Kabanata 9

3771 Words
KABANATA 9 I was putting on the final touches to my lips with a peach lipstick before leaning away from the mirror to check if everything's perfect. Muli kong tiningnan kung tama lang ba ang pagkakablend ng kulay sa mga talukap ng aking mata. Emerald green. Bigla akong binalikan ng imahe kagabi ng mga matang kapareho nitong kulay na masuyong nakatanaw sa aking mga bughaw. Ngumuso ako nang maalala ang huli nitong bilin sa akin bago umalis. "Akin na nga ang phone mo." I did what I was told. He was a bit surprised when he learned that I didn't put any security lock in it. Panandalian niya pa akong binalingan nang may pagtatanong sa kanyang titig pero agad din naman iyong ibinalik sa kanyang ginagawa. Mabilis itong nagtipa at nang matapos na ay ibinalik na sa akin. "O, huwag mo na uli ibibigay sa iba, maliwanag?" "H-ha?" I checked what he inputted and noticed the change in his number, "Nagpalit ka ng number?" Tumango ito. "Tinapon ko na kanina lang iyong dati kong sim. Sa ngayon, ikaw pa lang ang nakakaalam ng bago kong numero. Baka ibigay mo na naman sa kaibigan mo?" Tanong nitong may panunuya. Mabilis akong umiling. "Hindi na." "Promise?" Nagtaas pa ito ng kilay at may itinatagong ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis naman akong tumango. Tumawa ito sa aking reaksyon bago ginulo ang aking buhok. "Sige, matulog ka na. Itetext kita kapag nakauwi na ako." Muli pa nitong hinaplos ang aking pisngi. I couldn't help but bathe in the comfort of his touch. I watched as he climbed down the pipes by my window and waved him goodbye when he got in his motorcycle and drove off. Narinig kong tumunog ang cellphone ko. Nang kunin ko iyon, nakita ko agad ang isang message notification at hindi ko napigilan ang ngumiti. From: My Dragon King Good morning, Aya! Kumain ka na? Ramdam ko ang pagliparan ng mga kulisap sa aking tiyan. Mabilis naman akong nagtipa ng reply. To: My Dragon King Ohayou, Ren! Tapos na. Ikaw? :) Hindi ko pa nailalapag ang cellphone nang muli itong tumunog. From: My Dragon King Katatapos lang. Ihahatid ka rin ba ngayon ni Milo? I paused as I contemplated on my options. Pwede naman akong magpahatid kay Kuya Milo pero pwede ring hindi. Sinilip ko ang bintana at tinanaw ang kalangitan. It's a clear day, perfect for an early morning walk. To: My Dragon King Hindi. Maaga pa naman kaya maglalakad na lang ako. Mabilis ulit ang naging sagot. From: My Dragon King Maglalakad? Ang layo kaya noon! Magtitipa na sana ako ng sagot nang may dumating na bagong mensahe galing sa kanya. From: My Dragon King Anong oras ka aalis diyan? Sasalubungin kita sa may crossing para sabay ka na sa akin. Ngumuso ako sa huling nabasa. Ilang ulit ko pa iyong binasa bago nagtipa ng sagot. To: My Dragon King Papaalis na. :) Wala pang ilang segundo ay sumagot na ito. From: My Dragon King Okay. On the way na. Ang gaan at ang saya ng pakiramdam ko matapos kong basahin iyon. Parang hinihele sa langit ang puso ko. Parang gusto kong tumili. I never thought a casual conversation like this could make a person feel so alive... so euphoric. But we've been conversing like this before, so what made this one special? What changed? Maaga kaming nakarating sa gates ng University. Bumaba na ako sa kanyang motorsiklo at hinubad ang suot na helmet. "Baka matagalan ako mamayang hapon. May tatapusin pa kasi kaming project sa library. Kung wala pa ako rito pagkatapos ng huli mong subject, mauna ka nang umuwi. Pero magtetext ka sa akin kapag ganoon, maliwanag?" Bilin ng hari matapos makababa at magtanggal ng kanyang helmet. Hindi maiwasan ng puso kong malungkot sa isipang hindi ko siya makakasabay