OBP 18
JEMIMAH
"Anglungkot ng bahay 'pag wala si Dana 'no?" That's Gabb. We're having our breakfast that she prepared. "Luh three days nang hindi umuuwi dito si Danababe. Sad."
Tita Rion extends her stay. Tumutuloy sila ni Dana kena Ate Zai pansamantala.
"Mimah magsakit-sakitan ka nga para umuwi si Danababe." Dagdag pa ni Gabb.
"Teka ikaw nakakamiss 'di ba? De ikaw magsakit-sakitan." Pagsusungit ko sa kanya. "It's not like hindi na siya babalik dito. De puntahan mo na lang."
"Si Dana ba ang namimiss niyo o yung luto niya?" may halong pang-aasar na tanong ni Gia. "Yaan niyo muna makabonding ni Dana ang Mama niya. Saka nag-iisip-isip 'yon."
Must be Brightside Application that's bothering her. Seems mawawalan pa ako ng dalawang kaibigan dahil sa Brightside. f**k this life huh.
Pumasok na sina Gabb. Sumisipag na siyang pumasok. Baka may bagong natitipuhan sa klase. Ganyan kasi 'yan kamotivated kapag my prospect.
"Uy Jem, san punta?" tanong ni Gia. Nakahiga siya sa sofa habang nakatutok sa phone. "Sama ako."
"Sa Café."
"Para kang may attendance din sa café. Haha. Hindi ka ba nagsasawa sa routine mo dun?"
"Hindi naman. Wala ka bang klase? Bakit nandito ka pa?"
"Inaabot ako ng katamaran e." naupo na siya.
"Sama ka na lang sa akin."
May sweet tooth si Gia. Dalawang choco cake ang order niya saka choco milk tea. Nakakaumay kaya ang ganito katatamis na pagkain.
"Cool naman pala tumambay dito. Bukas ulit ha? Basta libre."
Hindi ko siya inimik. Nakatuon ang pansin ko sa phone ko. Checking emails and managing our hotel. One step at a time ang pagpe-prepare sa akin ng parents ko sa business kaya heto onti-onti I'm trying to cope up naman.
"Ganito madalas? Tambay ka dito. Inom milktea. Basa libro. Basa phone. Ang-boring ng routine mo Jem."
"Not even asking your opinion,"sagot ko. Iniscroll ko ang emails. Tsk. Someone's requesting for a meeting with me. Matawagan nga si Papa. Thank God sinagot niya agad.
"Hello 'Nak. Bakit ka napatawag?"
"Mr. Harisson is requesting for a meeting. Hindi pa ba settled ang pag-iinvest niya sa atin? Or may ibang agenda?"
"Hindi pa. he's having second thoughts. And he would like you to meet his son."
"Not again. Cancel the meeting. Kung mag-iinvest siya mag-invest siya. Papa naman. Hindi natin sila kailangan."
Tumawa lang si Papa sa kabilang linya. "He's listening Hija. He's listening."
"Whatever. I'm not going to meet them. Bye."
Nilapag ko ang phone. Nakakainis lang kasi talaga na marami ang gustong makipag-meet sa akin just to introduce their sons. Anong tingin nila sa akin? Kasama sa profit na mae-earn nila kapag nag-invest sa RGC? Hay these people talaga!
"Kunot noo. Pero cute pa rin. Aba Jemimah lang 'yan." Pumapalakpak pang sabi ni Gia. "bawas-bawasan mo pagsusungit mo Jem para hindi sila ma-curious sa'yo."
I look at her confusedly. Pinagsasabi nito.
"Ganito kasi 'yan. Masungit ang tingin sa'yo ng ibang tao. Nacha-challenge sila na paamuhin ka. Gets mo 'ko? Lam mo na. parang dagdag pride nila kapag naging maamong tupa ang isang Jemimah Reyes." Uminomg ulit siya ng milk tea. "Marami kaya ang nagkakakras sa'yo dahil masungit ka. Iba talaga siguro ang dating pag masungit. Hahaha!"
"Should I take that as a compliment?"
She shrugs her shoulders. "Ewan ko. Siguro. Pero hindi pa naiinlab si Dana gurl sa'yo kaya laos pa ang sungit mo sa pader niya." Then she laughs. "Ito Jemimah ha? Yung kaibigan ko madali ma-fall 'yon. Hinay-hinay sa pagiging sweet."
"Hindi ako sweet."
"Akala mo lang hindi. Iba ang nakikita namin sa naiisip mo. Pero keri lang. Boto naman ako sa'yo." She talks like she's sure of everything she sees and says. Tactless Gia.
"I'm straight."
She just give me a blank stare. "Oh? Okay. Oh kain tayo cake." Sumubo na naman siya ng cake. "Hmm! Sweet!"
Nagpaka-busy na rin siya sa phone niya. "Halla! Walanghiya 'tong si Dana."
"Dana!" That Cindy. Yeah. She's too loud rinig hanggang dito ang boses niya. Napatili pa siya.
Agad tumayo si Gia. Pumunta siya sa may railings. "'Tol! Bakit kayo magkasama?" sigaw nito.
Sinundan ko na rin siya. I lean on the railings. Dana is with a woman. Bumaba agad si Gia. She excitedly hugs the woman.
"Hoy! Lea, Walanghiya ka. Nandito na pala."
So she's that girl, Lea. She's tall, morena, long-haired, and must say a little pretty. Dana saw me. She waved at me. Tinanguan ko lang siya. Bumalik na ako sa upuan ko. Put on my headset and started streaming some vids.
I'm a bit surprised with Ella sent me a picture. Dana is with some Mamuru University students. She's kind of stupid talaga. Hindi siya aware sa rivalry ng schools? Lea is a recruit of Mamuru pala. So that explains. Hinatid pa ba niya? Maliligaw ba yung babaeng 'yon kung hindi ihahatid? Tsk tsk. Stupid.
God! Now she's under fire na naman. MZU students are bashing her. I'm scrolling some comments. Whattahell? They're actually bashing her for cheating on me? God! Anong nasa isip ng mga 'to?
Ella is calling. I answered her call immediately.
"Hey. Why you call?"
Nakataas ang kilay niya. "Wala. Maganda ba ako Jemimah?"
God! Bakit ganun ang bungad niya? I laugh at her. "You woke up at the wrong side of the bed huh? Anong problema mo?"
"Hello! Nandito ako sa school. Wala akong kasama!" inikot niya ang phone. Nasa tapat siya ng library. "Samahan mo kaya ako dito?"
"Okay. Sige. Punta na ako diyan."
"Mimah!" nag-angat ako ng tingin. It's them. Nakahawak sa braso niya si Lea. Maliligaw ba siya kung bibitaw siya? "Na-miss kita..."
"Same. But I need to go." Dinampot ko na ang phone at bag ko. "Samahan ko si Ella."
"E de puntahan natin." Said Dana.
Hindi nag-iisip! "Seriously? You're doing it again? Letting outsider inside the campus?" bumaling ako kay Lea. "Look, kung may catching up thingy kayong tatlo. Do it outside the campus. Ipapahamak niyo lang mga sarili niyo."
Hindi talaga nag-iisip! Napakalakas pa ng loob na dalhin dito ang kaibigan nila. Hay Naku Dana! Sunod-sunod ang notifs sa phone ko kaya napatigil ako sa may hagdad. Chineck ko muna ito. MZUmazing. Now they're top topics. May nagbabayad na naman to shame them just because they're with a Mamuru student. I frustratedly brushed my hair with my fingers. Binalikan ko sila.
"Dana. Let's talk."
Nilapitan niya ako. "Akala ko pupuntahan mo si Ella."
Pinakita ko sa kanya ang app. "Please, ihatid mo na si Lea. She's within the vicinity ng MZU. And it's not safe for the three of you."
"Tsk. Na naman. Okay. Okay. Ipapasundo ko na lang siya sa agents."
"The hell? Sino siya para ipasundo mo sa Brightside?" her face turned pale but I don't care. "She's your responsibility but don't go beyond the line. Keep the secrecy of Brightside din."
God! Nagbabadya naman ang luha niya.
"Sorry." I held on her face. "I'm just concern, okay? It ain't safe talaga for her to stay here. And it might ignite another issue between the schools. Maggagantihan na naman. It's a damn cycle na iniiwasan ko. You get me?"
She nodded. "Pasensya ka na." Pinunasan niya ang luha niya. "Ihahatid ko na lang siya."
"Huwag na pala. I'll just call someone."
Tinawagan ko ang isang kaibigan from Mamuru University. She agreed na susunduin niya si Lea. Can't believe poproblemahin ko rin ang ganitong bagay. Pinapunta ko na rin si Ella dito. High blood siya. Haha! She texting me ng napakahaba. As if hindi siya nagpapasok ng outsider. I'm talking about Broddy.
Nagkukwentuhan sina Gia at Lea. I can't understand what their language is. Dana seemed to cut her tongue out. She's just zoning out. Sinipa ko ang paa niya. Napatingin siya sa akin. Blank stare.
"What's with the zoning out?"
"Wala."
"And you think maniniwala ako? Come on. Anong problema?"
"Wala nga."
Dumating na si Ella. Kasabay niya si Saffire, isang Mamuru Student at Kinakapatid ko. Ella got a little clingy. Naka=piggy back ride ba naman. Ate Saffire is way taller than us kaya kaydali siya na pasanin kami sa likod. Bumaba na si Ella.
"Kaystrong naman ng Saffire. Matatag!" tawang-tawang tinapik-tapik ni Ella ang biceps ni Ate.
Nagbeso kami ni Ate. "Pasensya ka na Ate. Emergency kasi."
"It's okay. Good thing ako ang tinawagan mo."
Pinakilala ko siya sa kanila. Overall president siya ng mga sports clubs sa Mamuru kaya safe na siya ang sumundo kay Lea.
"You're Dana, right? Kagagaling niyo lang sa Mamuru kanina." Said Ate Saffire. "Buti nakilala kita nasabihan ko ang mga ka-brod ko. They almost kick you out of the campus." Bumaling naman sia kay Lea. "Please, read the handbook. Hindi pwede ang outsiders sa campus."
Inawat ko na siya. She's your maasahan na president but really scolds you kahit sa harap ng maraming tao. "Ate Saffire? Calm down, please."
She sighed. "Tara na, Tolentino. You need to meet your team."
"Text-text na lang mga bebe. Mukhang sermon ako agad sa first day ko."
---
Bumalik na kami sa bahay. Still have time to spare. And lots of time para lecture-ran ang dalawa. Ella does the honor of doing it. Sinabi na niya ang DOs and DON'Ts.
"Kung makikibonding kayo sa kanya pwede naman outside the campus or away naman. Iba ang kalakaran sa competion ng mga universities ngayon. They're even bashing you Dana. Nakakaloka. 100000 na ang patong sa ulo mo sa App."
"Dahil lang sa kasama ko si Lea sa pictures? Bakit angbababaw ng mga estudyante dito? Ano ako spy?"
"Gagi hindi. Salawahan." Tawang-tawang sabi ni Gia. Kakacheck lang pala niya sa app. Pinakita niya ito kay Dana. "Tangina 'tol. Jinowa mo daw si Jem pero pinagpalit mo sa nognog. Haha! Tangina mababasa ni Lea to uusok ilong niya! Haha!"
"Anggrabe pa ng imaginations." Dana is scrolling the page. "Mimah paano 'to?"
"What? Anong paano 'yan? Wala akong magagawa diyan." I said bluntly. "You got yourself in trouble. Face the consequences."
"Hindi ba pwedeng makibonding sa ibang kaibigan? Bakit ganito sila mag-isip? Bakit ako nagche-cheat sayo? May cheating na rin sa pagkakaibigan?"
Napahagalpak si Gia. "May ubo ang utak mo ngayon 'Tol. Tara na nga. Pasok na tayo. Ako na ang bahala sa'yo tol. I-se-seminar kita sa mga nangyayari sa paligid."
"May kailangan pa akong i-meet e. Sa training na lang tayo magkita."
---
Done with training. Dana is not in her usual form. Maybe it has something to do with her wound. Parang naghe-hesitate kasi siya sa tuwing mag-i-smash ang kalaro niya.
"Sa bahay ka uuwi ngayon?" I asked her while packing our things.
"Hindi. Susunduin ako nina coach RR. Kami ni Gia."
"Ah okay."
"Ihatid ka na lang namin muna."
"No need. Magpapahatid na lang ako kay Empire."
Dinala na niya ang bag at racket ko. Lumapit na rin si Gia sa amin. "'Tol, shot daw ba mamaya? Broken si coach RR e. kawawa. Hahaha!"
"Iinom kayo? May klase bukas."
"Konting inom lang Jem. Ikaw naman very light lang." Gia gestured with her hands. "Very very light. Saka namiss namin si Coach no. Supplier namin ng foods yun sa provincial meet."
Pagkalabas namin ng gym natigilan kami dahil naghihintay si Sherwin. God! Not again!
"Jemimah pwede ba tayong mag-usap?" he pleads. "Kahit sandali lang,please."
Hindi ko na siya pinansin. Lalampasan ko na sana siya pero nahawakan niya ako sa kanang braso.
"Jem, kausapin mo naman ako."
Suddenly, Dana grabs his arm so he lets go of me. "Sinabihan naman kitang huwag na siyang kulitin 'di ba?" Tinulak niya si Sherwin kaya ito natumba.
"E gago ka pala e!" singhal ni Sherwin. Bumangon siya at akmang susugurin niya si Dana pero naunahan siya ng suntok ni Empire.
"Not in our campus Dre." Sabi nito.
Putok ang labi ni Sherwin. Buong men's badminton team na ang nakapalibot sa kanya. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni Dana. Agad ko siyang nilapitan. Not another pubhouse scene, please!
"Dana, Let's go. Umuwi na tayo."
May kinuha siya sa bag niyang envelope. Nilabas niya ang laman nito, Piles of papers. Pinaghahagis niya ang mga ito kay Sherwin. "Basahin mo ang convo niyo ni Barbara para maliwanagan ka sa katarantaduhan mo. Buti may konsensya pa 'yong tao. Tangina mo."
---
Pagkadating sa bahay deretso siya sa kwarto nila ni Gia. Binaliag niya ang pinto.
"Tawagan ko lang si Tita Celeste para hindi mag-alala. Tsk tsk. Sayang naman ang inuman." Sabi pa nito.
"Anong nangyari kay Danababe?" asked Gabb. "Sinong kaaway?"
"Sherwin." Sagot ni Coleen. "Pwede nating i-shutdown tong app? Nagiging tsismosa na ako." Sabi nito pagkapakita ng screen kay Gabb. "Sapul ni Empire e. boom basag."
Pinanood ko ang video. Pinagpupulot ni Sherwin ang mga papel na nagkalat. I wonder kung ano ang convo na tinutukoy ni Dana.
"Huwag daw paalisin si Dana sabi ni Tita." Kinakabahang sabi ni Gia. "Pasukin mo na Jem. Umiiyak na naman 'yon sigurado."
Binigay niya sa akin ang susi ng kwarto nila. Nakadapa si Dana. Hinawakan ko siya sa balikat.
"Dana? Usap tayo?"
Hindi siya umimik pero tumagilid siya. Tinalikuran naman ako.
"Look, hindi ko alam why you're so furious kanina. But please talk to me. Nag-aalala ako. You're my favorite person and you know. Gusto ko ikaw maicomfort. If you'll allow me."
"Nagtiwala ako sa ex mo na sincere siya sayo. Tapos gago. Napakagago. Nabuntis pa niya si Barbara gusto niyang ipalglan. Nakakahiya ako sa'yo."
Ginulo ko ang buhok niya. "Oh tama na. Patawarin mo na." pagbabalik ko sa kanya ng linya niyang patawarin ko si Sherwin. "Paano mo ba nalaman ang mga 'yan?"
Naupo na siya. Hindi siya makatingin siya akin. "Nagmessage si Barbara nung isang gabi. Nakipag-meet ako sa kanya at magulang niya kanina. Galit sila sa pamilya niyo pero mas galit sila sa gusto ni Sherwin na ipalaglag ang pinagbubuntis ng anak nila. Gago yung ex mo. Sobrang gago."
Hayan na naman ang iyak niya. Unan talaga ang pampunas Dana?
"Sorry sa kapalpakan ko kaninag umaga. Sorry kasi naniwala akong gusto talaga bumawi ni Sherwin sayo. Muntik ka pang mapahamak."
Hindi naman ako makikipagbati dun kaya hindi ako mapapahamak. Pero angcute niya. Niyakap ko siya. "Tama na iyak. Thank you. Tahan na ha. Nag-aalala na sila sa labas."
Pinunasan niya ang mga luha niya. "Mimah, hindi ako nakasuntok kay Sherwin. Nanginginig pa rin ako." Pinakita niya ang mga kamay niya.
God! They're really shakin! Hay! I held on her hands to calm her down. I don't know if this would work. "Look at me..." nag-angat siya ng tingin. "Things are okay. Empire got even with him. It's okay kung hindi ka makaganti. Hindi naman niya ako nasaktan. Thanks to you."
Huminga siya nang malalim. "Gusto ko nang matulog Mimah. Parang may lagnat ako."
"De mag-take ka ng parang gamot." I joked.
She smiled a bit and lies down. "Korni mo, Mimah. Lumabas ka na. Okay na ako."
Nanginginig pa rin ang kamay niya. Iba ang epekto ng hindi nakakaganti kay Dana. Mas malala sa mga pinsan ko! hays! "Hold my hand." Sabi ko sa kanya. "I'll stay till you fall asleep. Rest well..."
---