OBP 19
DANA
Tambay kami sa canteen. Sa pinakasulok na mesa ang pinili namin. Naglalunch na kami nina Ella at Gia. Ilang araw rin naging sikat na naman ako sa MZUmazing dahil sa insidente sa pagitan namin ni Sherwin. Nakagalitan din ko ni Mama. Dapat daw sinumbong ko na lang kaysa ako pa yung nakipag-away. E nakakagalit naman hindi na makapaghintay ang inis ko.
"Hey Guys, zup yoh." Si Everest 'yan kasama niya si Empire. "How's our babe here?"
"Bro upo ka na lang. Hindi uubra ang pagpapacute mo kay Dana." Sabi ni Empire sabay tapik sa balikat ni Everest. Pahiya na naman siya. Haha! Pero hindi yan nadadala.
"Nagresign ka na ba sa café?" tanong ni Empire.
Umiling ako. "Nagbawas lang ng sched. M-W-F na lang ako dun. Nagalit ang mama ko e. Napapabayaan ko na daw ang sarili ko."
"Totoo naman 'tol. Akala mo may binubuhay na pamilya raket nang raket. Libre ka na 'tol. Nabenta mo na yong limang condo e." Siniko-siko pa niya ako.
Nakakatawa nga. Bilis kong naibenta nga. Ginamit ko kasi ng pinagbabawal ng teknik. Nagpatulong ako kay Tita Jai. Hihi. Secret namin 'yon! Kasi kapag kay Tita Zai ako magpapatulong napakadami na naman niyang tanong. Kaya medyo makapal-kapal ang laman ng bank account natin ngayon. Hehe. May paporsyento si Maam Avria e.
"Nga pala guys, may passport kayo?" tanong ni Empire. "Nevermind Ella. Meron na 'yan."
"Wala." Sabay naming sagot ni Gia.
"Bakit? Libre mo kami out of the country?" dugtong pa nitong friend kong medyo makapal ang mukha.
"No. September na yung tourn na dadaluhan nina Jemimah. Nood tayo live guys."
Sa Singapore 'yon. Live? Halla. Iba talaga pag mga richkids. Anytime pwede umalis ng bansa. Pwedeng iihi lang sa Japan tas babalik ulit. Haha!
"Kailan ba 'yon?" Nilabas ni Ella ang phone niya. "Anong sched natin sa September Gia?"
Schedule nila? Napatingin ako kay Gia. "Schedule niyo?" Mahina kong tanong dito.
"Hindi ko alam. Hahaha! Wala akong notes. Asa ako sa'yo e."
Masama ang tingin sa kanya ni Ella. "Mag-take note ka naman. Ano mo ako secretary?"
"Hindi. Katuwang sa life! Hahaha! Joke. Nasa isip ko na 'yan lahat." Tinuro niya ang sintido niya. "Henyo yata 'to. Training lang. Anim na buwan na training! Take note, take note ka pa. I-taken mo na lang ako." Angsarap batukan ni Gia!
"Boom! Gia turuan mo nga ako, Master!" Hyper na naman si Everest. Akala mo laging busted e.
Tinawanan lang siya ni Gia. "Uhmm. Bro, yung style ko hindi ko pwedeng ipasa sa'yo kasi si Dana ang prospect mo e! haha. Hindi uubra yan. Magulat ka mas marami pang chics tong truepapips ko. 'Di ba 'tol?"
"Ewan ko sa'yo. Wala akong alam diyan." Hindi ko na nga inatapag ang lovelife lovelife dahil nakakasira ng pag-aaral. Haha. Joke lang. Wala lang naman dahilan. Tinamad rin akong magpakasweet.
"Nagkaboyfriend ka na Dana?" Parang interview naman ang datingan ni Empire.
Umiling ako.
"E girlfriend?"
Anglakas ng tawa ni Gia. May kasama pang palakpak. "Empire deretsahin mo na si Dana. Tanungin mo na kung tomboy siya. Nababasa ko na sa dulo ng dila mo e! Naka-bold italic hahaha!"
Namula si Empire. "I don't know if it's proper to ask kasi."
Empire, ang basagulerong gentleman ng MZU! Haha. Joke lang naman.
"Curious ka?" inakbayan siya ni Gia. "Don't shy EmpirE. Don't shy. Tanungin mo na nang maliwanagan ka."
"Oo nga Danababe. Tomboy ka?" Yung mga tingin ni Everest parang atat na malaman ang sagot ko.
Umiling ako. "Bi. Bery Interesting person!" tatawa-tawa akong sagot. "Teka nga bakit interesado kayo masyado? Parang mga ewan."
"Curious and concern lang," sabi ni Empire. "Napapansin kasi namin close kayo ni Jemimah. Just a warning Dana, she's not into girls."
"Teka. Bakit niyo ako winawarningan? Para kayong ewan. Judger na kayo guys. Alam niyo ba yon?"
Hindi naman na sila umimik. Umorder sina Everest ng milk shake. Tuwa na naman si Gia dahil libre. Buraot to talaga. Puno na ang tiyan ko. Busog na ako pero gusto ko pa ng chichiria. Piatos naman.
May tumawag kay Ella. Napatingin siya sa akin. "Asan ang phone mo?"
Hinanap ko ito sa bag ko. Natampal ko ang noo ko. "tsk! Naiwan ko sa bahay. Bakit?"
Pinakita niya ang screen ng phone niya. "Kapag ito ikaw ang hinahanap. Magtago ka na."
Tinawanan ako ni Gia. "'Tol, kumander ang tumatawag. Tago na. haha!"
Si Mimah 'yung tumatawag kasi. Itong si Gia lagi niyang jino-joke sa akin na kumander daw si Jemimah kasi madalas ko pagbigyan ang gusto. Sumenyas si Ella na tumahimik kami.
"Jem! Bakit ka napatawag?"
Impit ang tawa ni Gia. "'Tol! Angganda nung chics oh?! 'Di ba yan yung kras natin?"
Nanlaki ang mata ni Ella. Nailayo niya ang phone sa tenga niya. Inambahan niya ng bottled water si Gia. Naku! Makaalis na nga! May klase pa ako e.
"Sabay na tayo Empire. Same building naman."
Isinukbit ko na ang bag ko. "Mimah! Papasok na ako! Hindi ko dala ang phone ko. Babye!" Nilakasan ko ang boses ko para marinig naman niya.
"Tangina. Nagpapaalam pa! haha!" tatawa-tawang komento ni Gia. "Alis na! Anjan na 'yung chics mo!"
Binatukan ko nga siya bago ako umalis.
---
"Jem seems attach to you."
"Hmm? Attach din naman siya sa friends niya. Normal lang 'yon 'di ba?"
"The last time I saw Jemimah so attached with a normie is with Sherwin. You know what I mean bout normie 'di ba? And now she's trusting you. Please, don't let her down."
Tumigil ako sa paglalakad. "Teka lang ha? Hindi mo naman siguro iniisip na may namamagitan sa amin?"
"Of course hindi! Trust in any way possible ang ibig kong sabihin. Trust as friends ganun."
"Good. Huwag kayong assuming. Nakakaloka kayo mag-isip."
Kahit sino siguro ang kasama ko sa mga 'to pagtitinginan pa rin ako ng mga schoolmates namin. Normie nga naman kasi ako. Tapos mga ampopogi at anggagandang mayayaman ang friends ko. Inggit kayo girls? Angsama ko mag-isip.
Luh? Anong ginagawa ni Mimah sa tapat ng classroom namin. Nakapamulsa siyang nakatingin sa amin.
"Kakaiba 'tong si Jemimah." Natatawang sabi ni Empire. "Dito na ako. Ingat." Nakakaloko nitong tinapik niya ako sa kaliwang braso.
Binilisan ko na ang lakad ko. Matalim na kasi ang tingin ni Mimah. Haha!
"Uy, bakit ka nandito?"
"Classmates tayo ngayon."
"Ha? Bakit?"
"Merge class sa minor subj dahil may emergency si Prof Racal."
"E bakit nasa labas ka pa? Bakit hindi ka na lang pumasok?" Halla? Hindi ko kaklase ang mga nandito ah?
"Hinintay lang kita. Hind naman kasi dito ang klase natin..Tingin mo kasya ang 60 na estudyante dito?" Napakasungit naman!
"Kaya ka ba tumawag kay Ella?"
"Oo. Ano pa nga ba?" Inirapan niya ako saka naunang naglakad. Napakasungit naman talaga!
Sa audio-visual room ang klase namin. Late na kami ni Mimah kaya sa dulo na kami naupo. Statistics ang aming klase. Sobra naman sa ingay ng mga kaklase namin. Paano kasi papansin sa sexy na professor. Prof nina Mimah 'to si Miss Yuri.
"Magkaklase po ba tayo ma'am? Iba na lesson namin sa lesson niyo e. Advance na po kayo." Sabi ng kaklase ko. "Soft hours na lang maam. Gaya last time."
"Ano yung soft hours?" bulong ko kay Mimah.
"No classes. Open forum." Nakatuon sa harap ang pansin niya.
"Uy sungit." Tinusok ko ang pisngi niya gamit ang hintuturo ko. "Sungit naman ng Jemimah namin."
"Reyes and Ermino." Napatingin ako kay Prof.
Napabuntong hininga naman si Mimah. "Angkulit mo kasi." Tumayo si Mimah. Ginaya ko na rin siya. "Sorry Maam, she's just asking something."
"Na may pagtusok pa sa pisngi?" Nakahalukipkip si maam na parang naghihintay ng sagot ni Mimah.
Para tuloy kaming naka-hot seat sa tingin ng mga kaklase namin. Joke lang naman 'yon! Grabe naman sila!
"Sorry po." Hingi ko na agad ng tawad. "Hindi na po uulit."
"Okay. Dahil diyan kayo ang unang sasagot sa mga random questions. I'll give you guys five minutes to send questions about anything then random din ang pagpili ng sasagot. Give me the most sensible answers please. Huwag kalokohan."
Nagpalakpalakan ang mga kaklase namin.
Yes! Soft hours finally! Cheer pa ng iba. Hindi ko alam kung ano 'yang soft hours pero kung walang klase de okay lang.
Nagbigay ng instructions si Maam. May 4 digit number na pagsesendan ng mga tanong. Ano 'yon papromo ng globe? Haha!
"Mimah, bakit hindi ka nagsesend ng tanong? Mukhang masaya 'to e."
"Sa dami ng kaklase natin baka 'yong iniisip kong tanong may magtatanong na."
Tama naman siya. De hindi na rin ako magtatanong. Kami pala ang unang sasagot. Halla graded recitationg ba 'to? Kinabahan ako tuloy.
Sinwitch on na ni Prof ang white screen. Angdaming boxes!
"Para sa mga bago, you will pick a number and you'll answer the question." Bigla ako na-excite. Hihi. "Sana naman may sense ang mga tanong niyo ngayon."
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang tanungan. Buti na lang nagbago ng isip ni Maam! Hehe. Random na lang din ang pagpili ng sasagot. Ambait naman. Kras ko na siya. Haha! Unang nabunot ang kaklase ko. Pinili niya number 1.
"Girlfriend or Career." Nag-abot ang kilay ni maam. "Consistent ang question na 'to. Hindi ka ba nagsasawang magtanong kung sino ka man?"
Pati ako natawa e. Atleast consistent naman!
"Maam, girlfriend!" sagot naman agad ng kaklase ko. "Hindi ako yayakapin ng career sa gabi maam!"
Hahaha! Tangina! G n G ang tawag ng klase e. Natutuwa ako sa soft hours na 'to! Haha!
"Next..." kaklase ko na naman ang nabunot haha. Masyado maswerte ang klase namin. Number 20 ang napili niya. "Kung babalik ka sa nakaraan. Anong parte ng buhay mo ang babaguhin mo. Bakit?"
Interesting naman ang tanong na 'yon!
"Thank you for that very wonderful question. Kung sino ka mang nagtanong, pinasakit mo ang ulo ko." Tumawa siya saka sandaling tumahimik. "Maam and classmates, wala akong babaguhin dahil kung ano man ang mga nangyari sa buhay ko ay ang dahilan kung bakit ganito ako katatag ngayon. Hindi marupok at hindi basta-basta nadadaan sa sorry ng mga potaenang manloloko sa lipunan. I thank you!"
Hahaha! Aliw naman talaga! Nahila-hila ko pa ang braso ni Mimah sa gigil. Wala siyang reaksyon e. Grabe 'to! Sobrang seryoso sa buhay. Chill-chill lang dapat e.
Lalaking kaklase ni Mimah ang sumunod na napili. Napabuntong-hininga si Mimah. Umayos siya ng upo. "Barkada ni Sherwin 'yan."
Oh? Tingnan nga natin kung may tama ang sagot nito o tulad ni sherwin e kulang sa ugoy ng duyan. Pinili niya ang 45.
Napa-awww ang mga kaklase ko sa tanong.
"Sino ang mas mali sa relasyon? Yung nang-iwan o yung nagkulang?"
"Maam yung nagkulang. Siyempre kunwari ako, bakit ako mag-i-stay sa isang relasyon kung hindi nabibigay ang kailangan ko? kung lagi ako nababalewala 'di ba? Sabi nga kung nasasaktan ka tapusin na kaysa mas magkasakitan pa kayo."
"Baliw." Napalakas yata ang pagkasabi ko kasi napatingin sila sa akin. Hahaha! Sorry na po.
"Yes, Dana? May sinasabi ka?" bahala na. Bigla kumulo ang dugo ko kasi sa kabobohan niya e. hahaha!
Tumayo na ako. "Maam, disagree ako sa sagot niya."
Hindi ko alam kung bakit parang napa-wow pa sila sa akin. Pero siyempre may mga girls na taas kilay din. Peka naman! Tsk.
"Why?" Humalukipkip si Prof. "Let us hear your opinion."
Parang pinagpapawisan ako. Haha. Dapat good posture saka dapat intelligent tayo Dana. Huminga ako nang malalim.
"Maam, bakit ko isisi sa jowa ko ang kawalan ko ng tiwala sa relasyon namin? Halimbawa, kasintahan ko si Jemimah." Hahaha! Mali! Bakit siya ang naisip kong example? Di bale na nga. "Kung mahal ko siya bakit ko siya iiwan maam? Kung may pagkukulang siya pwede namang pag-usapan namin. Sabihin ko ganito, ganyan, ganun. Pero i-work out natin. Kaya naman natin e."
Yung reaction ng mga kaklase namin parang nag-aagree naman sila sa akin e. Very good kaya ng sagot ko! haha!
"Kung isisisi mo sa pagkukulang ng girlfriend o boyfriend mo, masyado ka namang perfect na tayo para sila lagi ang mag-adjust sa'yo. Yun lang maam. Masyado na ako madaldal. Hehe." Saka angputla na ng kaklase ni Mimah e. haha! Masyado yata napahiya. Naupo na ako. Bumaling ako kay Mimah. "Aprrove ba ang sagot ko?"
Hindi niya ako sinagot. Pinihit niya ang mukha ko paharap kay Prof. "Ginawa mo pa akong sample. Baliw."
---
Angswerte naman ni Mimah. Hindi natawag sa recitation! Tambay muna kami sa may soccer field. Walang training e. Wala rin namang gagawin sa bahay. Fresh air! Sarap!
Kasama rin namin sina Abby at Sela. Mukhang okay-okay naman sila. Tinanggalan ni Ate Abby ng nail polish si Sela. Haha. Cute naman! Kilig my heart!
Number two fan talaga nila ako. Number wan kasi si Ella! President 'yon e.
"Sela, magpa-manicure ka na lang. nainggit ako sa inyo e." Biro ko sa kanya. "Taga-sanaol na lang talaga ko."
"Ano bang status niyo?" straight to the point naman lagi tong si Mimah. Hindi man lang hayaan ang dalawa na ienjoy ang korni moments ng love. Haha! "Tuloy pa ba ang kasal?"
Nagkatinginan ang Seby. Umiling si Ate Abby. "Pinakansel niya e."
"Ah so friends na lang 'yang ganyan?" Haha! Mimah parang ewan talaga.
"Mimah! Huwag mo na pansinin. Kasi ganito 'yan. Hindi tuloy ang fix marriage pero baka pwede naman kung sakali. 'Di ba ate Abby?"
Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Depende. Kapag ayaw niya de ayaw. Ako naman ang nagkulang e. Binalewala ko siya."
Hoooh! Pumapalakpak ang tainga ko sa naririnig ko! Indirect confession. Namumula si Sela. Haha! Kilig to sigurado. Wanhandred percent!
"Pero hindi ka niya iniwasan Ate Abby. Ibig sabihin may chance. Yiieee."
"Nagkulang at nang-iwan." Biglang sambit ni Mimah. Halla. Hanggang nayon naiisip niya yung soft hours? "Sela, masamang kaibigan ba ako dahil inundyukan kitang iwan na lang si Abby?"
Natahimik kaming tatlo. Naiiyak si Mimah. Halla naman siya.
"Concern lang naman ako sa'yo kasi binabalewa ni Abby ang mga efforts mo. Hindi worth paglaanan ng time."
Hahaha! Sa harap pa talaga ni Ate Abby, Mimah. Nakakahiya kay Ate Abby ang kawalan ng preno ng bibig ni Mimah. Pero sige na lang, para ma-realize din niya na maraming beses niyang nasaktan si Sela.
Naku! Umiyak na si Mimah! Inalo siya ni Sela. "Huwag mo ngang isipin yan. Nakikita mo kasi na nasaktan ako kaya ganun ka mag-advice. Okay lang 'yon."
Siniko ako ni Ate sabay nguso kay Mimah. Ano na naman? Patatahanin ko din? Tsk. Fine. Ito na. wala na ako maisip.
"Mimah, huwag mo masyado dibdibin ang mga bagay-bagay." Naupo ako sa tapat niya. "Ganito. Hawakan mo ang kamay ko." Ginawa naman niya. "Pumikit ka..."
Nag-aabot ang kilay na naman niya.
"Pikit na kasi Mimah..."
Pipikit din naman e. tsk.
"Oh 'di ba madilim?"
"Oh tapos?"
"Magmulat ka na." Seryoso akong nakatitig sa kanya. "Ipikit mo naman 'yong kanang mata mo."
Ginawa niya naman. Ngumiti ako saka nagpogi sign. "Halla, Mimah! Bakit mo ako kinikindatan? Kras mo ko 'no? hahaha!"
Shit naman! Nahampas ako sa e! With intense feelings! Nginig ang buto ko sa braso sa impact! "Crazy! Pinagloloko mo 'ko!"
Hahaha! Gagi! Pati sina Abby tawang-tawa e. Hinaplos-haplos ko ang kanang braso ko. Napakabigat ng hampas e!
"Haha! Grabe. Mapanakit e! Mimah, naman nababalian yata ako ng buto. Hindi na ma-joke-joke e." tinaas ko ang sleeves ng tshirt ko. "Mimah, bumakat pa palad mo!"
"Deserve mo 'yan. Dami-dami mong alam na kalokohan."
---