OBP 17
DANA
Good morning Saturday! Excited ako dahil paluwas na si Mama kaninang madaling araw pa. Nagluluto na nga ako ng almusal e.
"You're too early. Anong meron?"
Ay gising na si Mimah. "Maaga ka ring nagising. Ano ring meron?" Panggagaya ko sa kanya. Hehe. Sarap nito buesetin sa umaga e. Nakaipit ang buhok niya sa tuktok. "Mimah pag makita ka ng iba na ganyan ang ayos mo hindi na sila matatakot sayo. Haha. Gugustuhin ka na nilang iuwi. Angcute mo e. o parang bata."
Lumapit siya sa akin sa isinandal ang noo sa balikat ko. "Inaantok pa ako."
"Mimah parang ewan. Inaantok pala bakit ka bumangon. De natulog ka pa sana."
"Angbango naman kasi ng niluluto mo. Nagugutom ako. Ano ba 'yan?"
"Sangag lang. haha! Naloko ka ng bawang! Oh may itlog na may patatas. Gusto mong kumain tapos matulog ka na lang ulit?"
Dumulog na siya sa mesa. Dumukdok pa e. Inaantok pero hindi matiis ang pagkain. 5:30 pa nga lang e. Matutulog pa 'to sigurado pagkakain.
Pagsasaluhan namin ang sinangag, itlog na may patatas at pritong bangus. Sarap 'to! Naghati kami sa isang tasang Milo. Wala na kasing matitimpla. Pinapapak kasi namin ni Gia. Haha.
"Bakit nga maaga kang gumising?" usisa ulit niya. "Sabado naman."
"Darating si Mama." Masaya kong sagot. "Papasyal kami mamaya. Sayang. May lakad kayo 'di ba? Isasama sana kita e."
Pinapanood niya akong kumain ng bangus.
"Masarap 'to. Try mo."
"Matinik."
Pinaghimay ko siya ng bangus. Naku kawawa na sina Gia naubos na kasi namin. Tinuruan ko nga rin paano magkamay e. "'Di ba? Masarap. Ubusin na natin. Pagprito ko na lang sila ulit."
"Maalaga ka 'no? Swerte ng magiging boyfriend mo."
"Eeh? Hindi mo pa ko kilala nang lubusan. Kaya hindi mo masasabi kung swerte ng magiging jowa ko."
"Ramdam ko lang."
"Hindi rin. Feeling ko kasi possessive ako, clingy and strict."
"Paano mo nasabi? You had an ex na?"
Uminom ako ng milo. Sandaling nag-isip. Ex? Official? Like mag-on?
"Marami ba para mabilang?" natawa niyang tanong. "Wow ha."
"Gagi. Hindi. Iniisip ko kasi kung ung ex-M.U e counted haha. Parang tatlong ex M.U. Kaya siguro nagsawa kasi strict ako sa oras. Haha. Di bale na nga."Natawa ako sa naalala ko. "Ay lam mo ba. Haha! Yung si Lea. Ex M.U namin ni Gia. Haha. Pero wala. Gang tropa lang talaga pala."
Napatingin siya sa akin. Tumaas ang kanang kilay niya. "Ex M.U. ninyo?"
Tatawa-tawa akong tumango. "Secret M.U. sila. Tas kami. Haha. Gago 'yon. Sabi sabay kasi hindi niya alam sino gusto talaga."
"Tas okay lang sa inyo ni Gia?"
"Siyempre hindi. De iniwan namin siya! Haha. Babae lang siya tropa kami ni Gia. Tas naging tropa na lang din namin si Lea. Cool naman siya e."
"Weird friendship."
Gising na rin si Gia. Dumulog na rin siya sa mesa. Nagpangalumbaba. Siyempre tulala sa umaga. Hindi na namin siya pinapansin. Ganyan naman 'yan lagi e. Tapos na akong kumain. Napadighay na ako. Sarap ng luto ko naman! Uminom pa ako ng milo. Tinirhan ko na lang si Mimah.
"Magkainlaban kayo niyan." Napatingin kami kay Gia. Aba! Yun ang unang salita niya sa araw na 'to. "Huwag niyo akong pansinin. Kinikilig nga ako sa iisang tasa e."
---
Nakaalis na sina Mimah nang dumating sina Mama. Sayang naman hindi sila nagpang-abot. Iniaayos na ni Mama ang mga pasalubong niya sa amin. Angdaming daing na pusit! Sobrang saya ng tiyan na naman ni Gia nito.
Chine-check ni Tita ang sugat ko. "Masakit pa ba?"
"Hindi na po. Pwede na ngang band-aid na lang e."
"Huwag muna. Baka malimot mong may sugat ka e. Makamot mo. Hayaan mo lang na ganyan." Nilagyan niya ulit ng gasa ang sugat ko.
"Gia naibawi mo ba tong si Dana?" tanong ni Mama. "Magkakapeklat pa sa mukha e."
"Opo naman Tita. Kaso sa braso lang sayang e."
Si Mama talaga kinokonsinte si Gia. Noon pa man ganyan na 'yan. Kapag may nambully sa akin si Gia ang inaasahan niyang babawi. Grabe siyang nanay 'no?
Hinintay lang namin sina Ella. Susunduin niya kasi si Gia. May date yata sila. Haha! Aba si Gia excited na naman.
"Ella mag-iingat ha?" bilin ni Tita Zai. "Pakialalayan si Gia."
"Opo. Mauna na kami. See you later po."
Tinapik ko ni Gia sa balikat. "See you 'tol."
Nakapagsimba na kami. Pupuntahan daw namin ang dating pinagtatrabahuan ni Papa. May iki-claim kasi si Mama. Kailangn ng pirma namin. Baka insurance.
"'Di ba magkawork sina Papa at Papa ni Gia. Bakit hindi natin kasabay Mama?"
"Nauna na kasi siyang nagprocess."sagot ni Mama. "Ako e hindi pa makapagdesisyon. Pero nakadepende lahat sa'yo 'nak."
"Bakit ako?"
"Malalaman mo rin naman mamaya."
Nasa tapat na kami ng Isang campus. Brightside Academy. Maraming nakapark na magagarang kotse. Ah ito siguro 'yung kinukwento ni Mimah! Sinundan lang namin si Tita. May mga sumalubong sa amin na men in black, mga Pulis Pangkalawakan! Hehe. Parang 'yung sa PMA Baguio ang dating. May mga nakakasalubong kaming kasing-edad ko na nagmamartsa.
"Ma, anong meron dito? Bakit parang PMA?"
"Ganyan ang training ng papa mo noon."
Teka! Kung ganito ang traning ni Papa. Hindi malayong mangyari na pulis pangkalawakan din siya! Uh ibig kong sabihin ay Agent din si papa?
Nasa tapat kami ng isang office. Kumatok si Tita. Pinagbuksan kami ng isang babae na nasa late 40s na ang edad. Medyo kita na ang wrinkles sa noo e pero maganda pa rin!
"Pasok. Maupo kayo. Nice to see Zai. How are you?"
"Okay lang Maam. Kayo Po?"
Miss Xerelyn. Yun lang ang nakalagay na pangalan sa ID niya. Bumaling ang tingin niya sa akin. Napatago ako sa likod ni mama. Natakot ako e. Mula ulo hanggang paa pabalik kasi ang tingin kasi sa akin.
"Kamukha ni Gavreel."
Siyempre! Tatay ko 'yon de kamukha ko siya. Ampf. Angsungit naman nitong si Miss Xerelyn. Baka matandang dalaga 'to. Haha!
Naupo na kami. Kinakabahan talaga ko sa mga tingin ni Miss e.
"Rion, wala ka bang balak bumalik sa Academy? Malaki na itong si Dana. Ayaw mo bang magkasama kayo dito sa Manila?"
Umiling si Mama. "Tahimik na ang buhay ko. Mas masaya na ako ngayon. Mas marami nang magagaling na guro. Hindi na ako bagay dito."
Hindi ko gets si mama. Pulis pangkalawakan din siya? Bumaling sa akin si Maam Xerelyn.
"Do you have Gavreel's card?"
"Yung parang ATM." Sabi sa akin ni Mama.
Kinuha ko ito agad sa wallet ko. Binigay ko kay Maam Xerelyn. Maryoon siyang gadget kung saan niya ito pinasok. Sa laptop naman ay may mga pinindot siya.
"This will be your VIP card." Sabi ni Maam pagkaabot sa akin ng card. "Since ikaw ang beneficiary ni Gavreel, you'll receive funds from Brightside."
"Po? Ano po ibig sabihin nun?"
"Haven't explain anything to her." Sabi ni Tita.
Napabuntong hininga si Maam Xerelyn. "Si Rion na lang ang magpapaliwanag sa'yo. By the way, here's an application for baka maisipan mong pumasok sa academy."
Hinablot ni Tita ang form. Tinupi niya ito. "No way. Not another Ermino, maam."
---
Pumunta kami sa isang building. May mga kasunod din kaming dalawang agents. Requirement din ba na pogi ang agents? Haha. Pogi kasi nila! Anways, Ang nakalagay na pangalan ng building ay Fallen Heroes. Nakakakilabot naman dito. May mga picture ng mga agents na nakasabit. May petsa ng sa ilalim nito. Siguro mga taon kung kelan sila nagserve. Ano ba naman! Bakit may ganito? Feeling ko sinusundan nila ako ng tingin. Haha. Napakapit ako kay Mama. Ay mali si Maam Xerelyn pala ito. Bumitaw ako agad. Kakahiya haha.
Sa bandang dulo ay magkatabi ang larawan ng Papa ko at Papa ni Gia.
"Isa si Gavreel sa mga agents na nagbuwis ng buhay para protektahan sina Mika." Pagsisimula ni Maam Xerelyn. "Matuwid na agent si Gavreel. Isa siya sa mga naunang agents ng Brigthside na recruit ng lolo mo."
"Si Papa ang nagrecruit kay Kuya Gav." Sabad ni Tita. "Bago pa lang ang Brightside agency noon. Kailangang mga pinagkakatiwalaan lamang ang kukunin."
Tinanggal ng dalawang agents ang picture ni papa. May vault pala dito! Angdaming secrets ng building na 'to! Ilang gamit ni papa ang nasa vault. Hindi kaya may espiritu yan? Haha! Bracelets, relo, kwintas, may baril pa! Pinalo ni mama ang kamay ko nang dadamputin ko na ang baril.
"Grabe. Titingnan lang e!"
"Bawal ka pang humawak ng baril. Wala kang training."
"Si Mama. Hindi ko naman ipuputok yan."
"Same stubborn like Gavreel." Ahy! Si Maam Xerelyn nag-smile! Pretty din pala siya. "Rion, baka gusto mong makita ang mga dati mong estudyante? Hinihintay ka nila sa academic campus."
---
Papunta na kami sa sinasabi ni Maam na academic campus. Ano kaya ang pakiramdam na maging agent.
"Dana, hindi mo naman siguro iniisip na maging agent 'no?" si Tita 'yan. "Pagsabihan mo yan anak mo Ate. Hindi ako natutuwa sa kanya."
"Ikaw naman. Nasa tamang edad na si Dana. Kung gusto niyang maging agent hayaan na natin."
"Ate naman. Namatay sina Papa at Kuya Gav dahil sa pagprotekta ng iba. Gusto mo pang pumasok sa Brightside tong si Dana? Nag-iisang anak niyo 'yan."
"Kung 'yon ang calling niya. Bakit hindi? Kung dun siya masaya." Bumaling sa akin si Mama. "Gusto mo bang maging agent 'Nak?"
Nagkibit-balikat ako. "Isipin ko pa po. Uhm, si Gia? Alam na rin niya?"
Tumango si Mama. "Nasabi nga rin ni Celeste na magpapa-enlist si Gia sa Brightside. Parang desidido na siya e."
"Sa Brightside ka din Mama. Agent ka din?"
Umiling si Mama. "Sa academics ako. Kami ni Celeste. Parang tutorial classes sa mga anak ng mga promininteng tao sa Pilipinas. Itinuturo din dun ang iba't-ibang uri ng self-defense."
"Tulad nina Mimah?"
Tumango si Mama.
Astig pala ng mga magulang ko e! Ah magulang namin ni Gia! Cool people! Kaya cool din kami ni Gia! Haha.
---
Kasama na ni Mama ang mga dating estudyante nila. May paparty sa kanya e. Na-bored na ako. Hehe. Busog na rin ako sa lunch kaya pasyal-pasyal muna sa campus. Kasama ko Maam Xerelyn na naglilibot. May mga nadaanan kaming arts class. Anggaling pagsilip ko anggaganda ng mga painting e. sanaol magaling magpaint. Haha!
"Gusto mong makita ang self-defense classes?"
"Opo!" excited kong sagot. Nagulat yata si Maam sa excitement ko. "Ahy sorry."
Natawa siya. "Bakit parehong-pareho kayo ng reaction ni Gia.
Pangatlong building ang pinuntahan namin. Arnis training ang pinasok namin. Na-excite din ako! Nagtraining din kami ni Gia ng arnis sa probinsya. Teka! Kilala ko itong isang trainor! SIya yung master namin ni Gia! Nginitian niya ako. Sabi ko na! Naglinya ang mga trainors at mga estudyante.
"Humanda sa pagpugay!" sigaw ng isa sa mga nakablack belt na trainors. "Pugay!"
"Po!" sabay-sabay na sagot ng mga estudyante. Angsarap pakinggan!
Nilagay ko ang kakakuyom kong palad sa dibdib ko. At tinanguan din sila. Kinausap ni Maam ang mga trainors. Grabe! Nakakakilig panoorin ang mga nagco-combat. Nakakamiss!
"Long time, no see Dana." Si Master Jeijan. Siya ang nag-introduce sa amin ni Gia sa arnis nung mga 6 years old pa lang kami. "Nagti-training ka pa rin ba?"
Umiling ako. "Natuon ang pansin ko sa badminton Master."
"Ganun ba. Sayang naman. Last week e nandito rin si Gia. Nagyabang." Natawang sabi ni Master. "gusto nga ulit magpaturo. Mukhang gagayahin ang papa niya."
Hahaha! Si Gia talaga. Ginalingan na naman sa pagyayabang.
"Ate Dana!" nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Coleen. Kararating lang niya. Nagpugay din siya kay Master bago bumaling sa akin. Yumakap pa e. angbaby naman talaga. "Anong ginagawa mo dito?"
"Pasyal lang." sagot ko. "Ikaw? Nag-aarnis ka rin?"
Tumango siya. "Katatapos lang namin mag-fit ng damit para sa wedding. Deretso na ako dito e. Sayang klase. Bihis lang ako ate. Excuse po, Master."
Nakalayo na siya konti nang tumigil siya at nilingon ako. "Bad mood si Ate Jem. Baka magulat ka hindi siya namamansin. And ano nasa archery class siya."
Hindi ko naman tinatanong.
"Friends kayo ni Jemimah? Buti may kaibigan na iba din ang batang 'yon."
"Po? Hindi ba siya friendly?"
"Hindi naman sa hindi friendly. Mapili lang talaga. Naging estudyante ko rin ang batang yon noon. Hindi nga siya nakikipag-usap. Napagkamalan pang autistic. Nabully." Iiling-iling na kwento ni Master.
"Graba naman sa autistic. Haha! O de umiyak si Mimah?"
Umiling siya Master. "Pinagcombat ko sila nung nambully sa kanya. E maliksi si Jemimah. Hindi nakapuntos yung isa. Hindi ko nga inawat. Nagkapasa-pasa sa binti si Empire e."
Haha! Si Empire pala! Loko-loko naman pala ang lalaking 'yon e! Parang deserve naman niya magkapasa! Haha!
---
"Saan ang next na pupuntahan natin Maam?"
"Let's drop by the field. Sa Archery." Sa kabilang building lang ang pinuntahan namin. Pagpasok parang nasa ibang kapaligiran ka na! anggaling virtual reality ang peg na mga digding. Iba rin ang hangin. Parang yung simoy ng hangin talaga sa open field!
"High tech naman dito. Parang totoo yung hangin."
"Ito yung pinaka-pricey na building. Maraming simulations ang ginaganap dito. Pero mas madalas itong archery."
Lima lang ang estudyante dito. Kabilang na si Mimah dun.
Humalukipkip si Maam. "Mukhang badtrip si Jemimah." Nakatuon ang pansin niya sa itaas. Monitor ng target. "She usually gets perfect shots."
Hindi tumatama sa gitna ang mga binibitawang arrow ni Mimah. Baka naduduling na. haha. O nabibigatan sa Bow. Parang mas malaki pa sa kanya e. haha. Sa isip ko lang naman. Hindi niya malalaman. Haha!
"Kumusta ka ngayong alam mo ang tunay na kinamatay ng Papa mo?" biglang tanong ni Maam.
"Po? Okay lang po. Hero si Papa. Ano po pala ang mangyayari kapag nag-apply ako bilang agent?"
"Mataas na sweldo, magandang benefits, you get to enjoy some luxury, travel abroad and stuffs."
"Disadvantage?"
"You need to get rid of any friendship with clients."
"Paano po 'yon? Kunwari si Gia po friends nila sina Mimah. Pag agent na siya hindi na sila pwedeng friends?"
Tumango si Maam. "No emotional attachment kahit friendship. Iniiwasan na kasi ng agency ang mga nakaraang problema."
"Luh, ayos nga yung friends ka sa client e. Diba atleast makipagcooperate."
"Friendship can lead to another level attachment Dana. So we don't tolerate such thing."
Wait parang gets ko na ang ibig sabihin ni Maam! "Ah Maam, ibig niyo sabihin may mga meyeyemen na nailab sa agents din?"
Tumango siya. Bingo! Sabi na e! "Ay romantic. Hahaha!"
Angsama ng tingin sa akin ni Maam. Grabe nagcomment lang ako e. Cute kaya 'yon! Yung araw-araw mo kasi pinoprotektahan kaya nainlove ka na. haha. Kakanood ko ng kdrama 'to e!
"Agents must not invest any emotion to their clients. Golden rule in our line of work."
"Okay okay. Grabe naman. Galit agad. HB HB ni maam."
Haha. Angkapal ng mukha ko na bigla. Balik na lang ako sa panonood kay Mimah. Ano naman kaya ang kinabadtrip ng little tiger?
Tapos na yata. Binaba na ni Mimah yung Bow. Lalapitan na namin sila. Tinawag ko agad siya. Kaway-kaway pa nga ako e. Malayo pa lang ako pero kita ko na ang haba ng nguso niya. Haha!
"Laos naman Mimah. Hindi man lang naka-bull's eye." Haha. Kantyaw talaga ang bungad ko kahit bad trip e. "Sinong umaway sa Jemimah namin? Bakit nakasimangot? Sumbong mo yan sa akin. Patikim ko yan ng uppercut kong malupit."
"5'6 na lalaki. Sige kaya mong i-uppercute?" masungit na sagot niya. "Napakayabang mo."
Aba! Sinabihan akong mayamang ah! E ano naman kung matanggkad. Batuhin ko na lang ng sapatos. Haha!
"Ah maam, si Mimah na lang sasama sa akin pabalik kena Mama."
Hindi ko na hinintay na sumagot si Maam. Hinigit ko na kaliwang kamay si Mimah. Apaka-higblood na nilalang e!
Hindi pa naman kami babalik kena Mama agad. Tambay muna kami sa may ilalim ng puno. Ano ba naman dito walang silbi ang mga puno. Walang lamig! Tsk. Dapat buong campus may aircon! Haha.
"Pagkahaba ng nguso Mimah. Huwag mo nang isipin ang mga nakakabadtrip na bagay-bagay."
"Partner ko si Sherwin sa entourage." Bumuntong-hininga siya saka naisuklay ang daliri. "Of all people! Bakit siya pa?"
"Ah paano naging siya ang partner mo?"
"Ewan kay Ate Camille. Hindi ko na tinanong ang pasikot-sikot. I just hate the idea na partner ko siya. That's it!"
"Uhm mukhang tadhana na ang naglalapit sa inyo Mimah." Biro ko sa kanya. "Iba na 'yan. Tas siyempre partner mo siya. Hahawak ka sa braso niya. Lalakad kayo sa aisle... sa tugtog ng tan tan tanan..tan tan tanan..."
Bigla niya akong kinwelyuhan at hinila sa kanya. "You're pissing me off, Dana. Shut up or you'll be dead."
Hindi ako nakapagsalita. Angseryoso naman nito. Tinaas ko ang dalawang kamay ko bilang pagsuko. "Sorry na. shut up na ako." Saka lang niya ako binatawan. Inayos ko ang kwelyo ko. "Grabe talaga. Mapanakit."
"Bakit kasi parang siya lagi ang kinakampihan mo. Ako ang kaibigan mo ah."
"FYI. Hindi ko siya kinampihan. Sinibukan lang kitang ma-enlighten na magpatawad dahil mas masarap ang walang kinikimkim na sama ng loob. At past tense na. kinampiha. Sinubukan. Hindi ko na siya kinakausap. Block na rin siya sa messenger."
"Text?"
"Block na rin."
"Call?"
"Block."
"Sure?"
Tumango ako. "naku. Ayoko naman mag-angry reacts ka na naman sa pretty picture ko dahil sa ex mo. Kahit hindi mo na siya patawarin basta heart reacts ka na lang lagi sa pics ko. haha. Yung puso-puso na mata! Haha!" With pogi sign pa niya at kindat.
Naman to! Pinitik niya ang noo ko. Sakit kaya nun! Tas tatawa siya. "Baliw. Proud na proud ka sa mukha mo niyan ha?"
"Oh! De natawa ka rin!" Hinaplos-haplos ko ang parte ng noo ko na pinitik niya. Kasakit niya. "Seryoso na. Huwag mo na lang pansinin. Kunwari akting-akting lang. At ang lagi kong sinasabi patawarin mo na. Baka pwede bang isalba ang pagkakaibigan."
"Kapag pinatawad mo ang isang tao, hindi naman nangangahulugan na magre-reconnect pa kayo. Sino ba naman ako para hindi magpatawad 'di ba? Just that, I totally want him out of my life."
Tama siya. Hindi naman kailangan makipagkaibigan ulit. Hindi ko na nga siya pipilitin. Baka friendship naman namin mawala. Haha. Tumunog ang phone niya. Pagkacheck nito ay binulsa niya ulit.
"Papunta na sina Gia dito. Katatapos lang ng klase nila."
"Andito rin sila?"
Tumango siya. "Taekwondo class." Malayo na naman ang tingin niya. Badmood ulit? "Gusto kong pigilan si Ella."
"Huh? Saan? Aalis siya?"
Nilingon niya ako. "You can keep a secret naman 'di ba?"
Tinaas ko ang kanang kamay ko. "Secret lahat ng secret mo sa akin Mimah. Promise."
Ngumiti siya pero pilit. "Magpapa-enlist sa Brightside si Ella. She wants to be an agent. Kaya puspusan ang pagtitraining niya. And ayokong maging agent si Ella."
Naalala ko 'yong mga pros and cons ng pagiging agent na sinabi ni Maam Xerelyn. Ibig sabihin hindi na siya pwedeng makipagkaibigan sa clients at sina Mimah 'yon.
"Pero babae naman si Ella. Pwede naman siya maging friends. Diba?"
"Openly gay ang ilang members ng families namin. They're thinking one step ahead kaya kung agent ka na, hindi ka na pwedeng makipagkaibigan sa kahit kaninong kliyente."
"Napakahirap naman pala..."
Nabalot kami ng katahimikan. Iniisip ko na ang future kapag naging agent na si Ella. Angcool siguro non. Marami siyang alam na self-defense, baka marunong na rin siyang gumamit ng baril. So cook!
"You knew about your father na rin siguro." Sambit ni Mimah. "Hindi ka naman dadalhn nina Maam Xerelyn dito kung wala ka pang alam e."
"Alam mo din?"
Tumango siya. "Napagalitan pa nga kami ni Ella dahil hinack niya ang system ng Brightside."
"Galing naman ni Ella. UHm. Oo. Kanina lang. Inalok din akong magpa-enlist. Hinablot nga ni Tita 'yung application form e." nahimas-himas ko ang baba ko. "Number one kontra si Tita."
"Number two ako."
"Ah? Bakit?"
Umiling siya. "Wala. Gusto ko lang kumontra. Friendship over na tayo kapag naging agent ka. I don't know. Maybe I'm just overthinking again. Bahala ka na nga lang kung ano ang magiging desisyon mo. Buhay mo naman yan."
Masyadong pang maaga para magsalita ako ng tapos. Malay mo kasi bukas makalawa gusto ko nang maging agent. Pero anglungkot naman kasi niya bigla. Mabaliw na 'to kakaoverthink sa bagay-bagay. Tinusok ko ng hintuturo ko ang pisngi niya.
"Smile na. Hindi ako magpapa-enlist. Magwoworry din si mama. Magwoworry si Tita. Mawawalan ka ng friend na pogi na maganda pa. Kawawa ka naman."
"Mayabang din." Tumayo na siya. "text ko na lang sina Gia. Puntahan na natin sina Ate Zai. Masyado na mahangin dito."
---
AN: Henlo. Thank you for reaching this chapter. Wala akong maipost na multimedia kasi hotspot ng phone lang ang gamit ko. tsambahan ang mabilis ng internet.
Please support MNL48 guys. Especially Pikababe. J
And do support other MNL48 Au writers. Vote every chapters, leave a comment (wag lang yung nakakasakit. Hehe. Kung may napupuna kayo na dapat pang iimprove sa pagsulat namin pakicomment in a nice way), recommend their works.
At kung ikaw ay isang author na nagsisimula pa lang at nalulungkot na konti ang nagbabasa o bumuboto sa sinusulat mo, keep writing lang kapatid. LAHAT NG MARAMI AY NAGSISIMULA SA KONTI. AT LAHAT NG MERON AY NAGSISIMULA SA WALA. J
I am really hoping na isa sa mga new writers ngayon ay uusbong din ang career and be a published author someday. Angcool kaya nun! Hehe. Napakwento na ako. Anyways. Godbless!