OBP 15- Thank you

3591 Words
OBP 15 JEMIMAH We're having our breakfast. Tulog si Dana. Nilagnat pa kagabi. Hindi kaya may tenanus yung raketa? "Papasok ka?" tanong ni Ate Abby. Umiling ako. "Birthday ko. Duh. Gagamitin ko ang previliged ko no." "Uuwi ulit kami mamaya," said Gabb. "Bahay-bahayan muna kayo ng favorite person mo." "Tatampo ka na niyan?" biro ko sa kaya. "Basta ako masaya na si Ate Dana ang favorite person ni Ate Jem," said Coleen. "Angcute kaya ni Ate Dana. Crush ko 'yong chin niya. Gusto ng ganun." "Palagay ka." Natawang sabi ni Gabb. "May pera ka naman. Gusto mo cliff forehead din." Umirap na naman na parang bata si Coleen. Itong dalawang 'to napapadalas ang pikunan. "Jem, uuwi ulit kami mamaya." Sabi ni Gabb. "Sasabay ako kay Ate Abby." Nagtaas ng kamay si Coleen. "Same-same. Uuwi rin." "Punta ako kay Mama," said Gia. "Isama niyo nga si Dana. Kawawa naman mag-isa dito." Parang lahat napatingin sa akin. "Why? Anong problema niyo sa akin?" "Isama mo na lang si Dana, 'Te Jem." Said Coleen. "Mabo-bored 'yon dito. Kawawa naman." "Malaki na siya. Paano siya magiging kawawa?" Saktong lumabas si Dana. Magang-maga ang ibaba ng mata niya. Namimikit na rin pati kaliwang mata. Tsk tsk. "Gia, palinis ng sugat. Anghapdi e." "'Tol Late na ako sa klase ko. Si Jem na lang." nagsitayuan na sila. "Ako na maghuhugas mamaya kauwi ko." Dagdag pa ni Gia. "Oh guys, Papasok na kami." Said Gabb. Nilapitan niya si Dana. Inakbayan niya ito. "Kawawa baby. Hahah! Bye Danababe. Si Jem na lang maglinis niyan." Dumulog na rin sa mesa si Dana. "Mimah angsakit ng pisngi ko." God! 'Yung strong Dana parang bata. Parang kahapon angtapang-tapang pang malaro pero heto siya naiiyak na naman. "Huwag kang iiyak. Papangit ka." "E angsakit-sakit nga. Magkakapeklat pa. Paano na ang mukha ko?" "Crazy. There are a lot of treatment to remove scars. Libre kita kapag okay na 'yan. Kumain ka na lang muna. Lilinisan ko 'yan mamaya." "Wala akong gana. Bakit hindi ka ba papasok? Late ka na oh." "Hindi ako papasok." Nilagyan ko ng kanin ang plate niya. "Teka kaya mong ngumuya? Baka soft food diet ang kailangan mo." "Wala akong gana. Mamaya na lang ako kakain." Then this idea came into my mind. Since wala kaming kasama dito mamaya, aalis na lang rin kami. "Gumayak ka na. Aalis tayo." "Saan tayo pupunta? May pasok ako mamaya." "Excuse kita. Don't worry. Malakas ako sa mga profs dito." Pag-aassure ko sa kanya. "And if you're thinking na lagi ko 'tong ginagawa nagkakamali ka. Once a year lang. Sa birthday ko lang." "Angpangit ko. Ayokong lumabas." I softly chuckled. She's just a little baby who's about to cry. "Look, you're pretty pa rin. Okay? Siga na. Gayak na. I told you, I want to spend my birthday with my favorite person. And gusto mo ba ma-sad ako sa mismong birthday ko?" "Blackmailer. Teka lang. Gagayak na." --- Mag-iwan ako ng notes para kena Ate Abby. Nagpasundo ako sa aming family driver. Pinagdala ko din ng ilang damit si Dana. Kena ate Mika kami uuwi mamaya. Angdami kong inuuwian 'no? Wala naman kasi sina mama kaya sa mga pinsan-pinsan muna ako makikigulo. Perks of having mababait at close na pinsan. And being the only almost gone baby in our clan! Naging spoiled ako. Maybe uuwi lang ako sa iisang bahay someday kapag may home na talaga akong matatawag. Drama namang birthday 'to! Nagtataka sina Ate Mika dahil ibang number ang ginamit ko pantawag sa kanya. Phone kasi ni Dana ang gamit ko. And speaking, nakagayak na siya. Pink ang gauze na nilagay ko sa sugat niya. And she doesn't like it. Haha! Cute naman ah. Bakit ayaw niya? "Bakit ka nakasimangot?" Tinuro niya ang sugat niya. "Pink talaga Mimah?" "Cute kaya. Papunta na dito ang driver ko." Binalik ko ang phona niya. "Turn off your phone. Baka mamaya ka-chat mo si Sherwin. You'll totally ruin my birthday." Binalik niya ang phone niya sa akin. "Oh surrender na. Diyos ko Mimah kung hindi mo lang birthday talaga..." "Ano? Kung hindi ko birthday? What would you do?" "E de iba-blind date kita sa Ex mong cheater! Hahaha!" Damn her! Hindi masindak e. May bumusina. Must be our driver. Paglabas namin natuwa ako kung sino ng sumundo sa amin. Si Tatay Pidong! Siya ang driver ni Papa. Retired na siya ah! Bakit siya ang sumundo? "Manong! Bakit kayo ang sumundo? Asan si Kuya Dong?" Anak niya si kuya Dong. "Aba palalampasin ko ba naman ang birthday ng paborito kong estudyante?" inabutan niya ako ng regalo. "Sino naman itong magandang kasama mo Jemi?" Tsk. Dalaga na ako Jemi pa rin ang tawag niya sa akin. "Kaibigan ko po. Si Dana. Pamangkin ni Ate Zai po." "Magandang araw po." Nagmano si Dana kay Manong Pidong. "Aba e para kayong pinagbiyak na bunga ni Zairah. Parehong magaganda e." Namula si Dana. Hindi yata sanay na pinupuri e. "Mas maganda po si Jemimah." Natawa si Tatay Pidong. "Siyempre laging mas maganda tong paborito kong estudyante. Oh siya sakay na." --- Tulog si Dana. Stuck pa kami sa traffic hay. My beloved Philippines! Kailan luluwag ang traffic? Her phone rings. Si Ate Zairah pala. Sinagot ko na lang. "Hello Ate Zai..." "Jem, Bakit nasa 'yo ang phone ni Dana? Where is she?" Napatingin ako kay Dana na nahihimbing ang tulog habang nakahalukipkip. Nakasandal sa bintana ang ulo niya. She must have felt the fatigue of joggling work and school stuffs. "Nakaidlip po siya Ate. Papunta kami sa mall. Celebrate ng birthday ko." "Jem, may klase kayo 'di ba?" "Excuse kami. Kasi birthday ko. Hehe. Minsan lang naman. Ate I don't have someone to celebrate with. Hiramin ko muna si Dana. Huwag ka nang magalit. Please? Birthday gift mo na sa akin. Hehe." "Anong birthday gift ko sa'yo? Si Dana? Jem ha..." "No! not her! I mean 'yong time today. Ate naman. Iba iniisip." She sighed. "Fine. Yung sugat niya? I saw the video. Okay ba siya?" "Yes Ate. Namamaga lang pero okay na po. Nainform na rin namin si Tita Rion." "Good then. Ingat kayo diyan. Tell her to call me." "Copy...copy... Bye Ate..." She sent a birthday greeting and the best part is mayroon kaming 50% discount kami sa sports apparel store ng JTW! So nice! Nasa JMR mall na kami. Isa lang ito sa maraming businesses na under Reyes Group of Companies. Sinalubong kami ng ilang bodyguards. "Good morning, Young Lady Mimah. Happy birthday po." Nakasunod sa amin ang apat na bodyguards. "Ay wow. Buong sambayanan, alam ang birthday mo." Natatawang komento ni Dana. "Mall niyo to Mimah?" "Sa Reyes Group of Compannies." Sagot ko. "Family nina Ate JM ang namamahala sa karamihan ng JMR malls sa Pinas. Sila ang pioneer pagdating sa ganitong business e." "Ah. Nice. Nakakalula pala ang yaman niyo." "Huwag kang malula. It's just money." Bumaling ako sa isang bodyguard. "Pwede na kayong umalis. Ako na bahala dito." "Pero mapapagalitan po kami." "Ako na ang bahala. Sige na. I can't enjoy this day kung nakabuntot kayo sa amin." Wala naman silang magagawa. Alangan maghapon nila kaming susundan? Kakain muna kami ni Dana. Sa food court kami. How I love being ordinary person! Pununo ko ng foods ang table namin. Yung mga murang foods lang at maraming fries. "Dalawa lang tayong kakain. Angdami nito." Dana complained. "Mukbang pala ang nais. Hay." "What's wrong? Saka kung hindi naman nating mauubos iuuwi na lang." "Hindi ba tayo magpipicture? Birthday remembrance mo." Dagdag pa niya. Ah oo pala. So nilabas ko ang phone niya. I took a single photo and keep it again. "Isa lang? Bakit isa lang?" "Gusto ko lang. Birthday ko, ako ang masusunod." Dapat pala dinamihan ko ang fries. Yung agad ang nakalahati e. Panay ang tingin niya sa paligid. Parang ewan tong si Dana kasama. "Why? May nakita ka bang pogi?" "Huh? Napapaisip lang. Sa dami ng tao dito sa food court ilang kaya diyan ang bodyguards mo? 4? 5?" "God Dana! Angdaming pwedeng isipin 'yan pa." sumubo ako ng ilang fries. "Okay. Gusto mo malaman?" She nodded. "Curious ako. Ilan ba?" "Actually, hindi ko rin alam." I honestly answered. "Pero ang alam ko once pumasok ang member ng family namin sa mga establishments na under ng RGC, we're under radar na agad." "Anggaling naman nila. Pero wala kayong freedom nun. Paano kapag may mga ka-relasyon kayo? Paano kapag moment niyo? De bantay sarado. Ano papel ng mga agents? Taga-SANAOL?" Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong tubig. Haha! "Seriously? Iniisip mo 'yan?" "Oo. Bakit ba? Sinubukan kong ilagay ang sarili ko sa sitwasyon ni Sherwin. Kung ganito kahigpit ang security, parang nakakahiyang maging sweet sa'yo. Nakakahiyang umakbay-akbay. Parang ewan lang. PBB house ang dating." "And your point is?" "Huh? Wala naman. Siguro ang magiging jowa mo dapat marunong din sa self-defense. Para hindi na kailangan ng bodyguard pag may date. Haha. Hanap tayo ng ganun lalaki para sa'yo Mimah." Sabi nito saka itinuloy ang pagkain ng burger. "Things change kapag nasa relasyon na. At hindi naman kami 24 hours naka-track sa system. Hindi kami preso." Medyo inis kong sagot sa kanya. "We also enjoy our privacy." "Oh masyado na seryoso. Inom ka muna juice oh." Inabot niya sa akin ang strawberry juice. "Masyado kang HB. Nga pala, saan tayo after nito?" "Iisip pa ako. Dana..." Tsk! Napakakalat kumain naman talaga! May ketchup na naman sa pisngo. Tiningnan niya ako. "Hmmm?" Tinuro ko ang pisngi ko. "Huh? Kiss? Mimah parang ewan." Nangunot ang noo ko. "Crazy. May ketchup ka sa pisngi." Pinunasan ko may pisngi niya. "Parang bata e." Natawa siya. "Shorry..." --- Dito kami sa Golden Pairs. Nagsusukat ako ng sapatos. Nakatingin siya sa isang pair of shoes. Gusto kaya niya 'yon? Binigay ko sa saleslady ang sinusukat ko. Sinukat niya ang shoes. It's a fashion shoes. Bagay sa kanya. "You like that?" "Yep. Bilhin ko sa December 'yan." "Bakit December pa? Hindi na lang ngayon?" "Baliw. Wala akong extra pera." Sabi nito habang tinatanggal ang sapatos. Tinignan niya ang price. "Pag-iipunan ko 'to. May matatanggap tayo from MZU 'di ba?" "Oo. Bilhin na natin ngayon. Uhm Thank you gift ko sa'yo. What do you think?" Hindi niya ako binigyang pansin. Kainis 'to ah. Pinihit niya ako papunta sa pinagpipilian ko ng sapatos kanina. "Pili ka na ng sapatos mo. Saka na ako bibili ng sa akin." Anghirap pumili! Kaya binili ko na 'yong limang pares. Hahaha! Napapailing na lang si Dana. At hindi lang sapatos ang binili ko. Bumili ri ako ng mga OOTD. It's my birthday so waldas muna konti. Haha! Napapalitan ko na rin ang phone ko. Matuwa na si Dana nito wala nang makikinood sa phone niya. Naupo kami sa may gilid ng poste, malapit sa cinema. Marami kasing goers ngayon wala man lang maupuan. Kinikibit ko ang phone ko. "Tumatambay ka rin pala sa ganito." She said while taking some pictures. "Akala ko hindi e." "Marami ka pang maling akala." Huh? Kuya JMark is calling. Kuya siya ni Ate JM. I immediately answered his call. "Kuya..." "Bakit diyan kayo tumatambay?" natatawa nitong bungad. Nagpalinga-linga ko. There he is! Binaba niya ang call saka kumaway sa amin. He's been managing this mall for quite some time. Agad akong tumayo. Ganun din si Dana. "Pogi niya." Sabi ni Dana. "Sino siya?" "Kuya ni Ate JM." Sagot ko dito. God! Napapatingin sa kanya ang ilang mall goers. Si Kuya naman ngiti-ngiti pa sa kanila. Here he goes again! "Happy birthday my dead Cousin!" bati niya siya then gave me a hug. Ginulo-gulo pa niya ang buhok ko. "Thank you pogi kong pinsan. So asan ang gift mo sa akin?" tinaas baba ko pa ang kilay ko habang nakalahad ang palad ko sa kanya. "Gift muna bago greeting sana." "Mamaya na ang gift." Nabaling ang pansin niya kay Dana. "Hi, you must be Zairah's neice? Nice to meet you. I'm Jan Mark. Pinsan ni Jemimah. I hope she's not giving you headache?" Kuya naman! Angdaming pwedeng sabihin 'yan pa? "Hello po." Dana shyly shook hands with Kuya. "Hindi naman po. Mabait naman siya sa akin." "Oh? Bago 'yan." Ngiting sabi ni Kuya. "But I'm warning you Dana, mas madalas masama ang ugali nitong pinsan ko. Pagpasensyahan mo na lang." Seriously? Harap-harapan lang kuya? Natawa rin si Dana. God! Parang nakahanap na naman ng bagong kakampi si Kuya! "Jem, Don't forget our dinner later. Baka mawili ka dito kay Dana malimot mo ang birthday mo with us. And visit JMR hotel, please. Paramdam ka naman sa employees." --- Dumaan kami sa JMR hotel in Makati. Ito 'yung tinutukoy ni kuya kanina. Magpapahinga lang kami konti dito then punta na sa dinner with them. We're occupying one of the VIP rooms. "Grabe din sa yaman Mimah. Nakakakilabot." Said Dana. Pumunta siya sa balcony. "Wow ng view. Tanaw ang buong city." "Mas maganda ang view dito pag gabi. Dito na lang kaya tayo mamaya? What do you think?" "Pwede? Gusto ko makita yung view sa gabi." Naging abala kami sa kanya-kanyang phone. I need to deal with some business stuffs. Sakit sa ulo rin 'to pero kailangan dahil wala namang ibang magma-manage ng negosyo sa future. Unless mag-ampon sina mama! Haha! "Bait ng parents mo 'no. Hindi ka pinagbabawalan na makipagkaibian sa tulad kong ordinaryong tao lang." She said while her attention is on her phone. Nanonood na naman siya ng Ranma ½. Old school naman talaga 'tong babaeng 'to. "Mas nakakatakot kasi ang mga nasa parehong estado namin." Sagot ko naman. "And you're Ate Zai's neice. You're not just ordinary. You're special." "Ano namang special sa akin." She softly chuckled. "Bukod sa maliit ako kumpara sa Tita ko? Wala nang ibang special." You are a daughter of a fallen hero Dana. That makes you special. --- Dinner date na! Sa Louxariant ang venue. It's a resto owned by ate Lou. Friend din nina ate JM. Angsaya! Present ang mga favorite cousins ko! Hehe. Siyempre laging may favorite kahit lahat sila e mahal ko 'no. After some chit chat, dinner is serve! Italian ang Filipino cuisine! Love it! Ate Jm and her Sibs kuya Jan Michael and Janmark, Ate Jane, Ate Mika and Kuya Migz. Sila lang ang close ko sa mga pinsan ko. And the resto is exlusive for us tonight! Perks perk perks! "Kumusta 'yan sugat mo, Dana?" asked Ate Jane. "Don't worry naiganti ka na ni Mimah kay Shannon." "Po?" biglang namutla si Dana. Saka siya napatingin sa akin. I shrugged my shoulders. "Slight ganti lang. Sinadya naman niya e. kaya konting anesthesia lang din pina-inject ko." "Mimah. Mali 'yon." Natawa ang mga pinsan ko. Seriously guys? Kampihan niyo naman ako. "Akala ko Jemimah, exclusive for cousins lang ang dinner? Why did you bring your girl? De sana sinama ko rin ang girlfriend ko." Said kuya Jan Mark. "Unfair naman." Gosh! Nakakahiya. "She's not my girlfriend." Sagot ko agad. "E nakakahiya kay Dana. Isumbong kayo nito kay Ate Zai. Sige kayo." "Hmm. Kuya, cut the crap out." Said Ate JM. "Let's just enjoy the dinner and don't pressure Mimah. Nakakahiya kay Dana. Nao-overwhelmed na." Napakamot sa ulo si Dana. Minsan na nga lang mame-meet ang mga pinsan ko naa-assume lang may relasyon kami. "So Dana, kumustang kasama sa bahay ang aming si Jem? Marunong na ba siyang magluto?" Asked Kuya Migs, Ate Mika's sibling. "Did you miss me so much?" inis kong sabi sa kanila. "Grabe kayo sa akin. Birthday ko e." "Just askin Jem." Said kuya Migs. "So, Dana?" "Uhm. Natututo naman po. Pero marami pang need iimprove." "Happy now?" inis kong baling kay Kuya Migs. "Kapag ako gumaling magluto huwag kayong kakain ha? Hindi ko kayo ipagluluto ever." Tinawanan lang nila ako e. Am I a joke to them? Tsk. Tinusok ni Dana ng daliri niya ang pisngi ko. "HB HB na naman. Smile na. haha!" Inirapan ko nga siya. Nakikikampi rin sa kanila e. Her phone rings. "Teka sagutin ko lang 'to. Hanap ako signal. Si Mama e. Video call mahirap date dito." Umalis na muna siya. And I am expecting talaga na pagbubuntunan ako ng pang-aasar ng mga 'to. "Finally got over Sherwin?" asked Ate Mika. "He's back na 'di ba? Nagkita na kayo?" I'm not even shock if they knew about us. They're Reyesses alright. "Okay naman na ako. Matagal na. And yes. Nagkausap kami sa Mc café. And damn he befriended Dana. Mahirap kausap. Sabi kong ayokong makipagkaibigan din sa kanya." "Jem, sa school responsibilidan mo rin si Dana. She's Zai's neice. Hindi na siya iba sa atin. Sana hindi na maulit 'yong nangyari sa Pub House." Pagpapaalala ni Ate JM. "Nakakahiya kay Jai at Zai." "Opo. Promise. Hindi na mauulit." "But don't do something stupid." Kuya Jmichael seriously said. My authoritarian cousin! Hehe. "We're too old to clean youngster mess." "Nandito naman ako." Said Ate Mika. "So Jem, no worries. Me and your Ate Ara will back you up." "I'm not old yet." Natatawang sabi pa ni Ate Jane. "In fact katatapos ko lang i-settle ang gusot ng anak ko." She's pertaining to Jazzle May. "God! She's as stubborn as you Jemimah. Buti na lang hindi kayo magkaklase. Puputi na ang buhok namin ni Rhyck sa mga kalokohan ng batang 'yon." "Jemimah, may gift ako sa'yo." Napalingon ako kay Dana. Whattaheck?! Kasunod niya ang sina Mama at Papa! May dala silang balloons and cake. "Happy birthday!" said Dana. "Fresh from airport." "Happy birthday sa paborito naming anak." Natatawang sabi ni Papa. Parang may iba pang anak ah. "Bakit kayo nandito? Akala ko ba next week pa kayo uuwi?" naiiyak kong sabi sa kanila. "E hindi naman namin matitiis ang pangongonsensya nitong si Dana." Sabi ni mama. "Magaling sa salestalk. Pagbentahin ko nga ng condo uunit tong batang 'to. Payag ka ba hija?" inakbayan niya si Dana. "Kapag si Dana uuwi kayo pero pag ako hindi kayo uuwi. Unfair nun mama. Sa totoo lang." may halong pagtatampo na ang tono ko. E kasi naman. "Naku kang bata ka. Sorry anak. Angbusy ng parents mo para sa future mo. We'll make it up to you." --- Si Ate Mika muna ang kakwentuhan ko over a bottle of wine. "She's really something. Napauwi niya ang parents mo huh." Pinagmamasdan namin sina Dana. She and my parents are discussing some business na. God! They are really serious with the condo thing pala. "Ilang linggo pa lang kaming magkaibigan pero ganun ang tiwala sa kanya nina Mama. Weird huh?" Natawa si Ate. "Weird? Ofcourse not. They knew her. She's an Ermino. They trust her like how the Gomezes trust Ate Zai. And God knows you cried over her during that wedding. Kaya malamang tuwang-tuwa sina Tita na makita si Dana ulit." "Hindi ko maalala." "Ganyan talaga kapag lumaki sa gamot. Nagiging makakalimutin." She said laughing. "Kidding. Bata ka pa nun. Kaya hindi mo alam kung gaano ka kalakas umiyak dahil ayaw gusto mo siyang partner! Haha. Nakakahiya ka nun Jem. Muntik hindi matuloy ang kasal." I really can't remember! Baka nga gawa ng mga gamot na ininom ni mama noon naapektuhan ang brain ko. Pero hindi naman ako mahina sa klase ah. Baka selective memory loss? Haha! "Nga pala, magsusukat na kayo ng dress para sa kasal nina Camill at Carol. Susunduin na lang namin kayo ni Ara next week." "Finally? After many break ups. Ikakasal rin sila. Sino pala ang partner ko?" Natawa siya. "Mapopogi ang kasama sa entourage. Don't worry." Papalapit na sa amin si Dana. "Mimah! Uuwi na daw tayo." "Saan?" "Sa hotel. Gusto ko na makita yung night view sa balcony." --- Finally, we're at the hotel. Deretso talaga sa balcony si Dana. She's capturing some pics na naman. "You're taking pictures but you're not posting it. What's the sense?" "Nakakatakot kasi magpost.haha! Baka isipin social climber ako. Alam ko na mga galawan ng mga inggetera sa campus no. Mabilis kaya ako maka-adjust." "Let's try my phone." I took some shots. Naka-peace sign kami pareho at backgound ang city lights. "Nice pala ang camera talaga nito." Ka-video call niya ang mama niya. Nilibot niya sa room. Angkulet ni Dana. Hay city lights. I had a blast today. Probably my favorite birthday so far. Funny Dana made in more interesting. New pa lang ang friendship namin pero nagawa niyang kumbinsihin sina mama na umuwi. I wonder what the catch is. Ano kaya ang kapalit. Why am I so doubtful with my parents? Haha! God Jemimah! Overthinking as fvck! Napagod na siguro siya kaya bumalik dito sa balcony. "Ilang minuto na lang tapos na ang birthday mo Mimah." Said Dana. Bumuntong hinga siya saka nag-lean sa railing. "Hindi ka na special bukas. Hindi mo na birthday.ahaha!" "Dapat ba kung birthday lang special?" "Oo. Once a year lang. haha! Char." "Paano mo naconvince sina mama na umuwi? Anong kapalit?" She showed me her right hand. "Five." "Anong five?" "Five condo units ang ibebenta ko para umuwi sila. Hahaha!" "Angdami non! Mahirap magbenta ng unit ngayon. Baliw ka ba?" "Anong mahirap? Nabenta ko na ang tatlo. Dalawa na lang! hahaha!" inakbayan niya ako. "'Lam mo Mimah, ano pang silbi na favorite person mo ako kung hindi kita mapapangiti sa birthday mo 'di ba? Nakakahiya naman kay Gabb at Coleen. Haha! Angbraingy ko talaga! Pwede na tayo business partners Mimah. Mag-invest ka magsi-sales talk ako. Laway ko lang puhunan! Haha!" Hindi na ako umimik. I just apreciate her efforts. Few people can do such things for their friends and I'm glad she's one of them. Sumandal ako sa kanya. "Thank you..." She just pats my left shoulder. "Welcome. Happy birthday, Mimah." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD