OBP 22
DANA
Grabe sa pagfo-focus si Mimah. Mula paggising hindi namamansin e. Nagtanong nga ako kay Gabb kung ganito talaga siya kasi baka may nagawa na naman akong kagimbal-gimbal kaya hindi namamansin. Hihi. Buti na ang sigurado!
Nasa venue na kami. Sa isang pribadong eskwelahan kung saan nagko-coach din si Coach RR. Nauna lang kami ng ilang minuto. Apat na former teammates ko ang kasama ni Coach. Sina Sammie, Verna, Charlotte at Rein. Lahat sila graduates na. Nagpalarong pambansa rin ang apat na yan.
"Hi coach. Masyado mo naman ginalingan sa pag-recruit." Biro ko sa kanya. "O mga buto-buto guys baka marupok na."
"Grabe ka sa amin. So? Game na?" Si Rein yan. Ex-M.U. ko na cool lang kami kasi mutual din ang paggho-ghost sa isa't-isa. Haha.
"Warm up muna kayo." Sabi ni Coach. "Nag-warm up na kayo Dana?" Bumaling siya kay Mimah na naka-headset at nakasandal lang sa bench. Nakapikit siya. "Parang seryoso masyado si Jemimah."
"Ganyan lang daw talaga. Yaan mo na coach. Warm up muna mga shonda! Hahaha!"
Chill chill na lang muna ako dito. Maglalaro rin ako kaya relak-relak na muna. Pumipili na ng raket si Mimah. Naupo sa tabi ko si Charlotte. Inakbayan niya ako.
"Uy Babe, angpayat mo. Kulang ka sa aruga. Haha! Wala kang jowa ngayon 'no?"
"Grabe! Dapat ba may jowa?"
Tinawanan niya ako. "Baka lang naman single ka pa. Single pa ako e."
Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin. "Kilabutan ka Charlotte. Haha. Move on na ako sa panggo-ghost mo sa akin. Dun ka kay Rein. Maglandian kayo."
"Good idea." Sabi naman niya.
Baliw talaga e. Ghoster din yan si Charlotte. Hindi out kaya laging olats ang nagkakagusto sa kanya. Isa na ako dun! Haha. Start na ng game. Si Sammie at Mimah ang unang maglalaro.
Coach ako ni Mimah. Cheerer din! Kahit hindi ko na pala siya i-coach kasi anggaling na niya e. Bilib ako dito kay Mimah kasi binibigay niya ang best niya kahit practice game lang. Worth it ilaban. Uh mali. Worth it labanan pala. Haha!
"Uy Ate Sammie! Ano na? Olats na?" kantyaw ko na sa kanya.
Inambahan ako ng raketa e. haha! Gold medalist din yan si Ate Sammie. Coach na rin siya sa Divide World Academy ngayon. Baka nanakit na tuhod. Haha. Rayuma! Haha.
Angbilis naman siyang tinalo ni Mimah. Two straight sets. Nag-high five kami ni Mimah. Inabutan ko na siya ng towel at tubig.
"Nag-aapura ka ba? Binilisan mo naman masyado."
"She might adjust to my plays. Hindi siya basta-basta."
"Ako naman." Kinuha ko na ang raketa ko. Nag-stretching na rin ako. "Ate Verna. Huwag mong galingan ha? Injured ako e." tinuro ko ang sugat ko. okay na okay naman na siya pero nilagyan pa ni Mimah ng gasa kanina para sure daw na hindi mapasukan ng mikrobyo.
Owryt! Game na! Papasok na ako sa court. Try ko din two straight sets.
"Wait." Pinigil ako ni Mimah. "'Yung sintas mo." Bahagya siyang naupo para itali ang sintas ng sapatos ko. dinoble pa niya. "There. Good to go."
"Salamat. Chill ka lang. Straight sets din 'to."
Hindi pa kinakalawang si Ate Sammie ah pero siyempre lamang pa rin ako.
"Hoy, gamitin mo naman ang kaliwa. Angdaya mo naman."
Gamitin daw de pinagpapalit-palit ko ang kanan at kaliwa kapag naibabalik ko ang shuttlecock. Easy naman nito. Oh de panalo ako. Haha. Hingal si Ate Shammie. Tsk tsk. Shonda na kasi. hehe.
Mas mabilis pa rin natapos ang game nina Mimah. Kaya masama ang tingin niya sa akin.
"Grabe naman Mimah. E magaling si Ate Sammie talaga e."
"Change natin yang gauze. Palitan mo headband mo."
Kung tinahi siguro tong sugat ko matagal nang magaling. Nabuka-buka pa kasi. hay! Pag malamig naman nakirot. Ito bumuka ulit. May konting dugo na naman.
"Uy Babe, kaya mong maglaro?" si Charlotte 'yan. "Ano bang nangyari diyan? Kulang ka talaga sa aruga. Hahahaha!"
"Aksidente." Sagot ko lang. Hinawakan ko ang braso ni Mimah kasi medyo napapadiin ang paglinis niya sa sugat ko e. "Uy masakit na."
Ten minutes break pa bago start ng game. Relak-relak lang ulit.
"Babe, pustahan daw." Napaangat ako ng tingin kay Charlotte. "Para naman ganahan tayo maglaro."
"Sino nagsabi?"
"Si Rein."
Kumaway si Rein nang tiningnan ko siya.
"Magkano?"
"10000. Game?"
Bumaling ako kay Mimah. Hindi ko pa nasasagot tumayo na siya. "Game. 10000."
Anak naman ng putspa. Wala akong dalang cash. "Mimah, no kwarta ako. Grabe ka."
"Hindi naman tayo matatalo." Inabot niya sa akin ang raketa ko. "Tara na." Nagtungo na siya sa court.
"Medyo mahangin..." inis na sabi ni Charlotte. "Kung wala kang cash Dana kiss na lang pwede na. hahaha!" kinindatan pa niya ako.
Hay naku! Hindi na nagbago!
"Anong gameplan natin?" tanong ko kay Mimah. "Wala akong cash Mimah. Dapat manalo tayo."
"Papatalo na lang tayo para mahalikan mo ex mo. You like?"
Napahawak ako sa labi ko. "No way! Galingan mo uy. 10000 din 'to."
Iba epekto ng extended training nina Mimah. Mas mabilis na siya kumilos e. Muntik pa siya magkaugat sa paa sa kaka-serve. Haha! Madalas spin serve ang gamit niya na hindi maibalik nina Charlotte. Inis na si Charlotte kasi ini-ismiran siya ni Mimah. Haha. Angsungit nitong pakner ko.
Turn ko nang magserve. Papahuli ba ako? E wala nga ako pangpusta kaya gagalingan ko rin.
"Patalo na Dana para may kiss! Haha!" Nagflying kiss si Charlotte. Naman feeling hindi pa ako naka-get over sa kanya. De kunwari tinira ko ng raketa yung flying kiss pabalik sa kanya. Haha.
Hindi ko pa siya natatalo sa kahit isang game kaya malakas ang loob niya. E may bago akong natutunang serve! Hihi. Inaral ko 'to sa mga pinapanood namin ni Mimah.
Pumito na si Coach RR. Flick Serve! Haha. Ayos! Nag-high five kami ni Mimah. Aba! Ilang practice ko 'yon ha. Ginaya ko lang kay Kevin Sanjaya 'yon.
Wala e. Natalo namin sila sa service! Hihi. Bumalik na sa may bench si Mimah. Hindi man lang nakipag-shake hands.
"Pa'no ba 'yan? Ten Kyaw?" pang-aasar ko kay Charlotte. "Cash to walang utang."
Nagbayad naman siya. Dadagukan ko 'to kapag hindi nagbayad. "Sungit ng ka-doubles mo ha."
"Focus lang sa laro. Ganyan lang 'yan."
---
Nagyaya ng lunch out si Mimah. Yung napanalunan namin sa pustahan pambabayad lang din namin. Hehe. At sa Dampa seafoods kami kakain! Buffet na naman!
Nasa labas pa si Mimah, may kausap pa siya e.
"Uy Dana, jowa mo?" tanong ni Charlotte. "May pasintas pa ng sapatos. Potek yan. Koreanovela? Nagpayong ka na rin sana para feels."
"Baliw. Hindi ko siya jowa. Ang malisyosa mo mag-isip."
Sinenyasan ko siyang tumahimik na dahil papalapit na sa amin si Mimah. Nag-aabot na naman ang kilay niya.
"Prob?"
Umiling siya. "Si Mama. Do you know JMR Hotel Dagupan? Puntahan nga natin. May reklamo sa ilang manager. God! Ako pa talaga ang papupuntahin."
"JMR Hotel?" sabad ni Rein. "Maraming issues ang mga manager dun. Ate ko nga nag-resign dahil namamahiya yung head nila. Mayroon pa yung issue na may hidden camera sa mga rooms. At balita ko may s****l harassment something pero takot silang magreklamo."
Napabuntong-hininga si Mimah. "Tell your sister to file a complaint. Kung may kasama pa siyang magko-complain better." Nahilot niya ang noo niya. "I'm too young for these problems."
Hindi niya naenjoy ang lunch niya. Panay ang tutok niya sa phone e. Only child problem ba ito?
Tinakpan ko ang screen ng phone niya. Napatingin siya sa akin. "What?"
"Kumain ka muna. Maso-solve din 'yan."
Tuluyan ko nang kinuha ang phone niya. Yan! Maglunch ka na muna. Mahirap mag-isip ng solusyon sa problema kung gutom 'no.
Lumabas ulit siya dahil mahina ang signal. Hay. Okay na ako simpleng buhay. Haha.
"Dati gusto ko ng girlfriend mayaman. Ngayon parang ayoko na." sabi ni Charlotte. "Stress..."
"Maging out ka muna bago mo isipin ang girlfriend." Kontra sa kanya ni Coach. "Hindi mo nga napangatawanan si Dana noon hahanap ka ulit ng girlfriend. Konting hiya naman."
"Panes!" sabay-sabay naming kantyaw sa kay Charlotte. Haha!
---
"Hindi umusad ang imbestigasyon o hindi niyo pinausad?!" sigaw niya sa staff ng hotel. "Who's behind all of these? Angdami na palang reklamong walang nakakarating sa amin? Talk!"
Pati ako nagitla sa kanya. Hindi makatingin ang matandang namamahala ng hotel guilty ka boss?
"Miss, wala pong katotohanan ang mga complains. Pinabulaanan na nila ang mga akusasyon nila. Pine-perahan lang nila ang company." Gregorio Serafico. Yan ang nakalagay nameplate ni Mr. Manager. "May mga supporting documents po para diyan."
"Call me Young Lady."
Shit! Namutla si Mr. Serafico. Grabe Mimah! Nakakatakot magalit naman talaga 'to.
Pinuntahan namin ang isang VIP room. May pinindot si Mimah sa phone niya at itinapat sa mga frames, salamin mga vase. Halla! Biglang tumunog ang phone niya sa tapat ng vase. Kinalikot niya konti ang mga bulaklak sa vase. May nakuha siyang maliit na device.
"Young Lady, hindi ko alam kung paano nagkaroon niyan diyan." Aligagang sabi ni Mr. Gregorio.
"You're supposed to secure the safety and privacy of clients Mr. Serafico. By the way, May mga complaints against you. s****l harassment? Don't tell me hindi rin 'yon totoo."
"Those are just rumors, Young Lady. Hindi ko kayang gawin ang binibintang nila."
Nilabas ni Mimah ang Phone niya. "Are you aware that there are other security cameras installed in each office? Bukod sa mga alam ninyo?"
Shit talaga yung pamamawis ni Mr. Seragfico. Napapadalas ang pagpunas niya sa noo niya.
"Better resign, Mr. Serafico para mapakinabangan pa ng pamilya mo ang benefits mo or go to trial and face the consequences."
Mabilis lang ang meeting niya sa staffs. Kapag empleyado ako ni Mimah nakakatakot magkamali. Parang ipapatapon ka niya sa South China Sea e. My God!
Pauwi na rin kami.
"I can't believe nag-attend ako ng meeting na ganito ang suot ko. f**k. Nakakahiya."
Ang Young Lady Jemimah kasi ay nakajogging pants at paborito niyang hoodie get up lang. haha! Bale hindi naman 'yan mapapalitan ang katotohanan na Siya si Jemimah Reyes. Ang masungit na kuting! Haha. Joke lang.
"May ibang cctv talaga sa office Mimah?"
Umiling siya. "Just a bluff. If ma-receive ng RGC ang resignation niya then guilty siya. If willing siyang mag-go sa trial then probably it's just a rumor."
"What it mag-resign siya dahil natakot siya sa'yo? Paano na lang?"
Bumuntong-hininga siya. "Then wala siyang paninidigan. Did you see his face kanina? Putlang-putla." Napaismid siya.
"Bakit pakiramdam ko gustong-gusto mo siyang makitang napapahiya. Mimah, hindi nakakatuwa ang ganyan."
"I just love to see people being slapped with the truth."
"Hindi mo pa nga alam kung totoo. Naku Mimah. Magconduct ka muna ng investigation."
"Bakit lagi mo akong kinokontra? Ano ba kita? Konsensya?"
"Hindi. Kaibigan mo ako at ayokong magdesisyon ka nang basta-basta. Lalo kabuhayan ng iba ang nakasalalay sa desisyon mo."
"Whatever."
---
Maagang natulog si Mimah. Ako naman nakatambay pa sa labas. Kape-kape muna habang pinapapak ng lamok. Haha!
"Ilipad ka ng lamok diyan. Oh pandesal para may itulak naman 'yang kape. May problema ba?"
"Si mama, nagmumuni-muni lang ako may problema na agad."
"Nagtatanong lang naman. Hindi kayo nagpapansinan ni Mimah. Baka kako may tampuhan kayo."
"Wala. Ah siguro nagtatampo. Napagsabihan ko kasi kanina." Kinwento ko kay Mama ang nangyari sa hotel. "Mali ba 'yong ginawa ko?"
"Tama naman. Saka kailangan ka ni Jemimah para paalalahanan siya paminsan-minsan nang hindi niya maulit ang mga pagkakamali nina JM noon. Napakamaiinitin ng ulo ng mga batang 'yon. Sabi ng Papa mo e napakahihirap bantayan daw nina JM noon. Maya't-maya napapaaway lalo sa Mint Bar."
Naalala ko 'yon nangyari sa bar. Haha. Mama! Naku! Ganun-ganun din si Mimah. Siguro kung pinagpala rin siya sa katangkaran makikisuntok rin e.
Nang pumasok ako sa kwarto, gising si Mimah. Nagse-cellphone siya.
"Work pa rin?"
"Oo. Pero tapos na. Na-reply ko na si Ate JM. Siya na maghandle sa problema. Buti naman. Nagugutom ako."
"Anong gusto? Tinapay? Kanin? Chichiria?"
"Spaghetti."
"Mimah! Hindi 24 hours ang fastfood dito..."
"Then magluto ka."
"Ganitong oras paglulutuin mo ako?" Hindi kapani-paniwala ang babaeng 'to! Anong akala naman niya sa akin very magaling sa pagluluto?
"Pagod na pagod pa man din ako. Stress na stress pa sa hotel. Shouldn't I get a treat naman?"
"Natulog ka lang naging baby ka na." Naalala ko may stock si Mama na mga instant. Sana mayroon yung spaghetti.
Buti na lang meron pa. Tatlo ang iluluto ko. Lagyan ng konting hotdog. Hay! Lumabas na siya ng kwarto. Cute. Naka-ponytail na naman sa tuktok ang buhok niya. Pati si mama nagulat nang makita siya.
"Angcute mo naman Jemimah. Ganyan na ganyan ang buhok mo nung maliit ka pa."
Hindi siya lumaki 'Ma. Haha! Shut up Dana. Pigilan ang sarili. Jusko si Mama! Inaya pang mag-videoke si Mimah! Mambubulahaw pa ng kapitbahay. Haha. Nakakaaliw silang dalawa. Marunong din pala sumayaw si Mimah e.
Si Mama hinila pa ako para sumayaw rin. Dancing Queen! Haha. Apakabagong sayaw naman! Naku! Yung niluluto ko! Takbo ako agad sa kusina.
"Mama! Mimah! Kain na. Tama na yang pambubulahaw sa kapitbahay. Baka ipa-brgy na tayo."
Kakasabi ko lang naman na tigil na. Can't Help Falling in Love naman pinatugtog ni Mama. Yung F4 version pa. Jusko kabisado niya yan kahit nakapikit!
Dala-dala pa niya ang Mic dito sa kusina. Bakit kasi wireless mic pa! haha. Dalawa pa! Kaya duet sila ni Mimah.
Ni bu guai you shi hui zuo guai
Dan ni bu huai zhi shi bu zhuang ke ai
Leng xia lai qi fen dou bei po huai
Suan ni li hai re dai dou bian han dai
Ni jiu shi tian shi bie huai yi
Huai pi qi zhi shi mei ren dong ni
Hao yun qi neng he ni yi qi
Coz I can't help falling in love with you
Kinanta ni Mimah ang line na yan. Angdaming alam na lenggwahe ni Mimah. Anaggaling! Halla si Mama binigay sa akin ang mic. Paano kasi rap version na! haha. Siyempre memorize ko din 'yan. Sa paulit-ulit ba naman kinakanta ni Mama.
Everytime I look u straight into your eyes
I can't explain this feeling it's blowing up my mind
The touch of your hands and the touch of your lips
Make the temperature so I know that this is it..
Hay! Hayaan na nga sila. Nakaakbay sa amin si Mama. Hindi na nga siya kumanta. Kami na lang ni Mimah ang nagtuloy. Anglayo ng Mimah na kasama namin sa kung paano siya sa Manila. Masasabi kong mas gusto ko yung ganito siya. Hindi bigla-bigla nagiging dragon. Turn ko na ulit. Humarap ako kay Mimah. Feeling concert na rin 'to!
I just can't stop it, I just can't help it
Falling in love with you, no matter what I do
You taking me to heaven with everything you do
So I'm falling in love with you and baby that's the truth...
Hao yun qi neng he ni yi qi
Coz I can't help falling in love with you..
"Anggaling ng mga babies ko talaga!" ginulo ni Mama ang mga buhok namin. Dapat e madalas-dalas ang uwi niyo dito para kantahan tayo lagi."
"Nakakahiya na sa kapitabahay..."
"Galing mo mag-rap Dana." Puri sa akin ni Mimah. "Marinig ka ni Mama ipapakanta sayo lahat ng rap na favorite niya."
Natawa si Mama. "Naku. Baka pag-recordin ka pa sa studio 'Nak. Huwag mong papakita kay Avria ang talent mo. Haha! Mas malala pa sa akin 'yon."
"Nakakabondinng niyo rin po si Mama?"
Tumango si Mama. "Hindi pa ganun kahigpit ang Brightside. Kaya nagkakaroon kami ng friendship ba. Magkasintahan pa lang kami ng Papa mo noon, Dana. Naku, anggaling kumanta ng Mama at Papa mo Jem kaya hindi nakakapagtaka na magaling ka ring kumanta."
Nagthrowback na si Mama. Mukhang kulang ang iniluto ko. haha.
"Alam mo bang laging reklamo ni Celeste ang kulit nina JM. Maliit na building pa lang ang academy noon. Magtatakbuhan yan sila sa corridor. Papaluin ang mga pinto. Diyos si Celeste naha-highblood."
"Sayang hindi ko na kayo naabutan po..."
Nangiti si Mama. "Nung pinagbuntis ko si Dana kasi maselan. Hindi ako pwedeng ma-stress kaya nagresign na rin ako. Pero hindi nawala ang communication namin ng mama mo."
"Just like me. Ilang beses nakunan si Mama."
"Kaya nga mahal na mahal ka ng mga magulang mo e. Nakiusap pa nga sa akin na kung pwede si Dana maging kaagapay mo sa pamamahala ng ilang negosyo niyo pag ready na siya. Diyos ko! Si Dana ko pa talaga ang gusto."
Napatingin ako kay Mama. "Po? Anong ibig sabihin nun 'Ma?"
"Gusto niya sa family nila ikaw makapagtrabaho. Nag-iisang anak nga kasi si Jemimah. Nag-iisang anak din daw kita kaya kayo na lang magtulungan." Sandaling nag-isip si Mama. "Ganun din sana si Gia pero nakapagdesisyon na siyang magpa-enlist sa Brigthside e."
"Kaya pala parang angbait sa'yo ni Mama."
"Ito 'nak sinasabi ko para hindi lumaki ang ulo mo ha? May tiwala sa'yo sina Avria kaya magbabait ka."
"Oo nga. Lagi mo akong ipagluluto dapat." Hirit pa ni Mimah. Aba! Nakahanap ng kakampi. "'Di ba po Tita? Dapat masasarap na pagkain lagi ang iluto niya."
Sus! Pa-baby! "Tuturuan kitang magluto. Yun kaya ang bilin ng mama mo. Matuto ka sa gawain bahay."
Haha! Sumimangot e. Hindi pa pala sila tapos kumanta. Anong oras na?! Late night na. Itong si Mama porke prens sila ni Kapitan hindi paawat.
"'Nak kantahin mo nga 'yong theme song namin ng papa mo."
"Hindi ko kabisado."
"Sus. Sige na. Pindutin ko na at kantahin mo."
Walang kamatayang F4 pa rin 'yan. Yung Yo Te Amo. Yung theme song sa Meteor Garden 2 na siyempre memorize na naman ni Mama ang bawat episode! Haha.
"I know that song!" sabi ni Mimah. De siya na ang kumanta. Grabe! Spanish version pa yung kinakanta niya. Baka pati lenggwahe ng demonyo alam din niya. Hahaha!
Naluluha si Mama. Hay. Okay Mimah pinasaya mo si Mama ngayon. Libre kita ng jollibee pagbalik ng Manila.
---
Pabalik na kami ng Manila. LSS si Mimah sa Yo Te Amo. Ito nga ang sounds namin mula kanina e.
"Angsaya ka-bonding ng Mama mo. Swerte mo rin sa kanya."
"Kaya nga ayoko magpa-enlist e. Ayoko siya laging mag-alala."
Sinasabayan na naman niya ang kanta. Angfluent din niya sa Spanish.
"Alam mo yung english translation ng song?"
Umiling ako. "Hindi ko pa naririnig. Kala ko chinese lang meron niyan..."
"It really doesn't have English version. Just translation. Angganda lang. kaya siguro gustong-gusto Tita."
Nagsimula ulit sa umpisa ang kanta. Siguro hanggang pagbalik ng Manila memorize ko na rin to.
In simple words, I miss you
In earthly language, you are my life
In total simplicity, the kindness is of your skin
The strength inside moves me to begin again
And in your body I find peace
Cute. Tina-translate niya ang lyrics.
If life permits me to be by your side
I have no doubt, my dreams will grow
If I were to lose my life in a second,
Let me be full of you
To live life after loving you.
Pero yung mga sumunod na lyrics naman spanish na. Sige na nga. Maganda naman ang boses niya e. Pagbigyan nang kumanta nang paulit-ulit.
May nagtext sa kanya. Pagkabasa nito ay kumunot na naman ang noo niya. May kasama pang bad words pero English. Bakit angganda pakinggan ng mura pag english? Gusto ko pa ipaulit sa kanya kaso baka masapok ako. Haha!
"HB ka na naman. Sinong Pontio Pilato ang sumira sa mood ng Jemimah namin?"
"It's just Ate Camille. Reminding me of the wedding. Itong Saturday na pala 'yon."
"Si Sherwin pa rin ang escort mo?"
Tumango siya. "Damn! I don't want to see him."
"E de palitan natin. Char lang! haha. Wag na HB iilang minuto lang 'yon."
Nilakasan ko ang music at sinabayan ko na rin ng kanta. Sabi na mamememorize ko na rin e! Wantawsan times ba namang repeat na sa playlist. Ang nangyari de kantahan na lang kami ng random songs na ipapatugtog niya. Music lang pala makakapagbago sa mood niya e. Buti na lang palaban din ako sa kantahan.
---