Kabanata 13

2589 Words
KABANATA 13 "Sino sa inyong mga putang-ina ang nanakit kay Aya?!" Asik ng hari. "Whoa, hold up, De Jesus. You're barking at the wrong tree here," anas ni Drake. "Sa tingin mo maniniwala ako sa isang demonyong katulad mo?" Sagot ni Ren. "E, gago ka pala—" Mabilis na inawat ng kambal ang dalawa. Agad ko namang inalis ang sarili sa pagkakayakap ni Ren at saka pumagitna. "Tumigil nga kayo!" I yelled, stopping Drake on his track. He straightened his back before putting his hands inside his pockets. "You're lucky my kitten's here. Masyado akong natuwa sa palabas kanina kaya hindi kita papatulan ngayon," sabi pa nito bago ako binalingan at kinindatan. Hindi ko na lang iyon pinansin at nilapitan ang magkapatid. "Salamat sa pagtulong kanina, Kou, Kai. Pasensiya na at nadamay ko pa kayo," sabi ko rito. "Are you going with that person again, Aya-san? He's more dangerous now than the last time we saw him," may pag-aalalang tugon ni Kai, his eyes were fixed on the King's direction. Sinundan ko iyon ng tingin at nakitang nakikipagtagisan ito sa aking kausap. Umiling ako bago sila ibinalik sa kambal ang aking atensiyon. "Don't mind him. Ako na lang bahala sa isang iyon," I said. "But Aya-chan, isn't it convenient if we take you home instead? Baka mahulog ka pa sa daan kapag sa kanya ka sumama," pag-aalala ni Kou. Bigla kong naalalang iniiwasan ko nga pala ang isang iyon. "At sinong may sabing sasama ako sa kanya?" I said, too sharply, "I can always call Gene to come and get me," mabilis kong dinagdag nang mapansing ipipilit nito ang naunang mungkahi. Ayoko na silang abalahin pa. Kamuntik na nga silang mapahamak kanina nang dahil sa akin. "Arianne?" Nilingon ko ang tumawag at natagpuan iyong nasa tabi ko na. He was eyeing Ren with curiousity. "Who is that boy? An acquaintance? Ngayon ko lang yata siya nakita," tanong nito matapos ibaling sa akin ang kanyang paningin. Marahil iniisip na isa ring anak ng imperyo si Ren. "Uh..." Muli kong nilingon ang haring nakahalukipkip na ngayon at panay pa rin ang pagbibigay ng masasamang tingin sa mga lalaking kasalukuyang nakapalibot sa akin. Paano ko ba siya ipapakila? Kaibigan? Pero magkaaway kami ngayon, hindi ba? Nang magtama ang aming paningin, mabilis ko siyang sinimangutan bago binalikan ang kaing kausap, "Isang kakilala," tipid kong sagot. May sasabihin pa sana ito nang bigla siyang tinawag ng kasamang babae. "We've rounded up most of delinquent students. Iyong ibang nakatakas ay kasalukuyan pang tinutugis," sabi nito. Tumango si Himura sa ibinalita sa kanya bago ako muling hinarap. "Am I in trouble?" I asked, worried that this might get to Gene and Mimi. Umiling ito at saka ngumiti. "Don't worry, Arianne. What happened was self-defense on your part. Pero kailangang managot ang mga taong nagsimula nito," he said as his hands gently touched the side of my cheek, "I'll make sure they'll be punished for what they did to you." "It's okay, Himura. I—" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil bigla na lang akong hinila palayo roon, "What the—" Aangal na sana ako nang makita ang pulang-pulang mukha ni Ren na nakatingin lamang sa kanyang harapan, hindi tumitigil sa paglalakad at paghila sa akin. Nilingon ko na lang ang naiwang mga kasama at saka mabilis na kinawayan habang pilit na ngumingiti. Hindi na nila kailangang malaman ang problema namin ng taong ito. Nang narating namin ang parking lot at nakikinita ko na ang kanyang motorsiklo, tumigil ako at puwersahang binawi ang aking braso. "Pwede ba! Hindi ako sasama sa iyo!" Matigas kong sabi bago tumalikod at akmang lalayo nang muli akong hinila pabalik. Tumama ako sa kanyang katawan. Mabilis naman akong lumayo at pinandilatan siya. "Ano bang problema mo?" Utas ko. Sandaling nanlaki ang mga mata nito bago mariing pumikit. Dahan-dahan siyang humugot nang malalim na hininga, tila nagpipigil. Nang muli itong nagmulat, bahagyang huminahon ang bagyo sa kanyang mga mata. I was growing impatient when he only kept staring at my eyes and not saying anything. "You didn't have to go there and act like some hero, you know. I know how to fight. I was able to defeat all of them by myself—" Hindi ko natapos ang sasabihin nang bigla na lang niya akong hinila at kinulong sa isang mahigpit na yakap. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo at ang tangi kong naririnig ay ang malakas na dagundong ng kanyang dibdib. Or was it mine? "Tanga! Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-alala?" Gusto kong pumiglas at umangal pero lalo lang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Nilalamon lang ng yakap nito ang natitira kong lakas. "Bumalik ako sa Clinic kanina pagkatapos kong magpaalam sa Librarian na hindi muna ako papasok para maihatid kita sa inyo. Pagdating ko roon, nalaman ko sa Nurse na nakaalis ka na. Inisip ko na baka sinundo ka na ng mga magulang mo pero nang narinig ko sa mga kaklase mong nakita ka nilang hinihila nina Melissa papunta rito at may binabalak na masama sa iyo, nagdilim ang paningin ko..." I stiffened at what he said. Did he just say he went back to the clinic? Did he mean he was there before? Magtatanong na sana ako nang magkahalong galit at pag-aalala sa mga berde nitong mata ang sumalubong sa aking mga bughaw. Masusi nitong pinagmasdan ang bawat sulok ng aking mukha. He took a handkerchief from his back pocket and wiped the dirt off my face with it. When he was through, his emeralds found mine once again. "Sinong may gawa nito?" Mariin nitong tanong, punung-puno ng pangakong paghihiganti ang kanyang mga titig. Gustong magsaya ang puso ko kaya lang sa tuwing bumabalik ang isipan ko sa mga naganap doon sa library, muli itong nanlulumo. "It doesn't matter," I said as I disentangled myself from him, "Naipaghiganti ko na ang sarili ko sa mga may gawa nito kaya hindi ko na kailangan ang tulong mo. Mukha lang akong bata pero malakas pa rin ako kung ikukumpara sa mga iyon—" Natigil ako nang bigla na lang umikot ang paningin ko. Mabilis akong nasalo ng hari na agad ko namang nilayuan. "Sabi ng hindi ko kailangan ng tulong mo!" Pagmamatigas ko. Nanlaki ang mga mata nito sa aking ginawa bago gumuhit ang inis sa kanyang mukha. Alam kong ang kasunod nitong sasabihin ay ang tungkol sa nauna naming problema. Hindi pa ako handang pag-usapan iyong kaya bago pa siya makapagsalita ay iniwanan ko na siya. Mabilis kong tinungo ang gates ng University. Alam kong nakasunod pa rin siya sa aking likuran. Pinagtitingan na naman kami ng mga tao pero hindi ko iyon pinansin. "Aya, mag-usap tayo," narinig kong sabi nito. Hindi ko pa rin siya nilingon at nagpatuloy lang sa paglalakad kahit na ramdam kong gusto ng tumiklop ng mga tuhod ko. "Aya!" He yelled as he pulled my arm, stopping my movement midway through the gates, "Will you stop running away? Paano natin maaayos ang problema kung palagi ka na lang umaalis sa tuwing pag-uusapan natin ito?" Mariin niyang sabi, kunot ang noo at namumula ang mga tainga at leeg. "Ano naman ang pag-uusapan natin? Anong problema? Your opinion of me is completely none of my business. Just as my disposition and choices are none of yours. Now, unhand me this instant so I could go home and rest," I said as I tried to pull my arm back from him but his grip was too strong for me. Isang malutong na mura ang kanyang pinakawalan bago ako hinila palabas. "Ano ba?! Bitawan mo nga ako!" "Papakawalan lang kita pagkatapos nating mag-usap nang maayos. Iyong hindi nagsisigawan at iyong hindi ka bigla-biglang umaalis," sabi nito. Kumunot ang noo ko sa huli nitong sinabi. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagpiglas nang dumagundong ang isang boses. "Anong ginagawa mo sa anak ko?!" Sabay kaming natigil at napalingon sa nagsalita. Isang galit na galit na Gene ang aming natagpuang sumusugod sa aming direksyon. Kasunod nito si Mimi na pinipigilan ang nag-aalburutong asawa. Mabilis niya akong hinaklit at inilayo kay Ren bago niya ito dinuro. "Sino kang pangahas para hila-hilahin ang anak ko, ha?!" "Gene, he wasn't going to hurt me," agap ko rito pagkatapos pumagitna, "He just wanted to talk." "Talk?! He was dragging you against your will and you're saying he just want to talk?! Hindi mo kailangang ipagtanggol ang unggoy na iyan!" "Gene," tawag ng kanyang asawa sabay hawak sa nakakuyom nitong kamao, "Let me remind you that we're standing in front of the school and there are eyes everywhere." Bahagyang napasinghap si Gene sa natanto. Mariin siyang pumikit, kinakalma ang sarili. Lumingon si Mimi sa akin at saka ngumiti. "Care to introduce us to this young man, Aya?" Malambing nitong tanong. "Uh... Of course," nasabi ko bago tumabi para maipakilala sila, "These are my parents, Gene and Mimi. And this," I paused as I looked at Ren. His posture was very stiff, like he was trying to hold his breath, and his eyes were fixed on my adopted father, "Um... This is my friend, Ren." "G-good afternoon po. A-ako po si R-reign d-de Jesus. N-nice to me-meet you p-po." Lalong kumunot ang noo ko sa inasal nito. What's wrong with him now? "Konnichiwa! We've finally met, Motorcycle-san," maligayang anas ni Mimi habang kinakamayan ang naninigas pa ring hari. Napitlag ako sa huli nitong binanggit bago ko siya nilapitan para pigilang magsabi pa ng iba. "What?" She whispered to me, kita ang pagpipigil nitong matawa. "You don't have to mention about the motorcycle thing," bulong ko pabalik habang kinakabahang nilingon ang kinatatayuan ng haring tila naguguluhan sa nangyayari. "At bakit naman hindi?" Mimi asked, clearly enjoying this. Magsasalita na sana ako nang marinig naming tumikhim si Gene sa aming tabi. Sabay namin siyang nilingon at bago pa may magsalita sa amin, inabot nito ang aking noo. "May lagnat ka pa," seryoso nitong tugon, "Pumasok na muna kayo ng Mama mo sa loob ng sasakyan. Kakausapin ko lang itong kaibigan mo sandali." Ibang klaseng kaba naman ang biglang dumaloy sa buo kong sistema sa kanyang hinayag. I grabbed his elbow before he could make a step. Saglit siyang napatingin doon bago binalingan ang aking mukha, nakataas ang isa nitong kilay. "A-anong pag-uusapan niyo?" I asked as I worriedly eyed my friend who seemed to have regained his confidence as he quietly stood there, observing us. Sinubukan kong senyasan siyang umalis na pero tila hindi nito nakuha ang ibig kong sabihin at pinagtaasan lang ako ng kilay. Nag-abot ang tahip sa aking dibdib nang napansin ito ni Gene at saka sinundan ng tingin. "Um, G-gene..." "Sige na, Aya. Sumama ka na sa Mama mo sa loob ng sasakyan. Sandali lang talaga kaming mag-uusap dahil kailangan pa kitang dalhin sa ospital," anito sa isang mahinahong boses. Like the calm before the storm. Napalunok ako sa huling naisip bago muling sinilip si Ren. Nakapilig sa isang banda ang ulo habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi siya naman siguro pupulbusin dito ni Gene. Tulad ng sabi ni Mimi, nasa harap lang kami ng University. It would be a scandal if he tries to punch a student here. Satisfied with my conclusion, I nodded and proceeded to the car with Mimi. Papasok pa sana ako nang makitang biglang kinuwelyuhan ni Gene si Ren. Nanlaki ang mga mata ko at pupuntahan na sana iyong dalawa nang pigilan ako ni Mimi. She shook her head in disagreement to what I was about to do. "But Mimi—" "Your father was worried about you. Buong araw siyang naghintay ng tawag mo pero walang dumating. Nagpasya