Kabanata 10

3102 Words
KABANATA 10 "Miss Moritake." Napapitlag ako nang biglang marinig ang pangalan ko sa kalagitnaan ng aking pagliligpit ng violin. Katatapos lang ng Music class namin at naghahanda na akong umalis. Plano ko sanang pumunta sa library pagkatapos ko rito. Nilingon ang ko direksyon ng tumawag at nakita ang guro naming nakangiti at nakatingin sa akin. Lumapit ako rito nang tuluyan nang maisara ang violin case ko. "Yes, Miss?" "I'm sorry but would you be so kind to take these to our basketball team? The boys have already gone out so..." pakiusap ni Miss Paulin, ang Classical Music teacher namin habang tinuturo ang dalawang malalaking supot sa paanan nito. New uniforms? "I believe they're currently practicing at the gym." Naibalik sa mukha nito ang aking paningin at base sa ngiti nito, hindi ko siya pwede hindian. I sighed. I was carrying the two bags on each hand while my bags were hanging on each of my shoulders as I made my way down the stairs. Bigla na lang may bumangga sa balikat ko at naitapon ang bitbit kong supot. Kumalat sa hagdanan ang nilalaman nito. "Opps, sorry, I didn't see you there." Kumunot ang noo ko sa nagsalita at nang aking lingunin, nalaman kong ang grupo pala iyon ni Desiree. They were chuckling at what they just did and their expressions were very far from being apologetic. It's been weeks since they banished me from their group. Ganoon na rin katagal nila akong 'aksidenteng' nababangga. "Ay, akala ko kung sino, basura lang pala," maarteng sambit ni Melissa at agad namang nagsitawanan ang mga kasama nito. Inirapan pa ako nito bago umalis. Umiling na lang ako at saka bumaba para pulutin iyong mga nagkalat na uniforms. Mabuti na lang at may balot ang bawat isa sa mga ito. I thought as I picked each one of them and placed them bag inside the plastic bag. "Tulungan ka na namin," narinig kong sabi ng taong biglang pumulot ng pupulutin ko. Nag-angat ako ng tingin at agad ko silang nakilala. "Yo!" Bati ni Kou habang nakasaludo ang dalawang daliri nito. Si Kai ay nasa kanyang likuran at tahimik na tumango nang magtagpo ang aming paningin. Tipid ko silang nginitian, ramdam ang sandaling pagdaan ng hiya sa aking sistema. "Sumimasen," sagot ko bago bumalik sa pagpupulot. "It's good to see you away from those cheap girls, Aya-chan." Napatigil ako sa pagpupulot at nilingon ang katabi. Nakangiti lang ito at patay-malisyang pinupulot iyong ibang uniforms. Tumingin siya sa akin at nagtaas ng mga kilay. "I told you low ranks like them weren't worth trying. You just wasted your time for nothing." I sighed at his remarks. "Don't talk about other people like that," I told him before continuing where I left off. "Anong masama sa sinabi ko? Totoo namang mababa ang uri nila. Pero kung makaarte sila dinaig pa nila ang mga anak ng alliance." Kinagat ko ang labi sa huli nitong binanggit. "They're not worth your while because you are the children of the alliance and they're not?" Ramdam ko ang pagtigil nito at pagtitig sa akin. "Isn't that how things are? We are born privileged and our destinies are completely different from theirs. They maybe sons and daughters of some of the richest in this country but we our the future movers of the world's economy." He sounded like someone I knew. Hindi na ako magtataka kung magkasundo sila. Muli akong bumuntong ng hininga. Tumigil ako sa pagpulot para harapin siya. "Then why are you friendly with me? Why are you helping me?" Kumunot ang noo nito sa aking tanong. "Hindi ako anak ng imperyo. Mas mababa pa nga sa ranggo ng pangalan nina Desiree iyong pangalan ko. Isa lang akong simpleng mag-aaral na nagsusumikap na makapagtapos para makatulong sa pamilya." Nahulog ang panga nito habang ang kakambal niya naman ay nag-angat ng kilay. "Wala kaming yaman. Walang pangalan. Wala kaming kahit na anong pwede niyong pakinabangan sa hinaharap." Agad nitong tinikom ang bibig at sasagot na sana pero naunahan ko. "Anyways, I need to go. May kailangan pa akong gawin pagkatapos ko itong ihatid sa gym." Kinuha ko ang huling uniform sa kamay niya at saka ipinasok sa loob ng bag. Inayos ko pa ang iba kong gamit bago umusad nang biglang kunin ng magkapatid iyong mga supot. "Uy!" Angal ko. "Kami na ang magdadala. Kami naman dapat ang kukuha nito kay Teacher Paulin. Hindi namin inasahang ikaw pa ang napili niyang utusan. Hindi bale, pagsasabihan namin iyon—" "Pagsasabihan ng ano?" Kunot-noo kong tanong. Tinitigan lang ako ng mga ito at hindi sumagot. "Ng ano nga—" Napaatras ako nang bigla na lang lumapit si Kai sa akin. "Kindly hold my phone for me," sabi nito gamit ang isang mababang boses. Bahagyang napaawang ang bibig ko sa ginawa nito. It's been months since he spoke to me. I thought he hated me or something. "It might slip in my hand while I hold these," dagdag pa nito bago pinakita iyong supot na sira na ang hawakan. Tumango ako at saka tinanggap ang kanyang device. The screen was on and an online game was still running. Dali-dali ko iyong sinauli sa kanya. "Ako na lang ang magdadala niyan. Baka matalo ka pa kapag hindi mo agad nilaro ito," sabi ko pa habang pinapakita iyong nagaganap na laro. Sandali niya iyong tinitigan bago umiling. "This was supposed to be our job. We've caused enough trouble for you, we don't want to burden you any further," sagot nito bago inayos ang pagkakahawak sa supot, "As for the game, you can play it for me if you like." Nakita ko pang ngumisi sa akin ang kambal nito bago sila sabay na umalis. Muli kong sinilip ang nagaganap na laro sa cellphone bago binalingan iyong dalawang may kalayuan na. What do I do now? I have his phone. I can't just go to the library and bring this with me. Hindi ko rin ito pwedeng iwanan na lang dito. I bit my lip as I realized that I had no choice but to follow. "Sandali!" I yelled as I ran after them. When we reached the gym, I was surprised to see many students watching the team's practice. Nanatili ako sa likod ng mga kasama nang may lumapit sa amin. "Usoi!" Sigaw ng isa sa mga kasamahan nila pagkatapos kunin ng mga managers iyong bitbit nilang mga supot. "Si Kai kasi laro ng laro, nabitawan tuloy iyong isang supot," narinig kong sagot ni Kou. Hindi naman umangal ang kapatid nito sa kanyang paratang. "Hindi ka na talaga nadala, Kai. Hindi ba't nitong huli, muntik ka na ring mabangga ng sasakyan?" Umigting ang panga ko nang makilala iyong nagsalita. Kinalabit ko si Kai para isauli ang kanyang cellphone at nang makaalis na. Ayokong makita ng demonyong iyon! Bahagya itong dumungaw sa akin. Agad nitong nilipat ang paningin sa bagay na ibinibigay ko. "Pakisabi na lang kay Kou na mauuna na ako, a? May kailangan pa kasi akong puntahan—" "Kitten?!" Shit! "It is you!" Sigaw ni Drake bago tumakbo sa akin. Yayakap na sana ito nang agad kong hinarang ang dalawa kong kamay. "Subukan mo lang at ibabalibag kita sa kinatatayuan mo," banta ko. Tinawanan lang nito ang aking sinabi. "I miss you, too, kitten!" Agad akong sumimangot lalo na't nagsisipagtinginan na ang mga tao sa aming pwesto. "Since the twins are here, shall we return to practice, Coach?" Natigilan ako nang makilala ang boses nang nagsalita. Of course, how could I forget? They're on the same team! "You're such a spoilsport, Kurozawa! Ngayon pa nga lang kami muling nagkita ni Kitten ko." I cringed at his words. "This is our basketball practice, Sanada. If you want to succeed in the future, you should learn to prioritize what's on your schedule," sagot ng nakakatandang Kurozawa. Sandali pa ako nitong tinitigan bago binalik sa kausap, "But if you still want to waste your time playing with some trash, then perhaps you're not ready to succeed yet? Hmm?" "Tch!" Narinig kong anas ni Drake bago bumalik sa kanyang naunang pwesto. Binangga pa nito ang balikat ng humamon sa kanya. Isang matalim na titig ang pinukol ng matandang Kurozawa sa akin bago tumalikod. Sumunod naman sa kanya ang nakangiting kapatid na panandaliang tumigil at tumingala sa mga nanunuod. "May we ask those who are not part of the team to kindly leave now?" Dinig ang almahan ng mga tao sa utos nito pero sumunod pa rin. Nakatingin ang nakangiting Kurozawa sa mga taong isa-isa nang umaalis pero alam ko kung sino ang tunay na pinatatamaan nito. Nang magbaba ito ng tingin at sumagi sa akin, muling lumawak ang mapagkunwari nitong ngiti. "Excuse me, Miss, but are you part of the team?" Tanong nito. "A-Ano..." Biglang nagkabuhol ang mga salita sa utak ko at hindi malaman ang isasagot. Kai stepped in and answered for me, "She helped us with the uniforms." Hindi nawala ang ngisi ng nakababatang Kurozawa pero kita ang disgusto nito sa narinig. "Sou desu ka?" "Kaya okay lang bang papanuorin namin siya sa practice natin?" Napabaling ako kay Kou nang nanlalaki ang mga mata. How could he ask that? Wala naman akong planong manuod! "I wouldn't mind but then the other students may get angry at us if we gave her an exemption. We just sent them all away after all." "But—" Aalma pa sana si Kou pero inilipat na nito ang atensiyon sa akin. "The doors are right behind you. Gokurousama," he said as he waved his hand in a dismissive manner and turned away. Hindi ko napigilan ang pagsikip ng aking dibdib sa paraan ng kanyang pagpapaalis, parang isang langaw na pinapaalis, binubugaw. Kinuyom ko ang aking mga palad habang pinagmamasdan ang pangalang nakaborda sa likod nito. Kurozawa. I thought that by this time, sanay na ako sa maaanghang nilang mga salita. Hindi na bago sa akin ang mga insultong ikinakabit nila sa pangalan ko pero siguro simula noong nagdalaga ako, naapektuhan na rin pati ang tolerance ko sa mga bagay na ito. Here I was, once again, being reminded of how big a failure I was. "Aya-chan..." Narinig kong sambit ni Kou. "Uh, alis na ako," nasabi ko pagkatapos tumikhim para iwala iyong mabigat na hanging bumabara sa aking lalamunan, "Salamat sa pagtulong," sabi ko pa bago bahagyang yumuko. "Aya..." Somewhere in the gym, I heard that familiar grunt of dislike. Nginitian ko ang kambal at saka mabilis na kinawayan. "See you tomorrow!" Mabilis akong tumalikod at saka umalis. Tsaka lang ako nakahinga nang maayos nang tuluyan na akong nakalabas. I raised my hands and saw them tightly balled into fists, ashen and slightly shaking. I took a very deep breath and slowly released the air for thirty seconds. Isa ito sa mga napag-aralan kong paraan para mapakalma ang sarili. Sa ngayon, wala pa akong karapatang tingnan sila sa kaparehong antas. Wala akong karapatang umaray dahil nararapat lang sa akin iyon. Nadamay ko ang pinsan nila sa aking kamalasan. I remembered how Gene sounded so helpless as they talked about the family's current situation. Muling kumuyom ang dibdib ko sa naalala. Mariin kong ipinikit ang mga mata at pilit na pinigilan ang pagpasok ng mga alaala ng nakaraan. Matagal-tagal na rin nila akong huling nadalaw at ayokong dito ako magkalat. Muli akong huminga nang malalim at tsaka tumingala sa langit. Wala man akong karapatan ngayon pero, sinusumpa ko, darating ang araw na mababawi ko ang pangalang iyon. At kapag nangyari na, sisiguraduhin kong hindi na nila ito mabubura pa! "Aya!" Mabilis akong bumaling sa tumawag. Siya namang pagdating nito sa aking harapan, humihingal mula sa pagtakbo. Nang mag-angat na ito ng tingin, bakas sa kanyang mga mata ang iritasyon. "Saan ka galing? Akala ko ba may ipapatulong kang assignments? Kanina pa kita hinihintay sa— Teka, umiiyak ka ba?" Noon ko lang napansin ang pagkahulog ng isang butil ng luha sa aking mata. Agad ko naman iyong pinunasan. Shit! "H-hindi. Napuwing lang ako," sabi ko pa. I heard him grunted before pulling my arm and dragging me along with him. Ilang beses ko siyang tinawag para pahintuin pero hindi niya ako pinakinggan. Hindi man lang ito tumigil para paunlakan ang mga bumabati sa kanya. Lahat sila'y kuryosong napapabaling sa akin. Tumigil kami sa tapat ng kanyang motorsiklo. Puna kong pinark niya ito sa pinakadulo ng parking lot kung saan may nakausling sangang may makakapal na dahon ng punong Acasia na nakatanim sa kabila ng mataas na pader ng University. Tumingala ako at pinagkasya ang sarili sa mga nagsasayawang dahon. Totoo ang sabi nilang nakapagpapakalma ang pagtanaw sa mga dahon o mga bagay na may kapareho nitong kulay. "Anong nangyari? Inaway ka na naman ba ng mga kaklase mong babae?" Nagbaba ako ng tingin at mga nag-aalab nitong berdeng mata ang sumalubong sa akin. "H-ha?" Sandali kong nakalimutan ang dahilan kung bakit niya ako dinala roon. Humalukipkip ito at mataman akong tinitigan. "Kung hindi naman, bakit ka umiyak? At sinong nagpaiyak sa iyo?" Mariin nitong tanong. I opened my mouth to answer when I remembered those two cold eyes shamelessly putting me down, rejecting me from their space. I bit my lip as I looked away. "W-wala naman," I answered in a small voice. Sandali kaming binalot ng katahimikan. Ramdam ko ang paninitig nito kahit hindi ko siya lingunin. "Tch," anas nito. When I turned around to see what he was up to, I saw him getting on the motorcycle and putting on his helmet. Nag-angat siya ng kilay sa akin bago ipinasa ang isa pang helmet. "Sakay." "Pero..." "Wala ka ng klase, hindi ba?" Marahan akong tumango. "Sakay," pag-uulit nito. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko isinuot ang bigay nitong helmet at saka umangkas. "Saan tayo?" Tanong ko matapos kumapit sa kanyang balikat. Bahagya niya akong nilingon. "Basta," maikling sagot nito bago pinaalis ang aming sinasakyan. Huminto kami sa tapat ng isang lumang bodega. Kahit sa labas dinig namin ang malalakas na hampas ng drums at matatalim na riffs ng lead guitar. Agad kaming tumulak papunta roon pagkatanggal namin ng helmet. Lalo pang umalingawngaw ang ingay nang buksan nito ang pintuan. Nagsitigil naman ang mga tumutugtog nang makilala ang pumasok. "O, akala ko ba matatagalan ka?" Sabi noong drummer nilang kaagad na lumapit at nakipag-apiran sa kasama ko. "Change of plans," sagot lang nito bago lumapit sa isang mataas na upuan at saka pumulot ng gitara. "Wow, panibagong chicks na naman, Ren?! Akala ko ba nagbago ka na?" Nagbaba ako ng tingin sa sinabi ng isa nilang gitarista. "Anong chicks? Hindi niyo ba siya nakikilala?" Narinig kong tugon nito sa gitna ng sinisimulang pagtotono. Napaangat ako ng ulo nang marinig ang kanilang singhapan. Big, curious eyes were all on me. "Eto na ba si Ian mo?!" Utas ng basist nila. "Hanep, Bai, lalo siyang gumanda! Kaya pala palagi ka na lang nahuhuli sa practice," sabi naman ng drummer. "Kaya pala laging mainit ang ulo mo," dagdag pa ng lead guitarist. "Ang tanong, aling ulo?" Nakangising tugon ng keyboardist na nakipag-fist bump sa kanyang kabandang nagtawanan. Malutong na napamura si Ren sa narinig. Agad itong tumayo at ibinaba ang hawak. Pagkatapos ay walang pasabi akong hinila at inilabas doon. Dinig ang tawanan ng kanyang mga kabanda kahit noong isinara na nito ang pinto. Muli siyang nagmura at ginulo-gulo ang buhok. "I knew this was a bad idea. Hindi ko na sana siya dinala rito," narinig kong bulong nito sa sarili bago marahas na bumaling sa akin. Namumula ang mukha nito hanggang leeg. "Huwag mong paniniwalaan ang mga kalokohang sinabi ng mga iyon, maliwanag? Nagbibiro lang sila. Kahit kailan wala akong dinalang babae roon. Ikaw pa lang," halos ibulong na lang nito ang huling sinabi bago inihilamos ang kamay sa mukha. Mabilis naman akong tumango nang hindi siya tinitingnan. Pilit na inaalis sa isipan ang maaaring kahulugan ng kanyang mga salita. Ilang sandali pang nanatili ang titig niya sa akin bago bumuntong ng hininga. Pagkatapos ay nilapitan nito ang kanyang motor. "Alis na tayo," sabi lang nito nang ilahad ang helmet. Bahagyang nalungkot ang puso ko sa isipang ihahatid na niya ako sa bahay. "Uuwi na tayo?" I asked, failing to hide the disappointment in my tone. "Gusto mo na ba?" Mabilis akong umiling. Tumango naman ito ng isang beses bago pinaandar ang motorsiklo. "May dadaanan muna tayo bago kita ihatid sa inyo," sabi nito. Umalis kaagad kami pagkasakay ko rito. Tumigil kami sa may plaza kaharap ng dagat. Nauna siyang naglakad at nilapag ang helmet bago naupo sa isa sa mga benches roon. Lumapit ako at tumabi sa kanya. "Ang ganda talagang panuorin ng paglubog ng araw," anito. Tumango ako bilang pagsang-ayon bago ibinaling sa tanawin ang aking paningin. Papalubog na nga ang haring araw at nasisilayan ko na ang liwanag mula sa buwan. Tila nanunukso rin ang kulay kahel na kalangitan sa sumasalamin sa kanya, nagpapaalam at ipinapakilala ang gabi. "Bakit tayo nandito?" Tanong ko nang hindi inaalis ang paningin sa lumulubog na araw. "Sabi kasi nila nakakatulong daw sa pagpapagaan ng damdamin ang pagtanaw sa ganitong tanawin." Nilingon ko siya at nakitang kasalukuyang nasa harapan din ang tingin nito. "Malungkot ka, hindi ba? May bumabagabag sa damdamin mong hindi mo masabi sa akin?" I bit my lip and lowered my eyes as guilt slowly crept inside me. Gustuhin ko man, hindi ko pwedeng ikuwento sa kanya ang tungkol sa pamilyang tumakwil sa akin. And even if I could, I'm not sure if he'd be able to understand. "Okay lang," narinig kong sabi pa nito. Malulungkot na berdeng mata ang agad kong natagpuan nang muli akong mag-angat ng tingin. "Hindi ba't sabi ko naman sa iyong kung kailangan mo ng masasandalan, nandito lang ako?" He straightened his back and squared his shoulders, like he was offering them to me, "O, sandal ka na." Saglit ko iyong pinagmasdan bago ibinalik sa kanyang mukhang nakangiti, handang tanggapin ang kahit na anong kaya kong ibigay. Tila may kumukurot sa puso ko habang prinoproseso ang nangyayari. How could someone, who doesn't share an ounce of my blood, care so much about a cursed one like me and welcome me with ease when my relatives did nothing but reject and keep me away? Unti-unti akong lumapit sa kanya. Dahan-dahan at buong ingat, isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Slowly, I closed my eyes and listened to the steady rhythm of my heart. Sa harap ng nag-aagaw na liwanag at dilim, sa haplos ng masuyong hangin, sa nanghaharanang hampas ng mga alon, sa kanyang tabi... Sana ganito na lang palagi. Sana hindi na ito matapos. Sana... Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD