OBP 28 DANA Linggo. Birthday ko na sa Wednesday! Sho-shonda na naman ako. Marami na akong natanggap na regalo galing sa mga tatay namin ni Gia. Siyempre pati siya, meron din. Parang kambal e. Package deal pag nireregaluhan. "Dana, anong oras daw uuwi si Gia?" "Hindi nagsabi e. Baka mamaya gabi na 'yon uuwi." "May gagawin ka ngayon? Stroll tayo." "Ikaw magpa-gas Ate ha." siyempre dapat segurista din tayo sa bagay na 'yan. Haha! Gumayak na kami. Nagtext na lang ako kay Gia na aalis kami ni Ate Abby. "Pasalubong" yan lang ang reply niya. Wala man lang ingat! Tsk. Makagat sana nia ang dila niya. Haha. Sa mall muna kami tatambay. Galit siya sa pera e. Pinapapili ako ng shirt. Birthday gift daw niya sa akin. Black siyempre ang pinili ko. Bibili naman daw siya ng relo. "Anong bagay kay S

