OBP 20- Quits na tayo

2323 Words
OBP 20 JEMIMAH Katatapos ng aming dinner. Napalakas yata ang hampas ko sa kanya. Namumula pa rin e. She's so annoying naman kasi. Kung anu-anong kalokohan ang naiisip. Nagpauto naman ako. Tsk! "'Tol, hindi ka pa naliligo. Maya-maya nandito na sina coach." "San lakad Ate Dana? Sama." That's Coleen. "Sama, please." "Hindi pwede. May pasok ka bukas." "Ako wala."sabi ni Gabb. "Sama ako sa lakad niyo DanaBabe." "May training ka bukas." I reminded her. "Minomonitor ka ni Ate Rhyck. Pinapaalala ko lang." She sighed. At some point nakakatawa si Gabb kasi hindi na siya nakakapaggala sa gabi. We are so monitored here. Unlike noon na laman kami ng Bars. Someone texts Gia. "Hoy 'tol. Gayak na. Nandun na daw sina Coach RR. Kuha na ba ako ng Grab?" "Magco-commute kayo?" I gave Dana a "seriously?" look. "Delikado na magcommute." "Grab naman e." Pagrarason niya. "Tas ihahatid kami mamaya." "Oo nga Jem. Okay lang 'yon. Bar lang naman kami e. Saan na 'yon 'tol? Yung sinabi ni Lea?" Lea. That Mamuru girl again. "Mint daw. Dun manglilibre si Coach RR." --- About one hour after they left. I stayed at the living room. Nakahiga sa sofa habang nagba-browse sa internet. Trending ang wedding nina ate Camille at Ate Carol. Naiinis ako talaga. I asked Ate Camille bakit kasama sa entourage si Sherwin, he was handpicked by Ate Carol daw. Who am I naman para ipatanggal sa entourage si Sherwin? Hay. "Uy Jem, hihintayin mo sina Danababe?" "huh? Hindi." "Eh bakit ka nandito?" Naupo siya sa maliit ng sofa. "I'm worried. Mint Bar 'yon e. Tumatambay din dun ang mga Mamuru. Katatapos lang mag-hot topic ni Dana sa MZUmazing. Then magkakasama ulit sila." Bumangon na ako. "Same thoughts pala tayo." "Tawagan ko si Ella." Sabi nito saka nilabas ang phone. "Ate Abby! Mint tayo!" She shouted. Loud enough para marinig ni Abby. Whattaheck? Nakabihis na siya. Kasunod lang din siya si Colleen. Pareho silang naka-black. "Akala ko hindi kayo mag-aaya e. Huwag niyo nang tawagan si Sela." "s**t. Protective!" Tatawa-tawang sabi ni Gabb. She gestured silence to us. "Hello, Ella. Mint tayo. Nandun sina Gia at Dana e. Ano?" Nan-abot ang kilay niya. "You should have inform us naman! Okay! Sige. Be there na." Gabb massaged her temple. "Nandun na daw si Ella. Silang dalawa ni Sela!" Naningkit ang mga mata ni Abby. "What in the world are they doing there?" "Ewan! Teka gayak lang ako. Book ka na ng Grab Jem." --- Nasa Mint na kami. Sa likod kami dumaan para makaiwas sa crowd. Deretso sa VIP area kung saan naghihintay na sina Ella. Naupo si Abby sa tabi ni Ella. May binulong siya dito. Pinisil ni Sela ang ilong niya. Ah! God! Abby! Kanina lang nag-aabot ang kilay mo ngayon bigla kang clingy. Si Coleen nag-cling naman kay Ella. "Ate anong ginagawa niyo dito?" "Support kay Everest." May band nga pala sina Everest. Dito sila madalas tumugtog. Gabb leans on the railing. Parang may hinahanap sila. Babae na naman? "Si Ate Gabb nagchi-chic hunting na naman. Teka join!" Gumaya si Coleen sa kanya. "Ay oh! Pretty yung nagdadance!" "Gabb, don't make a scene." Inunahan ko na siya. Kapag 'yan nagpakita sa ibaba siguradong hindi na naman siya mahahagilap. Nag-okay sign lang siya. "Drinks, drinks lang." inakbayan niya si Coleen. "Bantay ako ng batang 'to oh." Good. We'll have less headache tonight. "Nasa left side pala sina Dana," said Ella. "Puntahan mo Jem. Remember yong grupo ng Mamuru na nanggulo dito last time? Katabi lang nila." Sinuot ko ang aking mask at hood. Nagsout din ako ng ear piece dahil nabibingi ako sa music. Hay! Hindi naman ako nahirapang hanapin sila. Is that Lea hugging Gia? Si Gia naman parang gustong gusto. Nakita ko na 'yong mga tinutukoy ni Ella. Nandito nga kami nun. Pinanood lang namin silang nagsuntukan sa dance floor. Kinuha ko sa nakasalubong kong waiter ang isang bucket ng beer. "VIP 7th." Automatic charge na sa bill namin to. Hinarang ako ng isang lalaki mula sa grupo ng mga Mamuru. "Hi Miss... Wala ka yatang kasama. Baka gusto mong join muna sa amin." His voice is competing with the loudness of music. I don't have time for this! Hinawi ko siya. Pinagkakantyawan siya ng mga kasama niya. Nalampasan ko na e nahablot pa ang hood ko. s**t? Nasabunutan na ako ah. Na-expose tuloy ako. Hinarap ko siya. Tinanggal ko ang mask ko. I glared at him. Nagitla siya. "Jemimah..." Napatingin ako sa table na inookupahan ng mga schoolmates ko. They saw everything and they were like ready for trouble. Sinenyasan ko silang okay lang. Hawak na nung isa yung bote e. Ayoko naman maipit sa gulo. Inirapan ko itong mayabang na lalaki saka sinuot ulit ang hood ko. Nasa tapat na ako ng mesa nina Dana. Nilapag ko ang bucket ng beer. Six silang magkakasama. Kabilang ang dalawang nasa edad 30s na. I don't know kung sino ang coach RR sa kanila. Pare-pareho naman silang babae and mas delikado kung dito pa sa mag-stay. "Mimah?" malakas na sabi ni Dana. I can see her eyes widen even in dim lights. "Anong ginagawa mo dito?" Umusog siya. "Maupo ka." Napansin ko ang panginginig ng kamay niya kaninang uminom siya. Did something happened? "Lipat tayo sa taas. Hindi safe dito." Nilapit ko ang labi ko sa tenga ni Dana. "Trust me. Sa VIP na kayo." "Coach sa VIP na lang po tayo. Mas maganda dun," said Dana. "Uy Dana short ako sa budget ha. Gusto ko lang i-try dito." Said nung coach RR. Anglalaki naman ng boses. "It's on me. Welcome treat for you guys. Since friends kayo ni Dana." Sagot ko agad. Gusto ko lang silang ilayo dito sa mga stupid people. Tumawag ako ng waiter para i-assist kami sa mga drinks. Yung bucket na dala ko si Gia na ang nagdala. Papunta na kami sa second floor. Nakita ko ang mga schoolmates ko na kanina ay muntik nang maki-rumble. Sumenyas yung isa ng thumbs down. Hinigit ko sa kamay si Dana palapit sa kanila. Anglamig ng palad niya. "May tugtog sina Everest. Support muna. Iwasan niyo na lang sila." "E binastos din nila si Dana kanina." Malakas na sagot nung isa. "We can't just watch them do those things." Napatingin ako kay Dana. "Uhh... Ano... Yung..." "Inakbayan siya at muntik halikan." Sabi pa ng isa before drinking his beer. "Mimah... nasikmuraan ko naman..." Kaya ba nanggigil pa rin siya? Tsk! "Bahala kayo. After ng set ni Everest. Do what you want. Iganti niyo kami." Inaya ko na si Dana papunta sa VIP are. I intertwined our fingers to calm her. Buti na lang walang nangyari sa kanya but at the back of my mind, sana sumuntok ka man lang Dana kahit isa lang. Hay! --- Kasama ko na ulit sina Ella. We're enjoying our drinks na rin. Hay! Sino sa mga yon ang nambastos kay Dana? God! "Dapat dito mo na rin sila pina-join," said Gabb. "Luwag pa nitong table natin." "Let them enjoy other circle of friends naman." Inabutan ko siya ng drinks. "Last na 'yan Gabb ha. Huwag kang makikisayaw sa baba." "Guys si Coleen?" "Na-kena Dana." Sagot ni Ella. "Hindi na ikaw ang favorite ni Coleen. Nakahanap ng ibang magulang!" saka ito tumawa. Everest just announced that they're going to sing their last song for the night. I got my drinks and lean on the railings. "Oh bakit parang may inaabangan?" nag-cheers kami ni Gabb. "Naghahanap ka rin ng pogi? Bukod kay Dana?" "Nope. At hindi pogi si Dana. Please, lang." "hmm. Mamuru boys are dancing. Schoolmates natin 'yon diba?" tinuro niya ang ilang lalaki na nakikipagsayaw sa mga babaeng kasama nung mga Mamuru boys. "This is interesting." Right after ng set nina Everest nagpatugtog na ng random music. Time to party! Ang kapag ganito we, in this floor, ay pwedeng magbuhos ng drinks sa mga nagsasayaw sa ibaba! Heto nga inumpisahan na ni Gabb. She loves doing this. Tanaw mula dito ang pagbubuhos rin ni Coleen. Nakikibuhos na rin ang mga kaibigan ni Dana. The Crowd love this party mode and they're getting wild. Some sexy dancing happens on the dance floor. Nakikisigaw si Gabb. She must be envious. But not tonight Gabb. Not tonight. "Oh s**t!" Natutop niya ang bibig niya. Trouble at the dance floor! My most awaited moment of this night! Sigawan at takbuhan sa ibaba. Automatic naman na may bouncers na sa mga stairs para walang makakatakbo dito sa VIP na kahit sino sa mga nanggugulo. Bumalik na ako sa upuan. I grab Ella's drink. Nakakasawa na rin namang makawitness ng mga rumble dito. "I miss this bar." Sumandal ako at pumikit. "Ella, Kung sapat lang ang tangkad ko nakikipagsuntukan na rin ako." I heard Ella laugh. "Kailan ba naging hadlang ang height mo, Jem? Pinapaalala ko lang ha? Binasag mo ang bote sa ulo nung isang Mamuru last time. Buti na lang hindi tayo nakilala." "He's stupid. Every bastos deserve that." "Mimah!" Nagmulat ako. It's Dana. What with the worried face? I gave her a confused look. "Ano. Hindi kasi kita nakita dun. Akala ko nasa baba ka. Lam mo na. Paw paw boom boom." "What? Anong pawpaw boom boom?" "Yung kwan. Nakikipagsuntukan dun." Pinagtawanan siya nina Ella. "Ano yung Dana? Manga? May paw paw boom boom? Pyung pyung pag baril? Hahaha!" Umusog ako to give her space. "Okay ka na?" She nodded. "Magulo pala dito. Sa ibang lugar na lang sana kami nagpunta." "Sayang hindi naenjoy ng coach niyo." Iinom pa sana ako pero hinarang niya. "Bakit? Bawal uminom?" "May klase tayo bukas. Naglalasing ka." "Pwede akong umabsent. Chill lang." hinawi ko ang kamay niya. "I miss this bar. Simula nung tumira tayong magkakasama hindi na ako nakapunta dito. That's a month Dana. A month!" "Mamatay ka ba kung hindi ka mag-bar?" Hindi ko na pinansin. She wouldn't understand the calmness this bar gives up. Hindi rin naman nakakalasing ang mga ininom ko so she has nothing to worry about. Nilapag ko sa mesa ang bottle. "Gabb! Call mo na sina Coleen. Eat tayo somewhere." Bumaling ako kay Dana. "Ramen house tayo Dana. Nagugutom ako." --- @Soulmate. It's Coleen and Gabb's favorite Ramen house. Dito nila ako madalas ayain kapag nasobrahan sila sa inom. And yes, it's always on me. Paglalambing nila 'yon. Hindi na sumama sa amin sina Sela at Abby. Sinundo na kasi si Sela. Dun muna si Abby mag-o-overnight. Just before going to Mint, nagpareserve na ako dito para hindi na sila tumanggap ng ibang customers. This spicy ramen for me! Gabb does the kwentuhan with Dana's friends. I'm not a good conversationalist so I'll let them do the talking lang. Coach RR, Coach Sevie and Lenzie ang names ng mga kasama nila. Lenzie seems nice. Hindi siya tulad ni Lea na panay ang hampas kay Gia kapag natutuwa. I don't get the reaction of Ella. Nasa kanan siya ni Gia. Napapatingin siya kapag nagiging extra clingy si Lea dito. I smell something fishy. Na-excite si Gabb when she learned that Coach RR is into women. Like humingi agad ng tips and advices. My god! "Lam niyo guys hindi lang namin sila coach sa sports. Sa lovelife din." Brags Gia. "Yung mga coaches ng ibang teams nababali e. Pogi ng coach namin e. oh." "Gamit na gamit ni Gia." Dagdag pa ni Dana. "Ano nga 'yon 'tol? Lahat natatame? Haha!" "De may mga moves ka rin Ate Dana?" Coleen asked. "Paturo naman!" "Next time. Iisipin ko pa ang mga best moves ni Coach. Ah gumagawa rin yan ng songs. Dagdag pambobola! Haha!" "Tumigil na kayong dalawa. Isipin nila sayang-saya ang lovelife ko." Coach RR said and continued eating. "She does look lonely." Wala sa sarili kong nasabi ang iniisip ko. Awkward silence filled the atmosphere. Nakatingin pala sila sa akin. "Huh? Sorry. Did I just voice out what I'm thinking?" "Jem, so loud. Rinig sa kabilang store." Said Gabb. "Iwas-iwasan mo nga ang pagkausap sa sarili mo." "Can't help it. But yeah. Your eyes can't lie." Baling ko kay Coach RR. "But that's okay. s**t happens sometimes." "Oo nga. Sobrang s**t na ng paghihintay ko sa kanya." Natawa si Coach Sevie. "Hanggang dito pa pala ang pagdadrama mo. Ikain mo na lang 'yan. Nakakahiya sa mga bata kung magdadrama ka dito." Napunta na naman sa iba't-ibang ways na magpapansin daw sa crush. Coleen and Gabb are all ears sa mga tips nila. Hay! These two talaga. I guess 'yong mga plans nila for Sela at Abby is just one of their coach's antics. "Tanungin mo yung type mo." That's coach Sevie talking to Gabb. "Anong tagalong ng expensive. Then sasabihin niya niyan Mahal. Dugtungan mo agad ng Kita. Korni pero kung tama yung timing mo, nice ang result." While they're busy kwentuhan naalala ko ang pang-uuto sa akin ni Dana kanina. I remembered something Ate Mika joke around with ate Ara. Humiram ako ng papel at pen sa nagse-serve sa amin. I drew ang apple logo. "Wait. May ipapahula ako kay Dana." Bumaling sa akin si Dana. "Ano 'yon?" I showed her my drawing. At my peripheral view, I noticed Ella gigled. She knew! Of course she does! Naikwento ko na sa kanya e. "What's this?" nilagay ko sa phone ko ang piece of drawing. "Phone? i-phone! Ahha! Mimah. Korni!" Nilagay ko ulit ang drawing sa baso. I gave her a guess what look. "i-Bottle! Haha! Taas IQ ko kaya sa kalokohan Mimah! Hindi mo ako mauuto! Haha!" Nilagay ko naman sa bowl. "i-bowl! Haha. Meet up I-bowl! Laos Mimah! Hahah!" Last! Nilagay ko sa tapat ng puso ko ang drowing ng logo. "Guess what?" "Pin sa valentines? Haha! Ano yan?" "i..." I pause for a moment. "love you..." sabay pakita ng heart sign sa kanya using my fingers. Haha! Her face turned pale! "Tameme ka girl?" sabay kindat. They cheered dahil hindi nakaimik si Dana. Tinanggal ko ang drowing saka binigay sa kanya. "Quits na tayo." ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD