OBP 14
DANA
Favorite person? Baka favorite na sungitan. Grabe pa siya sa kakatampo. Grabe din sa pagtatanim ng sama ng loob. Grabe lahat!
"Wala bang araw na hindi mo ako susungitan? Bakit ba parang pinagbabantaan ako ni Coleen? Anong meron?"
"Alam mo yung nakakainis? Nandito ka naman pero busy ka sa phone mo. Birthday celebration ko 'di ba? Bakit parang hindi ka naman present."
Lasing na ba 'to? Sabi ni Gia matabang ang timpla niya ng alak. Deretso pa naman magsalita si Mimah.
"Lasing ka na ba Mimah? Naku. Naku. May jogging pa mamaya. Tulog ka na. Ako na ang magliligpit dito."
"Crazy. Just tipsy pero hindi lasing. Ubusin na natin 'to."
Uubusin pa namin ang half pitchel ng alak? Hindi nga pala kami papasok ni Gia. Naka-schedule ang LBM namin! Haha. Hanggang dito talaga magagamit pa namin ang lumang excuse na yan.
Past 12:00 na pala mukhang magsisimula pa lang ang totoong inuman! Haha! May isa pang GSM blue. Dinagdag ko na lang sa pitchel. Mas malakas tama nito!
Isinantabi ko na ang phone ko. Sa laptop niya na lang kami nanonood. Ano lang naman to tamang may maingay lang. Hindi ko nga naiintindihan ang sinasabi e. Chine drama kasi. Ewan sa kanya kung naiintindihan niya.
Mas mahirap ma-snub ni Mimah kasya malasing e. haha kaya maglalasing na lang kami! Nakatigatlong shots na rin kami.
"Dana..."
"hmm?"
"Paano ka nagse-celebrate ng birthday?"
Aba. Soft hours ng mga nakainom na naman yata. Hehe.
"Kasama si Mama. Mag-church. May konting kainan. Nung 18 na ako may inuman na rin." Magiliw kong kwento sa kanya.
"Masaya 'yon?"
"Oo naman. Gusto ko nga ng bonggang birthday nung nag-18 ako e pero short kami sa budget pero keri naman. Masaya pa din. Ikaw siguro bongga 'yung debut mo 'no?"
Shot ko 'yung ininom niya! Madaya 'to sa alak. "Masaya sa pictures. Pero ewan. Hindi. Invited si Sherwin nun. Pero nahihiya siyang pumunta so hindi masaya."
"Halla. Aba. May espesyal participation pala ang Sherwin. Yiie. Kwento na 'yan." Nagshot din ako siyempre! Peke yata yung nabili namin ni Gia parang hindi ako natatamaan! Haha!
"This would be the first and last time na magkukwento ako. Sherwin was the first guys outside our circle of friends na pinagkatiwalaan ko. He's kind, soft hearted, gentleman. Ideal man."
Sinusubukan kong basahin ang expression niya pero wala! Parang no emotions attached na si Mimah sa nakaraan nila ni Sherwin. As in? Wala 'yong spark ng pagkukwento. Parang tagilid na si Sherwin boi talaga.
"That picture sa café? Tinulungan siya ng mga kaibigan niya to put it up. Nagsideline siya. Gumawa siya ng mga projects ng kaklase niya para may gastusin."
"Nice naman pala. Effort si Koya."
"Yeah. Kaya ko rin siya nagustuhan. Everything is okay. My parents are okay with him. But things really got messed up when he got that scholarship."
"Nagsisi naman na siya. Wala na sila nung babae e."
Tiningnan niya ako nang masama. "Alam mo kung bakit wala na sila? Si Ate Mika. I can't hide anything form her and Ate JM. Probably, na-bankrupt ang business ng family nung babae dahil sa kanila. You know my family can make or break a person."
"Nakakatakot pala kayo."
Nagsalin ulit siya sa baso ko. "You can say that again. Naging okay naman na ulit ang negosyo nila nang hiniwalayan nung babae si Sherwin. And here he is. Trying to win me back. Stupid huh?"
"Pero iba ang kwento niya. Sabi niya binayaran daw yung babae para akitin siya."
"That could be true." Nagpangalumbaba siya saka ako tiningnan sa mga mata. "Kung lalaki ka at may girlfriend Magpapalandi ka ba sa iba?"
Umiling ako. "Bakit ako magpapalandi? Ano yung bad times with you then good times with someone else? Muntanga."
"Exactly my point. Kaya hindi mo ako masisisi kung ayaw ko na kay Sherwin. Kung mahal niya ako gaya ng sinasabi niya bakit siya magche-cheat. Cheating is a choice."
Mukhang wala nang chance na lumambot ang puso ni Jemimah para kay Sherwin. Sabihan ko na lang si Loverboy na tumigil na. Tama. Ganun ang gagawin ko.
"Hindi ako nagkwento sa barkda. I didn't even cry infront of them."
"Pero sure naman na alam nila 'yan. Hinihintay lang nila na mag-open up ka."
Nagsalin ulit siya sa baso niya. "Maybe. Uhm, what do you think about me after hearing my side of the story?"
"Dati pa rin. Hindi naman nagbago. Sa'yo pa rin ang loyalto ko bilang kaibigan. Pero sana magkaroon na kayo ng closure ni Sherwin. Para sa ikatatahimik na rin ng mind ninyong dalawa. Start at friends again. Tas bahala na ang bukas. 'Di ba?"
Iniangat niya ang braso ko saka iniakbay sa kanya. "Napakabait ng favorite person ko. Nakakainis na sa sobrang bait. Samahan mo ako sa birthday ko. Wala sina mama. I want to celebrate my birthday with my new favorite person."
Confirm. Lasing na. Siya na ang nagpapaakbay e.
"Can I borrow your phone? Log in ko ang isang IG ko." Pinahiram ko naman. Angdami niyang followers din sa IG. "Let's take a picture. Smile ka Dana."
Ginawa ko naman. Blurry nga lang ang paningin ko. Umeepekto na yata ang alak. Umiling-uling ako.
Hindi ko alam kung nakailang pictures siya.
"Yan. Pinost ko na. Since you're my favorite person. Hindi ka na aapihin sa MZU. If anyone does it again, kick out agad. I Promise." Tinaas pa niya ang kanang kamay niya.
Maalala mo sana 'yan kapag hindi ka na lasing Mimah. Paanong maniniwala ako e naniningkita na ang mga mata niya. Extra clingy pa. Kayhilig niyang pisilin ang pisngi ko. Hay Naku! Konting-konti na lang tulog na 'to!
Dapat ba akong matuwa o kabahan? Kung nung nakaraan na nakikita lang nila na kasama ko kayo e pinahiya na ako paano pa ngayong kinonfirm mo ang pagkakaibigan natin? Hay!
Kinonek niya ang phone ko sa bluetooth.
"Uhm, Let's see. Anong music ng Danababe..."nag-scroll siya sa playlist ko. "This one... Nice. Atleast hindi puro luma..." Ang pinatugtog niya ay Scared to Death.
Nilapag niya ang phone ko. Pumikit siya. Ano naman 'yan Mimah? Feel na feel mo ang kanta?
You can leave me
Take away all that I have
You can want me
Love me for who I am
Luh. Marunong din siyang kumanta pala. Ganda pa ng boses. Anggaling. Parang boses nung mga celebrity e.
"Sayaw tayo..." Tumayo siya. Inilahad niya ang dalawang kamay niya sa akin. "Birthday ko. Papahiyain mo ako?"
Blackmailer naman. Nag-shot pa ako bago tumayo.
"Paano ba?" nahihiya kong tanong. Pareho kasi kaming babae. Paano ba sumayaw ng slow dance pag parehong babae? Hahah.
Natawa siya. Sumandal lang siya sa akin. Antok na lang 'to siguro.
'Cause I'm scared to death
Now that I'm losin' you
I'm scared to death
Knowin' I can't get through
I'm scared to death
Living this so lonely life without you
Oh baby, I'm scared to death..
Nagsisway lang kami sa kanta. Maya't-maya naririnig kong sinasabayan niya ito. Tumigil siya sa pag-sway. Dumistansiya nang kaunti.