sa pag-uwi mamaya pero kaagad ko rin iyong isinantabi. He's working very hard to achieve his dreams. I won't let my childish whims become a hindrance to his success. Kinagat ko ang aking labi at saka dahan-dahang tumango. Puna ko ang pagtagal ng titig niya sa aking mukha. It was making my feel conscious. Tama lang ba ang paglagay ko ng blush on? Pantay kaya iyong pagkakalagay ko ng maskara? My heart especially skipped a beat when his eyes made a shift downwards, towards my lips. "Um..." Ibinalik nito ang paningin sa aking mga mata at mas lalong dumagundong ang dibdib ko. "Pero kung gusto mo, pwede ka ring tumambay sa library at maghintay," bigla nitong suhestiyon, "Kung gusto mo lang naman. Pero kung tingin mo mababagot ka lang..." "M-may kailangan din akong gawin mamaya sa library kaya..." Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi sa aking sinabi pero agad din naman iyong nawala nang may naalala. Bigla siyang napamura at ilang sandali pang kinausap ang sarili. "R-ren? May problema ba—" "A, ganito na lang," he paused as he shifted on his other foot, "Sabihin mo sa akin kung anong kailangan mo sa library tapos dadalhin ko na lang sa kwarto mo pagkatapos," muli na naman siyang napamura sa huling minungkahi. Kumunot ang noo ko sa biglang pagbago ng asta nito. Pakiramdam ko parang ayaw niya akong pumunta sa library mamaya. Pero bakit? "Ako na lang ang maghahanap para mas madali—" "Huwag!" Bahagyang namilog ang mga mata ko sa pagsigaw nito. "A, ano, ako na lang ang maghahanap. Mas magiging madali kasi doon ako nagtatrabaho tuwing break time ko kaya hindi mo na kailangang pumunta." Lalo akong sumimangot sa sinabi nito. "Pagkatapos ng klase, umuwi ka na agad. Dadalhin ko iyong mga libro sa inyo pagkatapos na pagkatapos namin, okay?" Hindi ako sumagot at nanatili lamang na nakatitig sa kanya. Panay naman ng iwas ng mata niya sa akin. "Itext mo sa akin iyong mga title ng libro. Sigurado akong madali lang hanapin ang mga iyon!" Sabi pa nito habang hilaw na tumatawa. Matapos noon ay nagpaalam na kami sa isa't isa at kanya-kanyang tinungo ang aming building. Hindi pa rin maalis sa isipan ko kung bakit ayaw niya akong pumunta sa library. May itinatago ba siya? Ano naman kaya ang posible niyang ayaw ipaalam sa akin? Sa inis ko, itinext ko sa kanya ang sampung titulong sigurado akong wala sa aming library. Mamaga sana ang mga mata mo at lumuwa kakahanap ng mga aklat na iyan! I mumbed as I pressed the send button. "Ohayou, Arianne." Muntikan ng tumilapon ang cellphone ko sa biglang nagsalita. Nang mag-angat ako ng tingin, isang nakangiting Himura ang tumambad sa akin. "I'm sorry if I startled you," he said. Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng kanyang pagsasalita. Sandali ko iyong sinilip at nakita ang isang mensahe galing sa hari. From: My Dragon King Okay. Text me kapag nakauwi ka na. Umirap ako sa reply nito at akma na sanang itatago nang may dumating pang mensahe galing sa kanya. From: My Dragon King Huwag mong ipapaalam sa mga "kaibigan" mo ang tungkol sa number na ito, okay? Muli pa akong umirap bago ko tuluyang ibinulsa ang aking cellphone at hinarap si Himura. Nakatayo pa rin ito sa aking harapan at matiyagang naghihintay. "Sorry about that," anas ko, "May sinabi ka kanina?" Ngumiti siya bago sumagot, "Pwede ba kitang makausap?" Pumunta kami sa kalapit na garden at naupo sa isa sa mga benches dito. "Pasensiya nga pala noong huli nating pagkikita. Gusto ko pa sanang makausap ka nang mas matagal kaya lang may meeting kami noon kasama ng school board." Umiling ako. "Okay lang iyon," anas ko pa. Ngumiti naman ito sa aking sinagot. "Kumusta ka na?" Malumanay nitong tanong. "Ganoon pa rin. Nangangapa pa rin," patawa kong sagot ngunit kaagad ko ring tinutup ang bibig nang makita ang malungkot nitong hitsura. "I'm sorry about what happened," sabi nito sa isang malumanay na tinig. Tipid akong ngumiti at saka umiling. "You don't have to be sorry about anything, Himura. That was bound to happen anyways. Hinihintay lang ng pamilya na magkamali ako para mangyari iyon," sabi ko, "Ang malungkot lang doon, nadamay ko pa sina Gene sa nangyari." Bahagya itong napayuko sa aking huling sinabi. "I've also heard about the Beta's expulsion from the empire. It was quite a shock to the alliance when the Headmaster announced a new Beta of the Kurozawa. But I was more worried about you than anything else," he said, his eyes clearly reflected the concern that he was speaking of. Muli akong umiling bago siya nginitian. "I'm fine, Himura. Kung ako lang naman, walang problema ang itakwil ako nang maraming beses kasi sanay na ako roon," I said even when my chest painfully constricted at the thought, "But Yuujin was very adamant to stand by his words. It hurt to see him lose everything he worked so hard. Mas masakit pa iyon sa maraming palong natamo ko noong araw na iyon." I saw him cringed at my words. "They shouldn't have done that. Kahit na sabihin pa nating malaki ang naging kasalanan mo, they still should have shown some mercy. You were just a child then!" He clenched his fist as he strongly said that. Umiling ako. "Tapos na iyon. Kahit gustong-gusto ko mang balikan at itama iyong mga pagkakamali ko sa araw na iyon, wala na akong magagawa pa. Hindi na pwedeng ibalik ang mga nagdaang oras. I could only face what I have at the moment and try to move on." Muli siyang yumuko sa aking mga salita. "I wish I could have saved you then," mahina nitong sabi. Agad siyang nag-angat ng tingin nang bahagya akong natawa. "Sorry," agap ko, "But there's nothing to be done back then. Like I said, it was an accident waiting to happen. Naghahanap lang sila ng tiyempong tanggalan ako ng pangalan. Kahit ikaw pa ang tagapagmana ng buo niyong angkan, wala ka ring magagawa para mabaliktad ang desisyon ng pinuno ng aming angkan." Bahagya siyang nagbaba ng tingin. "Maybe that's true but still I can always..." He paused as he raised his eyes so he could meet mine, "I..." He started to say when the first warning bell rang. Pareho kaming napatigil at napalinga sa aming paligid. Nagsisimula ng magtakbuhan ang mga estudyante patungo sa kani-kanilang silid-aralan. "Malapit nang magsimula ang first period," anas ko habang tumatayo nang pigilan nito ang isa kong braso. Napatingin ako roon bago ko inilipat sa kanyang mukha. Malungkot ang mga mata nitong nakadungaw sa akin. "Magkaibigan pa naman tayo, hindi ba?" Anito. Bahagya akong natigilan sa kanyang tanong. Inayos ko ang aking ekspresyon at tipid siyang nginitian. "Hindi ba ako ang dapat na magtanong sa iyo niyan? I'm no longer a Kurozawa. My friendship serves no purpose for the heir of the Himuras now." Umiling ito at saka dahan-dahang pinadausdos ang kamay hanggang sa magkalapat na ang mga palad namin. He gently brushed his thumb at the back of my hand. "Kung ganoon, magkaibigan pa rin tayo," sabi nito, "I never wanted you to be a Kurozawa in the first place." I was brooding over what Himura had said as I was making my way to first period when I noticed Desiree's group by the hallway. Nasa kalagitnaan sila nang pag-uusap kaya agad ko silang nilapitan. "Good morning!" Maligayang bati ko sa mga ito. Nilingon nila ako at sa paraan ng kanilang pagtitig, alam kong may hindi magandang mangyayari. "May problema ba?" Tinanong ko pa rin. Lumapit si Desiree sa akin. "Let's talk," sabi nito bago ako hinila palayo. Sumunod naman ang lima sa amin. Dinala nila ako sa likod ng isang gusali at saka itinulak sa isang  pader. "Anong pag-uusapan natin? May problema ba?" Tanong ko uli. Sandaling nagtinginan ang mga ito bago walang imik na lumapit si Cindy sa akin at inilahad ang hawak na cellphone. May pagtataka ko iyong tinanggap. When I pushed the home button, an image of Ren, climbing down my pipes, and l, looking down at him flashed on the phone's screen. I scrolled down and saw more of the images until Ren's motorcycle was out of sight. Kumunot ang noo ko sa mga nakita. What? How did they— Who took these? "Totoo ba ang mga nasa larawan?" Mariing tanong ni Desiree. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga nagbabaga nilang mga titig. "Saan galing ang mga ito?" I asked. "It doesn't matter where they came from. Sagutin mo na lang ang tanong, Yana, where they real?" Muling tanong ni Desiree. "Oo pero—" "Malandi ka!" Sigaw ni Melissa sabay hila nito sa buhok ko, "Alam mong gusto ko siya pero sinulot mo pa rin!" Ilang magkakasunod na sapak ang ginawad nito. Pilit kong inilayo ang sarili sa kanyang hawak at agad na gumuhit ang matalim nitong kuko sa aking leeg nang magawa ko iyon. Dumako ang kamay ko sa pinagkalmutan nito at napakislot nang naramdaman ang pagtulo ng dugo mula rito. "We befriended you because we thought you could be trusted. But still, you did this?" Anas ni Lauren habang pinapakita iyong larawan sa kanyang phone. "You're a disgusting slut!" Asik pa ni Cleope. "Girls, calm down," sabi ni Desiree, "Clearly, we've made a mistake befriending someone below our class." Nagtagis ang bagang ko sa huli nitong binanggit pero pilit ko pa ring pinakalma ang sarili. Think of Gene and Mimi! Think of them and resist your urge to fight! "Pero hanggang doon lang iyon. Huwag na nating dagdagan pa ang pagkakamali at pantayan ang kanyang lebel. We're better than this. We're from the upper echelon and no one from the lower class could bring us down," mariin nitong tugon habang matalim akong minamata. "But Des..." "Ano iyan?!" Sabay kaming napalingon sa nagsalita. Pareho ring namilog ang mga mata namin nang makilala ito. "Anong ginagawa niyo kay Aya?!" Nakapatong na ang isang paa at nakahawak ang dalawang kamay nito sa frame ng bintanang pinagsilipan. "Re—" Napaatras ang magkakaibigan nang lumundag ito mula sa bintana. "Hi, Ren! S-salamat nga pala k-kagabi. I've enjoyed your performance," I heard Melissa nervously said but the king brushed her off and went straight to me. Nakaigting ang panga nito at madilim ang mga titig nang makalapit na sa akin. He took my arm and saw the wound on my neck. Malutong itong nagmura bago ako tiningnan nang masama. "N-naaksidente kasi kanina si Yana kaya ganyan—" He wordlessly took my hand and pulled me away from there without taking a backward glance. Narinig kong tinawag siya ni Melissa pero hindi niya ito pinansin. "Dong," sigaw nito nang tumapat kami sa bintanang kanyang pinagtalunan. "O, bakit ka nandiyan?" Sabi ng kasama nitong sumungaw sa bintana. "May nangyari kasi..." Tipid na sagot ng haring madilim pa rin ang mukha. Sandaling sinilip ng lalaking nasa bintana ang aming pinanggalingan at pansin ko ang pamimilog ng mga mata nito nang tila makilala ang mga nandoon. "Ikaw na muna ang bahala sa area ko. Dadalhin ko lang ang isang ito sa clinic," sabi pa ni Ren nang nakadungaw sa akin ang madilim niyang titig. Nagbaba ako ng tingin para iwasan ang mapagbentang nitong mga mata. Hindi ko naman siya masisi. He did warn me about this. When we got to the clinic, the nurse was still out. Kaya nagpasya na lang si Ren na siya na ang gumamot sa sugat ko. Sandali lang nitong hinanap ang mga kakailanganin bago ako binalikan. Madilim pa rin ang mukha nito habang kumukurot ng bulak at nilalagyan iyon ng alkohol. Unang dampi nito ay agad akong napakislot sa hapdi. "Ilang kalmot pa ang kailangan mo para maintindihang hindi sila mabuting kaibigan sa iyo?" Another dab and I hissed the stinging pain. "Unang kita ko pa lang sa mga iyon, alam ko ng hindi sila magiging mabait sa iyo. Pero hinayaan pa rin kita kasi alam ko kung gaano mo kagustong magkaroon na ng mga babaeng kaibigan." Ngumuso ako at pilit na tumitingin sa malayo para lang iwasan ang kanyang mga titig. "Binago mo ang hitsura mo para lang makisama sa kanila. Binigay ang numero ko para makuha ang loob nila." "That's not true—" Natigilan ako nang magtama ang aming paningin. "O? E, ano iyang nasa mukha mo, kung ganoon? Anong nangyari sa palda mo? Ano itong ribbon sa buhok mo?" He pointed out. Wala akong maisagot kasi alam kong may katotohanan ang kanyang mga salita. Muli ko na lang iniwas ang aking paningin at inihulog iyon sa aking mga palad. "Sinubukan ko lang namang gayahin ang mga ginagawa nila. Baka sakaling maintindihan ko rin sila." Buong buhay ko, wala akong ibang kasalamuha kundi mga alikabok at libro sa library ng mansiyon. Kung may nakakausap man ako, kung hindi matatanda ay mga taong hindi ako kayang matingnan sa mata at kausapin nang walang takot para sa sariling buhay. "They said if you look in her eyes for more than ten seconds, you or one of your loved ones will die before the year ends!" I sighed at the memory. "At masaya ka ba ngayon?" Dahan-dahan akong umiling. "Tss. Hindi mo naman kasi kailangang baguhin ang kahit na ano sa sarili mo para lang magkaroon ng kaibigan. Kusa iyong nangyayari kahit wala kang gawin. Hindi ba't mas maganda iyong ipinapakita mo sa kanila iyong tunay na ikaw kaysa magkunwari kang ibang tao para lang matuwa sila sa iyo?" Muli pa akong napakislot nang sa huling pagkakataon ay nilapatan niya ng alkohol ang aking sugat. "Ganoon naman talaga sa umpisa, hindi ba? Mag-aadjust ka para magustuhan nila. Susundin mo iyong mga gusto nilang gawin para makisama. Gagayahin mo iyong mga ginagawa nila para makibagay. Pero sa huli, lalabas din ang tunay mong pagkatao. At matatanggap din nila ang tunay na ikaw," argumento ko rito. Just how you've managed to accept me even after finding the truth about my real gender. Kumunot ang noo nito habang nilalagyan ng betadine ang isang bulak. "Hindi lahat ng mga tao ay may ganoong pag-iisip. Depende iyon kung gaano kabuti ang intensiyon nila sa pagkakaibigan niyo," mahinang sabi nito habang marahang nilalapatan ng betadine ang aking sugat. Lumabi ako sa sinabi nito at lihim na pinagmasdan ang kanyang seryosong mukha nang maalala ang isa sa mga tinukoy nito kanina. "Ayaw mo ba sa makeup ko?" Naiwan sa ere ang kanyang kamay sa aking tanong. Nang ibaling niya ang mga mata sa aking mukha, para akong lulubayan ng hangin. Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan nang nagtagal ang kanyang paninitig, tila sinusuri ang bawat kulay na nilagay ko rito. Nang ibalik niya ito sa aking mga mata, gusto ko namang magbaba ng tingin. Nandoon pa rin ang inis na nakita ko kanina pero unti-unti na iyong nalulusaw sa pagdaan ng bawat segundo. "Wala namang masyadong nagbago," sabi nito bago bumalik sa paggagamot. Sumimangot ako sa kanyang sinagot habang inaalala iyong naging inspirasyon ng ginamit kong kulay. "Hindi mo nagustuhan?" Napatigil na naman siya at muli akong pinagmasdan. Kagat-labi akong naghintay sa kanyang isasagot. Ilang sandali pa ay bumuntong ito ng hininga. "Hindi mo naman kailangan ng ganito para maging maganda. Maganda ka kahit walang kolorete sa mukha." I bit my lip at his words. So he finds me pretty. "Kung ako lang, ayokong kinukulayan mo ang mukha mo o ang magsuot ng maiikling palda. Lalo lang dumadami iyong mga lalaking nahuhumaling sa iyo. Lalo tuloy akong..." He paused as he let out a heavy sigh and left his sentence hanging. Pagod niya akong pinagmasdan bago marahang hinaplos ang aking pisngi. "Minsan naisip ko na sana nandito na lang si Cel para may makausap ka tungkol sa mga pambabaeng bagay. Bata ka pa at alam mong marami kang gustong tuklasin at maranasan. Naiintindihan ko kung may mga bagay kang gustong subukan at gawin. Kahit minsan ay ayaw ko sa mga ito pero hindi ko kita pipigilan. Hahayaan pa rin kita sa mga gusto mo." There's something by the way he said those words and the way his eyes looked at mine that comforted my unreasonable heart. Lumabi ako at nag-iwas ng tingin. "Kung ganoon, hindi mo nga nagustuhan ang makeup ko?" Marahas siyang bumuntong ng hininga. Mula sa gilid ng aking mata nakita ko itong bahagyang umiling. Mariin akong napapikit bago tumayo nang walang pasabi at tinungo ang palikuran. Nakita ko pa itong may pag-aalalang nakasunod sa akin bago ko sinarado ang pintuan. "Aya, nagtatampo ka ba? Sabi ko naman kaninang ayos lang sa aking may makeup ka, di ba?" Binuksan ko ang faucet at agad naghanap ng tissue. "Aya, buksan mo naman ito. Mag-usap tayo." Mabilis kong tinanggal iyong mga kulay sa talukap ng aking mga mata. Inalis ko rin iyong nasa aking mga pisngi. Huli kong tinanggal iyong nasa aking mga labi. Nang masiguro kong wala nang natira, kinuha ko ang dalang lip balm at mabilis na pinasadahan ang aking labi. "Aya, sorry na. Maganda naman talaga tingnan iyong makeup mo kaya lang naaasar ako sa mga lalaking tumitingin sa iyo. Ang ikli-ikli pa ng palda mo. Tapos nakataas pa iyang buhok mo. Aya naman... anong gusto mong sabihin ko? Na natutuwa ako gayong hindi naman talaga? At ang gusto ko lang gawin ay pagbabaliin ang leeg ng mga gagong—" Natigilan ito nang bigla kong binuksan ang pinto. Napaawang ang kanyang bibig habang pinagmamasdan ang malinis at wala nang kulay kong mukha. "Do I look better now?" Nahihiya kong tanong nang hindi siya tinitignan. Tumikhim siya nang isang beses at hindi ko napigilan ang mapalingon sa kanya. Siya namang pag-abot niya sa aking panga at gamit ang likod ng kanyang kamay, buong ingat niyang pinasadahan iyon ng haplos. Nakakakuryente na gustong mangisay ng puso ko sa kakaibang kiliting dulot nito. "M-madali lang namang tanggalin iyong mga kulay kasi hindi ko kinapalan iyong paglagay nito. Sabi kasi ni Mimi hindi kailangan ng makapal na makeup sa umaga. P-pero naglagay pa rin ako ng konting lip balm para hindi maging dry iyong labi ko," anas ko para maitago ang nararamdamang kaba. But then he shifted his gaze on my lips and the fireflies on my belly went crazy! "I l-like the lip balm. It's not too much and it helps hydrate my lips. P-plus, it tastes sweet!" Sabi ko pa habang pinapakalma ang sarili. I gasped when I felt his thumb on my lower lip and my eyes quickly veered to his. Mataman iyong nakadungaw sa aking mga labi habang dahan-dahang pinasadahan gamit ang kanyang hinlalaki. Parang mapipigtas ang aking hininga nang bigla itong mag-angat ng tingin. His emeralds were partly dilated as he lifted his thumb off my lip and brought it to his mouth, his eyes never leaving mine. Napaawang ang bibig ko nang tikman niya iyon. Sumilay naman ang isang nanunuyang ngiti sa kanyang labi pagkatapos. "Matamis nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD