agad iyong team niyo. Kanina ka pa hinahanap ni Kyoshiro-senpai," bulong sa akin ng isa.
Sandali kong binalingan ang aking grupo na nakaupo sa gitna ng court kung saan gaganapin ang aming mga laban. Agad na sumalubong sa akin ang galit na hitsura ng aming leader.
"Bilisan mo na."
Isang beses akong tumango bago nilapitan ang aking kupunan. Ilang matatalim pang mga titig ang iginawad sa akin ni Kyo bago nag-iwas ng tingin. Lumapit ako sa isa kong kasamahan at bumulong.
"Bakit parang nagmamadali ang lahat? Hindi ba't mamayang alas tres pa naman magsisimula?"
"Changed of plans. May bigla kasing dumating na espesyal na mga panauhin," anito.
Magtatanong pa sana ako nang imuwenestra nito ang pwesto ng aming Master. My heart stalled for an instant when I saw the two most powerful Dragons of the empire. Iyong pinakamapakapangyarihan ay komportableng nakaupo sa silya ng aming Master, habang iyong isa naman ay nakaupo sa kanyang tabi at marahang pinapaypayan ang sarili.
What are they doing here? I thought as my heartbeat began to race. Pinigilan ko ang mapasinghap nang biglang magtama ang paningin namin ng pinuno ng imperyo. Katulad nang huli kong naaalala, they were cold and distant. Dahan-dahan akong nagbaba ng tingin para iwasan iyon.
"Today is a very special day. As you can see, both the most powerful masters of the Cross Empire have bestowed us their presence. And because of that, there will be a slight change on the rules of this tournament."
Napaangat ako ng tingin sa inanunsiyo ni Shishou. Nilibot ko ang paningin sa paligid at walang nakitang ni konting pag-angal sa aking mga kasamahan.
"Pwede niya bang gawin iyon? Isn't it a little too late for them to suddenly change the rules?" Bulong ko sa katabing bahagyang umusog palayo sa akin.
Iyong isang katabi ko naman ang aking binulungan, baka sakaling pareho kami ng sentimento.
"Bakit kailangan pang baguhin?"
"Shhh!"
Napaupo ako nang tuwid nang marinig ang saway ng pinuno ng aming kupunan. Bahagya ko siyang sinilip at kahit sa aking pwesto ramdam ko ang tensiyon sa bawat ugat ng kanyang katawan.
"First thing's first. As requested by our Beta Master, our most beloved, Kurozawa Daiki, we made a change in the lineup of kendouka for the white team for which the members readily agreed," I heard the Master said as I tried to analyze Kyo's expression.
Maybe he didn't expect this to happen as well. I thought as I returned my eyes in front and was surprised to recognize one of the members of our supposed opponent.
"Please help me in welcoming back the unbeaten champion of the Kendou Club, Ryu Sanada."
Walang habas itong tumayo at saka yumuko nang malalim sa harap ng mga Masters. Nang muli itong bumaling sa pwesto namin, tumagal ng ilang sandali ang kanyang matalim na paningin sa aming pinuno bago lumipat sa akin. Lumabas ang mapaglarong ngisi nito bago itinaas ang isang kamay.
"Yoroshiku, my kitten."