"Alam mo ba hindi ako nagkaroon ng cotillion..."
"Bakit?"
"Ayoko lang. hindi kasi dumating 'yung gusto kong kasayaw. 'Yung gusto kong makita ng lahat."
"Sherwin?"
Tumango siya. "Maybe it was really not meant to be. Maybe I am destined for other someone. Not him."
"Dun tayo sa hindi cheater. Dun tayo sa lalaking faithful."
"Tama." Pinatong niya ang mga braso niya sa balikat ko. "So this would be my first dance na dalaga na ako." Natatawa niyang sabi. "Sobrang delayed na cotilion."
After ng kanta nag-shot pa kami. Random topics na lang ang pinagkwentuhan namin. Winarningan ng ako na huwag masyado makipag-close kay Everest kasi chicboi daw. Maalala kaya niya mga pinasasabi niya bukas haha! At parang kailangan ko na ng subtitle kasi babytalk na siya.
"Tulog na tayo Mimah. May jogging pa mamaya." Inakay ko na siya. Susuray-suray na e. Binuksan niya ang pinto ng kwarto niya. Yung double deck niya sa itaas napakarami namang stufftoy. Ginawang display-han e. Koleksyon ng pokemon?! Siya na maraming laruan. Haha! Yung higaan niya may isang malaking stufftoy, Si pikachu. Dinampot niya agad ito saka ito niyakap. Kaya naman pala hugger to matulog e.
"Naiihi ako ."Bumangon siya. Napahawak siya sa baraso 'ko. "Umiikot ang paligid. Nalindol ba?"
Hindi! Lasing ka kaya naikot ang paligid. Diyos ko po! Nakainom din ako, Lord! Baka pati ako mahilo na. Inakay ko siya hanggang sa CR. Saktong bumaba rin si Ella. Nang makita niya kami siya na ang umalalay kay Jem.
"Ako na. Magpahinga ka na rin."
Niligpit ko muna ang mga kalat namin sa sala. Nadidighay-dighay pa ako. Pero feeling ko peke talaga yung ininom namin. Haha!
"Nakakasipag yata ang alak." Ah si Ella yan! Ella the genius na tulad ko. "Mukhang epektib ang plano natin."
"Hmm?" Ano 'yon?" Sayang naman 'tong natirang alak. Ininom ko na mula sa pitchel. Dumighay na naman ako. Haha! Angbango ng dighay ko naman. Parang bumilis ang ikot ng paligid ha. Napahawak ako sa kanya. "Wait lang."
"Naku. Lasing na rin. Ako na lang magligpit dito. Hatid na kita sa kwarto mo."
Maigi pa nga siguro. Nasa huling tagay pala ang sipa! Haha! Parang hindi na dumadapo ang paa ko sa lupa e. haha! Parang umaalon pa nga ang dinadaanan ko e. haha!
"Oh dito na. Good mornight na."
Namimikit-mikit na akong humiga. Gara nitong si Gia may kama naman siya dito pa sa kama ko nahiga. Miss na ako nito katabi haha! Mayakap nga. Ayaw kong dumilat kasi sobra na 'yong hilo ko. Huwag sana akong sumuka.
---
Nabalikwat ako sa lakas ng katok sa pinto. "Gising na! Jogging na Mimah! Jogging na!"
"Ayoko jogging..."
Mimah daw pero si Gia ang sumagot. Teka?! Teka lang! Tuluyan na akong nagmulat. Kinapa ko ang phone ko para magkaliwanag. s**t! Hindi ko ito kwarto!
"Mimah?"
Inilayo niya ang phone na nakatutok sa kanya. "Ano ba 'yan. Antok pa ako e." tinakpan niya ang mukha niya ng braso niya.
"Mimah! Gising na! Early jogging!"
"Damn!" Napaupo siya. "Anong oras na ba?!" Napahawak siya sa tiyan niya. "s**t nasusuka ako." Takbo siya agad sa pinto. Binuksan niya ang ilaw saka binuksan ang pinto.
Ako man ay bumangon na rin. Paano ba ako napunta dito? Sina Gia at Ella pala ang kumakatok sa pinto. Nasusuka rin ako. Tangina! Takbo ako sa kusina. Hinawi ko si Mimah. s**t. Sakit sa sikmura. Naghilamos kami pareho.
Napasandal ako sa lababo. Si Mimah naman nakadukdok sa mesa.
"'Tol, may message sa GC ng team. Hindi pwedeng umabsent sa training. Rank matches daw mamaya."
"Ha? Tangina naman. Wrong timing." Teka. Nasusuka ulit ako. s**t naman!
---
Kailangang magpanggap na okay lang ang lahat! Haha. Hindi naman namin first time ni Gia magtraining na may tama e. Inaalala ko si Jemimah. Nagsuka pa siya bago kami umalis ng bahay. Sumama rin si Ella.
"Jem, kaya pa?" sabi niya kay Jem. Kakarating namin sa oval. "Sarap naman siguro ng tulog ano?"
Tatlong oras yata 'yong tulog namin? Loko tong si Ella sa kwarto ni Jem niya ako dinala. Lock daw kasi 'yong kwarto namin ni Gia.
"I just need ice cold water later. Antok na antok pa ako." Sabi nito habang nag-i-stretching. "Gia, kaya mo ba tulungan sina Lyka? Guide mo lang sila."
"Oo naman. Alalay lang 'tol ha. Conserve mo energy mo."
Hapon pa naman ang game pero iba nga ang pakiramdam ng may hang-over! Haha!
Naupo ako para maglagay ng weights sa binti. "Hoooh! Hoooh! Hindi na ako iinom pag weekdays! Nang bitin! Hahaha!" hininaan ko lang ang boses ko baka marinig ni coach. Deds ako nun! Napakabango ng dighay ko! Amoy gin pa rin! Haha!
Naka-cap si Mimah. Ah pogi naman. Fifteen laps ang iikutin namin. Sinasabayan kami ni Ella. Maya't-maya ang sigaw ni Mimah. Haha! Gusto ko nang sumigaw ng Alak pa!
After ng jogging, nag-gather ang team. Totoo nga yung rank games mamayang hapon.
"Sa matches mamaya madedetermine kung sino-sino ang papasok sa TEAM A. Do your best Teams B and C. Show me what you got mamaya." Sabi ni Coach. "Team A will leave on September for the Singapore tournament. Your ranks later will determine who will compete for the futures torns."
Panay lang ang hikab ko. Haha. Nakakahiya nahuli ako ni Coach.
"Dana, nakikinig ka ba?"
"Yes coach. Excited lang sa games mamaya. Sudden death matches ba coach?"
"Oo. Kaya every game counts."
Okay. Dapat panalo lagi. Wrong timing talaga. Parang kailangan kong makatulog muna para ma-recharge ako nang maayos. Buti wala nang ibang trainings. Uwi muna! Yes!
---
Excuse kami sa mga klase namin. Nakatulog pa ako kanina. Hindi rin ako pumasok sa work e. hehe. Importante ang rank games. Maaga nga kami nina Gia sa Gym e. Si Mimah tulog sa bench. Anggaling nga niya tulog habang nakaupo. Haha! Talented.
Buti pa sila may time magpahinga. Present ang squad ni Mimah. I-assume ko bang ichecheer nila kami ni Gia? Haha.
Nagsi-swing kami ni Gina ng raketa.
"Hoy bakit yang lumang raketa ang gamit mo? Mababali na yan..." puna ko sa kanya.
"Swing-swing lang naman. Pampatanggal antok. May na-scout ka na ba sa team B? kapapasok ko pa lang sa team rank game agad. Malas."
"Wala." Natatawa kong sagot. "Pero baka tayo na-scout na nila. Haha! Bahala na."
Ang TEAM ba ay sina Shannon, Rayne, Asia at Ron. Nakakatakot mga bakulaw. Haha. Matatangkad din. Tsk tsk. Hindi kasi ako binayayaan ng tangkad kaya kinakabahan ako ng very light. Nakatingin pa sila sa amin. Mind games na ba agad? Hay.
"Nahulasan ka na ba?" tanong ni Gia. "Bakit parang papatay ang mga bakulaw? Mukha ba tayong mahina?"
"Malakas ba sila?" tanong ni Gia kena Lyka at Aiko. "Gaano? Mabilis ba?"
Pinakita ni Lyka ang ilang videos nina Shannon. "Hindi namin alam kung mas gumaling pa sila. Sina Shannon at Rayne and doubles."
"Ah okay." Binalik ni Gia ang phone ni Lyka. "Kahit hindi ako makapasok ngayon okay lang. Pero kayo, galingan niyo. Kayang-kaya niyo naman e. gusto niyo ba doubles na agad?"
"Pwede ba 'yon? Imbento ka Gia." Kontra ko sa kanya. "Individuals nga yung ranking e."
Ilang minuto na lang bago mag-start ang game. Focused na rin ako. Pero nahihikab talaga. Haha! Lumapit sa amin si Mimah.
"Dana, you okay?" tanong niya. "Kaya mo bang maglaro?"
"Mimah naman. Siyempre. Wala kang tiwala sa akin. Libre mo ako pag nanalo ako ha."
Inabutan niya sa akin ang isang bag. "Use it. Pinapabigay ni Ate Jai. Mas comfy yan kaysa sa gamit niyo." Wow! Pare-pareho kami ng sapatos! Cool.
Tuwa sina Lyka. Favoritism 'tong si Mimah. Ang Team B kasi wala pa-sapatos! Haha.
Game time na! Kami ni Gia ang unang sasabak. Agad! Hihi. Sina Shannon at Rayne ang makakalaban namin.
"'Tol, kung nasusuka ka time out ka mamaya ha. Ako kasi najejebs. Hahah! Parang bakulaw kasi nakikita ko." Bulong ni Gia. "May pustahan pala sa MZUmazing. 50000 'tol."
"Oh? May nakapusta sa atin?"
"Meron. Dalawa. Hahaha!"
Isang set lang ang lalaruin namin. Napaka-crucial ng bawat point nito. Start na! Sa harap si Gia. Nakakainis naman siya. Hindi siya umaatake e. Naka-score naman sina Shannon. 2-0 na.
"Hoy anong ginagawa mo?"
"Nagwa-warm up." Sagot niya. Nag-inat siya. "Ok game na kamahalan."
Focused Dana! Focused. Make Tita Zai Proud! Pinakaba pa ako ni Gia. Angsarap isako! Mas bumilis ang rally. Sa akin napupunta ang direksyon ng shuttlecok. Gising na ang diwa ko! Haha. Lob yung tira ni Shannon pagkakataon kong magsmash bumuwel ako. Umatras silang dalawa. Haha! Drop shot malapit sa net! Point!
"Bueset ka."sabi ni Gia. "Pati ako naloko mo dun."
6-2. Napako ang score nila. Ako yata ang gusto nilang pagurin. Hay! Si Gia ang magseserve. Ako talaga ang target nila. Kanan kaliwa na puro harap e. Hay. Nang matira ko pabalik ang shuttle c**k nagpalit kami agad ni Gia.
17-10. Landslide ang lamang namin. Lakas ng hiyawan. Haha! Humingi ng time out si Shannon.
"Anggaling talaga." Puri sa amin ni Lyka. "Sigurado na ang panalo ninyo. 4 points na lang."
"Mananalo din kayo mamaya." Sabi ni Gia. "Tapusin na natin 'tol. Nagugutom na ako."
Serve na naman namin. Sa harap ulit ako. Favoritism 'tong dalawa. Sa covered ko lagi ang target. Bahagya akong umatras sa smash ni Shannon. Naibalik ko naman pero nadulas ako. Dala siguro ng tagaktak ng pawis namin sa court. Nabitawan ko pa ang raketa.
"Dana!" paglingon ko tumama sa mukha ko ang raket. Yung dulo ng handle. s**t! Napahiya ang mga nanonood. Napahawak ako sa pisngi ko. Tangina! Pagtingin ko sa palad ko may dugo!
"'Tol, ayos ka lang? Time out coach!"sigaw niya. Tinulungan niya akong makabangon.
Lumapit na rin si Mimah. "Damn her. Sinadya niyang bitawan ang racket."
Hindi ako umimik. Mahapdi kasi. Sa ilalim ng mata ang may sugat. Malayo sa bituka. Nililinisan naman na ng medic.
"Itutuloy pa ba ang game coach?" rinig kong sabi ni Sherie. "Mukhang hindi na kaya ni Dana."
Siniko ko si Gia. "Tuloy kamo. Sayang yung lamang."
"Dana!" saway ni Mimah sa akin. "Duguan ka na at lahat yung game pa rin ang iniisip mo?!"
"Nurse palagay ng gasa. Konting time na lang naman e."
"No. Cancel na natin ang game. I'll bring you to the hospital para ma-stitch 'yang sugat mo."
"Mimah!" natigilang silang lahat. "Kaya ko. Kaya namin ni Gia."
Tapos nang nalagyan ng gasa ang sugat ko. Nakakakita pa naman ako pero mahapdi. Hiniram ko ang headband ni Jemimah para hindi matuluan ng maraming pawis ang sugat ko.
"Sorry sa pagsigaw." Sabi ko dito. "4 points na lang." pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. "Sa hospital tayo pagkatapos nito. Pramis."
Nasa court na kami ulit. "Gia, 4 points na lang."
Hindi umimik si Gia. Pagka-serve ni Shannon ako agad ang nagcover. Ako pa rin talaga ang target nila. Pagkakataon ko para mag-smash! Naibalik ni Shannon pero too late. Lob ang pagkatira niya.
Side ni Gia! In-smash niya ang shuttlecock. Napasigaw ang mga manonood. Maging ako hindi nakagalaw sa kanatatayuan ko dahil naputol ang raket ni Gia tumama sa braso ni Shannon! Yung mismong parte na naputol ang tumama sa kanya kaya may sugat din siya.
Napatingin ako kay Gia. s**t! Yung lumang raketa pala niya ang ginamit niya!
Pumunta siya sa kabilang court para kunin ang racket head. "Sorry. Naputol." Walang emosyon na sabi nito. Bumaling siya kay Coach. "Coach point namin 'yon. Tuloy pa ba ang laro?"
---
@Jimenez General Hospital.
Naiwan si Gia para suportahan sina Lyka. Pinsan ni Jemimah ang umasikaso sa akin. Sila rin ang may-ari nitong hospital. Si Miss Jane, wife ni ate Rhyck, na pinsan naman ni Gabb. Parang web ng spider ang friendship ng family nila. Nakaka-amaze!
"Hindi naman kailangang tahiin."
Nakahinga ako nang maluwag. "Buti naman."
"Pero kailangan mo munang mag-skip ng games. Isang week lang. O kung maglalaro ka wear protective gear. Delikado kasi mahaba yung sugat. Buti hindi sa mata mo tumama."
"Bubulagin ko rin sila kung nagkataon." Rinig kong sabi ni Mimah.
"I heard that." Sabi ni Miss Jane. "Linisan mo araw-araw yang sugat Dana. Mag-take ka ng pain reliever kung hindi mo kaya ang hapdi. Kasi for sure sa lakas ng impact mananakit yang pisngi ko. Mamaga yan."
"O baka naman sasabihin mo palampasin na naman." Pagsusungit na naman ni Mimah. "Pangalawa na 'to. Sinadya niyang bitawan yung raketa. Kita naman e."
Nilagyan ni Miss Jane ng ice pack ang ulo ni Mimah. "'Yan. Para lumamig ang ulo mo. Reyes ka nga talaga."
Inis na tinanggal ni Mimah ang ice pack sa ulo niya. "Ate! Parang hindi ka Reyes ah! Nakakapang-init nga kasi ng ulo!"
"Oh naka-admit din dito si Shannon." Sabi ni Miss Jane habang nakatutok sa monitor. "Ipapa-stitch ko ba na walang anesthesia yung braso niya?"
Whattaheck! 'Yung ngiti nilang dalawa! Nakakakilabot!
---