KABANATA 12
Nakatunganga ako habang pinagkakasya sa desinyo ng blusa ni Mimi ang aking paningin at may naka-ipit na thermometer sa aking kilikili. Ilang sandali lang ay tumunog na ito at kinuha iyon nang nag-aalala kong magulang. Muli niya pa akong pinasadahan ng tingin bago binasa iyong nakasulat doon.
"38 degrees."
"See, Princess, you have a high fever. Huwag ka na lang munang pumasok ngayon at magpahinga na lang dito sa bahay," Gene said after pacing around so much waiting for my temperature reading.
I sighed before I slowly shook my head in defiance, feeling weak.
"Malapit na ang periodical exams namin. I can't afford to be absent right now," I said, my voice croaked at the roughness I felt in my throat. Sandali pa akong naubo, "Marami pa akong kailangang tapusin," I added although I didn't exactly need to do anything because I've got everything covered. Ayoko lang sayangin ang kabutihan nila sa pagpapaaral sa akin.
"Iyan rin ba ang idadahilan mo sa mga taong nagpapakahirap para sa iyo?! Para may makain ka! May maisuot ka! Para makapag-aral ka! Ganito lang ba ang igaganti mo sa kabutihan nila?!" I inwardly cringed at the memory.
"Dakara, I have to go to school. Konting sinat lang naman ito. Mawawala rin mamaya," sabi ko pa.
"But—" He wanted to protest further when his wife stepped in.
She sat beside me and took my hands into hers. The gentle brushing of her warm palm gave comfort to my cold skin.
"Nag-aalala lang kami ng Papa mo, anak, at baka mapaano ka sa klase niyo kapag pinilit mong pumasok. Hindi naman namin hinihiling na kailangang matataas ang dapat na makuha mong grado. It's enough that you are actually enjoying while doing good with your classes. Grades don't define your intellect. It won't define you as a person. And it certainly won't define your future," mahinahon ngunit puno ng diin nitong tugon, "If you miss classes because you weren't feeling fine, that's okay. You can always make up for it when you're feeling better. Baka kasi iniisip mong kailangan mong maging pinakamagaling bilang ganti sa pagpapaaral namin sa iyo. Hindi iyon ganoon, Aya."
Pakiramdam ko sa sobrang hina ko, nahayaan kong nakabukas ang aking sarili kaya nababasa nila ang aking iniisip. Nagbaba ako ng tingin at itinuon na lamang iyon sa humahaplos niyang daliri.
"Ang sa amin lang naman ay maranasan mo kung papaano ang pumasok sa isang paaralan at makasalamuha ang ibang mga estudyante," dagdag pa nito.
I knew that they had a point. I was up the whole night feeling like the Goddess of pain came upon me and brought the north pole to the room. But my hurting pride was too stubborn to listen and wouldn't let down.
"Stop acting foolish and grow the f**k up, kid!" Nagtagis ang aking panga sa naalala.
"I understand what you're saying but I really need to be at school today. There are things that I still need to do and I don't really want to get left behind by everyone. Please understand?" I said, my voice strained with unyielding will.
May pag-aalalang nagtinginan ang mag-asawa sa aking harapan, definitely finding ways to convince me to stay. Inunahan ko na sila.
"I promise that if I'm feeling worse, I'll admit myself to the school clinic and then send a text to Kuya Milo to come and take me home."
Muli pang nagtinginan ang dalawa bago bumaling sa akin. Tumabi si Gene sa kabila ko at marahang inakbayan and I was silently grateful for his warmth.
"Okay, then. We'll let you go to school this time. But as you promised, you will go to the clinic and call me if you're feeling worse."
Kumunot ang noo ko sa huli nitong sinabi.
"It doesn't have to be you, Gene. Alam kong marami pa kayong inaasikasong kaso. Si Kuya Milo na lang ang—"
"I am permitting you to go to school despite your condition so if something happens, I want to be the one you call to take you home. I am your father, am I not? So please indulge me with this one,"
I was left with no choice, either I agree to his condition or I stay, so I nodded my head and prayed that I wouldn't need to do that. I've caused enough trouble already.
I was feeling a bit faint when I got inside the school gates. Hinatid ako ni Kuya Milo at kung hindi ko pa siya tinanggihan, ihahatid niya pa sana ako hanggang sa classroom. Dumiretso agad ako ng banyo. Tinanggal ko ang aking sanitary mask at naglagay ng kaunting makeup para hindi magmukhang may sakit.
I stared at the mirror and carefully looked at my pale face.
Pull yourself together, Ayana. You can do better than this. I convinced myself. Ilang sandali pa akong tumagal doon at nang tumunog na ang warning bell ay tsaka lang ako lumabas.
Sa pagmamadali ko ay hindi ko nakitang may mababangga na pala ako.
"Sorry," mabilis kong sabi.
"Arianne, good morning."
Isang nakangiting Himura ang nakatayo sa aking harapan. The usual girl was beside him looking a bit annoyed at my presence.
"Good morning, Himura-san. I'd love to talk but I'm running late already so..."
"Oh! Then, I won't keep you for long. Please be careful when you go," he said, still smiling.
Sandali ko pang sinilip ang kanyang katabi na ngayon ay may kinakausap na sa telepono. Ibinalik ko ang aking paningin kay Himura at bahagyang yumuko bago umalis, walking now instead of running like a while ago. Muli ko pang nilingon ang dalawa at agad na natagpuang nakatingin pa rin sa aking gawi si Himura. He raised his hand and waved at me. Tinanguhan ko lang ito bago nagpatuloy sa paglalakad.
Natapos ang huli naming klase sa umaga, dama ko na ang mabilis na pagbagsak ng aking pakiramdam. Nahihirapan na akong makahinga at parang pinipiga ang aking ulo. It felt like there was a giant boulder pressing against me.
This is the worst. I thought as I leaned my cheek on the desk.
"Aya-chan, daijoubu?"
Napapitlag ako at agad na naupo nang tuwid nang maramdaman ang pagdampi ng mainit na balat sa aking noo. Ang magkapatid na Yazaki ay nasa aking harapan at may pag-aalalang nakadungaw akin.
"Ang init-init mo, Aya-chan. Nilalagnat ka. Bakit pumasok ka pa? Dapat nagpahinga ka na lang sa inyo," ani Kou.
Walang sinabi si Kai at ang kamay niyang palaging nakatago sa bulsa o kaya'y hawak ang cellphone ay idinampi sa aking noo. Mabilis niya naman iyong binawi nang mapatunayan ang sinabi ng kapatid.
"You need to go to the clinic," sabi nito matapos.
Kumunot ang noo ko at umiling.
"Hindi na kailangan. Ipapahinga ko lang ito ngayon at bubuti na mamaya ang aking pakiramdam," sagot ko at muling hinilig ang pisngi sa mesa. Hindi ko na sila muling pinansin pa. I knew they meant well but I couldn't give up just yet.
I really prayed for my fever to get better but after our second period in the afternoon, I already felt like dying. Nagpasya akong pumunta na sa clinic.
The twins wanted to come along but I assured them that I was fine by myself and asked them to inform our teachers about my condition instead. They weren't as willing to do it since they wanted to make sure I would make it to the nurse but agreed anyway.
"Make sure to inform your father about this," paalala pa ni Kai bago niya hinila ang kapatid papunta sa faculty room.
"We don't have to go together! You can inform the teachers by yourself as I take Aya-chan to the clinic!" Narinig ko pang sabi ni Kou bago sila lumiko sa isang pasilyo.
I sighed.
Hanggang dito ba naman, Ayana, kailangan mo pa ring mag-abala ng ibang tao? You really are just a child then like what that person claimed! I admonished myself as I made my way through the school grounds towards the clinic.
I was halfway when I felt that knees were about to give in. Titigil na sana ako para magpahinga nang ilang sandali nang makita ang taong ayaw ko muna sanang makita. Kasama niya iyong kausap na babae sa library at tila tuwang-tuwa sa kung anumang pinag-uusapan nila. Natigil lang ito at agad na namutla nang makita ako.
I gathered my remaining strength and ran away when I saw him approaching me. Sumabay ako sa mga estudyanteng patungo sa Admin building at kunware ay isa ako sa kanila. Nang masigurong hindi nga siya nakasunod ay tsaka lang ako humiwalay sa grupo. May parte pa rin sa akin ang nalungkot nang panandaliang tumagal sa aking isipan ang katotohanang hindi niya ako sinundan. I quickly dismissed that thought and convinced myself that it was fine.
So what if that person thinks that I'm just a child? Why would his opinion matter to me? Hindi naman siya ang nagpapakain sa akin. Hindi siya iyong nagpapaaral sa akin. I berated as I entered the infirmary and informed the nurse of my condition.
May pinapirmahan lang siya sandali bago niya ako pinainom ng gamot. Sinamahan niya ako sa isa sa mga nakaharang na tilon doon at pinahiga sa bakanteng kama.
"Magpahinga ka lang muna rito. Kapag maayos na ang pakiramdam mo, pwede ka ng magpasundo sa mga magulang mo," malumanay nitong tugon.
Tumango ako bago pumikit. Narinig ko pa ang pagsara ng tilon bago ang ilang mararahang yapak ng sapatos ng nurse na pabalik na sa kanyang upuan. Habang nakapikit, muli kong binalikan ang mga nangyari.
Hindi ko dapat ikinagagalit kung isang bata lang ang tingin niya sa akin. Matagal ko ng alam na tinuturing niya akong parang pamilya... bilang isang kapatid. Tinanggap ko iyon noon, hindi ba? Bakit hindi ko na matanggap ngayon?
I remembered the instances when my world would magically slow down whenever we're together. All of my senses would instantly heighten and I was immediately attentive to his every movement, his every word.
I bit my lip as I slowly opened my eyes.
Towards that person, I am... Namilog ang mga mata ko sa natanto.
No... I can't be. I refuse to be! I yelled at myself as I covered my face with the blanket, determined to eliminate those thoughts as soon as possible.
I found myself at a beach watching as the waves played with the fine sands. I could see the birds flying above and across a clear blue sky. I took another look at the peaceful scene infront of me before closing my eyes as I inhaled slowly and deeply. I welcomed the scent of the ocean to my system and it instantly calmed my nerves.
Ah... this is my peace. I said to myself as I enjoyed the cool breeze fanning my heated skin.
All of a sudden, I heard someone repeatedly calling my name. I dismissed the thought and concluded that it was just the ocean hitting the shore as I resumed watching the peaceful scene.
I wish you could see this, too, Rekka. I thought when a different image of a boy conjured in my head.
Sorry, Aya, sa mga sinabi ko sa iyo kahapon. Nag-alala lang naman ako. Nagalit din nang nalamang sumama ka sa mga kaklase mong lalaki. Umiwas na nga ako kasi alam kong hindi tama. Ang bata mo pa para sa mga... Kumunot ang noo ko nang tumigil ito. I wanted him to finish what he was about to say.
Pero hindi ko pa rin pala kayang tiisin ang hindi ka makasama, ni makita man lang. Ang hirap kasi alam kong... I couldn't hear the rest of his words as the crashing waves drowned the other sounds around us.
But when his hand reached out for my cheek, the loud thumping of my heart silenced everything.
You misunderstood something, Aya. You think that I see you as a child but the truth is a bit more complicated than that. Mahirap siyang ipaliwanag sa ngayon kasi nga masyado pang maaga pero ito ang alam kong totoo: hindi ako nakikipaglaro sa iyo. I never did and never will. Pagdating sa iyo, seryoso ako, seryosong-seryoso.
I woke up feeling a bit queasy but better than when I first came here. I had a feeling that somebody was beside me all the time that I was sleeping. Tumayo na ako at hinanap ang nurse para sana magtanong pero hindi ko siya matagpuan.
I looked at my watch and saw that it was already four in the afternoon. Kailangan ko na ring umuwi kaya dinampot ko na agad ang mga gamit ko para makaalis. Pagkalabas ko, nakaabang dito ang grupo ni Desiree. But I noticed that their leader wasn't with them. Si Melissa ang nakita ko at agad naman siyang nag-angat ng kilay bago ako inirapan.
"Sumunod ka sa amin," maarteng sabi nito bago naunang umalis.
Hindi na sana ako sasama dahil alam kong hinihintay na ni Gene ang aking tawag pero bigla na lang akong hinawakan nina Zoey kaya hindi na ako nakapalag. Dinala nila ako sa likod ng gym kung saan may isang grupo pang naghihintay.
"Ang tagal niyo! Kanina pa kami naiinip!" Utas noong isang may spikes na buhok.
"Here's the b***h that you asked for."
Itinulak ako ng mga may hawak sa akin at dahil nanghihina pa ang aking mga tuhod, kamuntikan na akong sumubsob sa lupa. Tatayo na sana ako nang may humatak sa buhok ko at pwersahan akong tiningala.
"Hi, little girl. Miss me?"
"You're..."
Hindi ko natapos ang sasabihin nang sinubsob nito ang aking mukha sa lupa. I could smell the earth through my nostrils.
"I've waited so long to have this moment!" Narinig kong anas nito bago diniinan ang pagkakadagan ng kanyang paa sa aking ulo.
He and the rest of his gang were laughing maniacally as I struggled to get up as his foot pressed my head harder to the ground. I could feel the bone in my nose at its breaking limit.
"Akala mo nakalimutan mo na ang ginawa mo sa akin? Hmm?"
When I felt him lift his foot, I knew he was aiming for a forceful stomp, so I quickly moved away. He ended up hitting an empty ground.
Malakas siyang nagmura. Hinaplos ko ang aking leeg at sinigurong walang seryosong pinsalang natamo habang pinagmamasdan ang mga mukha ng aking mga kalaban. Tumabi si Melissa kay Derek at masuyong umangkla sa kanyang braso.
"Matagal na rin kaming binibwiset ng babaeng iyan. Strutting around like she owns the damn place."
My eyebrow arched at her last statement. Lalo namang dumilim ang mukha nito nang makita ang naging reaksyon ko. Tumikhim ito bago masuyong hinaplos ang braso ng lalaki.
"Teach her a lesson she will never forget," bulong pa nito na dinig naman ng lahat.
I could see by that man's smirk that he was more than willing to do what his little girlfriend wanted him to do. Isang pitik lang ng kanyang daliri, nagsitayuan na ang kanyang mga tauhan.
Humagikhik ang mga babae habang nagsilapitan sa pwesto ko ang mga lalaking may kanya-kanyang hawak na shinai. Kitang-kita ang gigil ng mga ito na mahampas ako ng mga hawak nila.
Mabilis akong naghanap ng pwedeng gamitin laban sa kanilang mga sandata nang bumalatay ang hapdi ng unang pagdampi ng matigas na shinai sa aking balat. Napaatras ako at agad na hinawakan ang natamaang braso. Kaagad na namula ang parte kung saan ito napalo.
Hindi pa ako nakakabawi, isa na namang hampas ang tumama sa aking likod. Sumunod ang isa pa sa aking hita. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na ang mga palong natanggap ng aking katawan habang tuwang-tuwa naman ang mga nanonood sa nangyayari.
"Iyan ang nababagay sa mga epal na tulad mo!" Narinig ko pang sigaw ni Melissa habang tumatawa kasama ang kanyang mga kaibigan.
I shielded my face with my arms as I received their every blow. I was thinking of ways I could use to fight back when I heard one of my assailants groaned in pain before falling to the ground. Pagkatapos, hinila ako ng dalawang malalakas na kamay at inilayo roon.
"What do you think you're doing to Aya-chan?!"
Namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa dalawang likod na nakaharang sa aking harapan, prinoprotektahan ako sa kaharap na panganib.
"This has got nothing to do with you, Yazaki. Naniningil lang kami sa utang ng may utang."
"By pouncing your shinai on a sick girl's body? Is that your principle as a kyuudouka? Does your shishou know about this?" Mariing tugon ni Kai.
This was the first time that I saw these two getting this angry. I could see the protruding nerves on the twin's arms from suppressing this anger.
"The Master doesn't have to know. This is something personal that we'd like to deal by ourselves. That girl ruined my chances of competing in the Nationals. Sinira niya ang buhay ko kaya nararapat lang na sirain ko ang kanya!" Nanggigilaiti nitong sabi.
"You sick bastard—"
Mabilis kong pinigilan ang sasalakay na sanang Kai. Nakasimangot nito akong nilingon.
"Huwag mo akong pigilan, Aya-san. Ipaghihiganti ko ang ginawa nila sa iyo."
My heart clenched at his words. Pinapabuti nito ang sumasama ko na namang pakiramdam.
"Watashi—" I started to say when we heard a loud thud from nearby.
"Urusai yo! Ano bang nangyayari at bakit ang ingay-ingay niyo?! Kitang may natutulog—"
Napaawang ang bibig nito nang tumambad ang singkit nitong mata sa mukha ko.
"Kitten!" Sigaw nito habang tumatakbo papunta sa akin na nakabukas ang dalawang braso para sana sa isang yakap.
Dalawang magkaibang kamay naman ang nakaunat sa aking harapan, pinagbabawalan ang lider ng Emperors na makalapit. Lumabi ito bago masamang tiningnan ang mga nagmamay-ari ng mga kamay.
"What is the meaning of this, Kai? Kou?"
"Ryu-san's not allowed to hug Aya-chan."
"At sinong may kahilingang tapusin ko ang buhay niya ang nagsabi sa inyo?"
Hindi umimik ang dalawa pero nanatiling nakaharang ang dalawang kamay nila sa aming harapan. Akala ko ay pagdidiskitahan na nito ang dalawa nang napansin nito ang presensiya ng ibang tao.
"Whoa, what do we have here? There are a lot of stray kittens here lately," sabi nito bago tinungo ang pwesto nina Zoey.
Tumakbo naman ang mga ito at mabilis na nagtago sa likod nina Melissa. Napabaling naman doon ang atensiyon ni Drake.
"Oh, the Vice-Captain of kyuudou is here! How's that right elbow doing? I heard the fracture was nasty?"
Even if I couldn't see the man's expression, I could feel his agitation worsened by Drake's words. Naalala ko iyong nangyari sa araw na iyon at kung papaano ko sila tinalo. I could have easily fixed his injuries if he wasn't so disagreeable. I didn't break his elbow, I dislocated it a bit.
"Yazaki, papalagpasin namin ang ginawa niyo sa isa naming kasama, ibigay niyo lang sa amin ang batang iyan nang maturuan namin ng leksyon!" Anas nito.
Bahagyang umatras ang dalawa at naghahanda ng makipaglaban. I haven't seen them in action before but as children of the empire, I was sure they knew a couple of martial arts.
"Bata? You mean kitten? My kitten? Omoshiroi!" Biglang sabi ni Drake na may tuwa sa kanyang tono, "Kou! Kai! Umalis kayo riyan. Hayaan niyo silang maglaban."
"Ha?!" Magkasabay na angal ng dalawa.
"You heard me," mariing tugon ni Drake, wala na ang kaswal na ngiti nito at napalitan ng isang mapangahas na ngisi.
"But Ryu—"
Pinigilan ko si Kai na magsalita pa. Muli niya akong sinimangutan pero mabilis ko silang inilingan.
"He's right. This is my fight. I don't want to get you two involved with this or anyone for that matter," tugon ko habang mariing minamata ang nakangising demonyo.
"Pero Aya-chan, may sakit ka. Paano kung mapaano ka? Mag-aalala ang mga magulang mo," sabi ni Kou.
Natigilan ako at napaisip. Tama siya. Siguradong lalong mag-aalala sina Gene kapag umuwi akong bali-bali ang mga buto. Pero isa ito sa mga labang kailangan kong harapin.
Bahagyang napaatras ang dalawa nang makita ang pag-angat ng sulok ng aking labi.
"Daijoubu. Nothing will ever happen to me," I declared.
"Tumabi na kayo," matigas na sabi ni Drake bago inihagis sa akin ang isang shinai na nabitawan noong lalaking pinatulog ng kambal kanina.
Sinalo ko iyon nang walang kahirap-hirap. Walang nagawa ang magkapatid para pigilan ako. Umalis sila sa aking harapan at nilapitan ang tagapagmana ng mga Sanada.
Mariin kong hinawakan ang shinai at hinanda ang sariling makipaglaban. Nilingon ng mga lalaki ang kanilang Vice-Captain para maghanap ng hudyat kung anong gagawin. Matapang kong tiningnan ang kanilang pinunong hindi maitago ang galit sa akin.
"Kui!" I said and the leader motioned his men to move forward and attack.
Apat kaagad ang lumapit at hindi ko sila binigyan ng pagkakataong mailapat ang kanilang sandata sa kahit na saang parte ng aking katawan. I struck their dominant legs hard enough that they wouldn't be able to stand and try to attack me again.
Ilang hiyaw ang kumawala sa hangin nang pabagsakin ko ang mga ito sa ilalim lamang ng ilang segundo. Lahat sila'y hawak-hawak ang kani-kanilang mga binti. Nagsinghapan ang mga babae at mabilis na nagsialisan, leaving the shocked Melissa behind.
"Ooh... This is truly exciting! Bilhan mo ako ng popcorn, Kai!" Narinig kong sabi ni Drake sa tabi. Hindi ko na lang iyon pinansin at itinuon ang isipan sa mga natitira pang kalaban.
Tatlong lalaki na lang ang natitira at tila nagdadalawang isip kung aatake ba o tatakbo. Pero isang masamang tingin sa kanila galing sa kanilang lider, agad silang sumulong at umatake. They were blindly slashing their wooden swords, hoping I would be miraculously hit by it. But they were fools to think they could defeat me using kendou.
I easily dodged every attack and struck their sides. Agad silang tumilapon sa tabi habang namimilipit sa sakit. That left me with their leader and a pale Melissa who was already trembling behind him.
"D-derek, d-don't leave me here," sabi nito sa lalaki habang pinipigilan itong makalapit sa akin.
Marahas nitong binawi ang kanyang braso. Napatili naman si Melissa nang bumagsak sa lupa dahil sa ginawa nito. Hindi man lang niya ito nilingon at tinulungan. Nanatili lamang ang kanyang nanggigilaiting titig sa aking mukha.
"I've wanted to ruin that pretty face of yours for a long time now. Let's see if you could still smile after that," utas nito bago sumigaw nang napakalakas at umatake gamit ang kanyang mga kamao.
Mabilis kong inilagan ang una niyang mga pag-atake. I could tell that he's been learning how to box, maybe as part of his rehab program. When I swerved to my left, I've noticed the weird swing he made with his right elbow.
Hindi pa ba magaling?
Bahagya akong lumayo at saka tumigil. I was already out of breath while I knew his body was only beginning to warm up.
"What? Tired already? Why don't you try attacking me for once? Takot kang matamaan ng kamao ko?" He asked, obviously taunting me.
Muli akong umilag nang umatake na naman ito ule. I could feel my fever rising due to the quick and forceful movements I've done a while ago. Nanlalabo na rin ang aking paningin at mabilis na nawawalan ng lakas.
Isang maling galaw ang aking nagawa at natamaan nito ang aking balikat. Tumilapon sa malayo ang hawak kong shinai habang ako naman ay bahagyang lumayo para mabawi ang balanse.
"Aya-chan!"
"Aya-san!"
Magkasabay na tawag ng nag-aalalang kambal. I raised my hand to stop them from coming over. Ako ang nagsimula ng gulong ito, ako rin ang dapat na tumapos.
"You're not so strong now that your precious shinai is gone, are you? Magkatulad talaga kayo noong crush mong si Kira. Ang yayabang niyo kapag may hawak kayong sandata. Pero panis naman pagdating sa labanan ng mga kamay."
Nagpanting ang tainga ko sa sinabi nito. Did he just insult the Kurozawa's fighting skills?
Inayos ko ang aking tindig. Tuluyan ko ng nakalimutan ang aking sakit. Namanhid ang buo kong katawan. At ang tanging nasa aking isipan ay ang durugin ang taong nangahas na insultuhin kami.
"Oh, boy! You just took your one-way ticket to hell," narinig kong sabi ni Drake.
Kumunot ang noo ng aking katunggali, tila hindi naintindihan ang ibig sabihin ng nagsalita.
"Anong—"
"Eyes here, you fool! I'm your opponent, am I not? You wanted to ruin my face, is it?" I asked, mocking him in return.
I could smell his anger even from where I was standing. Yes, that's right. Be angry. Let's see if you could truly walk your talk.
"Then bring it on," I challenged as I changed my position for a krav maga attack.
Sandaling namilog ang mga mata nito sa aking ginawa. Pero agad din namang inayos ang sarili at naghandang sumalakay.
I couldn't help but smirk at him having second thoughts. He said he wanted me to attack, right?
Hindi pa man siya kumukurap, nasa harapan niya na ako. Not giving him any opportunity to fight, I hit him in the gut. When he bent down in pain, I hit him again in the jaw with my elbow. Bumagsak ito sa lupa. Pupuntiryahin ko na sana ang kanyang leeg nang may pumigil sa akin.
Masama kong nilingon ang nangahas at agad na natauhan nang makilala ang mga ito. Hawak ni Kai ang aking palapulsuhan habang hawak naman ng kanyang kapatid ang aking siko.
"Huwag mong sagarin ang katawan mo at may sakit ka pa. You've already proven your point. That's enough," kalmadong tugon ni Kai.
My body calmed down after that. Nang masiguro niyang tuluyan na akong kumalma, tsaka niya lang unti-unting binitawan ang kamay ko. Kaagad na dinaluhan ang lalaki ng kanyang mga tauhan. That's when I remembered something.
"Sandali lang," sabi ko at agad silang nagsipag-atrasan, afraid that I might do the same to them what I did to their leader.
Pero hindi ko sila pinansin at nilapitan ang walang malay na katawan ng kanilang pinuno. I reached out for his right elbow and confirmed that it really was still dislocated. I sighed before straightening his arm and then suddenly pulling it while pressing my thumb over a bone in his elbow. It made a cracking sound which scared his friends more. When it was over, I gently placed his arm on top of his chest.
Isang palakpak ang aking narinig. When I turned to see who it was, I saw Drake grinning like he won the lottery.
"That was amazing, kitten! Well, I always knew that you are amazing, but to be this amazing... Wow! Just... Wow!" Bulalas nito.
Matalim ko siyang tinitigan pero hindi nawala ang ngisi nito sa mukha.
"What's going on in here?!"
Tumambad sa amin ang galit na presidente ng SGO. Nakasunod sa kanyang ang palaging kasamang babae. Tumingin ito sa mga nakahilata sa lupa, pagkatapos sa mga lalaking hindi makatayo nang maayos, at sa huli ay napunta sa amin. Agad na nagbago ang ekspresyon nito nang makita ang ayos ko.
"Arianne? What happened to you?" He quickly approached me and the twins stepped aside to give way.
"That girl and her cronies brought Aya-chan here so those guys could hurt her," sumbong ni Kou dito habang tinuturo ang mga salarin.
Tinanguhan ni Himura ang kasama at agad nitong kinuha ang telepono.
Mabilis na kumilos ang mga umiikang mga lalaki at kinuha ang mga walang malay nilang kasamahan. Pagkatapos ay kumaripas agad sila ng takbo. Sumunod naman sa kanila ang namumutlang Melissa na ayaw ng magtama ang aming paningin.
Hinabol naman ng mga miyembro ng SGO ang mga nagsitakas. Ngayong tapos na, tsaka ko lang naramdaman ang lahat ng sakit na isinantabi ko kanina. Kaagad akong inalalayan nina Kou para hindi tuluyang mabuwal sa lupang kinatatayuan ko.
"Bakit hindi niyo agad ako tinawagan? Hinintay niyo pang naging ganito ang kalagayan ni Arianne," narinig kong anas ni Himura na ang kausap marahil ay ang magkapatid.
"Don't be mad at us, Himura-san. We did try to stop her. It was Ryu-san who said to let her fight those men," sumbong naman ni Kai.
Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Himura bago hinarap ang tuwang-tuwang Drake.
"What? I just let her do what she wanted to do. Anong mali roon?"
"She's sick. That's what's wrong with it. You might have noticed it if you weren't such an asshole," Kai spatted.
Kou automatically came to his brother's defense when Drake made a move to pounce him.
"Enough!" Sigaw ni Himura na nagpatigil sa tatlo. He then turned to me, clearly worried about my condition, "Alam niyo naman palang may sakit sa Arianne, dapat inilayo niyo na lang siya rito. Dinala niyo na lang sana sa clinic o di kaya ay hinatid sa bahay nila—"
Hinawakan ko ang braso nito at agad siyang tumigil. He quickly looked at the part where I held him before turning to my eyes, his worry doubled.
"Huwag mo silang pagalitan. Kagustuhan ko ang nangyari," my voice croaked at the roughness of my throat. Pati ang pagsasalita ay naging mahirap na para sa akin.
"Arianne—" He was about to say when somebody suddenly pulled me away from him and locked me in a protective embrace.
Hands trembling with so much anger, nerves protruding on his neck, teeth gritting against each other, and two emeralds gazing at everyone with promised danger... Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang nagmamay-ari ng mga ito.
"Sino sa inyong mga putang-ina ang nanakit kay Aya?!"