kaming pumunta na lang rito para sunduin ka. Pagkatapos ganoon pang eksena ang nadatnan niya." Kinakain ng konsensiya ang pagkatao ko nang maalala ang binitawan kong pangako kay Gene kaninang umaga. I should have sent him a message at least. "And besides, it's his job to be angry at every single male who's after his precious daughter," anito at saka ako kinindatan. Ilang beses pa akong kumurap habang iniintindi ang huli nitong sinabi. Unti-unting namilog ang mga mata ko nang matanto ang ibig nitong sabihin. Heat immediately spread all over me as I quickly got inside the car without taking another peek of those two men. Pakiramdam ko lalong lumala ang lagnat ko sa sinabi nito. Habang siya naman ay tawang-tawa sa aking naging reaksyon. Kailangan ko na nga talagang magpatingin sa doktor. I've spent three days at the hospital. Unang araw pa lang, gusto ko ng umuwi. Alam kong magastos ang pagpapa-ospital at ayaw ko ng dumagdag pa sa gastusin ng pamilya. Pero mapilit si Gene na manatili ako roon hanggang sa tuluyang gumaling. Sa loob ng mga araw na iyon, salitan silang dalawa ni Mimi sa pagbabantay sa akin. Hindi pa kasi pwedeng bumisita roon ang mga bata kaya salitan din sila sa pag-aasikaso ng mga ito. Sa araw na si Gene ang bantay ko, kinulit ko siya tungkol sa pinag-usapan nila ni Ren noong araw na iyon pero mariin niyang tugon na usapang lalaki iyon at mananatili sa pagitan nilang mga lalaki. His reason irked me a bit and hurt my girl ego pero hindi ko na siya pinilit. I had fun when Mimi brought my some jigsaw puzzles. Magkatulong kami habang binubuo ang puzzle nang bigla siyang nagtanong. "Nag-away ba kayo ni Ren?" Natigilan ako sa paglalagay ng isang piraso ng puzzle. "Po?" "Well, you were yelling at one another when we found you. Alangan namang ganoon kayo normal na mag-usap?" Inilagay ko muna iyong piraso bago ko siya inilingan. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko sa kanya ang dahilan. Ilang sandali kaming binalot ng katahimikan habang nagpapatuloy sa binubuo. I thought that maybe it was just her passing thought. But each passing second, I grew more anxious to know what she was thinking about it. Ayaw niya bang alamin kung bakit kami nag-away? Nagbuntong ako ng hininga bago umupo nang tuwid. "Ayaw mo na ba?" Tanong nito. Muli akong umiling. I hesitated at first but then I realized that there's no one better to speak these conflicting thoughts with than Mimi. "He said that I am just a child." Bahagya siyang natigilan at saglit na nalito kung anong tinutukoy ko. Nang makuha na nito ay agad niyang isinantabi iyong puzzle at saka tumabi sa akin. "When was this?" She asked. "The day before I got this fever," mahina kong sagot. "You are angry at him for calling you a child?" When she put it like that, my reason for getting mad at him sounded sillier. Nagbaba ako ng tingin bago mahinang tumango. Hinawakan nito ang aking mga kamay at marahang pinisil. "Alam mo ba kung bakit ganoon ang nararamdaman mo?" Nilingon ko siya at saka dahan-dahang umiling. Nagtaas ito ng kilay, tila hindi kumbinsido. "Is that true?" I sighed my defeat. I knew she was right. Alam ko kung anong totoong dahilan kung bakit ako galit nang tawagin akong bata ni Ren. Kung bakit naninikip ang dibdib ko sa tuwing may kasama siyang ibang babae. Kung bakit parang lumiliit ang mundo at bumabagal ang oras kapag kasama ko siya. Kung bakit ganoon na lamang kasakit ang malamang isa lang akong bata sa kanyang paningin. Marahan akong inakbayan ni Mimi at saka pinasandal sa kanyang balikat. "You really are growing so fast, Aya." I really hoped in my heart that that was true. Maybe then, I wouldn't be having these childish feelings. And maybe then, I could finally focus on what I was supposed to do.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD