OBP 16 - Bakit tinotopak?

2360 Words
OBP 16 DANA Na-late ako sa work. Napuyat kasi ako sa paggawa ng requirements. Hihikab-hikab ako habang nagbabantay sa counter. "Uy makatulog ka diyan." Siniko ako ni Cindy. "Parang puyatot ka na Gagi. Baka naman magkasakit ka niyan." "Hindi. Kaya ko naman 'to 'no. Napuyat lang sa reqs. Buti konti ang customers." Isang hindi inaasahang customer ang dumating. Si Sherwin. Lumapit siya sa amin. "Uy wala si Mimah dito." Sabi ko sa kanya. "Actually, hindi siya ang gusto kong makausap. Ikaw." Nahihiya niyang sabi. "Can I have few minutes lang?" "Sige. Sige." Tinanggal ko ang apron ko. Sa pinakasulok na mesa kami na upo. "Anong balita?" "Pasensya ka na. Ikaw ang kinukulit ko. Nakikita ko kasing close kayo ni Jem." Saka Sherwin, ako rin paulit-ulit na nakakarinig na ayaw niya na sa'yo. Hehe. Nakakahiyang sabihin kaya mananahimik na lang ako. "Tanungin mo naman siya kung ano ang pwede kong gawin para patawarin niya ako." Bumuntong hininga ako. "Hindi niya ako sinasagot e. Ikaw naman kasi bakit ganun ang ginawa mo. Pakita mo na lang na sincere ka. Humingi ka ng sorry sa parents niya at sa kanya, sa mga pinsan niya." Alanganin kong sagot dito. Naalala ko na alam pala ng mga pinsan ni Mimah ang panloloko nitong si Sherwin. Hayan. Nataranta na naman ang loko. "Hindi ko alam paano magsisimula." "Lalo naman ako." Natawa kong tugon. "Pero naniniwala naman akong mapapatawad ka pa rin niya. Pero ang hindi ako sure kung makikipagbalikan pa siya sa'yo." "May iba na ba siya?" "Gagi! Wala! Haha! Paranoid mo. Yan napapala nang cheater 'no? Nagiging paranoid." Namutla siya. "Mas prangka kay kay Jemimah pala." "Haha! Sorry naman. Nagsasabi lang ako ng totoo. Habaan mo na lang ang pasensya mo malay mo maging friends ulit kayo. Balik na ako sa work. Saka evaporate ka na rin. Oras ng pagdating niya e. Ikaw din. Masungitan ka na naman." Bumalik na ako sa counter. Pero mukhang walang balak umalis si Sherwin. Baka hihintayin niya si Mimah. Ganyan talaga kapag umiibig. "Alam mo bang deleted na lahat ng pics nila ni Jem?" tsismis ni Cindy sa akin. "Naol pwedeng idelete ang mapait na nakaraan." Adik talaga to. Ang daming alam! Haha! "Baliw. Kapag dumating si Mimah ikaw magreferee ha. Hahaha!" Pero pinagdarasal ko na hindi siya tatambay dito ngayon. Gusto ko po Lord ng matiwasay na duty. Walang kahit anong komosyon. Amen. Sinuot ko na ulit ang apron ko. Siya ring pagbukas ng pinto. Nanlaki ang mga mata ko dahil sina Gabb at Mimah ang pumasok. Lord naman, nagtraydor ba ako sa Pilipinas nung nakaraang buhay ko? Bakit siya nandito? "Danababe! Henlo!" bati sa akin ni Gabb. Lord, ito na lang sana hindi niya makita si Sherwin. "Choco Oreo, please. Dalawa." Agad ko siyang nilapitan. Hinatak ko ang upuan sa pinakamalapit sa counter. Yung nakatalikod si Mimah kay Sherwin. "Marumi sa second floor. Dito na lang kayo." "Ayoko dito. Maingay na mamaya dito." Reklamo ni Mimah. Napansin ni Gabb siguro ang dahilan kung bakit ko siya pinipilit na dito maupo. Kung aakyat kasi sila makikita niya si Sherwin. "Dito na lang tayo Jem. Para mas malapit ako kay Miss Beautiful." Kinindatan niya si Cindy. Naupo na siya sa tabi ni Mimah. Nagpangalumbaba ito. "May bago na akong crush Jem." Palihim kong sinenyasan si Sherwin na umalis kasabay amba ng kamao ko sa kanya. Yan! Madadaan ka rin naman sa sindak pala e! Grabe sa kilig si Cindy. Kulang na lang ilibre niya si Gabb e. Nilinis ko kunwari ang second floor para makalipat na sila. Haha! Nadagdagan pa ang trabaho ko. Pahamak na Sherwin 'yon! Naunang umakyat si Mimah. Si Gabb ang nagdala ng tray. "Sabihin mo kay Sherwin, tantanan niya si Mimah." Seryosong sabi ni Gabb. "Baka hindi ko siya matantiya kapag nakita ko siya ulit." Paano? Paano ko sasabihin 'yon? Hay Dana! --- Maghapon kong pinag-isipan kung paano ko sasabihin kay Sherwin na kailangan niyang sumuot sa napakaraming butas ng karayom bago siya mapatawad ni Mimah. "Anglalim ng iniisip mo." Pansin sa akin ni Ella. "Hirap hukayin ah. Anong meron?" Kinwento ko na sa kanya. Baka sakaling matulungan niya ako. "Oo nga pala. Hindi pa ako nakakasuntok sa gagong 'yon." Pati ba naman siya?! "Angwa-war freak niyo. Nagsisisi na 'yong tao." "Dapat lang siyang magsisi dahil pinaiyak niya si Mimah. Tsk. Ayokong ma-badtrip. Huwag natin siyang pag-usapan. Oh papunta dito si Everest. Papa-cute na naman 'yan sayo." Tatawa-tawa siyang naglagay ng earphone. "Ayoko makinig sa kakornihan niya." "Hi, Dana. Kumusta ka na?" naupo siya sa tabi ni Ella. "Hi Els. Zup?" Hindi sumagot si Ella. Snub naman! Haha! "Okay na 'yang sugat mo?" Baling niya sa akin. Tumango ako. "Medyo mahapdi lang minsan." Hindi nauubusan ng kwento si Everest. Puro naman mga kalokohan at pagyayabang sa mga naging ex niya. May mga napapadaang magagandang babae, lagi niya bida na ka-date na daw niya. Haha! Hindi naman malabong mangyari pero hindi naman dapat ipagyabang ang mga ganung bagay. "Ah Dana kung liligawan kita may pag-asa ba ako?" Tinanggal ni Ella ang earphone sa tainga niya. "Hoy sabi sayo bawal siya ligawan. Napakakulet." "Oh nakikinig sa usapan ng iba. Hindi ikaw ang kausap ko. Si Dana e." "Kapal mo talaga." Pinalo ni Ella ang braso niya. "Kupal." Tatawa-tawang iniharan ni Everest ang bag niya. "Tigre nito. OA." "Tigil na kayo."saway ko sa kanila. "Sige. Sasagutin ko ang tanong mo ha? Pero tanong din ang sagot ko." Nag-abot ang kilay niya. "Huh?" "Kailangan ba may assurance na may pag-asa bago ka manligaw? Pwede bang manliligaw ka kahit walang pag-asa? Nakakabawas ba ng p*********i kung hindi kaagad gusto ng babaeng gusto mo?" "Naku. Hindi uubra ang ganyang paliwanag sa kanya." Inis na sabi ni Ella. "Ang ibig niyang sabihin Everest, sa tanong mo lang na kung may pag-asa ka kung liligawan mo siya e. Olats ka na. gago ka talaga manligaw. Hihingi ka agad ng assurance." Napapalo sa mesa si Everest. "Mukhang sa'yo ako dapat magpaturo manligaw Dana. Paano ba? May type kasi akong babae. Hindi ko alam paano ligawan." Nagbuklat ako ng libro. Kunwari nag-aaral ako. Haha! Wala akong idea sa pabor na hinihingi niya! Hindi ako nanliligaw! Grabe! Dumating na rin si Gia. Saan naman kya galing 'to. May paperbag pang dala. Baka hindi nauuwi nang tanghali. Deresto training na. Sipag naman! Haha! Gusto mapasali sa Team A! May kabolahan na si Everest! Sila-sila ang nag-uusap tungkol sa ligawan na 'yan. Ano kasi si Gia, open na nagkakagusto sa babae. Akala mo talaga marunong manligaw. Haha! "Bigyan mo ng flowers." Payo pa niya. "Yung Red para romantic." "Ilan na ba ang napasagot mo dahil sa flowers?" pambabara ni Ella sa kanya. "Malalanta 'yon." "Luh pero pwedeng itago. Ito walang kakilig-kilig sa katawan." Mukhang naka-get over na si Gia sa presence ng crush niya. Nananagot na e! haha. "Ah! Siguro wala pang nagbibigay sa'yo ng bulaklak 'no?" Tumaas ang kaliwang kilay ni Ella. "E ano kung wala? May problema ka ba dun ha?" "E de ako ang unang magbibigay." May kinuha niya sa paperbag ang tatlong pulas rosas. Haha! "Thank you sa pagtuturo sa akin. Pasado ako sa Chem." Hahaha! Namula si Ella! Tumayo ako para imasa-masahe ang balikat ni Gia parang dun sa mga boksingero. Haha! "Wala pa ring tatalo kay Gia!" hahaha! "Nagkakasiyahan yata tayo dito." Si Ate Abby yan. Kasama niya si Empire. "Bat may pa-flowers?" "Bigay ng manok ko." sabi ko pagkaakabay kay Gia. "Nanggugulat e! haha." "Bakit kayo magkasama?" tanong ni Ella sa kanila. "Nagkasabay lang." sagot ni Ate Abby. "Si Dana ang hanap niya. May sasabihin daw siya e." "Actually, gusto lang kitang makasama Abby. Palusot ko lang si Dana." Nahihiyang sabi ni Empire. "Sorry." Oh My gas! Isa ring umiibig ito?! Teka! Hindi pwedeng! "Ekshus me. Mawalang galang na sa'yo Empire." Pumagitna ako sa kanila. "Bawal. Ikrash o magkagusto kay Ate Abby. Distansya amigo. Marsela Santos lang ang pwedeng dumikit-dikit sa kanya." Lumayo naman siya pero slight lang. "Grabe ka, Dana. Parang hindi ka kaibigan." "Lam mo 'tol. Magkaibigan tayo. Pero mas kaibigan ko si Sela. Kaya alam mo na. Sino mas matimbang." E asan na kasi si Sela. Tsk. Dapat igihan niya ang pagmababakod dito kay Ate Abby. Napakakonting moves na lang rurupok na 'to. Sure ako diyan. "Magsisimula na ang final rehearsal nina Sela." Sabi ni Ella. "Punta na tayo." --- Hindi na sumama ang mga boys. Naratnan na namin si Mimah sa audience. Hindi nagyaya ah. Angsama naman nito. Wala pala kaming training hindi man lang ako sinabihan. Focus na focus sa panonood 'te? Notice me Idol! Haha! Kumakanta na si Sela. Anggaling pala niyang kumanta e. Dapat hinarana na lang niya si Ate Abby. Gugutom na ako. At may baon ako siyempre! Bawal akong malipasan ng kain. "Mimah, kain. Anong gusto mong flavor? Assorted 'to." Pinakita ko sa kanya ang laman ng bag ko. Limang cheesecake ang binili ko kanina. Bawal makita ni Gia. Uubusin niya e. haha! Umiling siya. Nakatuon lang ang pansin niya sa stage. Luh sungit naman nito. Kapag kinakausap siya ni Ella sumasagot siya. Kapag ako hindi. Anong problema nito sa akin? Bahala ka nga Mimah. Ubusin ko na lang 'tong cheesecake. Busog pa ako. Tapos na ang rehearsal. Pinuntahan namin si Sela sa backstage. Si Ella ang hinihila-hila ni Mimah. Parang ganito lang rin 'yong hindi niya ako pinapansin ha. Hanging amihan na naman ako. Tsk. Manglilibre ng dinner si Ate Abby. Uhm. Mukhang baliktad na ang sitwasyon. Pinagsisilbihan niya si Sela e. Kilig naman si Ella. Nag-o-okay sign siya sa akin. Nginingitian ko lang. Hindi lang ako natutuwa sa pang-i-snub ni Mimah. "Anong order mo 'tol?" Iniaabot sa akin ni Gia ang menu. "Carbonara lang sa akin. Tinatamad ako mag-rice." "Pareho lang din sa'yo." "Aba! Himala. Hindi ka magra-rice 'tol. Diet ka?" Tiningan ko siya na parang sinasabing manahimik siya. Good. Gets naman. Inabala ko ang sarili ko sa phone. Ka-chat ko ang mga dati namin kaklase, si Mama, si Tita Zai. "Mimah, cute nito oh." Pinakita ko sa kanya ang isang pares na sapatos. "Bagay 'to sayo." Tiningnan naman niya pero bumaling din agad siya kay Ate Abby. Nagkatinginan kami ni Gia. Nakakainis na 'tong trip ni Mimah. Hoooh! Sumenyas ako kay Gia na tawagan ako. Mag-ring lang ang phone ko saka ako lalabas. Pag-ring ng phone ko nag-excuse na ako para lumabas. Tamang palusot lang para makaiwas saglit kay Mimah. Ito namang si Lea tumatawag. Deds na deds to kay Gia. Haha! Kausapin ko na nga. Video call para mas ramdam ang presensya ng kulay niya. Hahaha! Bilad sa araw dahil sa training. "Hoy bakit ka napatawag?" "Namo ka Dana. Ang-snub mo. San na si bebelabs?" "Wala. Ito hinahanap yung wala! Haha. Kumusta naman diyan?" Napakwento siya sa hirap ng training nila. Sepak takraw ang sports niya. Sa bilad pa naglalaro. Kaya makintab na ang kulay niya. Haha! "Ilabas mo na kasi si Gia. Gusto ko masilayan ang ganda ng akin bebe." Anglakas ng tama talaga! "Gaga! Haha. Wala si Gia! May iba nang bebe! Ako na lang bebe mo! Hahaha!" "Uy 'tol..." "Bebalabs!" haha. Huli ka Gia! Hinarap ko na sa kanya ang phone ko. haha! Mukha ni Gia e. "Bebe! Kumusta? Hindi mo man lang ako miss? Haha!" "Uy Lea, pumuti ka yata!" Walanghiya! Nagkabolahan pa! Magaling mambola tong si Gia e. "Anong skin care mo ngayon? Gusto ko rin gamitin.hahaha!" "Gago. Alam ko yang tinutumbok mo. Naku kapag ako kuminis HU U ka sa akin bebelabs!" "Aba magpakinis ka na kung ganun! Hahaha!" "Gia..." "Dana..." Halos sabay na tawag sa amin. Paglingon namin ni Gia sina Ella at Mimah pala. "Uy, mylabs..." Nabitawan ni Gia ang cellphone ko. "Naman Gia! Yung phone ko!" Agad ko itong dinampot. Chineck ko maigi ang screen at likod. "Buti walang basag." "Nakikipagharutan pa pala kayo. Kakain pa ba kayo?" si Ella 'yan. Concern tlaga ako sa phone ko. hinahaplos ko pa baka may konting crack. "Bebelabs!" Muntik ko na naman mabitawan. Binigay ko kay Gia ang phone ko. "Gagi ka Gia. Kausapin mo yan. Nakakagulat." Pagbaling ko kay Mimah napakataray na naman ng tingin niya sa akin. Hay, Naku! Hindi ko alam ang problema nito sa akin. Bahala na kung magalit. "Anong problema mo sa akin 'yon? Hangin na hangin na naman ako." "Wala. Pasok na tayo. Nandun na ang order niyo ni Gia." Inabot na sa akin ni Gia ang phone ko. "'Tol, Luluwas daw sina coach dito next week. Kasama sina Lea. Na-recruit daw ng Mamuru. Kaya pala lakas ng loob tumawag." --- Gumagawa na ako ng assigments ko sa kusina. Karamay ko ang kape at itong laptop na kakaragkarag. Haha. "Late na. Bakit hindi ka pa natutulog?" si Ate Abby. Kumukuha siya ng tubig sa ref. "Kinausap ka na ni Jemimah?" "Konti. Ano bang problema niya sa akin? Toyo na naman." Nilapag niya ang baso sa mesa. "'yung pakikipagkaibigan mo kay Sherwin. Iilang tao lang ang pinagkakatiwalaan ni Jem. Ngayon dahil nakikipagkaibigan ka kay Sherwin, siguro nagkakaroon siya ng konting doubt sayo. Hula ko lang naman 'yon." "Pero wala naman akong ibang intensyon. Gusto lang makipagkaibigan ulit nung tao sa kanya. Naawa lang ako." "Isa pa 'yan. Masyado kang mabait. Maabuso ka niyan Dana. Yaan mo lang si Jem. Lilipas din 'yan. Matulog ka na. Huwag ka na lang munang pumasok sa café." "Magagalit ang manager. Sayang ang sweldo." Natawa siya. "Kaibigan ko ang may-ari ng @McCafee just so you know. Pwede kitang ipatanggal para mapirmi ka dito sa bahay at magpahinga kung gugustuhin ko." Napatanga ako. Ano-ano pa bang sorpresa ang naghihintay sa akin?! Parang hinihintay pa niya akong iligpit ang mga gamit ko. sungit din ni Ate Abby. "Ito na. Ililigpit ko na. Napakasusungit niyo ngayon. Mga may regla ba kayo?" Umismid siya. "Mainit ulo ko, Dana. Dalhin mo pa minsan sa campus yung Boy Putok na 'yon ikakahon talaga kita pabalik nang Pangasinan." Bago ako matulog nagmessage ako kay Sherwin na hindi ko na siya tutulungan kay Mimah. Hindi ko afford mawala ang pagkakaibigan namin. Ayoko siyang madisappoint sa akin. Nagselfie ako saka ko sinend kay Mimah. "Sorry na... cute pa rin ako... hehe. Goodnight!" Angry reacts ba naman ang reply sa picture ko! Pero may kasunod na selfie din niya. "Night Dana." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD