OBP 21
DANA
Lutang ako sa training. Inaantok ako! Ilang araw na akong lutang dahil sa kakapuyat. Grabe yung mga hikab ko sa mga klase kanina. Nakaidlip pa nga yata ako. Haha!
Hayahay na kami ni Gia sa bench. Hinihintay na lang namin si Mimah dahil extended ang training ng Team A para sa preparations nila sa Singapore tourn..
"Uy Tameme girl. Ayos-ayos din." Kantiyaw ni Gia sa akin. Mula nung sa ramen house madalas tameme girl tawag nila sa akin. Nakakaini aba! "Itsura mo 'tol. Haha! Ah.. I yabyu." Panggagaya pa niya kay Mimah.
"Tuwa ka naman naman? Hindi na 'yan makakaulit sa akin."
"Uy mauuna na akong umuwi. Magluluto ako ng masarap ng hapunan. Hintayin mo na lang si Jem."
Dinala na niya ang ibang gamit ko. Manonood na lang ako sa anime ulit. Napapaluha na ako sa kakahikab. Grabe!
"Uy Dana. Hinihintay mo si Jem?" Naupo si Empire sa ibabang bench.
Tumango ako. "Hatid mo kami mamaya." E de kotse siya e. Para hindi na kami maglalakad. Saka baka nasa labas na naman si Sherwin. Wala ako sa mood makipag-away. Kota na ako sa linggong 'to e.
"Sure. Makita ko ba si Abby nun?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Epal 'to. Pare, ang kay Sela. Kay Sela na. okay? Hanap ka iba. Respeto men."
"Hindi na mabiro naman. I'm over her na. And I know she's happy. So yeah. Good to mingle ako seriously."
"Weh? Seriously. Tingin nga ng serious?" hahaha! Kunot noo ang gago e. "Uy Empire, may live stream ba 'yong game nina Mimah?"
"Last year meron. Hindi ko alam ngayon. Join us na lang kasi. Lapit lang ng Singapore. Nakausap na namin ni Everest si Miss JM. May private plane sila. Madali na lang 'yon."
"Hindi pwede. Saka kahit gusto ko manood birthday ko yon. Uuwi ako."
Last week ng September ang tournament. September 30 naman birthday ko. Sa livestream na lang ako magsusupport sa team.
Mag-8:00 na natapos ang training. Pawis na pawis si Mimah. Taga-abot tayo ng towel bilang full support sa international athlete. Haha. Pagbuksan din natin ng tubig 'yan. Ilagay na rin natin ang raketa sa case. Kulang na lang kargahin ko siya para uuwi na kami e haha! Inaantok na kasi ako.
"Iba rin." Pang-aasar ni Empire. "Pers lady ang datingan."
"Hoy. Ang pers lady hindi ganito mag-asikaso. Ano ako. PA. haha! Poging Alalay! Hahah!"
"Hindi ka pogi. Umuwi na tayo."
Isusukbit na sana niya ang bag niya. "Hep! Magpalit ka muna ng tshirt. Go! Layaw!"
"Wala na akong ibang shirt. Kaya umuwi na tayo."
"Ako meron." Kinuha ko sa bag ko ang isa ko pang shirt. "Magpalit ka na Mimah. Masama ang matuyuan ng pawis. Pagkatapos pa naman ng balat mo baga agad."
Hahaha! Angsama ng tingin sa akin pero tumuloy din naman sa cr para magbihis.
"Alagang Dana naman pala si Jem e." Iiling-iling na sabi ni Empire. "Uy Dana kapag nasanay si Jem sa'yo walang sisihan ha? Baka iuwi ka na. haha!"
"Baliw. Siyempre representative natin siya. Kapag nagkasakit paano na ang school natin 'di ba? Kaya dapat health is wealth pa din."
Tinawanan niya ako. "Ewan ko sa'yo Ermino."
Niligpit ko na ang mga gamit niya. Uwing-uwi na talaga ako. Ano kaya ang niluto ni Gia. Nang makabalik si Mimah ay dala-dala ko na ang bags niya. Ganito ang itsura ng uwing-uwi na. haha.
"Ako na 'yang raketa."
"Ako na. Uwi na tayo. Uwing-uwing-uwi na 'ko."
---
Nasa tapat ng bahay ang kotse nina Tita Zai. Halla! Bakit? Pagpasok namin nagtaka kami kasi may naka-garaheng black na Innova. Baka may bisita. O bagong housemate. Hehe. Char! Parang nagkaroon ng stars-stars ang mga mata ko! Angganda kasi. pahaplos nga. Haha!
"What are you doing?"
"Ha? Pampaswerte. Malay mo magkameron ako ng ganitong sasakyan. haha!"
"Weird. Pasok na tayo."
Nakatatlong hakbang ako pero bumalik ako ulit para yakapin ang Innova. Haha. Pamgpaswerte! Nakapameywang pala siyang naghihintay sa akin e. Ito na nga. Papasok na.
Nagluluto si Tita. Tamang abang lang sina Gabb na nasa hapag kainan na. Sinalubong kami nina Jayden at Juno. Nagpakarga agad si Juno kaya binigay ko na kay Mimah ang mga gamit niya.
"Kumusta ang bebe namin?"
"Fine!" sus! Pinupog ako ng halik sa mukha.
"Saan kayo galing tita?" Tanong ni Jayden kay Mimah. "Kanina pa kami dito."
"Training." Sagot ni Mimah. "Na-miss mo ako agad?"
"A little."
Chineck ni tita ang sugat ko pati humingi ng update sa pag-aaral ko. Grabe! Buti bida-bida ang performance ko naman. Mas matindi kay mama si Tita. Sa totoo lang! haha! Binigyan nila ng raketa sina Gia at Mimah.
Tuwang-tuwa si Gia e. Angganda e! Yonex, black pa kulay, Nakalagay pa ang pangalan niya. Gusto ko ng ganun!
"Paano ako? Bakit sila lang?" May tono na ng pagtatampo ang boses ko. "Tita, ako yung pamangkin mo sa naalala ko. bakit wala akong raketa?"
"Ask Jai."
"Here's yours." Initsa ni Tita sa akin ang susi. "Yung kotse sa labas. Sa'yo 'yon. Para kung uuwi ka ng province hindi ka na magco-commute. You have your license naman na right?"
Huh? Teka? Baka naman joke time lang? Bumaling ako kay Tita Zai.
"Oh? Raketa o sasakyan?"
Eeh! Siyempre sasakyan! Hihi! Takbo ako agad sa labas para masubukan. Naluluha na ako sa tuwa. Haha! Pupunas-punas ko ang luha ko siyempre. Bawal maiyak.
"Sa akin na talaga 'to Tita?"
"Yup. Ayaw mo?" bumaba ako agad para yakapin si Tita. "Oh laging mag-iingat ha? Happy birthday."
Ang-advance ng pabirthday ni Tita! Binalita ko agad kay Mama habang nagdidinner sila sa loob. E kasi parang nabusog na ako sa tuwa kaya video call muna kami ni mama. Pagmasdan ko muna itong si Ova. Hihi. Nakaupo ako sa may dapat ng bungad ng upuan.
"Ma! May kotse na ako oh. Alam mo 'to mama?"
Natawa si Mama. "Oo naman. Hoy mag-iingat ha? Nakakonekta sa phone ko ang tracker ng kotse mo. Alam ko kung saan saan ka pupunta."
"Si mama..."
Tinawanan ako ni mama. "Masaya ang anak ko? Kapag uuwi ka dito umaga ha? Huwag madaling araw. Isama mo rin sina Jemimah. Nang makapasyal naman sila dito."
"Opo naman. Ma... uwi na ko bukas. Haha! Excited na ako magdrive."
"Kumain ka muna." Si Mimah may dalang plato ng pagkain. "Uubusin na nina Gabb yung ulam."
Kasunod lang niya si Juno. Dumamba siya sa likod ko. Kumaway-kaway siya kay mama. Binigay ko na ang phone sa Juno. 'Yan sila na ang nag-uusap. Tumakbo na siya sa loob. Menudo ang niluto ni Tita. Menudo ba? Kamukha kasi ng afritada. Haha. Basta masarap magluto si Tita!
Naupo na rin siya sa tabi ko. Sa payat namin kasyang-kasya kami sa pintuan. Haha. Parang kasya pa si Juno sa gitna e.
"Mimah, alis tayo bukas."
"Hmmm? Where?"
"Kahit saan?" alanganin kong sagot sa kanya. "Try natin tong si Ova."
"Ova? Ano?"
Tinuro ko ang kotse ko. Yiie. Ko! naks. Haha.
"Pati sasakyan may pangalan."
"Uh uhm! Bakit ba. Gusto ko e. Ova ko! haha. Cute diba? Weekend naman. Gora tayo kahit saan."
---
Exciting morning! Roadtrip na ito! Magdadala kami ng foods. Road trip nga ang gusto ko. Yung kakain ka sa gilid ng kalsada na rin. Haha!
"'Tol, ingat kayo ha?" paalala n Gia. "Kupal goals ampota. May pastroll-stroll."
"Sama ka na kasi. Huwag na kayo amgtraining ni Ella. Isang sabado lang e."
"Prioritis 'tol. Priorities." Tinaas pa niya ang mga kamay niya. "Gets mo 'yon?"
"Ano bang priorities mo? Training mo makasama si Ella?"
"Both?" ngiti niya. "Kaya shu. Sibat na kayo ni Jemimah."
Ilang minuto na kaming nasa sasakyan pero hindi kami makapag-decide kung saan kami pupunta. Haha!
"Mimah, saan tayo pupunta?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Ikaw ang driver e. Ikaw nagyaya. Ikaw mag-isip."
Hmm. Ah, alam ko na! "Mimah, may tiwala ka naman sa akin 'di ba?"
Nag-abot ang kilay niya. "Bakit?"
"Sabihin mo, Oo. Dana may tiwala ako sa'yo."
"Dana! What are you thinking?" Medyo pasigaw na niyang tanong. "Kinakabahan ako ha. Saan ba tayo pupunta?"
"Sabihin mo muna kasi..."
"Fine. Dana, may tiwala ako sa'yo. So? Saan?"
"Uuwi tayo sa Pangasinan. 3-4 hours drive lang. Balikan mo 'yon raketa mo. Makikipaglaro tayo sa mga players ni Coach RR. Tatawagan ko lang siya."
Pumasok na ulit siya ng bahay. Tinatawagan ko naman agad si Coach. Buti nag-agree siya sa matches bukas. Ngayon naman ay si Mama ang itetext ko. hehe. Siyempre okay kay Mama agad! Next si Tita naman. Halla! Tumatawag na. haha. Grabe.
"Tita kong pinakamanda! Hello!"
"What in the world are you thinking?! Pangasinan agad?! Dana!"
"Tita, nakakapagdrive nga ako Pangasinan to Pampanga. Konting distansya lang dagdag. Mag-iingat ako. Sige na Tita. Babye! Lab kita. Hihi."
Saktong dumating na si Mimah. Training bag na niya ang dala niya. "I brought all my rackets and training shoes. They better be good Dana. Baka masayang ang pagod ko sa wala."
"Naku! Dbest din sila. Lesgo!"
---
Kumukuha siya ng videos. Nice naman. Sana mag-vlog na ulit siya. Kakamiss din kasi manood ng mga vlogs niya e. Thank you waze sa pagtuturo ng shorcuts patungong expressway.
Ka-video call niya ang parents niya. Hanggang kaway lang ako kasi hindi ko pa kabisado itong daan. Haha.
"Hija, buti at naisipan mo ring mag-out of town." Rinig kong sabi ng mama niya. "Ilang araw ba kayo dun?"
"Ilang araw tayo?" baling sa akin ni Mimah.
"Isa lang. uuwi tayo Monday. May pasok."
"Monday kami uuwi 'Ma. May pasok e."
"Aba e mapapagod magdrive si Dana. Dapat e marunong ka na rin kasing mag-drive 'nak. Sa Martes na kayo umuwi nang makapagpahinga rin kayo."
Haha! Grabe din. Supportive sa galaan ang parents niya. Haha. Dabest!
"Are you fond of music while driving?"
"Keri lang. Play ka na music."
Hindi naman siya nagpatugtog. Tutok lang siya sa phone siya. Yes! Expressway na. Hayahay na ang pagdadrive. Naiimagine ko na ang mga makakalaro namin. Siguradong mga dating players ni coach ang isasalang niya. Mga beterano. Mga trainors na rin sa region. Haha. Yun pa. Hindi patatalo 'yon!
"Nagugutom ako." Sambit ni Mimah. "Ubos na 'yong take out natin. Sabi sayo kulang 'yon."
"Drive thru tayo."
"Ayoko ng drive thru. Kain tayo. Paano ka makakakain kung sa drive thru?"
"Subuan mo ko. ahah! Joke lang."
San Fernando Exit na kami. Stopover na muna sa Petron Lakeshore. Hanap ng pwedeng kainan. Saang fast food naman kaya siya mag-aaya?
"Gusto ko dun."
Tinuro niya ang Mangan Tana. Good choice! Hindi fastfood. Tuloy ang pagvivideo niya.
"Na-miss mo ang magvlog 'no?"
Humarap siya sa akin. Paatras na naglalakad habang nakatutok sa akin ang fone niya. "Sort of? And I thank you for this trip. At dahil diyan ikaw ang magiging subject ng next vlog ko!"
Hinawi ko ang phone niya. "Walang manonood." Pinihit ko na siya paharap. "Madapa ka pa."
Nakaabot kami sa ear all you can breakfast! Angsaya naman! Aliw na aliw ako sa mga pagkain na kinuha ko. Panay lang ang kuha ni Mimah ng video.
"Kumain ka muna. Last stopover na 'to."
Binaba niya ang phone niya saka nag-umpisa nang kumain. Angsarap nitong tuyo!
"Masarap 'yan?" turo niya sa tuyo. "Pa-try."
Pinagtinik ko siya siya. "Alam mo naman tawag diyan?"
"Dried fish." Sagot niya. "Anong akala mo naman sa akin? I eat that naman. Gusto ko lang compare yung taste."
Mukhang nagustuhan niya. Gusto e pagtinik ko pa e. Angsaya siguro niya, isusubo na lang niya ang pagkain e. Nagpalaman ako ng tocino sa pandesal. Hehe. Siyempre ginawan ko rin siya. Tikim-tikim lang lahat ng foods.
"Sarap 'no? Bisyo namin ni Gia 'to kapag may mga meets. Ipalaman namin sa tinapay ang tocino. Longganisa." Humigop ako ng kape. "Ahh. Sarap naman talaga!"
Huh? Bakit parang weird ang tingin niya sa akin.
"Bakit? Ngayon ka lang nakakita ng nakain ng tinapay at tocino?"
"Huh? I'mm just trying to figure out why they call you pogi when you're not naman. I don't really see you as pogi."
"Angdaming problema sa mundo, Mimah. Idadagdag mo pa 'yan? Kung hindi ka agree sa point of view nila okay lang hindi rin sila agree sa point of view mo. Haha!" inubos ko na ang kape. Weird din naman siya mag-isip. Ako nga tanggap ko nang minsan pogi ako e. hahaha!
---
Nakarating na kami sa Minor Basilica of Our Lady of Manaoag. Makiki-mass at blessing ni Ova. Yiiie! Bumili rin kami ng bracelets na pasalubong. Pina-bless din namin siyempre. Tambay muna kami sa garden. Pahinga-pahinga ang poging driver. Ako 'yon! Siya naman ay sige sa pagvi-video. Ako talaga e pagod! Haha.
"Dana, kaway ka naman!"
De kumaway ako. Haha! Kung babalik man siya sa pagva-vlog isa na ako sa matutuwa. Ibig sabihin balik sigla na ulit siya. Marami na siyang mapapasayang subs ulit. Hindi ko siya inaalisan ng tingin, baka maligaw e. Alangan ipaanounce ko dito. Haha. Kakahiya.
Halla. Pinicturan niya ang isang pamilya. Haha. Bakit naman ni Mimah. Nilapitan ko na siya. "Alis na tayo?"
"Gutom ako ulit."
"Na naman?! Ah. Snacks tayo."
Dinala ko siya sa favorite kong canteen dito. Umorder ako ng peymus tupig! Yung parang bibingka na may stips ng buko.
"Oh sarap 'no? Bilhan ko nga si Mama nito."
"Where can we buy those?" tinuro niya yung pinaglulutoan ng tupig.
"Bakit?"
"I want to learn how to make this. Gawa tayo sa bahay. I want buy that clay lutoan."
"Bilhin mo 'yong lutuan nila. Haha! Char. Sige bili tayo."
"Good. Thanks you. Can I take a video na gumagawa siya?"
Pinagpaalam ko kay manang na kukuhanan siya ng video ni Mimah. So bale ako pala ang kukuha ng video dahil magpapaturo si Mimah kung paano gawin ang tupig. Enjoy naman siya. Sa sobrang tuwa niya binili niya lahat ng nalutong tupig saka nagbigay din ng tip. Para daw sa ginawa niyang abala.
---
Touch down Mangaldan, Pangasinan! Nagtaka pa si mama kasi bakit daw dito. Akala niya sa San Carlos kami uuwi. Doon ang hometown namin nina Tita Zai pero lumipat kami nina Mama dito. Sayang naman kasi 'tong bahay.
Hindi ko kinaya ang pa-welcome ni Mama kay Mimah. May pa-buffet at videoke! Haha. Nakakaloka siya! Invited ang mga kapitbahay.
"Pagpasensyahan mo na si Mama ha? Hindi naman namin kamag-anak ang mga 'yan. Tropa lang ni mama."
Natawa si Mimah. "Alam mo? Angcool dito. Like ang-ingay pero angsaya nila. Kailan tayo maglalaro?"
"Bukas. Magrerelak lang tayo ngayon. Stroll tayo mamaya."
"That's cool. May beach ba dito malapit? Famous ang province niyo sa beaches e. Gusto ko kaya puntahan ung favorite nina Ate Jm. Sa Patar? May resthouse ang Reyeses dun."
"Malayo na 'yon. Diyan lang tayo sa San Fabian mamaya."
"Oh? Sayang."
Dinala namin ang mga gamit namin sa kwarto ko.
"Wow!" lumapit siya sa malaking mapa na nakaikit sa dingding. "Dana! Napuntahan mo na lahat 'to?"
Yung mapa kasi may mga darts. Maliliit na darts na tinutusok ko sa mga lugar na napuntahan ko na. Mas marami diyan dahil sa sports. Sa mga tournaments na sinasalihan namin ni Gia.
"Oo. Sa mga competitions na sinasalihan namin ni Gia. Bakit?"
"I'm just amazed. I also have a map in my room. Pero I stopped putting marks na. Boring na kasi paulit-ulit na lang yung competitions. Same places."
"Atleast may pa-international ka no. Tamo ako Pinas lang."
"Pinas lang pero angdaming Gold naman. Akala mo hindi ko napansin ang color coding ha?"
Nahiya ako bigla. Ginawa namin ni Gia na color coding para maalala namin kung saan kami natalo at kung saan kami nanalo. Nice naman diba? Hehe.
Akala ng mga bisita birthday ko! ahah! Anggara! May mga nagdala ng regalo! Haha. Tawa nang tawa si Mama e. Bigla sumigaw ng is a prank! Haha.
Kasalo na namin si mama at ilang tita ko sa pagkain. Buti ang inimbita ni mama mga close niya na tita ko.
"Dana, ilang taon na ba itong girlfriend mo?"
Potek yan! Naibuga ko ang iniinom kong softdrinks! Panay ang ubo ko at lumabas pa sa ilong ko ang softdrinks e.
"You okay?" Hinagod ni Mimah ang likod ko. "Uy okay ka lang ba?"
Tumango-tango ako. Lakas ng tawa ni Mama. Ewan ko sa'yo 'Ma. Sana inorient mo naman ang mga kapatid at pinsan mo.
"Hindi ko po siya girlfriend. Nakakahiya kay Mimah. Grabe kayo sa akin."
"Ah ganun ba?" sabi ni Tita Ason. "E kasi akala namin girlfriend mo. Nung huling nagdala ka kasi ng bisitang babae dito sabi mo Ka-M.U. mo."
"Tita! Throwback na naman. Lagi na lang."
"Ilan na po ang pinakilala niya?"
Dagdag pa 'tong si Mimah. Grabe siya.
"Gusto mong malaman hija?" tatawa-tawang sabi ni Mama. "Sa pagkakaalam ko kasi tatlo na. Si Charlotte nung birthday ko, Rein nung birthday ng Tita Ason niya at Salvie, Birthday naman niya last year. Tama ba 'nak?"
Parang ang-init ng pisngi ko bigla. Sila sila lang talaga ang manglalaglaga sa akin. Naku!
"Oh? Why are you blushing? It's not something na dapat mo ikahiya naman."
"Nakakahiya kaya. OA naman kasi Tita. Parang bawat okasyon may pinapakilala ako. Hindi naman ah." Hindi naman talaga! Nagkataon lang na may bago akong close friend na kasama kapag nadalo ako sa mga birthdays nila.
"You didn't met Lea?"
"Sinong Lea?" si Mama yan. Patay na lalo! Hindi naman nila nakilala si Lea na ka-M.U. ko kasi It's complicated!
"Yung varsity rin po. They didn't know?" baling niya sa akin. Alanganin akong umiling. "Ah. Okay. So make that 4 MUs po Tita."
---
Nasa San Fabian beach na kami. Sakto malapit na ang paglubog ng araw. Naglatag ako ng kumot para maupuan namin. Siya naman siyempre video-video. Video ko rin siyang tatalon-talon sa may tubig.
"Kapag napanood ito ng mga subs mo, gugustuhin ka nilang iuwi. Cute mo kasi."
"Totoo? You find me cute?"
"Oo. Cute ka naman. Mainitin lang ang ulo, masungit madalas, laging nakataas ang kilay, parang laging mananapok pero all in all cute." Hahaha! Nakakatawa mukha e. Inis na naman. Hindi siya makakawalkout kasi paano siya makakauwi 'di ba? Kaya sagarin ko na pang-aasar ko dito. Haha. "Anggulo-gulo kaya ng ugali mo Mimah."
"So hindi mo na maintindihan ang ugali ko ganun?" pagsusungit na naman niya.
"Minsan. Pero okay lang. mahilig ako manood ng anime naman e."
"Huh? Anong konek?"
"Mimah, kapag hindi ko na naiintindihan ang ugali mo ginagamitan ko ng subtitle." Haha! Tinaas-baba ko pa ang kilay ko. haha!
"Crazy. Korni mo." Tumayo siya saka nilagay sa likuran namin ang camera. "This would be a perfect shot for my vlog. Silhouette by the beach."
Yan palubog na ang araw. Magic hour! Kapag may mga tournament kaming sinasalihan hindi namin pinapalampas ang sunset. Lalo pag yung last day na tas wala nang games. Tatambay lang kami sa beach. Yun na ang pinaka-treat sa amin ng coaches.
Napatingin ako sa kanya. Focus na focus siya sa sunset? Anong bang meron sa sunset Mimah? Parang amazed na amazed ka dito?
"Ganda 'no?"
"Oo."
"Crazy. You're staring at me. Siyempre maganda."
Huh? Ano. Kainis naman! Bumaling na nga ako sa sunset. Hindi ko naman sinadyang napatagal ang titig ko sa kanya. Assumera naman 'to.
---
Pauwi na kami. Nagbabrowse siya ng mga pictures at videos na nakuhaan niya kanina.
"Good thing, I brought my tripod. Cute this one oh. 'Yung Silhouette. Later mo na pala tingnan."
Nagring ang phone ko.
"Coach RR."sabi ni Mimah. "Sagutin ko?"
Tumango ako. "Pa-loud speaker."
"Hello po..."
"Dana, 8:00 yung game bukas. Kami na lang dadayo diyan. Nag-okay na si Charlotte at Rein."
"Okay po. Kita kits bukas."
"Excited makalaro ang ex." Sambit ni Mimah. "So torn ka pala bukas kong sinong iche-cheer mo."
"huh? Paanong torn? Bakit ko iche-cheer ang mga exes ko e ikaw ang present ko? Char. Ibig kong sabihin ikaw ang ka-team ko kaya ikaw ang iche-cheer ko."
Hindi siya umimik. Nakatutok na siya sa phone niya. "I don't even plan to lose even in a practice game. Galingan mo bukas. Baka kindatan ka lang ma-tameme ka nanaman agad. I'll kick your damn ass kapag natalo tayo."
---