KABANATA 11
Hmm... Nasaan ako?
I woke up and saw a familiar scene before me: waving mountains, the clear blue sky, the cool gentle breeze from the north, the vast greenery. North Carolina.
Why am I here? Huli kong naaalala, magkasama kami ni Ren sa isang plaza at tahimik na pinagmamasdan ang takip-silim. Is this a dream?
"What a sight to behold, isn't it?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang boses ng nagsalita. Mabilis ko itong nilingon at sumabay naman ang puso ko nang makompirmang siya nga iyon. Bumaling ito sa akin at agad akong nginitian.
"Pero walang hihigit sa ganda mo, Princess."
Rekka.
I opened my mouth to say something but no sound would come out from it. Sinubukan ko uli pero ganoon pa rin ang kinalabasan.
"Inasar nga pala ako ni Jin noong isang araw. Wala raw akong magiging kapares sa court kapag naglaro kami ng 2 on 2 sa basketball. I told him that I'd teach you how to play. In time, I'm sure they'll be eating dusts as we score, hoop by hoop."
Pinilit akong sumigaw pero wala pa ring lumalabas. Parang wala ring epekto sa kanya ang makita ang frustrated kong hitsura mailabas lang kahit isang salita mula sa aking bibig.
His cheery smile slowly melted into a sad one. My heart constricted at the sight as memories of that night flooded my head.
"I'm sorry if I couldn't keep my promise."
Mabilis akong umiling at muling sinubukang magsalita pero wala pa ring lumalabas.
"I've missed you so much, my Princess."
A tear fell from my eye as I ran to hold him but I only ran through him. Bumagsak ako sa madamong lupa. Agad akong tumingala sa takot kong mawala ito sa aking paningin.
But there he was, standing in front of a peaceful scenery, gazing at me with his beautiful dark orbs, longing, loving, regretting...
Kaagad akong tumayo at lumapit sa kanya. Tumigil ako sa harap nito, maingat na hindi siya hawakan. Dinig na dinig ko ang lakas ng t***k ng puso ko habang pinagmamasdan ang kanyang anyo, sinasaulo, kinakabisado. Nilunok ko ang namumuong bara sa aking lalamunan, sumasabay sa pag-iipon ng mga luha sa gilid ng aking mga mata. My eyes blurred with unshed tears.
Ang dami kong gustong sabihin. I've practiced my lines countless times but I couldn't seem to remember any of them now that he's finally in front of me, dream or not. I couldn't even get any sound out of my damn mouth!
'I miss you, too, Rekka. I've missed you so much it hurts...'
My chest constricted again in pain as tears rolled down my face. Kaagad kong pinaalis ang mga luha para lang hindi siya lumabo sa aking paningin. Napasinghap ako nang maramdaman ang kanyang mainit na palad sa aking pisngi bago ko naramdaman ang pumupulupot niyang mga bisig.
"I didn't to hurt you, Arianne. I love you. I will always be your—"
"Aya."
Isang yugyog ang aking naramdaman at Biglang naglaho ang lahat ng imahe.
"No... Rekka..."
"Aya, gising."
Isa na namang yugyog at agad akong nagmulat. Isang pares ng berdeng mata ang sumalubong sa akin na mabilis ring umiwas. Tsaka ko lang naalala kung nasaan kami at kung bakit kami naroon.
"Sorry—"
"Gabi na. Uwi na tayo," anito at saka tumayo.
Natutop ang bibig ko sa biglaang panlalamig ng aking kasama. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone at agad na namilog ang mga mata ko nang napagtantong mag-aalas syete na pala ng gabi.
Mabilis akong tumayo at sumunod sa kanya habang naiisip kung gaano ko siya naabala.
Hindi ba't may trabaho pa siya sa gabi?
When we reached the street I usually get off, I quickly apologized for all the troubles I've caused him. Pero hindi ito umimik at tumango na lamang. Pagkatapos kong magpaalam ay mabilis nitong pinaalis ang kanyang motor nang walang sinasabi sa akin. Bahagyang nanlumo ang dibdib ko nang wala akong natanggap na text galing sa kanya buong gabi.
Nag-umaga na lang at agad kong tinignan ang aking phone. Pero katulad noong kagabi, wala pa rin akong natanggap na mensahe mula sa kanya.
Maybe he went to his job even when he was very late, then came home so tired he immediately slept.
Convinced of my theory, I've decided to text him first and greeted 'good morning' but no response came afterwards, kahit na noong nakarating ako sa paaralan. Buong araw, wala akong natanggap na mensahe, wala ring Ren na nagpakita.
It's been days and I still haven't heard from him. Gusto ko sana siyang dalawin sa dating pabrika pero sa huli ay naduwag. Naalala kong hindi niya pa ako nabibigyan ng pahintulot para pumunta roon.
It was our last subject and the teacher gave us some assignments that I needed to do in the library. Although I didn't have to use the library since I've already known the answers, I thought it was great timing to go and check if he's still working there. Tinignan ko ang oras at nakitang mag-aalas quatro pa ng hapon.
Baka abutan ko pa siya roon!
Pagkatapos na pagkatapos ng aming klase ay dumeretso agad ako sa library. Kabisado ko na ang area ni Ren kaya iyon kaagad ang tiningnan ko. Tatlong pasilyo ang aking nilagpasan nang mahanap ko ito. He was standing in front of one of the tall cabinets and putting some books back into it.
I smiled as I was about to approach him when a girl about his age came into view. Agad akong tumalikod at nagtago sa likod ng gabineteng kaharap nila. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong magtago gayong gusto ko lang naman siyang kumustahin.
Dahan-dahan ko silang sinilip at agad na kumuyom ang dibdib ko nang makita silang tuwang-tuwang nagku-kwentuhan. Sumandal iyong babae sa cabinet nang hindi tinatanggal ang paningin kay Ren.
"I haven't seen you with your girlfriend these days. Hiwalay na kayo?"
May kung anong bumundol sa dibdib ko nang marinig iyon kahit na alam kong maaaring hindi ako ang pinapahiwatig nito. Even the thought that he had a girlfriend he didn't mention to me hurt my young heart.
"Anong girlfriend? Wala akong ganoon," sagot nito nang hindi tinitignan ang babae.
"Weh? E, ano iyong babaeng lagi mong kasama? Iyong nasa Middle School Department? Ano nga uli iyong pangalan noon... Aya?"
Hindi ko matukoy kung anong gusto kong maramdaman. Magkahalong kaba, takot at antisipasyon ang naglalaro sa loob ko habang hinihintay ang isasagot ng hari.
"Ha? Si Aya? Kaibigan ko lang iyon. Ang bata-bata kaya noon!"
Para akong nasampal sa narinig. Humagikhik naman iyong babae.
"Sinasabi mo bang hindi mo type ang mga bata? So, ano pala ang mga type mo?"
I felt like I was being gutted as I saw her went nearer and teased his arm with her fingers. Napatingin doon si Ren bago inilipat sa mukha nito. Lumabas ang mapaglaro nitong ngiti bago isinandal ang kamay sa cabinet, kinukulong iyong babae.
"Bakit mo gustong malaman? Hmm?"
Nagtagis ang bagang ko sa nasaksihan bago nagpasyang umalis. Ilang beses na nagpaulit-ulit sa isipan ko ang sinabi nito noon. Wala akong babae.
Sinungaling! I screamed inside as I ran my way out of the library.
Nanlabo ang mga mata ko sa mga nagbabadyang mga luha na agad kong pinaalis, hindi binibigyan ng pagkakataong mahulog.
It's his life. He can do whatever he wants with it. Kung gusto niyang magsinungaling, e di magsinungaling siya! Kung gusto niyang maglaro, bahala siya! Iyon, iyon, di ba? Sawa na siguro siyang makipaglaro sa isang batang katulad ko kaya hindi na niya ako sinasagot. So much for lasting friendship! Mapait kong nasabi sa sarili habang binabaybay ang daan palabas ng University.
Biglang sumalida sa harap ko iyong mga sandaling naramdaman kong higit pa sa isang kaibigan ang turing niya sa akin, iyong mga espesyal na sandaling ramdam kong babae ako.
Lies! Everything was a lie! He was only toying with me! Isa pa rin akong bata para sa kanya! I bit my lip to stop my tears from flowing. Hindi ko siya iiyakan! Hindi ko pag-aaksayahan ng oras ang mga sinungaling na katulad niya!
"Aya-chan?"
Napatigil ako at saka lang napansin ang isang kulay abong sasakyan sa tabi ko. Nakadungaw si Kou sa bukas na bintana ng likod nito. Inayos ko agad ang mukha ko at nginitian siya.
"I thought I saw you go to the library. Tapos mo na ang mga assignments natin?" Nakangisi nitong tanong.
Naalala ko na naman ang huling eksena doon at hindi napigilan ang pagsikip ng dibdib. Umiling ako.
"Wala roon ang hinahanap ko," sagot ko, nalalasahan ang pait sa bawat salita.
"Hmm... Kung ganoon, sumama ka na lang sa amin! Mas malaki iyong library namin sa bahay. Sigurado akong naroon ang mga kakailanganin nating sagot!" He suggested. I even saw his twin brother leaned in to see me.
"Our chef cooks good food as well," biglang sabi nito.
Sandali kong pinag-isipan ang iminungkahi nila. Hindi ko naman talaga kailangan ng library para mahanap iyong mga sagot. Pero ilang beses ko na rin silang inayawan, siguro panahon na para paunlakan ko naman sila.
Muli ko na namang naalala iyong dahilan kung bakit ko sila tinanggihan noon. I shooed the thoughts away before giving the twins my approval.
Mabilis lang naming narating ang estate ng mga Yazaki. It was modern than I imagined. I thought they'd remain traditional just how the Kurozawas were.
I looked around and was a bit nervous someone from their household would recognize me and send me off. Natigil lang ako nang maramdaman ang marahang pagtapik ni Kai sa aking balikat.
"Anshinde. Both our parents are not here. Nobody else knew about you here, except Kou and I," he said.
I nodded, relieved by his information and at the same time curious by their positive treatment towards me.
The interior of their mansion was even more modern than its exterior, a combination of metal trusses, glass and marble. I've noticed they've kept their furnishings to a minimum, with only a low-lying, black couch that was accented with a small, dark gray coffee table in their living room.
"The library's this way," narinig kong tugon ni Kou at agad akong sumunod.
Hindi sila nagsisinungaling nang sabihin nilang mas malaki pa ito kung ikukompara sa library ng University. But the library at Louise's mansion was far bigger. At least it was before the fire burned everything.
Isang tikhim ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan at nakita ang kambal sa gitna ng silid kung saan may mahabang mesang gawa sa marble ang nakatayo.
"Welcome to the Yazaki Residence's library, Aya-chan!" Magiliw na sabi ni Kou habang tahimik na pumapalakpak ang kakambal nito sa kanyang tabi.
Bahagya akong natawa. For the first time in days, I actually felt better.
"Thank you," sabi ko bago lumapit sa kanila at inilapag ang bag sa ibabaw ng mesa para masimulan na ang pagsagot ng aming mga assignments.
Nang matapos ko na ang panghuling numero, muli ko pang nilibot ang paningin sa kabuuan ng silid. The bookshelves were laid from floor to ceiling so books were everywhere as far as the eyes could see.
"So... How do you find it?" Biglang tanong ni Kou na katatapos lang din.
"It's beautiful," sabi ko.
"I'm glad that you like it," tugon nito, "But I'm gladder you've finally accepted our invitation."
Nilingon ko siya at naabutang nakangiti sa akin. Tahimik uli si Kai habang inaayos ang mga kinuha naming libro.
"Why?" Hindi ko napigilang itanong. I've always wondered why they wanted to involve themselves with someone like me, who had the worst reputation in the whole empire.
"Anong bakit? Siyempre kasi—"
"Kou," biglang tawag sa kanya ni Kai. Umiling ito at agad na tinikom ng kakambal ang bibig at hindi na nagpatuloy.
Kumunot ang noo ko sa nangyari.
"Ano iyon? Mayroon ba akong dapat na malaman?"
Tumingin pa si Kou sa kapatid, marahil humihingi ng permiso, pero muli itong umiling. Lalo akong naging kuryuso.
"Bakit ayaw niyong sabihin?"
"You will know at the right time, Aya-san. Sa ngayon..." Kai paused as he took something out from his bag and then produced something rectangular, "Let's play some game."
Tumagal ng dalawang oras ang paglalaro namin ng RPG na nalaman kong isa pala sa mga produkto ng isa nilang kompanya. Nagkaasaran pa iyong dalawa nang hindi pumayag si Kai na magpalit sila ni Kou na maging kapares ko sa laro. Palagi kasing namamatay ang karakter nito, samantalang palagi kaming nakakarating ng final stage.
Hindi pa tapos ang asaran ng dalawa nang ihatid nila ako sa may gate. Nag-alok silang ihatid ako sa bahay ngunit tumanggi ako. Ayoko ng makaabala pa sa kanila. Isa pa, hindi naman ganoon kalayo ang village namin mula rito.
"Basta sa susunod, kami naman ang magkakampi ni Aya-chan," anas ni Kou.
"No way," sagot naman ni Kai.
"What?! Aya-chan, o! Sabihin mo nga sa kanyang tayo ang magiging magkakampi sa susunod!"
Natawa na lang ako sa kakulitan ng dalawa. I didn't expect these two to be fun to be with.
"Aya."
Sabay kaming tatlong napalingon sa tumawag. Agad na nagpanting ang panga ko nang makita siya roon at umiksena na naman sa isipan ko iyong nangyari kanina.
"O, anong ginagawa mo rito?" I asked in a controlled tone, careful not to slip the bitterness I felt.
Masama nitong tiningnan ang mga kasama ko bago inilipat sa akin. Hindi ko napigilang magtaas ng kilay sa nakikitang galit sa kanyang mata. The protruding nerves on his neck told me that his been controlling his temper.
Para saan naman iyan? Kasi may iba ng kalaro ang laruan mo? Ha? I spatted in my head. Even my own thoughts stung me inside.
"Halika na," anas nito.
"Ha?" Usal ko, bahagyang nabitiwan ang pagpipigil ng inis.
"Ang sabi ko, halika na," mariing pag-uulit nito.
Bigla naman akong hinila ni Kou at itinago sa kanyang likod habang sila ng kanyang kakambal ay naging harang ko sa galit ng hari.
"The lady doesn't want to go with you so back off!" Matapang na utas ni Kou.
Lalong nagngitngit sa galit ang mukha ni Ren at ilang tulak pa ay sasabog na.
"Umalis kayo riyan kung ayaw niyong pagbabaliin ko ang mga buto niyo," matigas na sabi nito, halatang nagpipigil pa rin.
"Do you think we're afraid of you? There's two of us at nag-iisa ka lang—" Sagot sana ni Kou nang bigla siyang haklatin at inangat ng hari para magpantay ang kanilang paningin. Parehong matatangkad ang kambal pero mas matangkad at matikas ang pangangatawan ni Ren.
Agad akong lumapit para pigilan ito sa posible niyang gawin.
"Gusto mong subukan? Hmm?" Asik nito, nag-aalab ang mga berdeng mata at nagbabaybay ng panganib.
Pero imbes na takot, sa sinabi nito, mas lalo akong nainis nang naalala ko na naman iyong tinanong niya sa babae sa library kanina. Buong lakas kong pinaghiwalay iyong dalawa at galit siyang tinitigan. Kita ang magkahalong inis at pagkalito sa mukha nito. Inirapan ko iyon bago hinarap ang dalawang Yazaki.
"Sige na, ako na ang bahala rito."
Parehong sumimangot ang dalawa sa aking sinabi.
"That's a dangerous man, Aya-san. Baka mapaano ka kung iwan ka namin sa kanya. Pupwede ka naman naming ihatid sa inyo para maiwasan mo siya."
"Kai's right, Aya-chan. Kahit na gigil na gigil na akong upakan iyang hambog na iyan, but your safety comes first. Nariyan lang naman sa malapit iyong sasakyan—"
Umiling ako.
"Kaya ko na ito," agap ko.
Nagtinginan iyong dalawa, tila hindi kombinsedo.
"Sigurado ka?" Tanong pa ni Kou habang may pag-aalalang sinulyapan ang hari sa aking likuran.
I nodded.
"Sige na at hinahanap na rin ako sa amin. I'll see you at school tomorrow?" Pagpapaalam ko sa kanila na dahan-dahan at may pag-aalangang tumango.
May sasabihin pa sana ako nang bigla na lang akong hinila palayo. Kinawayan ko na lang iyong dalawa para hindi na ito mag-alala pa. Ilang mura ang narinig kong pinakawalan ng may hawak sa akin. Ilang mura rin ang nabanggit ko sa aking isipan habang nagpipigil.
Kahit ayaw ko, hinayaan ko siyang hilahin ako patungo sa kung saan niya pinarada ang kanyang motor. Nang matiyak kong wala na kami sa linya ng paningin ng mga kambal, marahas kong binawi ang aking braso. Matapang kong sinalubong ang galit nito gamit ang kaparehong nararamdaman.
"Bakit ka nandito?"
"Ikaw ang dapat kong tanungin niyan. Anong pumasok sa kokote mo't sumama ka sa kanila sa mismong bahay pa nila? Ha? Kababae mong tao pumapasok ka sa bahay ng mga lalaking iyon at lalabas lang ng ganitong dis-oras na ng gabi?!"
Lalong nagngitngit ang kalamnan ko sa galit.
"Bakit? Hindi ba ako pwedeng sumama sa mga taong gusto kong samahan? Ano naman ngayon kung babae ako? Kaya ko namang ipagtanggol ang sarili ko laban sa kahit na ano!"
Isang malutong na mura ang pinakawalan nito.
"Pakiulit nga? Ha? Naririnig mo ba ang sarili mo? Kay bata-bata mo pa, iyan na ang ginagawa mo? Ha? Ang sumama sa mga lalaki at umuwi sa ganitong oras? Hindi ka ba nahihiya sa mga magulang mo?!"
Para akong nasuntok sa sikmura sa sinabi nito at hindi ako nakasagot. Ikinuyom ko lang ang mga nanginginig kong kamao dahil sa matinding galit. Humahapdi na rin ang mga mata ko sa pagpipigil na maluha.
"Sa tingin mo ang lakas-lakas mo na dahil may alam kang konting martial arts?! Tingin mo kayang-kaya mo na ang kahit anong panganib na dumating sa iyo?! Ha?! Hindi isang pelikula ang buhay, bata, na pwede mong hulaan at kontrolin ang bawat mangyayari!"
There's that word again. Bata. I gritted as I held back more tears and sent him daggers with my eyes instead.
"Iyan rin ba ang idadahilan mo sa mga taong nagpapakahirap para sa iyo?! Para may makain ka! May maisuot ka! Para makapag-aral ka! Ganito lang ba ang igaganti mo sa kabutihan nila?! Stop acting foolish and grow the f**k up, kid!"
Mariin akong pumikit, dinaramdam ang bawat masasakit na paghampas ng aking puso sa kanyang kulungan. At sa kauna-unahang pagkakataon, hinayaan kong maputol ang hibla ng aking pasensiya. When I opened my eyes again, all I saw was red.
"Oo na, bata lang ako! Walang muwang sa mundo! Walang utang na loob sa kanyang mga magulang! Makitid ang utak! Makapal ang mukha at mataas ang tingin sa sarili! Bata lang nga ako! Sa tingin mo hindi ko alam?! Alam ko iyon! Tingin mo hindi ko hiniling na sana mas bumilis pa ang oras para mabilis din akong tumanda?! Ha?!"
Magkahalong lamig at init ang naramdaman ko nang naalala ang mga isinakripisyo nina Gene para sa akin. Paano ko naman iyon makakalimutan? Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sumusuko, kung bakit hanggang ngayon ay patuloy pa ring lumalaban!
"Gusto ko na agad tumanda para hindi na nila kailangan pang maghirap para sa akin! Para hindi ko na kailangang mang-abala ng ibang tao para lang mabuhay! Gusto kong tumanda para pwede ko ng hawakan ang sarili kong buhay! Mas matanda ka nga sa akin pero, pucha, hindi rin lahat ng bagay ay alam mo!"
He cringed at my words but that didn't stop me.
"Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko! Wala kang alam sa mga nararamdaman ko! Wala kang alam kung anong tumatakbo sa isipan ko! Ito lang..." Turo ko sa aking kabuuan, "Ito lang ang alam mo kasi ito lang naman ang nakikita mo. Isang batang walang alam sa mundo! Isang batang pwede mong paikutin at gawing laruan kung kailan mo gusto!"
Lalong lumalim ang kudlit sa noo nito.
"Anong pinagsasabi mo—"
"Pwede ba, Ren?" Tinignan ko siya at lalo lang akong naawa sa sarili ko, "Hindi porke't bata lang ako, mahilig na akong makipaglaro! Ang dami ko pang dapat gawing mas mahalaga para lang i-entertain ang pagkabagot mo. Sa iba na lang, Ren. Huwag ako," halos ibulong ko na lang ang huli dahil nagbabara na naman ang aking lalamunan. Mabilis ko iyong nilunok nang hindi binabawasan ang tapang sa pakikipagtagisan ng tingin sa kanya.
Pansin ko ang unti-unting pagkalusaw ng galit sa kanyang mga mata kasabay ng pag-awang ng kanyang bibig, tila may biglang natuklasan mula sa aking mga hinayag.
"Aya—"
"Huwag mo na akong ihatid," I said with finality, firming my stance, holding my chin up, gathering what's left of my pride, "This kid knows how to walk herself home."